CHAPTER 9

UMUWI AKO nang mag-isa na bagsak ang mga balikat. Hindi ko alam kung bakit apektado ako sa mga nakita at narinig ko Yluj at Julene. Alam ko na may special nga sa turingan nilang dalawa… noon. Pero ngayon, ramdam ko iyong sakit na dinadala ni Yluj sa pagsigaw niya kay Julene. But Julene seems didn’t care at all.

“Baby, kakauwi mo pa lang?”

Naabutan ko si Mama sa salas, nanonood ng drama. Hindi ko siya sinagot, diretso lamang ang lakad paakyat ng hagdan. Wala talaga ako sa mood para makipag-usap. Ang gusto ko lang ay ang magpahinga na. Itulog kung anuman ang nararamdaman ko.

Baka dahil sa sobrang pagbibigay ko ng meaning sa mga ginawa ni Yluj, akala ko ay apektado na rin ako sa kung anong nararamdaman niya. Na hindi naman dapat dahil isa siyang seksing butiki—scratch that! What I mean is pesting butiki pala!

Dapat mainis ako sa kaniya kasi nang dahil sa kaniya, napahiya na naman ako. Kung hindi dahil sa kaniya, wala sana ako sa letcheng rehearsal na iyan. Hindi sana ako kasali sa pageant dahil hindi naman talaga ako nararapat na kasali roon.

“Kumain ka na ba?” tanong ni Mama na ngayon ay nakasunod na sa akin.

Huminto ako at bumuntong-hininga bago ko siya hinarap. “Wala po akong gana.”

“Si Papa mo, hindi pa rin naghahapunan. Sabay na kayo. Lumabas lang siya saglit dahil bumili ng ulam ninyo.”

Napapikit ako at malalim na huminga. Hindi ko gustong bastusin siya, pero ayoko ng pinipilit ako at paulit-ulit. Yes, mama knows that. Pero kasi, parang hindi niya maintindihan iyon.

“Hindi po ako gutom,” mariin kong sinabi saka siya tinalikuran.

She sighed. Hindi ko na nilingon dahil ayokong pahabain pa ang usapan at baka lalo ko lang siyang mabastos.

“Oh? Katherine, ginabi ka yata?”

Kalalabas lang ni Kuya Chris sa kuwarto niya. Wala siyang saplot pang-itaas at yakap-yakap si Chesa, ang itim naming pusa.

“Rehearsal,” tipid kong sagot habang pinipihit ko ang doorknob ng aking kuwarto.

“Rehearsal?”

“Para sa pageant.”

“Pageant?”

Inirapan ko siya. “Para sa school fest. Can I go now, Kuya? Pagod ako.”

Tipid siyang ngumiti at tumango. Inirapan ko na lang siya saka ako tuluyan nang pumasok sa loob ng silid.

Maaga akong pumasok kinabukasan. Gagawa kasi ako ng homework sa Science na kailangan ng book reference. I was about to enter the library when someone called me.

Kumunot ang noo kong hinanap kung sino man iyong tumawag. At nang walang makitang tao sa corridor, naiiling na lang akong pumasok sa loob.

“Kath!” Yiel called me.

But Mrs. Tanteco, the librarian, already hushed her.

Napangiti si Yiel at binigyan siya ng peace sign. Naiiling na lang akong lumapit sa mesa kung nasaan siya.

“Nabalitaan ko ‘yong nangyari kahapon sa practice ninyo,” bulong niya nang makaupo ako.

“Ha? Anong nangyari kahapon?” sabay lapag ko ng backpack ko sa tabi ng bag niya.

“Hindi mo alam? Kalat na kaya ‘yon sa school webpage.”

Kumibit-balikat ako dahil wala akong alam tungkol sa sinasabi niya. At saka, hindi pa ako nakapag-i-internet simula kahapon. Since, maaga akong nakatulog kagabi at kinalimutan kung ano man ang nakita sa may clinic.

Iniwan ko saglit si Yiel para hanapin ang Science book na kailangan ko para sa research. But I sighed when Yiel stalked me.

“About d’on sa pagbagsak mo raw. Actually, may video nga kasama ng post ni Cassandra.”

Natigilan ako. “Post? Video? Cassandra? Ano ba iyang pinagsasabi mo, Yiel.”

Umikot ang mga mata niya. Na para bang hirap siyang ipaliwanag ang tungkol sa binalita niya. “Hindi ko pa napapanood iyong video pero sabi raw ni Joan, pinag-uusapan na iyon at nakakainis raw iyong mga comment nila!”

Masama? Eh, bakit parang wala yata akong narinig sa mga estudyanteng nakasalubong ko kanina? Video? At ano bang video ang p-in-ost ni Cassandra?

Iyong tungkol kaya sa pagkatapilok ko kahapon? Pero wala naman doon si Cassandra, ah! Kaya paanong may video siyang ganoon?

Biglang uminit ang pakiramdam ko. Hinigit ko si Yiel palabas ng library matapos naming kuhanin ang mga bag namin. Gusto kong malaman kong anong video ba iyon. Haynaku! Kahihiyan na naman ba iyon, Katherine?

“Saan ba tayo pupunta, Kath?”

Dala ng lakas na pagkalabog ng puso, hindi ko kaagad nasagot si Yiel. I let out a heavy sighed. Tumigil ako sa paglakad ng nasa may banyo na kami ng kababaihan at saka ko lamang sinagot si Yiel.

“Anong oras ba p-in-ost ni Cassandra ang video?” I asked as I took my phone out of my bag.

“Gabi na raw. Nakita ko rin iyon pero hindi ko naman binuksan ‘yong video. Malay ko bang ikaw iyon.”

Binuksan ko ang phone ko at c-um-onnect sa school free wifi. Agad kong t-in-ype ang web address ng school webpages at agad bumungad sa akin ang pinakapinag-uusapan na post.

Cassandra Alvarez. 9:30 PM. Tuesday.

This is the Ambisyosang trying hard na palaka. Watch the video, everyone! It so funny!

➡ Click the video link to watch ⬅

15,000 views

Nanlalaki ang mga mata, lumakad ako para hanapin si Cassandra. It’s almost seven o’clock kaya siguradong nasa court na iyon. Ang alam ko tuwing umaga may practice ang cheering squad.

“Kath, maghunos-dili ka. Relax, okay? ‘Wag kang susugod nang basta-basta!” pigil ni Yiel.

Pero lumalabas na ang usok sa mga butas ng ilong ko dahil sa galit. Hindi ko makontrol ang sarili lalo pa nang mapanood ko ang video.

Base sa video, malapit sa akin ang kumuha. Kaya sigurado akong hindi si Cassandra ang may gawa noon. Sino kaya ang kasabwat niya sa candidates? Hindi ako makapaniwala na gagawin niya ang lahat para lang makakuha ng ikapapahiya ko.

“Ate Kath!” Julene called.

Bigla siyang sumulpot sa harap ko dahilan nang pagkakatigil. Malalim akong huminga at saka siya tipid na nginitian.

“Sorry, Julene… pero may hinahanap ako. Puwedeng mamaya na lang tayo mag-usap?”

Napangiwi siya. “Are you okay, Ate Kath? Galit ka ba? Namumula ‘yang mukha mo.”

“Mukha nga. Hindi mo ba nakikita, girl?” panunuya ni Yiel.

“Yiel,” pigil ko sa kaniya.

“Okay lang, Ate. Sanay naman na ako sa mga katulad niya.”

“Aba—!”

Pinigilan ko si Yiel dahil talagang sasaktan niya si Julene. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang inakto ni Yiel sa kaniya. Well, maybe dahil sa ginawa niya kahapon kay Yiel. Kung ako rin naman ay ma-o-offend. Tingnan lang ba naman iyong mga kamay mo. You’re just being friendly. At iyon pa ang ginawa.

But I understand Julene, though. Kahit ako ay hindi friendly na tao. Hindi rin ako mahilig makipagkamayan. Though, kung ako iyon… maybe I will just smile apologetically. Kaysa tingnan ang kamay ng taong nakikipagkilala sa iyo na para bang diring-diri ka.

“Pasensiya na, Julene pero kailangan na naming umalis—”

“Everyone! Look who’s here?”

Natigilan ako. Well, hindi ko na pala kailangang hanapin siya dahil siya na mismo iyong nagpakita sa akin.

Napatingin sa akin ang lahat. May mga mapanuyang ngisi sa labi. But, it doesn’t affect me. Sanay na kaya ako sa mga ganiyan. As if I care. Tss.

“The boring. The unstylish. The ambisiyosa!”

They laughed.

Pero ngumiti ako na para bang hindi ako naapektuhan sa mga tawanan nila. Nagsitaasan ang mga balahibo ko habang pinapanood siyang mamula sa pagtawa. My heart skipped a beat. At parang kumulo ang dugo ko para mag-init ang pakiramdam ko.

“Tapos ka na?” I asked after her laughter.

“Ako?” Tinuro niya ang kaniyang sarili sabay tingin sa mga alipores niya. “Hindi pa.”

And everyone laughed as Cassandra hits me with her signature hand bag.

“Aba! Sumusobra ka na, ah!”

Pinigilan ko si Yiel sa pagsugod kay Cassandra. Tinaasan kami ng kilay ng walang hiyang babae. Gusto ko siyang tirisin na parang isang kuto. Pero kapag pinatulan ko siya, kawawa ako.

I sighed.

“Ganiyan ka ba talaga ka-insecure sa akin, Cassandra?” I asked mockingly.

Nanlaki ang mga mata niya at umawang ang labi. “Me? Really, Miss Boring? Ako, insecure sa ‘yo? How come?” She laughed.

Everyone laughed.

“Tumigil ka na nga, Ate Cassy!”

“Hayaan mo siya, Julene,” pigil ko sa kaniya. “Dahil kung hindi ka insecure sa akin, Cassandra… bakit parang inuubos mo yata ang oras mo sa akin?”

“What do you mean?”

“Feeling mo naman,” komento ng isa sa mga alipores niya.

“Nasa sa iyo na ang lahat, Cassandra. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon, hindi mo pa rin ako tinitigilan.”

“Tinitigilan?!”

“Nakuha mo na si Justine, hindi ba? So, ano pa ang pinuputok ng botchi mo?”

Oo, alam kong nasa malayo si Justine. Pero alam kong gagawa siya ng paraan para kausapin itong si Cassandra. Hindi ko naman nabalitaan na naghiwalay sila matapos mangibang bansa si Justine. Wala rin akong narinig sa buong campus. Na hindi imposibleng kumalat dahil pareho silang sikat sa school.

“Ang ipinuputok ng botchi ko, eh, nang dahil sa ‘yo… Justine transferred! The worse is sa abroad pa siya lumipat!”

Inis siyang sinugod ako at akmang sasampalin pero may sumalo na sa kaniyang palad.

Umugong ang mga bulung-bulungan sa paligid. Kahit ako ay nagulat nang makita ang isang matangkad at payat na lalaki na sumalo sa sampal ni Cassandra.

“J-Juls?” nanginig ang boses ni Julene.

Agad niyang nilapitan si Yluj at sinuri ang banda ng pisngi na nasampal ni Cassandra. Namumula iyon.

“Get lost!” he yelled.

Takot, dali-daling nagsialisan sina Cassandra at ang mga alipores niya. Nilapitan ako nina Joan at Sophia na kasama ni Yluj na dumating.

“Are you okay, Kath?” Sophia asked worriedly.

Dahil sa sobrang pagkabigla sa ginawa ni Yluj, hindi ako nakasagot agad sa kaniya.

“Kath, okay ka lang?” sabay himas ni Joan sa braso ko.

Saka lamang ako nabalik sa wisyo at agad na tumango.

“Okay lang siya. Mabuti na lang, dumating kayo,” si Yiel. Bagama’t nag-aalala, nagulat din siya sa ginawa ni Yluj.

“Alright, guys! Tapos na ang shooting kaya umalis na kayo at magsipasukan na!”

Pinaalis na ni Joan ang mga usisero’t usisera. Agad naman silang nagsialisan. Although, nagsipagbulung-bulungan pa rin habang naglalakad paalis. Pakshet, Katherine! Hilingin mo sana na hindi ito makarating sa teachers dahil kung hindi, tiyak ay guidance ang uwi mo nito. Tsk!

Lalapit sana ako kay Yluj para magpasalamat pero natigilan ako nang makita si Mark na nakasandal sa isa sa mga posteng bilog ng corridor.

“Wala akong ginawa, Juls!”

“Wala nga ba?”

Dahil sa lamig ng boses ni Yluj nang sabihin iyon, naagaw niya ang pansin ko. Sinulyapan ko si Mark. Umiling siya at lumakad na palayo. Napakurap ako lalo na noong mapansin ko ang pagkadismaya sa mukha niya. Bakit kaya?

“W-wala nga! Bakit ba hindi mo ako magawang paniwalaan?”

Napatingin muli ako sa kanilang dalawa. Nakita ko ang namumula nang mga mata ni Julene at parang ilang saglit na lang ay iiyak na siya.

“Yluj,” I called.

Pero agad na akong pinigilan ni Sophia at hinila paalis sa lugar na iyon.

“Sophia, sina Yluj at Julene—”

She shook her head and then smiled sweetly. “Just let them. Magiging okay rin ang lahat, Kath. Just wait.”

“Ha?”

Naguluhan ako sa sinabi niya kaya napatigil ako sa paglalakad at napabaling sa kinaroroonan nina Yluj at Julene pero wala na sila roon. Nasaan na sila?

“Halika na, Kath! Magta-time na!” Natatawang inakbayan ako ni Yiel saka hinigit na para lumakad.

Wala akong ibang nagawa kundi ang magpahatak sa kaniya.

“Dapat mag-practice ka nang lumakad, Kath. Pero magaling ka namang maglakad with high-heels, huh? Kaya bakit ka natapilok kahapon?”

Napatingin ako kay Joan saka nagkibit-balikat.

“Praktisin kaya natin itong si Kath? Ano sa tingin ninyo?”

“’Wag na! Ano ka ba, Yiel! Hindi naman ako mananalo kaya bakit tayo mag-aaksaya ng oras?”

Sophia rolled her eyes. “It’s not a waste of time, Kath. We are very sure that you and Couz will win that competition.”

Napangiwi ako. “Eh, ang dami kayang magagandang kasali. Kung si Yluj… oo, mananalo siya. Guwapo siya, eh!”

“And you are beautiful, too! Kaya mananalo ka sa pageant na iyon, Kath!” Sophia smirked.

Bumuntong-hininga ako at naiiling na lang.

“So… paano? This Saturday at my house?”
















Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top