CHAPTER 7
HINDI KO alam kung anong ginagawa ko sa lugar na ito. I know I don’t deserve to be here. Pero kasi, pag-attendance is a must ay dapat naroon ka. Dahil kung hindi, absent ka sa lahat ng subject sa buong araw na iyon kahit pumasok ka pa.
“Are you okay, Imouto?”
Umikot ang mga mata kong napasulyap kay Yluj. Ayun na naman iyong alien niyang endearment. Ilang beses ko na bang sinabi na itigil na niya ang pagtawag sa akin ng ganoon? Tss!
Nasa isang gilid kami ng stage, malayo sa iba pang kasali sa pageant. Ngayon pa lang ay nakikinita ko na kung anong magiging resulta. And to be honest, ako lang iyong hindi karapat-dapat na mapasali roon.
Kumbaga, unang tingin pa lang sa mga kalahok ay ako iyong kulilat. Nasa huli at walang kakayahang humabol sa ibang candidates. Iyon ako.
“Kinakabahan ka ba, Imouto?”
This time, napapikit na talaga ako nang mariin at huminga nang malalim. Ayoko sanang magpadala ulit sa galit para sa lalaking ito at baka makagawa na naman ako ng eksena, kaso ang daldal niya.
Ano ba naman iyong manahimik siya riyan? Ako? Nananahimik ako. Kinakabahan pero wala iyon sa akin. Sanay na ako. Ilang screening na ba ng pageant ang nasalihan ko? Hindi ko na mabilang. At lahat ng iyon ay hindi ako nakuha.
Hindi ko nga rin alam kay Ma’am Rivera kung bakit ako pa? Haler. Ang dami kayang magaganda sa section namin. Iyon nga lang, medyo ako iyong matangkad sa lahat. Pero hindi iyon sapat na rason para piliin ako!
“Hoy. Natutulog ka ba, Imouto?” sabay sundot niya sa tagiliran ko.
Sa inis ko, pinandilatan ko na siya. “Hindi ka ba nakakaintindi? Ayokong kausap ka. Kaya kung puwede? Manahimik ka na lang diyan?”
Napakurap siya. “Galit ka ba, Imouto? Nagtatanong lang, eh. Kasi ako… k-kinakabahan.”
“Kasalanan mo ‘yan. Sino ba naman kasi ang may kasalanan kung bakit tayo narito, ‘di ba?”
Biglang iniwas ko ang mga tingin ko sa kaniya nang magtagal ang titig ko sa singkit niyang mga mata. Medyo may kung anong kiliti ang nabuhay sa loob ko sa pagkislap ng mga matang iyon.
“S-Saka… hindi ka dapat kinakabahan. Guwapo ka, matangkad. For sure, mananalo ka sa pageant.”
Natameme siya’t pinanliitan ako ng mga mata. Nahagip din ng paningin ko ang paglaro niya sa daliri ng kaniyang dalawang kamay. Tinawag siya ng kapuwa contestant pero parang hindi niya narinig at titig na titig lang sa akin.
“Hoy!” Tinampal ko na. “Tinatawag ka nila, oh!”
Napakurap siya saka saglit na sinulyapan ang grupo ng kalalakihan na tumawag sa kaniya. Umiling siya saka ulit ako binalingan. “Totoo ba iyong narinig ko, Imouto?”
Umikot ang mga mata ko. “Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo na ‘wag mo akong tawagin ng ganiyan? Saka anong ibig sabihin ba ng salitang iyan? Baka minumura mo na ako, ha?”
Humalakhak siya. “You’re funny, Imouto. Japanese word ‘yon, ibig sabihin---”
“Juls?”
Isang magandang babae ang sumulpot sa harap namin. Kumunot ang noo ni Yluj na bumaling sa kaniya na para bang minumukhaan niya iyong babae.
Napairap ako’t humalukipkip kasabay ng pagpapakawala ng mahinang buntonghininga. Mukha pang magkakaroon sila ng maliit na reunion, ha? Tss!
“Eh… Hi!” Napakamot sa batok si Yluj, halatang hindi alam kung anong ire-react sa babae.
“Ang tagal kitang hindi nakita, Juls! Nakauwi ka na pala mula sa Japan?”
“Ah… oo, eh.” Tumikhim si Yluj kaya napatingin ako sa kanila. “Sorry but… d-do I know you? No offense meant. Pero hindi kita maalala.”
This time, ako naman iyong napakunot ng noo. Is it true? Hindi niya kilala itong babae?
Nanlaki man ang mga mata ng babae pero agad naman siyang nakabawi at tumawa. “Are you kidding me, Juls?”
Muntik na akong matawa nang bigong umiling si Yluj na ikinabagsak ng panga ng babae. Arajusko! Feeling close ba ang isang ito?
“Ahm… w-well… ako si Julene. Magkaklase tayo n’ong Grade four. Bago ka lumipat sa Japan,” sabay lahad niya ng kaniyang mga kamay, medyo naiilang.
Palihim akong natawa nang titigan lang iyong kamay niya ni Yluj. Natigilan lang ako nang bumaling sa akin si Julene. I bit my lips para pigilan ang pagtawa.
“Ate Kath?” gulat niyang sinabi na tila ngayon lang niya ako napansin.
Nagitla ako nang bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Putcha! Sino ba siya?
“I know you, Ate!”
“H-huh?”
Tumikhim si Yluj. “May dapat yata kayong pag-uusapan. I think… I should go.”
Nginitian siya ni Julene at ako, lutang, hindi alam kung anong ire-react.
“Don’t worry, Ate. Naipaghiganti na kita kay Justine,” sabi niya nang nakalayo na si Yluj at nakisalamuha sa mga kalalakihan na tumawag sa kaniya kanina.
Nanlalaki ang mga mata, napatitig ako kay Julene. May ngiti sa labing humarap siya sa akin. Kilala niya si Justine? Sabagay, kilala sa buong SAVS ang mga Monteberde, hindi lang si Justine kundi pati na rin sina Kuya Cusp at Kuya Kiel. Pero ang tanong, bakit parang alam niya ang rason ng paghihiwalay namin ni Justine?
Oo, kumalat naman talaga iyong tungkol sa paghihiwalayan namin sa buong campus at school online sites. Pero kasi… parang alam niya kung anong pinakaugat ng paglayo sa akin ni Justine.
Napalunok ako’t nag-iwas ng tingin sa kaniya. “A-ano… Ano bang pinagsasabi mo?”
“Ano ka ba, Ate! Alam ko kaya kung bakit nagawa kang lokohin ni Justine,” buong kompiyansa niyang sinabi.
Natigilan ako. Hindi kaya sinabi ni Justine ang lahat sa kaniya? Parang nilisanan ako ng sariling kaluluwang napatingin sa babaeng ito. Hindi… Hindi niya alam ang tungkol doon. Walang sinabi sa kaniya si Justine. Wala.
“Actually, idol kita, Ate. Lagi akong nakatanaw sa ‘yo sa malayo,” sabay tingin niya sa grupo kung nasaan si Yluj. “Kung paano kasimple ka manamit, gumalaw. Kung gaano ka kalakas na kahit pinagbubulung-bulungan ka ng lahat… wala lang sa ‘yo.”
Napatingin siya sa akin at ngumiti. Napaiwas ako ng tingin at nagtaka kung bakit parang kilala niya yata ako? Hindi lang sa kung ano ako sa eskwelahan parang pati na rin ang buong pagkatao ko.
Lumalakas ang pagkalabog ng dibdib ko sa tuwing bumubukas ang mga bibig niya. Na sa bawat salita niyang binibitiwan tungkol sa akin… parang alam niya kung sino ako at kung ano ako… parang alam niya ang sikreto kong matagal nang itinatago.
“Kung gaano kalamig ‘yang mga mata mo sa t’wing tumitingin ka sa ibang tao. Sobra akong humahanga sa ‘yo---”
“Sino ka?” I cut her out. Hindi ko na napigilan pa ang sarili na magtanong lalo na dahil parang ang dami niyang alam tungkol sa akin.
Sa pagkakaalala ko, ni minsan ay hindi ko pa siya nakita kahit saang parte man ng buong campus. Alam ko na nasa lower year siya pero nakapagtataka na parang kilalang-kilala niya ako. Despite that I am not famous here at SAVS.
Hindi ko rin maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko para sa kaniya. Na sa tuwing magtatagpo ang mga mata namin, nababasa kong parang may tinatago pa siya maliban sa mga sinabi niya.
She chuckled. “Oo nga pala. Hindi pa pala ako nagpapakilala sa ‘yo nang maayos.” Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko. “I am Julene Reyes, grade seven, Amethyst.”
Nagdadalawang-isip ako kung tatanggapin ko ba iyong kamay niya o hindi. Pero sa huli ay tinanggap ko. I will be rude if I won’t accept it.
Ngumiti ako at nakipagkamayan sa kaniya. “Hmm. Ako naman si---”
“Katherine Azuretha Garcia, fourteen years old. Grade 11. Pieces. Born on March 18 at Bambang, Taguig.” She smiled sweetly.
Napalunok ako’t napakurap. My heart skipped a beat. Hindi makapaniwala na marinig mula sa kaniya ang mga impormasyon na iyon tungkol sa akin na iilan lang kaming nakakaalam.
“Paano mo nalaman?”
Ngumiti siya na para bang matakot na ako para sa mga nalalaman niya. “I… I---”
“Everyone! Come over here! Magsisimula na tayo!”
Hindi na nasagot pa ni Julene ang tanong nang biglang umakyat na sa stage ang bading na magre-rehearse sa amin para sa pageant na iyon.
Julene smiled at me intriguingly as she turned and left me. Tulala, tuluyan nang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan.
Sino nga ba siya?
“Tulala kat, Kath? Hindi ka ba nakatulog kagabi?” tanong ni Mariel nang mag-break time kami kinabukasan.
Well, kanina pa ako lutang. Ni wala nga ako sa sariling nakinig sa mga teacher kanina. At ni isang lesson, walang pumasok sa kukute ko. Hanggang ngayon kasi, iniisip ko pa rin iyong mga nalalaman tungkol sa akin ni Julene.
Kahapon, gusto ko siyang kumpruntahin kung paano niya ba iyon nalaman at kung sino nga ba talaga siya. Pero matapos ang rehearsal ay nakihalo na siya sa iba pang candidates at hindi na ako napagbigyan pa ng chance na makausap siya.
Napansin iyon ni Yluj pero nirespeto niya ang pananahimik ko. Well, dapat lang dahil baka sa kaniya ko lang maibuntong ang kuryusidad ko.
“Yeah, right! Parang Panda na iyang mga mata ni Kath, oh. Ang lalaki ng eyebag!”
Inirapan ko si Joan at pinaglaruan ang straw ng orange juice sa baso.
“’Wag ninyo ngang asarin si Katherine! Ang aga-aga pa,” natatawang sabi ni Sophia.
Bumuntong-hininga ako. Hays. Mabuti pa itong si Sophia ay nakakaintindi kahit papaano.
“Hi, girls! Can I seat?”
Isang pamilyar na boses ng lalaki ang nagsabi noon sa may likuran ko. Napairap ako at napapikit nang mariin nang tumabi na siya sa akin kahit hindi pa siya binibigyan ng pahintulot.
“Iniwan mo ako, Imouto,” bulong niya sa akin matapos ilapag ang tray ng pagkain niya sa mesa. “Ang bad mo!”
Umugong ang mapanuksong tawanan sa mesa namin kaya inis akong nagmulat ng mga mata at napasulyap sa ibang mesa. Nakatingin na sa amin ang lahat. Pakshet! Kahihiyan na naman ito, Katherine! Psh!
“Did I hear it right, Couz?” Sophia interrogated.
“Hai!”
“Naku-naku! Hindi namin alam, may baby ka na pala, Couz, ha?”
Kumunot ang noo ko nang marinig ang sinabi niya. “Anong sinabi mo? Baby?”
“Yeah,” Sophia answered with an intriguing smile on her lips.
“Iyon ba iyong meaning ng Imouto?” tanong ko sabay inis na tiningnan si Yluj.
Napaiwas siya ng tingin sa akin at nagkamot ng ulo na parang guilty na guilty.
“Oo. Hindi ba sinabi sa ‘yo ni Yluj?”
Umiling ako, na sa kay Yluj pa rin nakapukol ang masamang tingin.
“Well, Imouto means baby. And I will guess… Otouto ang tawag mo sa kaniya?”
Nagsitilian naman agad sina Yiel at Joan nang marinig iyon. Sinamaan ko sila nang tingin at inis na tumayo.
“Hindi. Butiki! Butiki iyong tawag ko sa kaniya!” sigaw ko, walang pakialam kahit pa nasa akin na ang buong atensyon ng lahat.
Walang hiya. Iyon pala iyong meaning ng Imouto na iyon! Nakakahiya! Ilang tao na ba ang nakarinig noon sa tuwing iyon ang tinatawag sa akin ni Yluj? So by now, alam na nila kung anong ibig sabihin niyon? Gosh! Ano na lang ang sasabihin nila? Na malandi ako? Wala pa ngang three months, eh, may kapalit na agad si Justine? Tsk!
“Umupo ka nga, Kath! Nakakahiya. Pinagtitinginan ka na!”
Mariin kong tinitigan si Yiel na ikinaiwas niya ng tingin sa akin.
“Come on, Kath! Have a seat. Tutal bagay naman kayo ni Yluj, oh.” Joan laughed. “Saka isa pa… you’re single and I assume that Yluj is still single too, right?”
“Yes, of course! Yluj is single. Si Kath lang pala iyong hinihintay.”
Yluj giggled. At naiinis ako na hindi niya man lang itanggi ang mga sinabi. Inis akong napaupo muli at napahalukipkip.
“As if I care, right?” sabay ikot ng mga mata ko.
“Ouch!” si Yluj. Napahawak pa siya sa kaniyang dibdib na tila sumakit ang puso niya.
“Naku! ‘Wag nang maarte, Kath! Saka isa pa, bagay na bagay kayong dalawa.” Tumayo si Yiel. “Guys, bagay silang dalawa, hindi ba?” Yiel screamed to ask everyone and pointed me and Yluj.
This time, hiniling kong lamunin na lang ako ng lupa dahil sa kahihiyan. Everyone agreed. At sobrang nakakahiya na ngayon ay marami nang may alam ng kabaliwan na ito. Tss.
“Oh, di ba? Agree silang lahat.”
“Yeah!”
Nag-apir sina Yiel at Joan nang makaupo na ulit siya. Inis na naiiling na lang ako sa kabaliwan ng mga kaibigan ko.
“Ahm… Excuse me?”
Sabay-sabay kaming limang napabaling sa babaeng may dala ng tray.
“Can I seat in, po?”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top