CHAPTER 8

“OO NAMAN. Maupo ka,” sabi ko.

Naupo si Julene sa tabi ni Yluj at napansin ko agad ang biglang pagtamlay ng aking katabi. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kanilang dalawa, pero pakiramdam ko ay magkakilala sila at itong seksing palakang ito ay in denial lang.

Biglang um-awkward ang mesa namin. Mabuti na lang ay tumayo si Yiel at natatawang naglahad ng kamay sa kay Julene kaya naagaw niya ang buong pansin naming lahat.

“Hi! I’m Yiel. Ikaw? Anong pangalan mo?”

Tiningnan lang ni Julene ang kamay ni Yiel, na parang tulad ng ginawa kahapon ni Yluj sa kaniya. Nagtagal iyon kaya tumikhim ako at ipinakilala na lang siya.

“By the way, siya si Julene. Julene Reyes ng Grade Seven, Amethyst.” Ngumiti ako sabay sulyap sa bagong kakilala na may pilit na ngisi sa labi. “Representative siya ng lower year sa darating na pageant.”

“Ah,” si Joan sabay tango at simsim sa orange juice niya. “Grade seven siya? Bakit parang kaedad niyo lang, Kath?”

Nahihiyang humalakhak si Julene. “Eh kasi, Ate, repeater po ako. Makailang beses na. Actually, classmate kami dati ni Juls noong Grade 4.”

Nangingiwing bumalik sa pagkakaupo si Yiel habang pinapagpagan ang mga palad, na para bang marumi ang mga iyon dahilan ng hindi pagtanggap ni Julene.

“Juls?” tanong naman ni Sophia.

Julene nodded as her eyes glanced at Yluj. “Si Yluj po.”

Kumunot ang noo ni Sophia. She nodded. Hindi na rin naman siya nagsalita matapos tapunan niya ng tingin si Yluj na walang imik.

Lumipas ang ilang minuto at kinain ng katahimikan kaming lahat, naapawan ng ingay mula sa ibang mesa.

Bumuntong-hininga ako saka isa-isa silang tiningnan. Hindi ko alam kung bakit natahimik silang lahat. Kanina naman ay maiingay sila at nangungulit. Pero nang dumating si Julene, parang natameme sila at nabusalan ang mga bibig. May hindi ba ako alam?

Nakangiti akong bumaling kay Sophia na nilalantakan ang sandwich niya. Pero nang magtama ang mga mata namin, nag-iwas siya at sa labas na lang ng Cafeteria tumingin. Napakurap ako. Oo, sanay ako sa katahimikan at ayaw ng ingay, pero ngayon ay nasasakal ako. I didn’t know why?

I cleared my throat. “Ah, Julene---”

Natigilan ako sa pagtayo ni Yluj.

Napatingin kaming lahat sa kaniya.

Pairap niya akong tiningnan at bumuntong-hininga. “I need to go,” he said coldly. “Mauna na ako. I will wait you at the classroom, Imouto.”

Napalunok ako at natigilan dahil sa lamig nang pagkakasabi niya noon, malayo sa makulit niyang boses. Napatango ako at napatingin kay Sophia na may multo ng ngiti sa labi. Even Joan and Yiel… palihim din silang ngumiti.

“Ah. A-Aalis na rin ako.” Tumayo na rin si Julene.

Bigla akong nagtaka nang makita ang namumula niyang mga mata. Naiiyak ba siya?

“Really? Eh, how about your foods?” nakangiting tanong ni Sophia, halos manuya.

Ngumiti si Julene, pero hindi umabot iyon sa kaniyang mga mata. Napatingin siya kay Yluj nang biglang tinalikuran kami at umalis nang walang sabi-sabi.

“I-I need to go! Ate Kath, kita-kits na lang sa rehearsal mamaya.”

Nagmamadaling umalis si Julene at sumunod sa kay Yluj. Napabuntong-hininga ako nang ma-realize kung anong mayroon sa kanilang dalawa. Hindi kaya… mag-ex iyong dalawang iyon? At itong si Yluj ay nasaktan niya kaya galit ito sa kaniya?

Bigla kong naalala iyong sinabi ni Julene kahapon nang itanggi siya ni Yluj. Bigla raw nag-transfer si Yluj sa Japan at umalis nang walang paalam kay Julene? Hindi kaya, mag-shota sila noon? At itong si Julene ay nagloko?

Pero Grade Four lang sila noon noong nag-transfer si Yluj. Ano iyon? Bata pa lang ay naglalandi na silang dalawa? Hays. Nakakadiri naman kung ganoon nga.

Hindi na namin tinapos pa ang pagkain. Nagsitayuan na kaming apat at napagdesisyunan na bumalik nang kaniya-kaniyang room kahit hindi pa naman time.

Gusto ko sanang tanungin si Sophia kung anong relasyon talaga ni Julene kay Yluj, hindi ko na nagawa. Ano na lang ang sasabihin niya? Na tsismosa ako?

Pero malakas talaga ang pakiramdam ko na may something sa dalawa iyon. Hindi lang simpleng magkakilala. Parang may pinaghuhugutan itong butiking iyon kaya ganoon na lang niya itanggi itong si Julene.

Dumating ang hapon, uwian na. Well, iyong ibang mga kaklase lang namin at kami ni Yluj ay magkasamang naglalakad papuntang Gymnasium. Tahimik siya at hindi ako sanay sa katahimikan niya!

Gusto kong magtanong pero sa tuwing sinusubukan, bigla ko namang naaalala iyong lamig sa mga mata at boses niya. Nakakatakot!

Yluj sighed. Tumigil siya kaya bigla rin akong napahinto at napatingin sa kaniya.

“M-May problema ba?” tanong ko.

He looked at me wearily and heaved a sigh. “Moshi watashi ga anata ni iu to shitara? Imouto, makarimasen ka?”

Kumunot ang noo ko at lumunok. Nosebleed! Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin pero ramdam ko kung gaano kalungkot iyong boses niya. At hindi ko rin alam kung bakit naaapektuhan ako!

“Anong sinabi mo?”

Ngumiti siya. Pero tulad ng kay Julene kanina, hindi rin iyon umabot sa kaniyang mga mata. “Wala. Tara na.”

Hinigit ni Yluj ang kamay ko. At biglang kumalubog nang husto ang puso ko nang lamunin ng maiinit niyang palad ang kamay ko. Wait. Hindi kaya…

Naku! Huwag naman sana! Hindi naman yata ako malandi, ano?

Sakto lang ang dating namin sa Gymnasium. Pasimula na ang rehearsal. Medyo nagkaroon lang ng kaunting orientation si Madam Ashneka, iyong bading na magiging stage director na rin ng pageant.

Simula kahapon, napansin ko na iyong pasulyap-sulyap niya sa akin. Nang ngitian ko siya, bigla pa naman ako inirapan. Hindi kaya… naramdaman din niya iyong lihim ko? Siguro nga, dahil kung may screening lang ito ay hindi ako makakapasok sa pageant. Tulad ng mga nasalihan ko dati. Dahil alam kong nahahalata rin niya.

“So dahil narito na itey na mag-jowabels, let’s gora na!” Pumalakpak siya at nagsimula nang magmando.

Ako? Este kami pala? Eh, natigilan dahil sa sinabi niya. Napatingin sa amin ang lahat at may mga panunuksong ngiti sa labi. Dumaan sa harap namin si Julene, titig na titig siya sa amin, namumula ang mga mata niya. Pairap niya kaming nilagpasan at doon ko lamang napagtanto kung bakit?

Pakshet!

Magkahawak-kamay kami ni Yluj!

Tsk!

“Gomenasai!”

Agad akong bumitiw sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Agad akong pinag-initan ng mga pisngi nang makitang kahit si Yluj ay namumula ang mukha. Pakshet! What is happening to me?

“Oh? The two of you? Anong hinihintay ninyo pa riyan? Mga langgam?”

Gulat at nahihiya, kumaripas na akong pumila sa kababaihan at ganoon din si Yluj sa kabilang grupo. I know it’s wrong to label what I am feeling for him right now. At hindi rin ako sigurado. Ilang weeks pa lang naman kaming hiwalay ni Justine. Sobra kong minahal si Justine kaya imposible kaya itong nararamdaman ko?

Nagsimula ang practice namin para sa production number. At sobra akong nahiya dahil ni hindi man lang ako makasabay sa kanila.

Kuha na nilang lahat iyong steps at pagkakasunud-sunod ng blockings. At ako? Ito, naghahabol sa kanila at hindi alam kung saan ako pu-puwesto.

“Aray!” Bigla akong natapilok at bumagsak sa sahig. Hindi man kasing tangkad nila ang takong na gamit ko, hirap pa rin ako sa paglalakad lalo na noong mabilis na ang ritmo ng tugtog.

“Jusmiyo, Garcia! Akala ko pa naman, ikaw ang mag-i-standout sa kanila!” sigaw ni Madam Ashneka.

Natigilan ang lahat at palihim na nagsipaghalakhakan. Hindi ako iyakin pero ramdam ko na ang pag-iinit ng mga mata ko.

“Okay, everyone! From the start!”

Sinubukan kong tumayo pero biglang dumaloy ang kuryente sa binti ko. Napaupo ako ulit. This time, taas-kilay na akong tiningnan ni Madam Ashneka, may panunuya sa kaniyang makulay na mga mata.

“’Di mo na keri, gurl?”

Tumango ako. “Medyo masakit---”

Humalukipkip siya. Hindi ko na natapos ang sasabihin nang pairap niya akong tinalikuran.

“Ambisiyosa kasi,” she mumbled.

Hindi man narinig nang lahat, umabot naman iyon sa mga tainga ko. Alam niya nga.

“Okay, everyone! Break time muna tayes!”

Tumulo ang mga luha ko. Sinubukan ko mang pigilan pero awang-awa ako sa sarili ko dahil sa sinabi niyang iyon.

Oo nga naman, ano bang ginagawa ko rito? Ilang beses na ba akong nasabihan na “ambisiyosa” ako? Pero heto at panay pa rin ang pagsali ko sa mga pageant. Hindi ko man gusto pero heto ako, nakikisawsaw pa rin sa lugar kung saan hindi ako nabibilang.

I tried to stand up but I can’t. Mas lalo lang kumikirot ang binti ko.

“Are you okay, Imouto? Gusto mong dalhin kita sa clinic?” Yluj asked worriedly.

Bigla niya akong binuhat. Napaimpit ako at pinag-iinitan ng mga pisnging napatingin sa lahat. Their eyes were on us. Kaya mas lalo akong sumiksik sa dibdib ni Yluj para itago ang mukha, panigurado ay namumula na.

Dinala nga ako ni Yluj sa clinic. Pasalamat na lang ako na naroon pa ang residence nurse dahil kung hindi, tuluyan na akong ngumawa dahil sa sobrang sakit.

Hot and cold compress lang ang pinagawa ng nurse. Gusto niya sanang siya na mismo ang maglapat sa binti ko ng ice pack pero pinilit ni Yluj na siya na.

I didn’t know why, but my heart fluttered at what he did. Iyong rahan ng pagkakayapos niya sa binti ko. Na parang babasagin ako at kailangang ingatan.

Iyon ang unang beses kong makaramdam nang ganoon. Well, iyon lang naman din kasi iyong unang pagkakataon na may nag-alaga sa akin. At nagkataon pang si Yluj iyon.

Masaya ako pero nalungkot din agad. Lalo na noong maisip na… kailan man ay hindi ko naramdaman ang pag-aalalang pinaramdam sa akin ni Yluj kina mama at papa. Yes, they said that they cared for me. Pero hindi ko iyon naramdaman lalo pa noong pinakialaman nila kung ano ba dapat ako.

Kahit pa sabihin ng doktor na dapat ito ako, sana man lang ay hinintay nilang magkaroon ako ng sariling isip at magdesisyon para sa sarili, hindi ba?

But they took advantage my innocence that time. Oo, bata pa lang naman ako noon pero deserve ko rin naman yatang mamili kung anong gusto ko, hindi ba?

“Yluj?”

Maayos na ang pakiramdam ko. Iniwan ako ni Yluj sa clinic dahil bibili raw siya ng snacks para sa amin. At saka ipapaalam niya rin daw kay Madam Ashneka na hindi kami makakapag-practice sa araw na iyon dahil nga sa sinapit ko.

Pero ilang minuto na ang lumipas, hindi pa rin nakakabalik si Yluj. May narinig akong mga kaluskos sa labas kaya baka siya na iyon. Pero bakit hindi pa rin siya pumapasok?

“Okay na ba ang pakiramdam mo, Miss Garcia?” the nurse asked.

“Opo, Ate,” sabay galaw ko sa binti kong may bandage sa harap niya.

She smiled. “So paano? Maiwan ko na kayo rito? Uuwi na kasi ako at baka wala na akong masakyan pa.”

“S-Sige po,” sabi ko kahit nagdadalawang-isip ako lalo pa’t wala pa si Yluj.

“Eh, iyong boyfriend mo? Nasaan na?”

“Hindi ko po siya boyfriend!” agap ko.

She giggled. “Naku! Secret relationship ba? ‘Wag kang mag-alala. Pinagdaanan ko rin ang stage na iyan,” sabay sundot niya sa tagiliran ko.

Bagama’t nakiliti, nagawa ko pa ring ngumiwi dahil sa sinabi niya. “H-Hindi ko po talaga siya boyfriend, Ate!”

Umirap siya at tinampal nang bahagya ang balikat ko. “Oo na! Pero maiwan na kita rito, ha? ‘Pag dating ng boyfriend mo---ay este---ng kaibigan mo pala, isarado ninyo nang maayos itong clinic ha?”

Tumango ako at kinuha ang inabot niyang mga susi.

Umalis ang nurse na may panunukso sa kaniyang mga mata. Bumuntong-hininga ako nang lumipas pa ang ilang minuto, wala pa rin si Yluj. Pero may mga naririnig akong mahihinang boses sa kung saan. Siya kaya iyon?

Bumangon ako at napagdesisyunan na hanapin ang pinanggagalingan ng mga boses. Baka siya na iyon. Kailangan ko nang umuwi lalo pa dahil madilim na sa labas.

Wala man akong curfew, pero hindi ibig sabihin noon ay uuwi na ako ng gabing-gabi na. My family knows na hindi ako gala. Kaya magtataka ang mga iyon na gabing-gabi na ay wala pa ako sa bahay.

May nakita akong dalawang silhouette ng tao nang makalabas ng clinic. Hindi kalayuan iyon kaya agad kong natanaw. So, nilapitan ko sila dahil base sa tangkad at pagkapayat ng lalaking nakatalikod sa akin… I know he is Yluj. Sino ba naman sa SAVS ang may ganoong katawan? Wala.

Pero natigilan ako nang mamukhaan ko ang babaeng kaharap niya. Kumunot ang noo ko lalo pa nang mapagtanto na parang nag-aaway silang dalawa.

“Tell me… w-why are you doing this to me, huh?”

“Anata wa watashi o kizutsukemashita. Sorede anata wa nani o kitai shimasu ka? Kantan ni ukeiremasu ka? Masaka!”

“P-Please? Ibalik natin iyong dati. Mahal mo naman ako, ‘di ba? I still love you, Juls.”

Tumalikod ako. Hindi ko alam kung bakit parang sinasaksak yata ng maraming kutsilyo ang puso ko. Without knowing, my tears fell down my cheeks.

























Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top