CHAPTER 22
THE OPENING of the Miss and Mister SAVS went softly. Napuno ng hiyawan ang buong gymnasium. May kani-kanyang sinusuportahan at hinahangaan ang mga nanonood. Well, medyo maangat ang pangalan ko at ang kay Julene sa sinisigaw nila.
At isa na roon ay ang mga boses nina Joan at Yiel. Kaya madali kong nahanap kung nasaan banda sila nakaupo. I was teary-eyed when I saw my family behind them. Hindi ko maipaliwanag iyong nararamdaman sa mga oras na sumasayaw ako. Bagama't kinakabahan, mas nangibabaw pa rin ang tuwa sa aking dibdib.
"Are you feeling alright now, Imouto?" Yluj whispered.
Nasa bandang likuran ko siya at nakahawak sa baywang ko. I smiled, the kind of smiles I never thought that I would wear on my entire life.
"O-oo naman..."
"You're so very beautiful. I love that kind of smiles of yours, Imouto. Anyways, I also like whenever you frowned." He chuckled.
I turned and swayed my hips synchronized with the beat of the music while his holding my hand. "Bolero."
He smirked. "I am only being honest here."
Inirapan ko siya at rumampa papuntang unahan ng stage. I posed and woar the smiles confidently. Mas lalong lumakas ang sigawan at naapawan na ang tugtog nang magkaharap kami ni Julene.
I smiled at her, but she only gave me a playful smirks. Taas-noo siyang rumampa palapit sa akin. Hindi pa iyon iyong oras na dapat magpalit kami ng puwesto kaya bahagya akong nagulat.
Nag-aalala na baka masira ang blockings, rumampa na rin ako patungo sa puwesto niya. But then, Julene intentionally blocked her sandals on my way. Dahilan para medyo ma-out of balance ako. Mabuti na lang ay sanay ako sa ganoon kataas na takong kaya agad kong nabawi ang balanse.
I posed again and smiled as nothing had happened. I looked at the judges then, to the crowds and back to the respectful people on my front.
Sa pagtatapos ng tugtog, bumalik kami sa kani-kanyang mga partner. Pero nang magkasabayan ni Julene, nanindig ang mga balahibo ko ng ngitian niya ako nang sobrang pagkatamis.
I let out a heavy sigh and stopped at the side of Yluj. Ni hindi ko na alam kung nakangiti pa rin ba ako o nakangiwi na. All I can feel was the loud beat of my heart. Inaapawan ang tugtog.
Napasulyap ako kay Julene, diretso lamang siyang nakangiti sa harap. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan nang magtama kanina ang mga mata namin. Na para bang may malaking pasabog siyang dala.
"Are you feeling alright?" Bagama't nakangiti, puno ng pag-aalalang tanong iyon sa akin ni Yluj, mi-minsang sinulyapan.
I smiled and nodded. Guni-guni mo lamang iyon, Katherine. Dala lang iyan ng kaba mo dahil ngayon ka lang humarap sa ganito karaming tao. Na halos mapuno na ang buong gymnasium. Iyon lang iyon. Hindi ka lang sanay. Just do what Joan noted, chin up, and smile confidently.
Umakyat ang mga host para sa gabing iyon. Binati nilang dalawa ang lahat na manonood, judges, at maging kaming mga kandidata. Sa unang parte ng gabing iyon, in-announced nila kung sino ang nanalo ng Miss Friendship award.
And to my surprise, even they chanting Julene's name, the host announced that I won that award.
Yluj congratulated me. Hindi makapaniwala, marahan akong lumapit sa mga host. They congratulated me, too. And award the sash, bouquet, and trophy to me. We did a picture, too. Bago nilisan ang harap, I saw how my family and friends cheered for me. Na halos magtatalun-talon sina Yiel at Joan sa sobrang saya.
Napangiti na lang ako saka pumunta ng gilid. Sunod noon ay ang pag-announce sa Mister Friendship na napunta kay Julious. Napunta naman ang People Choice Award kina Yluj at Julene.
Bigla akong nakaramdam ng pagkabahala nang makatabi na si Julene. Na para bang may kung anong masamang aura sa kanya at pilit pinupundi ang ilaw ko kapag nalalapit siya sa akin.
I sighed and tried to smile genuinely.
"'Wag kang papakampanti," she suddenly spoke.
Kumunot ang noo, maang na napabaling ako sa kanya. Nakangiti lamang siya na para bang hindi nagsalita. Nagtagal ang titig ko sa kanya bago siya bumaling sa akin.
"At first, ikaw ang hinahangaan at mukhang panalo. But in the end..."
"Okay. Thank you candidates. You may now go to your respectable backstage," iyong host.
Julene tilted her head. "Let's see," she mumbled.
Wala ako sa sarili nang makabalik sa backstage. Agad akong inasikaso ni Kuya Abet at ng mga helper niya. Pero hindi ko napansin iyon dahil iniisip ko pa rin ang sinabi ni Julene. Anong ibig niyang sabihin doon? Anong gagawin niya? Anong pinaplano niya?
"Imouto, are you ready?" si Yluj, nakapagpalit na ng damit at sukbit na ang asul niyang gitara sa kanyang balikat.
May sampong minuto pa kami para maghanda para sa talent competition. Pero parang kulang iyon para sa akin. Until now, nanghihina at nanginginig pa rin ang mga tuhod ko. Dahilan para mapaupo ako sa harap ng salamin at mapatingin sa sariling repleksyon.
"Imouto, are you okay?"
"Kinakabahan ka ba, Kath? Ito. Tubig. Uminom ka muna," sabay abot sa akin ni Kuya Abet ng bottled water. "Okay lang iyan. Nangyayari talaga iyan lalo pa't first time mo, 'di ba?"
Tumango ako.
Yluj sighed and leaned forward on me to caress my back softly. "Ngayon gabi lang 'to, Imouto. Alright?"
Napatingin ako sa kanya. Gusto ko man siyang ngitian, nahirapan akong iukit ang ngisi sa labi. Lalo na nang mahagip ng mga mata ko si Julene, masama ang tingin sa amin at hindi nagustuhan ang napapanood.
"We will win, alright? Just trust yourself."
Napalunok ako at napalayo nang kaunti kay Yluj. Tama pa ba na maging kami ni Yluj? Oo naman, Katherine! Dito ka sasaya, hindi ba? Papalipasin mo na naman ba? Okay, heto na nga. Tatapatin ko na si Yluj sa pagtatapos ng pageant na ito. Manalo man o hindi, sasagutin ko na si Yluj.
"Everybody! Last five minutes! Magsipag-prepare na tayes, okay?" si Madam Ashneka.
Inilahad sa akin ng mga helper ni Kuya Abet ang isang puting bestida. Agad akong tumayo at nagpalit sa dressing room. Pagbalik ay makeup at buhok ko naman ang inayos nila.
Yluj patiently waited for me. Pero dahil nagwapuhan sa kanya si Kuya Abet, napag-trip-an ang kanyang mukha nang matapos ang pag-aayos sa akin. Kahit sobrang guwapo naman na talaga ni Yluj kahit walang makeup.
Pero sobrang magaling si Kuya Abet dahil napalitaw niya pa rin ang mga best asset ni Yluj. Iyong matangos na ilong, makapal na kilay, singkit na mga mata, at mala-rosas na mga labi ay napaangat niya.
Napanganga lalo ako nang ayusin din ni Kuya Abet ang magulo niyang buhok. Ngayon na naka-brush up na, lalo lamang lumitaw ang pagka-Japanese niya.
Marahang itinulak ako ni Kuya Abet palapit kay Yluj. "Grabe. Sobrang bagay ninyong dalawa. Mag-shota ba kayo?"
Agad nag-init ang mga pisngi ko dahil sa panunukso niya. He even poked me. And Yluj looked at me seriously. Na mas nagpalakas pa sa pagkalabog ng puso ko. Napayuko ako at hindi makatingin sa kanila nang maayos. Natanaw ko kasi ang mukha kong nangangamatis na sa sobrang pagkapula.
Julene passed by at our back. Napabaling ako agad sa kanya. Base sa kanyang hitsura, hindi niya nagustuhan ang narinig. Dala niya iyon hanggang sa kumanta na siya sa stage.
The crowds booed her. Medyo hindi kasi naging maganda ang pagkakanta niya ng "Tala" ni Sarah Geronimo kahit pa maayos ang kay Alex. Hindi pa man tapos ay patakbo na siyang bumalik sa backstage, with her bloodshot eyes and tears streaming down her cheeks.
Nag-aalala, nilapitan ko siya pero binunggo niya lamang ako. Buti na lang ay nasapo ako ni Yluj dahil kung hindi baka bumagsak na ako sa sahig.
"Bitch!" she mumbled.
Agad siyang dinaluhan ni Cassandra na kakapasok pa lamang ng backstage. Cassandra looked at me with disgust on her face. She raised her brow and leered at us.
"Delos Santos at Garcia? Kayo na."
I nodded at Madam Ashneka and glanced back again to them. Julene raised her middle finger at us. Yluj shook his head and pulled me closer to him.
"Let's go, Imouto. Don't mind them."
"Attitude!" Kuya Abet spat.
Malalim akong huminga saka nagpahila na kay Yluj papunta ng stage. Patay ang lahat na ilaw. Mabuti na lang para hindi nila makita kung ano ba talaga ang tunay kong nararamdaman sa mga oras na iyon.
I sat down at the stainless chair. My hold on the mic and stand tightened. As my heart drummed loudly. Mariin kong ipinikit ang mga mata habang inaalala ang gagawin at ikinakalma ang sarili.
The spotlight darted on Yluj as he started strumming his guitar and everyone gave us a round of applause.
Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at iminulat ang mga mata. Saka ko sinimulan ang pagkanta sa unang verse ng Fuckin' Perfect ni Pink. At first, medyo nahihiya ako at aaminin kung nawala sa tono. But as I heard Kuya Chris' chanted my name at the crowd... parang nabuhayan ako at mas inigihan ang pagkanta.
I looked at Yluj. He's smiling at me while strumming perfectly his guitar. Mas lalong tumaas tuloy ang kompiyansa ko para sa sarili lalo na dahil nakikisabay ang mga audience sa aking pagkanta.
Yluj and I duet when we reached the chorus. Doon lalong nawala ang pangamba ko. At mas itinuon ang mensahe ng lyrico. Dahil iyon iyong parte ng kanta na mas dama ko. Na para bang sa akin talaga ipinupupukol ang mensahe.
Matagal ko nang tinatanong ang sarili ko kung bakit ganito ako. Kung bakit iba ako sa lahat. Kung bakit noon, salot ang turing sa akin ng mga taong nakakakilala. That I don't deserve to live in this world. Kung bakit ako at hindi na lang iba. Kung bakit nagawa sa akin iyon ng mga magulang ko.
Maybe I can't find the right answers for now. But I am still a fucking perfect even they say, there's no perfect in this world. I am still human. And being a human is already perfect for Him, for our God. Because we are His beautiful and wondrous creations. Na kahit anong kasarian mo, anong relihiyon mo, anong lahi mo, anong kulay mo, taas mo, at hitsura mo... pantay-pantay pa rin tayong lahat sa mga mata Niya.
I took a deep breath after I sang the last lines. Agad kong naibaba ang kamay. Hindi na napansin na naitaas na pala dahil sa sobrang pag-e-enjoy sa pagkanta. Ni hindi ko nga rin napansin ang pagtayo at pagpunta sa gitna.
I was teary-eyed when everyone stood up and filled the whole room with their claps. I bowed. Lumapit sa akin si Yluj at inakbayan habang nakikisabay sa pagyuko para magpasalamat.
"A round of applause, please!" Umakyat ang lalaking host sa stage. "Thank you for that inspiring and beautiful performance!"
"Yeah. It was so really inspiring. Until now, nagsisitayuan ang mga balahibo ko, partner."
"It's indeed true, Karen. Well, again, thank you candidates number 4... Katherine Azuretha Garcia and Renzo Yluj Delos Santos."
Iginiya ako pabalik ng backstage ni Yluj. Medyo nabigla ako nang agad akong pinagkaguluhan nina Rhea, Valerie, Sharlene, at Angel. They congratulated me. Even Yluj, too. Medyo nag-iinit ang mga pisngi kong nagpasalamat sa kanila pati na rin sa mga nakidalo.
I looked at Julene's area. Cassandra gazed at me guiltily. While Julene, rolled her eyes and commanded her artist to fix her makeup.
Masaya pa rin ako kahit papaano dahil iyong mga hindi ko naging ka-close sa rehearsal, ngayon ay nagpapakita ng suporta para sa akin kahit pa magkakalaban kami sa iisang titulo at korona.
Kuya Abet grabbed and let me out from the crowds. Aniya, aayusan na ako at magbibihis na para sa cultural attire.
Nagpasalamat ulit ako sa mga kapwa kandidata at nagpaalam. Bumalik na rin si Yluj sa area nila nang tanawin siya ni Sophia, na sa palagay ko ay ang nag-aasikaso sa kanya.
After a few minutes, natapos na ang talent competition at may nag-i-intermission number sa stage nang pumasok ulit si Madam Ashneka sa backstage.
Hindi siya magkaundagaga sa pagmamando sa amin na kailangan na naming bilisan ang pag-aayos at pagpapalit ng costume.
Well, nakahinga na rin naman ako nang maluwag dahil kunting spray na lang sa mukha ko, handa na ako.
Sa mga oras na iyon, wala na akong kabang nararamdaman at nai-excite na para sa susunod na exposure sa stage.
Pero unti-unting nagiba ang kompiyansang nabuo nang nakabusangot ang mukhang lumapit sa area ko si Madam Ashneka.
"Garcia..." he called.
Ngumiti pa rin ako kahit medyo may bumara sa aking lalamunan. "Bakit po, Madam?"
His eyes were bitten gloomy and at hesitant. Mukha ring stressed siya. "Sorry, pero dehins ka na ka-join, ha?"
"Ano po? Bakit po?" I panicked.
"Ano bang nangyari, Ashne?" nag-aalala na rin si Kuya Abet. "Maayos naman kanina, ha?"
Problemadong nailing si Madam Ashneka. "Dehins ko rin knows, mars. Sinabi lang sa akin ng staff."
"Grabe naman 'yan, Ashne! Dapat magpaliwanag sila."
Nanahimik ako. Iniisip kung ano nga bang dahilan. Hindi sadya, narinig ko ang mahihinang halakhakan sa area nina Julene. Napalingon ako sa banda nila, pero agad din silang umakto na para bang wala silang ginagawa.
Si Julene ba ang dahilan nito? Ito na ba iyong sinasabi niya kanina? Ito na ba iyong sinasabi niyang babagsak ako?
Yluj called my name from their station. He smiled at me and a6sk if I am ready. Hindi man gustong mag-alala siya, bahagya akong ngumiti at tumango.
Okay lang ito, Kath. Okay lang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top