CHAPTER 21

NAGPAULIT-ULIT sa isipan ko ang mga sinabi ni mama kagabi. Halos hindi ako nakatulog sa sobrang kakaisip sa gagawin. Well, wala namang masama kong ita-try ko, hindi ba? Wala namang mawawala. Natitiyak ko rin na hindi ako sasaktan ni Yluj. He's very vocal about his feeling towards me. And like his mother, I am trusting him too.

Bumuntong-hininga ako. Heto, nasa kotse na ako ni Yluj, maaga niya akong sinundo sa bahay. Buo na sana ang desisyon sa gagawin. Pero dahil sa usapan kagabi, parang naglaho yata ang lakas ng loob ko at nagdalawang isip kung tama ba na maging kami ni Yluj.

Because half of my mind was worried. Though, I am trusting him... hindi ko maiwasang maikumpara siya kay Justine. Katherine! Hindi nga sila pareho. Iba siya, iba si Justine. Iyon lang ang isipin mo. Hays.

"Kanina ka pa tahimik, Imouto?"

Napakurap ako at napabaling sa malaking gusaling nasa gilid. Hindi ko napansin na nasa gymnasium na pala kami. Napatitig ako sa puting pader, iniisip kung dapat ko na bang sagutin siya o hindi. Well, handa ako. Handa na ako. Pero hindi ko alam kung bakit may parte sa loob ko ang ayaw. Si mama kasi. Tsk!

"Are you alright?" nag-aalala na niyang tanong.

Malalim akong huminga at tiningnan ang malambot niyang kamay sa balikat ko. "Oo."

"Hontoni?"

Tumango ako kahit hindi ko naman talaga naintindihan.

"C'mon?"

Tumango ulit ako. Pero bigla ko na lang naisip na paano kung ito na iyong huling pagkakataon ko para sabihin sa kanya, para sagutin siya? Katherine, maging malakas ka naman. Huwag kang duwag! Okay. Breathe in, breathe out. Kaya mo iyan.

"Ahm... Y-Yluj!"

Nilingon niya ako. Pero hindi tulad kahapon, kumislap ang mga mata niya na para bang alam na niya kung anong sasabihin ko.

"K-kasi..."

He smiled and reached my sweaty hands. "It's alright, Imouto. If you're not really ready, don't push your self, okay? I can wait. Wala naman sa akin kung gaano ako katagal maghihintay."

I bit my lower lip when my eyes dropped on his.

"I am very sure with you, Imouto. I am willing to wait. Really. Pasasakalan kita..."

Napakurap ako. "Ano?"

"Pasasakalan," he said confidently.

I bursted in laughter. "Pakakasalan yata?"

"Ah, that's it." Shyly, he looked away along with his blushing cheeks.

Tinanggal ko ang seatbelt saka siya tinapik. "Tara na nga."

Nakasunod naman kaagad si Yluj sa akin.

The whole week, we got busy preparing for the pageant. Halos hindi ko nga napansin ang bilis ng paglipas ng mga araw. Siguro ganoon talaga kapag may malaking ganap ang darating. Na para bang pisi at hinihila ng tren ang araw. And boomed, bigla ka na lang magigising na iyon na, iyon na iyong araw na hinihintay mo... and at the same time... kinakatakutan mo.

Bago pa man dumating ang araw na iyon, nasa ayos na ang lahat. Iyong mga gown na gagamitin ko, costume, sandals, makeup at kung anu-ano pa. Hinanda iyon nina Yiel, Joan, at Sophia. Nakakatuwa nga na sa sobrang abala namin, nagkaroon pa rin kami ng oras para mag-bonding.

Mi-minsan ko lang nakita at nakausap si Madam Yumi—I mean Tita Yumi sa mga araw na nasa bahay nila ako. Well, Yluj said that she was busy with their business in Japan. Hindi ko nga lang natanong kung anong klase ba ng business ang mayroon sila. Siguro, restaurant din. Kasi may ganoon sila rito. Baka ganoon din sa Japan. Well, I don't know.

Nga lang, umuwi si Tita Yumi dahil nasabi ni Sophia ang tungkol sa pageant. I learned that Mister SAVS was Yluj's first pageant so she wanted to support her son.

Sobrang saya ko rin na dahil sa pageant na ito, naayos ang turing ko sa aking pamilya... kina mama at papa. Hindi pa naman talaga napatawad nang lubusan, kahit papaano ay binibigyan ko ang sarili ng pagkakataon para intindihin sila.

Then, the technical rehearsal came. Last day of practice. At bukas ay pageant night na. Ginabi kami dahil bukod sa kailangang isiguro na nasa ayos na ang lahat, nagkandagulo-gulo kami sa pagkakamali ni Krizzia.

I cheered her up. Pero sininghalan at inirapan niya lang ako bago lumapit kay Julene.

"Compress! Compress!" Madam Ashneka yelled as he showed up the bowl with the pieces of paper to us.

Nagsilapitan naman kaming lahat sa kanya. Nasa kabilang banda si Yluj. Well, hiwalay kasi ang mga babae sa mga lalaki. Okay lang iyon kahit papaano para makaiwas na rin sa gulo. Lalo pa na nararamdaman ko ang mainit at matalim na titig ni Julene sa tuwing nagpapa-cute sa akin si Yluj.

Maraming beses akong nagtangka na kausapin siya, pero sa tuwing nakikita niya ako, siya na rin mismo ang lumalayo.

Maybe, she needs time. Ibibigay ko iyon sa kanya. That way, mapakita ko man lang na kahit papaano... isang kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya.

"Nasa akin na ang results kung sinetch ang crowning as... Miss Friendship!"

Nagsimula ang bulung-bulungan ng lahat. Nanahimik lamang ako. Well, hindi naman ako naghahangad na ako iyong iboboto nila. Ni minsan nga lang akong makihalubilo at makipag-usap sa kanila. Madalas pa ay kapag nagpapasalamat lamang ako sa tuwing pinupuri ni Madam Ashneka.

"Sa boys... may isa na tayong sure. But sa girls, we have a tie!" kasabay ng palakpak niya na walang tunog dahil hawak ang babasagin. "Kaya kailangan nating mag-choice ng wisely kung sino ba talaga sa kanila ang reyna!"

"Sino po ba, Madam?" Lexie asked. "Sigurado ako na si Julene ang panalo. Pero sino 'yong isa?"

"Hala. Baka ako na," si Beatrice.

Humagalpak sa pagtawa si Julious. "Sigurado ka, Beatrice? Sa ugali mong 'yan, magiging Miss Friendship ka?"

Even Kristoffe laughed. "Malay mo, Julious. Binuto siya kung sino ang may pinakamaraming nataasan ng kilay."

"Kapal ng mukha ninyo!" Beatrice hissed and rolled her eyes.

"Quite!" Natahimik naman sila sa pagsigaw ni Madam Ashneka. Ipinatong niya ang bowl sa ibabaw ng stage at madramang hinimas ang sentido. "Nai-stress ako sa inyo!"

"Whose the winners, Madam?" Julene asked confidently, expected that she's one of the winners.

"Well, well, well. Sa iyo ang unang trono—"

Agad na nagtatalun-talon si Julene at nakipaghawakan ng kamay, sa katabi.

"Pero sino iyong isa, Madam?" si Alex, mukhang hindi sang-ayon sa naging resulta.

A proud smile stretched on Madam Ashneka's pale lips. "Well, it's no other than..." Gumawa pa siya ng ingay na mala-drumroll gamit ang boses. "Garcia!"

My eyes widened. Hindi in-expect ang sinabi ni Madam Ashneka. Well, I thought one of Sharlene, Angel, or Rhea... Julene's tied off. Sa lahat kasi ng candidates, sila lang ang madalas nakikipag-usap sa akin. Minsan nilalapitan para mag-alok ng tubig.

Rhea pushed me softly. "Yie! Congrats, Kath. Sabi na, eh!"

"Kaya nga!" pagsang-ayon ni Sharlene.

Pinilit ko mang pigilan ang pagngiti, wala akong nagawa. I uttered, "thank you". And they even hugged me.

But someone hissed from the crowds. At base sa boses niya, agad kong nakilala kung sino iyon. Bagama't nakaukit ang matamis na ngiti sa labi, natigilan ako at dahan-dahan na humarap ulit kay Madam Ashneka.

Akmang lalapit sana sa akin si Yluj, pero nagsimula nang magsalita si Madam Ashneka.

"Congrats to the both of you. Pero... hindi pa tapos ang battle ninyo. Lahat kayo ay think wisely kung sino ang iboboto niyo."

Napangiti ako nang bumaling sa akin si Madam Ashneka.

"Reyes and Garcia, doon muna kayo sa gilid."

Pairap, nilagpasan ako ni Julene. Yumuko ako at ngumiti bago sila tinalikuran.

"Buenaventura, start tayo sa iyo."

Nagsimula na ang botohan. Well, hindi ko man inaasahan na ako pa rin ang mananalo... lumakas at bumilis pa rin ang pagtibok ng puso ko. I can't even look at them, chatting and cheering with whom.

Hindi ko kaya. Nakayuko lang ako at hindi mapakali sa kinauupuang bleacher habang si Julene, taas-noo at malawak na nakangiting kinawayan ang mga kaibigan nang sulyapan ko siya.

Ilang minuto lang nagtagal ang botohan. Pinatawag ulit kami ni Madam Ashneka kay Julious. At halos sabay kaming tumayo ni Julene, pero nang magkatinginan, inirapan niya ako saka nauna na.

Napabuntong-hininga na lamang ako at naiiling na sumunod na.

"Okay, we have a winner. Pero, tomorrow pa natin malalaman ang totoong reyna."

Umugong ang palakpakan nila. Ako? Ni hindi ko maramdaman ang excitement. Paanong hindi? The way Julene carries herself confidently, sino pa ba ang tingin mong mananalo? Saka mas marami siyang kaibigan kaysa sa akin. Baka nga nagkamali pang isulat ang pangalan ko kaya't naka-tie siya.

Sa simula pa lang ay nakipagkaibigan na siya sa lahat. Kaya nga kanina, hindi ko inasahan na may boboto sa akin gayong hindi naman ako friendly tulad niya.

"So, umuwi na tayong lahat at mag-beauty rest!"

Hinatid ako ni Yluj. Gusto ko man siyang papasukin sa bahay, pero masiyadong malalim na ang gabi. Pagod din siya at alam kong malayo pa ang biyahe papunta ng Sunny's Ville. Kaya wala akong nagawa kundi ang panoorin ang paghalo ng kotse niya sa dilim matapos magpaalam.

Tanghali na ako nagising kinabukasan. Kung hindi pa nga ako pinasok ni mama sa kuwarto, baka hapon na ako nakabangon. Well, nasa baba na kasi ang mga kaibigan. Sinusundo na ako upang maghanda para sa nalalapit na pageant night mamaya.

"Mag-almusal na muna kayo, mga hija."

"Hindi na po, Tita Dy. Actually, we prepared a bunch of foods in Yluj's house."

"Ah ganoon ba, Sophia? How about Kath? Mukhang lutang pa yata galing sa pagkakatulog."

Humikab ako. Walang pakialam sa kung anuman ang pinag-uusapan nila. "Puwedeng kumain muna?"

They giggled. Kahit si mama ay nakisali sa kanila.

"Bakit?" tanong ko, nahikab ulit.

"Naghanda raw kasi ng pagkain kina son-in-law, 'Nak," sabi ni mama sabay marahan akong itinulak. "Doon ka na mag-almusal. Pero bago iyan, maligo ka muna at nang hindi ma-turn off siya sa iyo."

I groaned as they laughed at me. Naiiling na lang akong tinalikuran sila at nagtungo na sa banyo. Mama prepared my clothes for me. Ni hindi ko na nagawa dahil lutang pa rin ang isip nang pumasok sa banyo.

Well, it was just a plain knee-length white bestida. Pero kung makapag-react ang mga kaibigan, parang ibang tao ang nakita nila paglabas ko. At halos bumagsak hanggang sahig iyong mga baba nila. Psh. Naiiling na lang akong sumakay sa kotse ni Sophia at si Yiel ay kay Joan.

Inasikaso kami ni Tita Yumi sa hapag nang mag-almusal. Tulad ko, parang sabog din si Yluj, kulang sa tulog, at wala sa sariling kumain nang agahan.

Masarap ang pagkakaluto ni Tita Yumi sa kung anong klase man ng pagkain na naihanda niya. Well, that's my first time to eat that kind of dish. Gulay iyon na para bang togue na medyo maanghang ang pagkakagawa. Sumakto pa iyong lemonada. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi kumain nang marami.

"Kath, stop eating too much!" sabay tapik ni Joan sa kamay ko nang magtangkang kukuha ulit ng pagkain. "Remember, may pageant ka mamaya?"

"Eh, ang sarap kasi," nangingiwi kong rason.

Yluj and Tita Yumi giggled.

"Anata no giri no musume wa okāsan, anata no ryōri ga sukina yōdesu." Yluj talked to his mom.

Nakita ko naman ang pag-blush ng mga pisngi ni Tita Yumi at nangingiting hinawakan ang mga kamay ko. "Arigatōgozaimashita. Anata wa totemo kawaī, yomedesu!"

"H-ha?" Napakurap ako dahil hindi ko maintindihan ang sinabi niya. "Ano po iyon, Tita Yumi?"

Sophia giggled.

Napasulyap sa kanya si Tita Yumi at kumindat bago ako balingan muli. "Wala, hija. Sabi ko lang ay thank you."

Nang magtanghalian, hindi na ako pinakain pa ni Joan. Napaka-overreacting niya na halos puro tubig lang ang inaalok sa akin at biscuit. Kahit si Yluj din ay ganoon.

Baka sumapit ang gabi, mahimatay na lang kami dahil sa gutom. Nirason ko iyon kay Joan nang magbiyahe papunta ng gymnasium, pero ang bruha, inirapan lang ako.

Humingi ako ng tulong kay Yiel, pero tulad ni Joan, inirapan niya lang ako at nagpatuloy na lang sa pagtatanong sa akin ng mga question tungkol sa current events.

Bumuntong-hininga siya. "Makisama ka naman, Kath. Tingnan mo, ginagawa namin ang lahat para lang manalo ka!"

"Gutom lang."

"Heto, oh... biscuit. Tiyaga lang muna. Ngayon lang naman ito."

"Yiel is right, Kath. Ngayon lang ito. So please, bear with it."

Wala akong ibang nagawa kundi ang tanggapin ang inalok niya. Unti-unti ko iyong pinapak hanggang sa makapasok na kami sa backstage ng gymnasium.

"What can you say about gender equality?" habol na tanong sa akin ni Yiel.

Napailing na lang ako. Himbes na sagutin siya, ininuman ko na lamang ng tubig sa bottled water na binigay ni Joan.

May isang matandang lalaki ang lumapit sa akin. Joan called him "Kuya Abet". Well, naglahad naman siya ng kamay sa akin at nagpakilala.

"Joan hired me as your personal makeup artist tonight. So, are you ready?"

Tumango ako. "Opo. Ako nga pala si Katherine. Kath na lang po."

"By the way, nasaan na ang mga gagamitin mo?"

"On my car po, Kuya Abet," si Joan.

"Okay," sabay tawag niya sa dalawa pang lalaki malapit sa may salamin. "Fely, Jake... kunin niyo 'yong gamit ni Kath."

"I will join them, Kuya Abet."

Sinimulan ni Kuya Abet ang pag-ayos sa buhok ko. Well, inayos niya lang ang mga curler sa buhok ko para mamaya raw ay maayos ang pagkakakulot. At bongga, ayon sa kanya.

Lumipas ang ilan pang mga oras, unti-unti nang nagsipagdatingan ang mga co-candidates kasama ang mga makeup artist nila. Yiel got busied with her cell phone. Sinabi niya rin sa akin na nasa kabilang backstage na rin daw sina Sophia at Yluj.

Dumating sina Joan kasama ang mga helper ni Kuya Abet, bitbit ang mga gamit ko. Ilang oras pa ang lumipas, sinimulan na rin ang pag-aayos sa makeup ko.

Saglit na lumabas sina Joan at Yiel para tingnan daw kung nandiyan na ba sa loob ang pamilya ko. Well, maaga pa naman kaya nasisiguro kong wala pa sila.

Alas sais noong natapos ang makeup ko nang masulyapan ko sa salamin ang pagdaan ni Julene sa likod ko, suot na ang damit na pang-production number at ayos na ayos na.

"Julene," tawag ko pero nilagpasan niya lang ako na para bang wala siyang narinig.

Yumuko si Kuya Abet at ibinulong, "Grabe naman iyon. Attitude! Sino ba iyon? Kaibigan mo ba?"

I smiled. "Wala po, Kuya Abet. Hayaan mo na lang."

Ilang oras pa ang lumipas, pinapapila na kami ni Madam Ashneka dahil magsisimula na raw. Natigil lang siya nang makita ako.

"Gosh! Diyosa! Hindi ako magkakamali kung ikaw ang magka-crowning tonight!"

"Korak, Ashne!" si Kuya Abet.

Napangiti na lang ako sa kanilang dalawa. Iginiya ako ng mga helper ni Kuya Abet sa pila. Medyo nahirapan sa taas ng sandals na suot. Well, komportable naman ako kaya lang, medyo nanginginig ang mga tuhod ko dahil sa kabang nararamdaman.

Inhale. Exhale. Pilit kong ipinapakalma ang sarili lalo na nang matanaw ang iba't ibang ilaw na nagpapaliwanag sa buong stage. I signed across. Nahagip ng mga mata ko si Yluj sa kabilang banda. He stretched his lips with his fingers and murmured "fighting".

I smiled at him and do what he did. Natigil lang ako nang may umubo sa likuran ko.

"'Wag masiyadong mataas ang lipad. Mahirap na... masakit ang bumagsak, Ate Kath."

May ngising nanunuyang nakaukit sa labi, pairap akong nilagpasan ni Julene.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top