CHAPTER 6
ISANG LINGGO rin akong nanatili sa ospital. Mabuti na lang at bumuti agad iyong pakiramdam ko dahil kung hindi, ikakamatay ko na talaga ang sobrang pagkabagot.
Isang beses lang dumalaw sina Joan at Yiel, siyempre ay school days. Busy rin sa pag-aaral, ‘no! Yiel is a consistent honor student. Samantalang si Joan, magba-valedictorian yata dahil sa sobrang talino.
Well, hindi ko nga naman sila masisisi. Ano bang alam ko sa aral-aral na iyan? Kuntento na ako sa stock knowledge na mayroon ako. At least, kahit papaano ay hindi rin ako bumababa sa pagiging Top Ten. Consistent yata iyon simula nang matapos ako sa pagiging home-schooled.
Hindi rin ako iniwan ni Mama at hinayaan mag-isa sa ospital. But I didn’t need her. Mas okay nga na nasa bahay na lang siya habang nasa trabaho si Papa. At si Kuya naman ay nasa school.
Wala kayang mag-aasikaso sa mga iyon. Knowing Kuya Chris and Papa, parehong walang talento sa pagluluto. Well, kahit ako rin naman.
Okay lang akong mag-isa. Sanay naman na ako. Para hindi naman halata na masiyado silang guilty sa nangyari sa akin.
Nang magpasukan, maaga akong nagtungo sa faculty room para kausapin si Ma’am Rivera tungkol sa pageant. Well, ano pa bang in-expect ko? Tuwang-tuwa si Ma’am na halos bigyan na ako ng korona. Hindi ko alam kung bakit?!
Bumuntong-hininga ako nang maisara ko na ang pinto ng faculty. Dahil kung hindi pa ako lumabas, for sure durog-durog na ang balikat ko sa kakayugyog ni Ma’am Rivera.
“Imouto? What are you doing here?”
Nabuwal ako sa kinatatayuan ko nang biglang sumulpot ang singkit na mga mata ni Yluj sa pag-angat ko ng mukha. Exhaled, inhaled---arujusko! Baliktad yata?
“W-Wala,” nautal kong sabi sabay iling.
Kumunot ang noo ni Yluj at tinitigan ang mga mata ko dahilan para mag-iwas ako ng tingin.
“I-Ikaw? Anong ginagawa mo rito?”
“I’ll talk to Miss Rivera,” lumungkot ang boses niya.
Napatingala ulit ako sa kaniya. “Bakit?” Ang tangkad mo? Psh.
“Anong bakit?” pairap niyang singhal. “You won’t join pageant, right? I will do so. Hindi na rin ako sasali.”
Hindi na siya sasali? Well, dapat nagdidiwang na ako sa puntong ito. Pero bakit parang tinakasan yata ako ng tuwa at hindi ko dama ang saya?
“B-Bakit naman? Hindi ba masaya ka no’ng in-announce ni Ma’am Rivera na ikaw ang magiging representative ng section natin---”
“Tayo.” He cut me out. “Tayo ang magiging representative ng section natin. But you already declined it, right? So, unfortunately… hindi na rin ako sasali.”
Bumuntong-hininga ako. “Ah, ganoon ba? Sige. Bahala ka. Mauna na ako sa room.”
Tumalim ang mata niyang tumitig sa akin. Lumunok ako’t nag-iwas ng tingin. Pakshet! Bakit bigla yata akong kinabahan sa mga titig niya?
“Ahm…” I laughed awkwardly. “Mauna na ako.”
Agad ko siyang nilagpasan at hindi na binigyan pa ng chance na magsalita. Pero sumulyap ako nang medyo makalayo na ako. Umiling-iling si Yluj nang tulakin niya ang pinto at pumasok na sa loob ng faculty.
Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Umikot na ako para magpatuloy sa paglalakad. Pero hindi pa man lumalapat ang likod ng rubber shoes ko nang humakbang, umugong na ang pagtawag sa akin ni Yluj sa pasilyo… with his alien endearment.
Mabilis akong tumakbo at lumiko patungong Cafeteria. Alam kong mapapalayo sa room namin, pero, at least, iisipin niyang sa room nga ang tungo ko at hindi sa Cafeteria.
“Imouto---kanojo wa doko?”
Tumigil ako’t nagtago sa malaking trash bin sa gilid. At agad bumilis ang pagkalabog ng puso ko nang tumigil siya sa harap ng mismong basurahan. Gosh, Katherine! Bakit dito ka pa kasi nagtago? Tsk!
“Watashi wa kanojo ga sukidesu. Kanojo wa omoshiroi.”
Tama nga ang hinala ko. Dumiretsong tumakbo si Yluj sa daan pa-room namin. Napabuntong-hininga ako nang tuluyang tumahimik ang buong pasilyo mula sa malalakas na yabag ni Yluj.
“Miss Garcia? You’re late?”
Halos kumunot ang mukha ni Ma’am Valdez sa pagtataka nang makatungtong ako sa may pintuan. D-in-ouble check niya pa ang oras sa wristwatch niya.
Well, this is the first time in history. Kailanman, hindi pa ako nali-late sa klase niya. Ngayon lang talaga.
I sighed.
“I’m sorry, Ma’am. Dumaan po kasi ako sa faculty para kausapin si Miss Rivera,” paliwanag ko.
Umugong ang bulung-bulungan ng classmates ko. Siguro, alam na nila ang tungkol sa nalalapit na School Fest at sa pag-a-assign ng magiging representatives ng bawat section.
“Quite!” sigaw ni Ma’am Valdez.
Well, siyempre dahil bakulaw iyong boses ni Ma’am, nanahimik ang lahat. Nasulyapan ko ang mapanuyang ngisi ni Yluj na titig na titig sa akin.
I rolled my eyes at him. Pakshet. Hindi siya nakakatulong sa hiyang nararamdaman ko ngayon. Tss.
“Alright, pumasok ka na. I will start our discussion.”
“Thank you, Ma’am.”
Agad akong tumungo na sa upuan ko. Nakahinga ako nang maluwag nang maramdaman na ng puwet ko ang lamig sa bakal naming armchair.
“Anata wa watashi ni nanika mondai o kakaete iru, Imouto,” Yluj whispered huskily.
Napabaling ako sa kaniya at nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Ano raw?
He smirked evilly. “And you’ll pay for that.”
And I will pay---for what?
Napasabunot ako sa sarili ko nang magpaulit-ulit iyong boses ni Yluj sa isip ko. Anong nilalang ba ang lalaking iyon, at mukhang nababaliw na yata ako?
“Gosh, Kath! Why are you hurting yourself?!”
Napatigil ako sa ginagawa ko at natauhan. Nanlalaki ang mga mata kong tiningnan sina Joan, Yiel at Sophia na pare-parehong nakataas ang mga kilay na nakatingin din sa akin.
“Ah, eh…” Humalakhak ako at pasimpleng ibinababa ang mga kamay. “Nagkakamot?”
Gosh! Nakakahiya ka, Katherine!
Kumunot ang noo ni Yiel. “May problema ka ba? Pansin namin na simula pa kanina bago tayo pumunta ng Cafeteria, eh, lutang ka na.”
“Yeah. Care to share, Kath?” Si Sophia.
“Hala. Wala. Wala akong problema.” I chuckled again as I shook my head. “Ano ba kayo? Hindi pa ba kayo nasasanay sa akin?” sabay iwas ko ng tingin at kagat sa sandwich.
“Actually, parang may iba sa ‘yo. Right, Yiel?”
Yiel nodded. “Oo nga. Tama si Joan.”
Sophia chuckled. “Why? Ano ba dati si Kath?”
“Tahimik siya. Pero hindi naman siya ganiyan ka lutang---”
“Yiel! Grabe nakakahiya!”
They chuckled.
Halos lumubog ako sa kinauupuan ko dahil sa kahihiyan. Medyo nakakakuha na rin sila ng atensiyon mula sa ibang table. Kuryusong napapatingin sa banda namin.
“Hi, Couz!” bati ni Sophia sa taong nasa likuran ko.
“Couz, kanina pa kita hinahanap. You’re here already.” The guy chuckled deeply.
Natigilan ako nang makilala ang boses na iyon. Kung paano nakakaasar ang halakhak niya. At kung gaano nagbabali ng leeg ang mga babaeng naroroon sa kaniya. Pakshet! Bakit narito ‘tong butiking ito?!
Agad akong napatakip ng backpack ko sa mukha at dahan-dahan na tumayo. “Ahm. Geys, eles ne mene eke, he? Medye meseme eng pekeremdem---”
“What happened to you, Kath?” Sophia asked, confusion was written all over her angelic face. Nakonsensiya tuloy akong magsinungaling.
Rinig ko ang pagtawa nang malakas nina Joan at Yiel.
“Ibang-iba ka na talaga, Kath! My God!”
Inis kong binaba ang bag ko at tiningnan nang masama si Joan. Letcheng flan ‘yan!
“Magbabanyo lang ako’t masakit ang tiyan ko!”
“Imouto?”
Letcheng alien endearment na ‘yan! Tsk!
“Imouto?” kuryusong tanong ni Sophia.
“Ikaw nga! I can’t believe this! Tinadhana nga tayo para sa isa’t isa,” sabay akbay niya sa akin.
Hindi ko mapigilan ang sarili kong paikutin ang mga mata ko dahil sa inis. Bakit ba parang manhid yata itong lalaking ito? Hindi niya ba alam na maraming makakarinig ng kabaliwan niya. Tsk!
“Imouto? ‘Di ba little sister ang ibig sabihin no’n?” someone said somewhere.
“Kapatid niya si Kath?”
“Kaya pala ang close nila.”
“Yieee. May pag-asa pa ako kay baby Yluj.”
Doon kumunot ang noo ko’t matalim ang mga mata kong hinanap kung sino ang nagsabi noon. Baby Yluj? Duh? Ano siya bata? Psh.
Inis kong pinilig ang mga balikat ko dahilan para matanggal ang pagkakaakap ni Yluj sa akin. At walang ano-ano’y tinalikuran ko silang lahat.
“Imouto, wait. Ano bang nangyayari sa ‘yo?”
Huminto ako’t pumikit habang humihinga nang malalim. Inhale. Exhale. Iyan ang tama, Katherine. Remember that.
“Imouto---”
“Stop. Calling. Me. That. Hindi tayo magkapatid, okay? Wala akong kapatid na butiki!” galit kong sinigaw.
Umugong ang mga bulung-bulungan. Nakalimutan kong nasa Cafeteria nga pala kami. Gosh, Katherine! Isa na namang katangahan!
Hiyang-hiya, mabilis akong tumakbo paalis ng lugar na iyon. Nag-aalalang hinabol naman ako nina Joan, Yiel at Sophia. At siyempre, sino pa ba? Edi si Yluj. Iyong butiking malalaking hakbang kaya nagawang mahabol ako’t maabot ang braso ko.
“What’s your problem---”
Pero agad na lumapat na ang palad ko sa pisngi niya. Hindi ko alam pero agad na rumagasa na ang luha ko pababa sa aking mga pisngi.
“What is happening here?” si Sophia, nag-aalala.
“Gosh! Bakit mo siya sinampal, Kath?!”
Mabilis na lumapit sina Yiel at Joan sa akin. Samantalang si Sophia naman ay kay Yluj, nag-aalalang hinawakan ang namumulang pisngi ni Yluj.
Saka lang ako natauhan sa ginawa ko. Another katangahan? Hays, Katherine. Kotang-kota ka na.
“S-Sorry,” sabay talikod ko sa kanila.
“Kath!” they called but I ran as fast as I could.
Hingal na hingal ako nang marating ko na ang gate. Maybe, it’s better for me to skip the next class? Gosh. Wala akong mukhang maiiharap kay Yluj. Nasampal ko siya without a reason. Tsk!
Pero nag-sorry naman na ako, hindi ba? Siguro, okay na iyon. Ano ba kasing nangyayari sa akin at bakit ako nagkakaganito?
Hays.
Habol ang hininga ko, napasandal ako sa pader ng guard house para ikalma ang sarili. Nang maayos-ayos na, saka ako nagpatuloy sa paglabas ng gate. Pero bago pa man ako makalabas nang tuluyan ay may biglang tumawag sa akin.
“Katherine?”
Guilty, hinarap ko si Ma’am Valdez na siyang tumawag sa akin. “Y-Yes, Ma’am?”
“Saan ka pupunta?” Naningkit ang mga mata niya. “Skip the classes?”
Maraming beses akong umiling, takot na takot sa matatalim niyang mga matang nakatitig sa akin. “H-Hindi po, Ma’am. May titingnan lang po sana saglit sa labas.”
She shrugged. “Okay. I will just inform you that all the chosen representative of every years and sections, will have a roll call this afternoon for the pageant.”
“Ma’am?” Napalunok ako dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
“Attendance is a must. So, bumalik ka na sa room niyo at magsisimula na ang susunod niyong klase.”
Napatango na lang ako’t naglakad pabalik ng room
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top