CHAPTER 24
"KATH?"
Napatingin ako sa kanya. Tears started looming at her almond eyes. Nanatili akong nakatitig sa kanya kaya nag-iwas siya ng mga mata.
"Sorry... Hindi ko expected na ganoon pala kalala 'yong mangyayari..."
Nanatili akong tahimik at seryosong nakatingin sa kanya habang marahan niyang dinadampi ang bulak sa noo ko.
She bit her lips and looked at me guiltily. "Sorry talaga. Expected ko lang that... you will be disqualified from the contest."
Tumango ako.
Mark cleared his throat. Nag-angat sa kanya ng tingin si Cassandra. Pero ako, nanatiling nakayuko. Yes, I was thankful that they saved me from the embarrassment. At nagpapasalamat ako na dinala nila ako sa kotse at ginamot. Pero hindi pa rin maialis sa akin ang takot dahil minsan na rin nila akong b-in-ully.
"G-good thing that Marky was also there."
Bumuntong-hininga ako. Saka ako nag-angat ng tingin sa lalaking nakatayo at nakahilig sa may pintuan ng kotse.
"Salamat," sabay yuko. "Salamat sa inyong dalawa dahil tinulungan ninyo ako."
"Nakausap ko si Mariel kanina, maayos na raw ang mama mo," si Mark.
Nag-iwas ako ng tingin. Pinilit na tinitigan ang mga daliring naglalaro sa bawat isa sa aking kandungan. Gusto ko sanang pigilan ang pagbulwak ng mga luha, pero sa isang pagkurap ng mga mata, agad nang bumuhos ito.
Doon... Doon ko lamang naramdaman iyong pagod, kirot, at sakit. Oo, masakit na nangyari na naman ang lahat ulit. Kung saan para bang buong sanlibutan ay hinuhusgahan ang pagkatao ko. Pero napagtanto ko na wala ang lahat na iyon sa sakit kapag naiisip ko ang mga paghihirap nina mama at papa para itago ang kung ano talaga ako.
Iyong mga sinakripisyo nila para sa akin. 'Pagkatapos, sila pa ang sinisisi ko kung bakit nangyayari itong lahat. Napakasama kung anak sa kanila. Na sa lahat na ginawa nila sa akin, ni hindi ko man lang iyon nakita at halos galit pa ang naisukli ko.
"Do you feel okay now? If not... dadaan tayo sa clinic ni mom," nakangiting sabi ni Cassandra.
Tapos na ang paggagamot niya sa akin. At hindi na kailangan pang pumunta ng clinic. Okay na ako. Maayos na. Medyo may kirot pa rin akong nararamdaman sa bandang noo ko, pero kaya naman.
Bumuntong-hininga ako at umiling. "Hindi na. Hindi na kailangan."
"Sure ka?"
I nodded. Bumaba na ako sa kotse nila. Pinilit na ihatid ako. But I declined it. Wala rin silang nagawa kundi ay ang hayaan ako. Hindi rin naman ako magpapapigil.
Nakalayo na ako sa Gymnasium at mas piniling dumaan sa back gate. Dito kasi, walang dumaraan. Baka kapag sa front gate ako, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin... kapag nakita ako ng mga tao.
Hanggang ngayon, bumabaon pa rin sa puso ko ang galit, poot, at pangungutsa nila. Na para bang isa akong malaking problema ng mundo na walang gamot. Walang lunas. Mas malala pa sa mga epidemya na nangyari na at kumitil ng maraming buhay sa buong mundo.
Tumama sa mukha ko ang liwanag mula sa flashlight na tanging tanglaw sa daan. I stopped and tightened the grip from the tip of my gown and sandals. Bahagya akong napapikit at pilit tinatanaw ang isang bulto ng lalaking papalapit.
"Miss?" isang baritonong boses ang nagtanong, palagay ko ay ang guard. "Okay ka lang ba?"
Tumango ako kahit alam kong hindi niya naman makikita.
"Saan ba ang bahay ninyo? May kasama ka? Bakit dito ka sa likod dumaan?"
"Malapit lang po kasi ang bahay namin kapag dito ako dumaan," sagot ko.
Totoo iyon. Bahay na namin makaliko lang sa kabilang kanto. Pero bawal ditong dumaan papasok kumbaga, pang-exit ways lang.
"Gusto sana kitang ihatid, Miss." Nagingiwing nagkamot siya ng batok bago ako nginitian. "Kaso... walang papalit sa akin ngayon dito."
Umiling ako. "A-ayos lang po, Manong. Malapit lang naman talaga."
"Sige, ganito... Hatid na lang kita hanggang doon sa kanto," suhestiyon niya.
Gusto ko sanang tumanggi pero naisip kong mas mabuti ngang magpasama ako. Sa kalagayan ko at lalim ng gabi, maaaring delikado sa unang kalyeng dadaanan ko. Baka marami pa ring loko-lokong nakatambay at pagdiskartehan ako.
Ginawa nga ni Manong Guard ang alok niya. Hinatid niya ako hanggang kanto. Nagpasalamat ako sa kanya lalo pa na tama ang naisip kanina. Grupo-grupo nga ang kalalakihang nakatambay sa gilid ng kalye. At halatang nakainom ang halos karamihan sa kanila.
Maluwag akong nakahinga dahil doon. Sunod na kanto kasi, subdivision na. Wala ng nakatambay sa ganitong oras at maraming guard ang naglilibot. Maaaring magpahatid na rin ako kung sakaling makasalubong ko sila.
Well, tama nga ang hinuha ko. Sa kanto pa lang, nakasalubong ko na sila. Hindi naman sila nagreklamo nang magpahatid ako sa bahay namin gamit ang mobile nila.
Napabuntong-hininga ako nang makapasok sa bahay. Walang tao. Siguro ay hanggang ngayon, nasa ospital pa rin sila mama. I know that she's okay now. Pero hindi ko maiwasang hindi mag-alala lalo na hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakauwi.
Tatawagan ko si Kuya Chris matapos kong makapaglinis ng katawan at magtatanong sana. Pero hindi ko na nagawa dahil sa paglapat pa lamang ng likod ko sa malambot na kama, agad na akong hinila ng antok.
Kinabukasan, nagising ako dahil sa sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Bumangon ako at nag-unat. Natigilan din agad nang matutok ang mga mata ko sa wall clock. It's already ten o'clock in the morning. At... At dalawang subject na ang nami-missed ko! Pakshet, Katherine! Napasarap yata ang tulog mo!
"Kath? Baby? Gising ka na ba?" si Mama iyon.
Pero hindi magkaapuhap kinuha ko ang tuwalya sa dresser at hinanda ang uniporme sa kama. Dali-dali sana akong tutungo sa banyo nang bumungad sa akin ang nagtatakang mukha ni mama.
"Okay ka lang ba?" kunot-noo niyang tanong.
Nangingiwi, nakapagkamot ako sa magulo kong buhok. "O-opo, Mama. Late na po ako. Sige po, maliligo lang ako saglit."
Tinalikuran ko na si mama pero natigilan din agad ulit nang marinig ko ang mararahan niyang pagtawa.
"Sabado ngayon, 'Nak. Biyernes kahapon, hindi ba? Kagabi nangyari iyong..." she trailed off.
Biglang nag-sink in sa akin ang lahat. Iyong mga nangyari kagabi. Kung paano ako hinangaan ng lahat. And in the end, hinusgahan.
Bumalik iyong matalim na punyal na tumarak sa dibdib ko. Pero higit sa sobrang sakit na naramdaman, mas nangibabaw ang pag-aalala ko para kay mama. Lalo pa nang maalaala kong hinimatay siya at naospital.
"Okay ka na ba, Mama?" sabay yapos ko sa mga balikat niya at sinuri siya. "Maayos na ba ang pakiramdam mo? Ano'ng sabi ng doktor?"
But mama only smiled at me. The innocent in her eyes hide the pain and sorrow, the guilt and longings, and her hopes. "Maayos ako, Anak. Sabi ng doktor, nagulat lang ako at hinimatay. But above all, I am really fine."
Bumuntong-hininga ako at napayakap sa kanya nang mahigpit. Mama did the same. She hugged me tightly. Na para bang sinasabi niyang maayos din ang lahat. Though, I denied it. Paanong hindi? Alam na nila kung anong lihim ang tinatago ko.
I know that I was operated. Medyo bakas pa ang mga sugat sa parteng iyon ng aking katawan. Pero totoo kayang isa akong transgender? At hindi tunay na babae?
Gusto ko sanang itanong iyon kay mama. Pero natatakot ako sa magiging sagot niya. Paano kung tama sila na salot ako? Kaya ba matagal na iningatan nina mama at papa ang sikretong ito?
Bumaba na si mama habang ako, nagpaiwan. I told her that I will take a bath first. Bago ako bababa at kakain. Kaso, medyo natagalan ako dahil ikinalma ko muna ang sarili bago sila harapin.
Habang naliligo ako, biglang sumilay sa isipan ko ang hitsura ni Yluj matapos i-announced ni Madam Dela Cruz ang lahat. Pagtataka. Pandidiri. Sakit. Halata ang lahat na iyon sa madilim niyang mga matang nakatitig sa akin.
I know that I am at fault. Ni hindi ko man lamang naisip na sabihin sa kanya ang kalagayan ko. But he loves me and I feel do the same. Akala ko sapat na iyon pero hindi pa pala. Medyo nagtiwala ako sa kung anong nararamdaman namin sa bawat isa at nakontento.
Matapos ang tahimik na agahan namin sa hapag, bumalik ako sa kuwarto ko. Wala namang sumubok na magtanong at iungkat ang mga nangyari kagabi. I know that they are worried. Pero mas pinili nilang manahimik para lang huwag akong masaktan. At nagsisisi ako dahil ni hindi ko man lamang nakita ang pagmamahal nila para sa akin.
Babawi ako. Iyon ang napagdesisyunan ko sa mahabang oras na pagtitig sa cell phone ko habang nakahilata sa kama. Inisip ko kasi noon na tawagan si Yluj, pero bigla akong nakaramdam ng takot nang pilit na sumisilay ang galit niyang expression noong gabing iyon. Sa huli, in-off ko na lang ang cell phone ko at natulog maghapon.
Maaga akong nagising kinabukasan. Masama man ang pakiramdam, pinilit ko pa rin ang sarili at sumama sa pagsimba ng buong pamilya. Well, this is the first time. Kaya inasahan kong magugulat sila at lalo na si Kuya Chris.
"Oh? Himala at sasama ka? Masarap ba ang hinaing adobo ni mama," biro niya.
I just laughed and passed at him. Agad akong sumakay sa kotse ni papa at sinalpak ang earphone sa tainga. Actually, wala naman talagang tugtog iyon. Pinakita ko lang para manahimik si Kuya Chris sa pang-aasar niya sa akin. Na gumana naman dahil nanahinik siya buong biyahe hanggang sa makarating kami sa simbahan.
Nagpapasalamat ako dahil kahit papaano, nabigyan ako ng pagkakataon para humingi sa Kaniya ng tawad. Sa mga kasalanan na nagawa ko. Sa matagal na panahong kuwenistiyon ko ang kapangyarihan Niya. Alam ko, higit sa lahat, Siya itong mas may kontrol sa kung anong mangyayari sa atin.
Bago pa man natin masilayan ang ganda ng mundo, nakatakda na ang kung anong mangyayari sa bawat isa sa atin. At ikaw, bilang tao, walang karapatan para kuwestiyunin iyon.
"Saan tayo ngayon?" tanong ni Kuya Chris nang makalabas na ng simbahan.
"Hindi ko alam. Saan ba tayo, 'Pa?" si mama kay papa.
Ngumiwi si papa, guwapo pa rin namin sa business suit niya kahit medyo bumabakas na ang katandaan. "Paano ba ito? Ganito na lang. Ikaw, Katherine, saan mo ba gustong pumasyal ngayon?"
Good thing that they've asked me. May plano naman na talaga ako kaya heto, nangingiti akong nakakaloko.
"Anong ngingisi-ngisi mo riyan?" Tinaasan ako ng kilay ni Kuya.
"Manahimik ka, Chris. Hayaan mo nga ang kapatid mo," saway ni mama na ikinakunot ng mga kilay niya.
"Saan mo ba kasi gusto?"
"Sa amusement park, Kuya," may sigla sa boses kong sinabi.
Papa and mama laughed. While Kuya Chris hissed his disappointment.
"Bakit doon? Kaya ba naka-jumper ka ngayon dahil aakto kang bilang isang bata?"
"Son!" si Papa, medyo tumaas ang boses pero natatawa pa rin. "Hayaan na lang natin si Katherine sa gusto niya."
"Sabagay, ni hindi pa nga tayo nakakapunta roon," pagsang-ayon ni mama.
I smirked and rolled my eyes triumphantly at Kuya. Naiiling na lang siyang sumunod sa amin sa kotse.
"God? To all places, bakit doon pa?"
Napahagikhik na lamang ako.
Good thing na kaunti pa lamang ang tao sa nag-iisang amusement park sa probinsiya. Magtatanghali pa lang kasi at abala ang iba sa pagkain. I then noted my self that eleven o'clock was the best time to enjoy the rides privately. Well, almost. Kasi may isang couple kaming nakasabayan sa Ferris wheel.
I was happy and wished that the time may slow down. Dahil gusto ko kasing namnamin at sulitin ang oras na nagtatawanan kami at masaya. Na para bang walang problemang nangyari. Pero tanggap ko rin naman na bukas, babalik ulit ang lahat sa reyalidad. Natatakot mang pumasok bukas, kailangan kong tatagan ang sarili dahil gusto kong kausapin si Yluj para humingi ng tawad... maging kina Yiel, Joan, at Sophia na rin.
Matapos ang ilang rides, napagdesisyunan namin na kumain na ng pananghalian sa isang restaurant. Napagod man kami at nagutom, naging sulit pa rin dahil ramdam kong nag-enjoy sila na kasama ako.
"Banyo lang po ako," pagpapaalam ko nang matapos ang pagkain.
"Sige, 'Nak. Pero dalian mo lang, ha? May lakad pa itong papa ninyo."
"Opo, mama."
Tinalikuran ko na sila at tumungo na sa banyo. Noong una, medyo naligaw ako pero nakapagtanong din naman agad sa nakasalubong kong staff. At medyo napangiwi ako dahil nasa iisang pintuan ang banyo ng panlalaki at babae. Kumibit-balikat na lang ako at dumiretso na sa pambabaeng cubicle. Pero nakakailang hakbang pa lamang, agad nang namilog ang mga mata ko at natigilan dahil sa taong lumabas sa isang panlalaking cubicle.
"Y-Yluj?"
At first, he was shocked. Pero nang maglaon, dumilim ang mga mata niya at naglaho ang emosyon.
Napalunok ako. Hindi man handa na nagkatapat kami ngayon, kukunin ko na ang pagkakataon para humingi ng tawad.
"Yluj..." sabay yuko ko dahil hindi ko matagalan ang malamig niyang titig. "I'm... I'm sorry for everything-"
"It's okay. Wala na 'yon sa akin," malamig niyang sinabi.
Agad akong kumurap at nag-angat ng mga mata sa kanya. Siya naman itong nag-iwas. Pero masaya ako na malamang wala na iyon sa kanya. I am very happy and pleased. Kahit hindi naman talaga naalis ang malamig niyang awra.
"T-talaga?"
He nodded.
"So, paano... kita na lang..." naiwan sa ere ang sasabihin ko sa paglabas ng isang babaeng naka-knee-length red dress.
"Juls, I am sorry. Medyo natagalan," bumagal ang pagsabi niya sa huling mga salita nang makita ako.
I smiled and cowered a bit. While Julene smirked and raised her brow.
"Look who's here. It's nice to meet you here, Ate Kath." Lumapit siya sa akin at bahagyang niyakap para bumeso.
"Kasama ko sina mama at papa, ahm, namasyal lang matapos makapagsimba."
"Ow really? Akala ko... hindi ka nagsisimba. Because, you know, being..." She shrugged as her eyes drifted on my body. "Is a sin?"
"Julene," Yluj cold voice boomed.
"Why, Juls? I am just stating a fact. 'Di ba, Ate Kath?"
Tumango ako at nag-iwas ng tingin.
"Well, we have to go. We're on a date. So, let's see each other at school, Ate Kath," sabay hatak niya sa lalaking parang natuod sa kinatatayuan. "Come on, Juls. Bukas na raw 'yong coffee shop sa third floor."
"Alright."
I smiled when Julene bowed a bit. Senyales na aalis na sila.
"Ah, wait, Juls. May sasabihin lang ako kay Ate Kath."
"Alright. Just do what you want. I'll wait for you outside."
Hinantay muna ni Julene na makaalis si Yluj bago siya lumapit sa akin. Medyo napaatras ako dahil sa mapaglaro niyang ngisi sa labi.
Her brows shot up and chuckled. "Why? Natatakot ka ba sa akin, Ate Kath?"
I sighed.
"As you've said, I am just a grade seven. Kaya bakit natatakot ka sa akin?" She laughed. "Ano nga ba ang kayang gawin ng isang grade seven, Ate Kath?"
"Ayoko ng gulo, Julene. Nagawa at nakuha mo na ang gusto mo. Sana, huli na iyon."
She nodded. "Oo naman. Well, wala naman na akong gagawin. Because everything is on mine now. The crown, the popular, and most of all... my Juls."
Maluwag akong nakahinga nang marinig iyon mismo sa kanya. Well, ayoko na ng gulo. And I will let him with her... kung iyon ang gusto niya. Wala na rin naman akong magagawa. Sino ba naman ang handang mahalin ang tulad ko, hindi ba?
"Mabuti naman..."
"Not really. Kasi ako, wala akong gagawin. Pero 'yung mga taong nakaalam na ng sikreto mo..." She pouted her lips and shrugged her shoulders. "Well, I don't know."
Nag-init ang mga pisngi ko sa narinig.
"Let's see. Welcome to hell, Ate Kath." She laughed.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top