CHAPTER 26

"ANONG kailangan mo at nandito ka?" Yiel raised her brows at her as she stood up. Handa niyang sugurin si Julene pero mariin ko siyang tiningnan para pigilan.

Bumuntong-hininga ako saka ibinalik ang sandwich sa lalagyan. I smiled at Yiel, reassuring her that I can handle this. "Okay lang, Yiel. Puwedeng iwanan mo muna kami saglit?"

"Pero, Kath..."

"Okay lang ako. Hindi naman niya ako masasaktan." I smiled again.

Suminghap si Julene. "H-hindi. I am not here to fight. G-gusto ko lang kausapin si Ate Kath."

Tumango si Yiel, masamang nakatitig pa rin kay Julene. "Sabagay, hindi naman ako lalayo. Diyan lang ako. Kung sakaling may gawin ka kay Kath... magtatawag ako ng mga reresbak."

Napatingin si Julene sa buong paligid. Kahit ako rin naman. Napatango si Julene, nangingiwi. Siguro, natakot nang makitang maraming estudyante ang nakatambay ngayon sa ground. Takot dahil baka iniisip niya na kakampihan ako ng lahat matapos maipaliwanag ng mga teacher ang tungkol sa issue ko. At ngayon ay posibleng naiintindihan na.

"Don't worry. I am here because I just want to talk to her," wala na sa mood na sinabi ni Julene.

Again, Yiel nodded. Lumayo na siya at umupo sa kabilang kiosk, pero ang mga mata'y nasa amin pa rin.

"Anong pag-uusap-"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin nang magulat. Biglang lumuhod si Julene sa harap ko habang ang mga luha, patuloy sa pagragasa sa kanyang mga pisngi.

What the!

"Anong ginagawa mo?!" sabay tayo ko at dalo sa kanya.

Suminghap siya sabay iling. "H-help me, Ate Kath. Please, p-pigilan mo siya..."

Kumunot ang noo ko at napatingin sa paligid. Napapansin na kami ng mga naroroon at nasa amin na ang atensyon ng iilan. Well, medyo naalerto si Yiel at bahagyang napatayo dahil sa inakto niya. Lalapit na sana pero agad ko siyang nginitian. To tell her that I am okay.

"Ano bang pinagsasabi mo? Sino? Sino ang pipigilan ko?"

"Si Yluj. Please, stop him..."

Doon ako bahagyang natigilan. Kumurap ang mga mata ko at pilit siyang pinatayo. "Saan ko siya pipigilan?"

Tumayo naman siya. She immediately shook her head. "I c-can't tell you. Nangako ako sa kanya na hindi ko sasabihin ang rason sa 'yo."

Mas lalong nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Please... Ate Kath, pigilan mo siya. Ikaw lang 'yong makakapigil sa kanya..."

Bumuntong-hininga ako. "Bakit... bakit ako?"

Umiling siya at napatakip ng bibig gamit ang mga nanginginig na kamay. Patuloy na umagos ang mga luha sa kanyang mga pisngi. Na para bang hindi niya kakayanin na sabihin kung bakit ako ang makakapigil kay Yluj sa kung saan.

Mayroon akong naiisip na sagot, pero napaka-impossible naman noon. Paanong hindi? The way his eyes stared at me... pakiramdam ko, ako na ang pinakakadiring tao o bagay sa buong mundo.

Nang marahang umiling ako, agad na lumuhod ulit siya at ngayon ay hawak-hawak na ang palda ko.

"Please, Ate Kath..." pagmamakaawa niya. "Sorry sa lahat. I know that you can't forgive me for what I have done to you... pero nagsisisi na ako."

Naniningkit ang mga matang tinitigan siya, hindi naniniwala sa sinabi niya. Pero ano nga bang magagawa ko, hindi ba? Tao lang ako. Kung Siya nga nagagawang magbayad sa kasalanang hindi niya naman ginawa at nagpatawad... ako pa kaya? Anong karapatan kong hindi gawin iyon, hindi ba?

"Tumayo ka na, Julene-"

"Tutulungan mo na ako, Ate?" sabay tayo niya.

Ngumiti ako. "Pinapatawad na kita. Ngunit... hindi kita matutulungan sa gusto mo. Kung anuman ang gagawin ni Yluj, hayaan natin siya. Kasi hindi ko naman siya mapipigilan sa gusto niya, hindi ba?"

"Paano..." Napalunok siya. Ang mga mata'y diretsong nakatingin sa akin. "Paano kung sabihin ko sa iyo na ikaw ang rason kung bakit niya gagawin ito?"

I know that I hurt him. Kung ako man ang magiging rason ng kung anuman ang binabalak niya... well, hindi ako magtataka. Bibigyan ko siya ng oras para makapag-isip bago ko siya ulit kakausapin.

"Wala na kami," she said straightforwardly.

Bahagya akong nagulat at nag-angat ulit sa kanya ng tingin.

"But do you really love him, right?" Nagtaas siya ng kilay.

I nodded. Pinilit na maging matapang sa kabila ng mga nangyari. Well, I still love him. Hindi naman iyon nawala kahit ilang beses niya akong tingnan nang masama. Mahal ko siya. And that's the truth.

She smiled, but it didn't reach her eyes. "Then, stop him. Ipaalam mong mahal mo siya. Ipaalam mo kung gaano mo siya kamahal. Higit sa pagmamahal na mayro'n ako sa kanya," bahagyang pumiyok siya.

Napaatras ako nang biglang hinawakan niya ang mga kamay ko. Saglit akong napatingin doon bago ulit tumingin sa kanya. My heart skipped a beat as I saw how sincere she was through her eyes.

"I am happy to know that you really love him. I am sorry. Sorry kasi... p-pinilit ko ang sarili ko kahit... wala naman talaga siyang nararamdaman para sa akin."

"Julene..." I called worriedly.

"Ang sama ko." She laughed bitterly. "Sana pigilan mo siya, Ate Kath. It is not for me... It is for him... and for y-you."

"Kath, I know where are they na," si Joan.

Sabay kaming napatingin sa kanya ni Julene. Bahagyang umasim ang mukha ni Joan nang mapatingin siya sa katabi pero kalaunan umamo naman at nag-aalalang bumaling sa akin.

Sa paglapit ni Joan sa amin, quo iyon ni Yiel para bumalik na rin sa kiosk kung nasaan kami.

"Nasaan daw sila?" tanong ko.

Umiwas ng tingin si Joan at bahagyang yumuko. Lumunok siya at saka ulit nag-angat ng mukha, may lungkot sa kanyang mga mata. "On their way to the airport..."

"Airport?" naguguluhan kong tanong. Paanong airport? May pasok pa, ah? Saan ang punta nila?

"Please, follow him, Ate Kath. Stop him," naiiyak na naman na sinabi ni Julene.

"Saan daw ang punta nila, Joan?" si Yiel.

"Kanina... they aren't in the room... because..."

"Dahil?" patuloy ni Yiel dahil parang nahihirapan si Joan na sabihin ang rason.

She sighed. "Because they fixed their papers..."

"I promised to Yluj that I won't tell you this, pero hindi makakatulong sa inyo kung hindi ko sasabihin sa iyo ito-"

"Ang ano nga?" inis na putol ni Yiel sa kanya.

"Yluj and Sophia will go back again to Japan," sabay iwas niya ng mga mata na para bang nahihiyang makita namin siyang umiiyak. "Doon na ulit sila mag-aaral."

"Dahil ba ito sa akin?"

Joan shook her head. But Julene, nodded. Hindi ko alam pero biglang gumuho ang mundo ko. At dahil doon, wala sa sariling napatakbo ako. Agad naman silang sumunod sa akin, may pag-aalalang tinatawag ang pangalan ko.

But I didn't stop. Mas nanaig sa akin ang kagustuhang pigilan siya. O kung hindi man, ipaalam ang totoong nararamdaman. Dahil pakiramdam ko, parang ito na iyong huli kong pagkakataon. At pagnakawala, hindi na kailanman magkakaroon pa.

Gusto sana nilang sumama sa akin. But I declined it. Nasa istasyon kami ng mga tricycle nang pinabalik ko sila sa campus. May subject pa sila at ako? Hindi na lang muna papasok.

Hindi naman sila nagpumilit at sumakay na rin sa pedicab pabalik ng eskwelahan. At ako? Inip na hinihintay na mapuno ang tricycle na nasa pila. Ako pa lang ang sakay at kung maghihintay ako, aabutin siguro ako ng mamaya.

Kaya bumaba na lang ako at nagpara ng jeep. Pasakay ako nang may narinig akong tumawag sa pangalan ko. Base sa boses niya, nasisiguro kong si Kuya Chris iyon. Pero wala akong panahon para hanapin pa siya sa dagat ng mga tao sa kalsada at kumpirmahin.

Nakahinga na lang ako nang maluwag nang umandar na ang jeep at mabilis na tumakbo. Pero malakas pa rin ang tambol ng puso ko. Mas lumala nang malanghap ko ang masangsang na amoy mula sa tambutso. Bale kasi nasa hulihan ako dahil nakisingit nga lang naman ako.

But it doesn't matter. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang mahabol sina Yluj. Mag-a-alas dyes y media na. At sa kalkulado ko, nasisiguro kong ilang minuto na lang bago lumipad ang eroplano pa-Maynila.

Tumunog ang cell phone ko sa loob ng backback na kalong-kalong. Pero hindi ko pinansin iyon dahil nahihilo na ako sa samu't sari kong nararamdaman sa puntong iyon.

Bumuntong-hininga ako. Ilang saglit pa ay natanaa ko na ang college kung saan nag-aaral si Kuya Chris. Siya kaya ang tumawag kanina? Pero ang pagkakaalam ko, may klase sila sa ganitong oras. Kaya nasisiguro ko na baka guni-guni ko lamang iyon kanina.

Tumigil ang sasakyan. Dali-dali akong bumaba at tumakbo na papasok ng airport matapos makapagbayad sa madungis na konduktor. Pero wala ang lahat na iyon nang matanaw ko ang tatlong taong papasok pa lamang ng airport.

"Yluj!" I called at the top of my lungs. Napahawak ako sa mga tuhod at bumuga ng malalim na hininga nang tumigil sila.

Kunot-noo, bumaling sa akin si Yluj habang nangingiti sina Tita Yumi at Sophia.

Hindi na nag-alinlangan pa si Yluj, kunot na kunot ang noong naglakad siya palapit sa akin. Galit man ang kanyang mga matang tumitig sa akin, wala akong pakialam. Ang mahalaga ay nahabol ko sila. Dahil kung hindi ko man siya mapipigilan... at least masabi ko man lamang ang kung anong nilalaman ng puso ko para sa kanya.

"What are you doing here?" pabulyaw niyang tanong sa akin.

"Mahal kita..."

Natigilan siya sa biglaan kong pag-amin. Mas lalong naningkit ang mga mata niya at napabitaw sa pagkakahawak niya sa braso ko. Na para bang nakakapaso ang balat ko.

"What did you say?" mas lalong lumamig ang kanyang tono at dumilim ang kanyang mga mata.

"Mahal kita. Mahal kita, Otouto. Matagal ko nang gustong sabihin ito sa iyo pero ngayon lang ako nagka-"

He laughed, the reason why I stopped confessing. "Did I hear it right?"

"Mahal kita, Yluj. Matagal ko nang gustong sabihin sa iyo ito... pero ngayon lang ako nagkalakas ng loob."

Tears started streaming on my face. Nasasaktan ako dahil hindi ko nagugustuhan ang kung anong emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya. Na para bang joke lamang ang lahat na sinabi ko.

"Are you... crazy?" He laughed again, but this time, like he's a devil.

"Anong nakakatawa roon?"

He shook his head. "Wala."

"Eh, bakit tumatawa ka?"

Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang mga kamay ko. Sa simpleng paglapat lamang ng balat niya sa kamay ko, para na akong sasabog. Sobrang lakas kasi ng pagtibok ng puso ko at nag-iinit ang mga pisngi. Na para bang hinabol ako ng sampung aso sa kabilang kanto.

"I like you, Katherine." He sighed. "Everything that I did was... true."

Suminghap ako, medyo nangingiti na pero agad din naglaho nang biglang sumeryoso ang kanyang mukha.

"But I realized that..." He swallowed and looked away. "I was just infatuated with you."

"Infatuated?"

"Yeah. That's why I call you 'Imouto'-"

"Na ang ibig sabihin ay baby, 'di ba?"

He nodded. "Baby sister. Or little sister. Iyon lang ang tingin ko sa 'yo, Kath. Isang kapatid na babae."

Umiling ako. Mas lalong bumuhos ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. This was just a joke, right? Mahal niya ako. Iyon ang sinabi niya. Matatanggap ko kung sasabihin niyang nagbago ang pagtingin niya sa akin dahil sa kanyang nalaman. Pero ang sabihing kapatid lang ang turing niya sa akin, all of this time... sobrang sakit!

Sobrang sakit na hindi ko kayang tingnan siya diretso sa kanyang mga mata. Napaatras ako, dinadama ang unti-unting pagkirot dahil sa pagbagal ng pagtibok ng puso ko.

"Kath..."

Malambing ang pagkakasabi niya sa pangalan ko. Pero kung noon, kumakabog ang puso ko dahil sa kilig... ngayon, parang pinggan iyon na unti-unting nababasag dahil sa sobrang kalumaan.

Umiling ako. Binitiwan ko ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko. Dahan-dahan, umatras ako.

"Kath, let's talk..." nabasag ang boses niya.

Pero nagpatuloy ako sa pag-atras. Tama na ang mga narinig ko at hindi na kailangan pang mag-usap. Hindi na kailangan pang dagdag ang kirot na nararamdaman.

Mariin akong pumikit. For the last time, humugot ako ng lakas ng loob para mag-angat ng mukha. Para tingnan ang lalaking minsang nagpasaya at inibig. Ang lalaking minsan ko lang minahal pero... sinaktan ako nang sobra-sobra.

I smiled bitterly, letting my feelings go as my vision started to blur. That guy treated me so well. Na para bang isa akong babasagin at dapat ingatan. But now, I realized that no matter how he cared for you... magagawa ka pa rin niyang saktan, paasahin, at iwanan sa ere.

"Kath!" He ran as fast as he could. But everything was too late. He was too late. Dahil tulad nang pagkabasag ng puso ko, hindi niya na ako nailigtas pa nang tumama ang malaking bagay sa buo kong katawan at tumalsik.

Next time I knew, pinagkakaguluhan na ako ng lahat. At unti-unti nang nandilim ang mga mata kasabay ng paglaho ng imahe ng magandang mukha niya.

As I opened my eyes the next days and watched as the sun goes up on my window... I know that everything has changed. Na para bang may kulang. At kahit anong isip ko kung ano iyon, hindi ko maalala. Sumasakit lamang ang utak ko kapag pinipilit ko.

Sabi ni mama, limang buwan na raw ang nakalilipas nang maaksidente ako. Nalagay daw sa bingit ng kamatayan ang aking buhay. Nagtanong ako sa kanila kung bakit ako naaksidente at parang wala akong matandaan na nangyari iyon, pero nanahimik lamang sila.

Pero ngayon, kahit sobrang gandang panoorin ng pagsikat ng araw... pakiramdam ko may kulang. Hindi na iyon naalis simula nang magising ako mula sa pagkakatulog sa ospital at hanggang sa makauwi na sa bahay.

Kahit bisitahin pa ako rito sa kuwarto ko nina Joan at Yiel, manood ng K-Drama, kumanta, at maglaro ng online games... hindi pa rin sapat. Laging may puwang sa puso ko. At lagi kong hinahanap-hanap iyon. Na para bang may parte sa nakaraan ko ang aking nakalimutan.

Kagabi, bago matapos maghapunan ay may isang imahe ng lalaking bigla kong nakita sa isip ko. Wavy ang brown na buhok. Singkit ang mga mata. Matangos ang ilong. Manipis ang mala-rosas na labi. Makapal ang mga kilay. At... ang sobrang payat niya. Na para bang isa siyang butiki. He's sexy but he was like a lizard.

"Seksing butiki," bulong ko, halos wala sa sarili.

Natatawa akong nagtanong kina mama tungkol sa kanya pero sumama lamang ang hitsura niya. Nawalan din siya ng ganang kumain kaya sa huli, hindi na rin ako nakakain pa nang maayos.

The days passed like a whirlwind. Magtatapos na ako ng Senior High sa strand na STEM. At ang imahe ng lalaki, mas lalong naging solid. Lagi ko na siyang nakikita kahit hindi ko man isipin. Though, I keep it a secret. Na kahit kina Yiel at Joan ay hindi ko sinasabi.

I graduated with High Honor in our batch. Pababa pa lamang ako ng stage matapos masabitan ng mga medalya nang salubungin ako ng mga kaibigan. Well, si Yiel ay walang ipinagbago kahit parehong graduate na kami ngayon. Si Joan naman, medyo umayos na dahil na-pressure yata sa college life. Medyo kinabahan tuloy ako, lalo pa't mag-i-engineering ako.

"Kath! May good news kami sa 'yo!"

Umiling na lang ako nang lumayo na si mama sa amin. "Ano na naman?"

"Here."

May ipinakitang pink na envelop sa akin si Joan. Ngingiti-ngiti sila na para bang sobrang excited sila sa nilalaman ng sobre na iyon.

"Ano ba ito?" sabay hakbot ko sa sobre at tingin kay mama.

Mama smiled sweetly at me. Na para bang proud na proud siya sa akin. Hindi dahil sa graduate na ako at with high honor pa kundi dahil sa papel na hawak ko.

"You are cordially invited to be part of Miss Teen Queen," kunot-noo kong basa sa nilalaman ng sobre. "Ano ito?"

Umimpit silang dalawa at nagtatalun-talon sa sobrang tuwa.

"Official candidate ka na ng Miss Teen Queen," they said in unison.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top