CHAPTER 20

HINDI ko inasahan na mag-o-open up sa akin ang mama ni Yluj. It was hard to think that a beautiful and elegant woman like her... may lihim na pinagdaraanan din pala. She told me how she loves Yluj's father. Pero dahil may tradisyon ang pamilya nilang sinusunod, pilit silang pinaghiwalay.

At first, Madam Yumi protested, yet her families' tradition was formidable. Kaya wala siyang ibang nagawa, kundi ang layuan ang lalaking minamahal niya. However, she promised to herself that she won't let that happen to her son, Yluj, her unico hijo. But our love would be strong enough to fight for their tradition?

I hope so. As if na kami talaga ang para sa isa't isa hanggang sa huli, hindi ba? Well, wala namang mali na umasa. Bakit ba?

Natigil lang kaming dalawa ni Madam Yumi sa pagkikuwentuhan nang biglang pumasok si Yluj sa kusina. Agad siyang tumalikod at mabilis na pinunasan ang mga luha sa pisngi, saka siya humarap sa anak na may ngiti na sa labi.

She chuckled a bit. "I like this girl for you, son. Hindi lang siya maganda, masipag at mabait pa."

Kumunot ang noo ni Yluj, hindi makuha ang gustong sabihin ng kanyang ina.

Marahan akong humalakhak at tinapos ang pagpupunas sa mga utensils na hinugasan. "H-hindi naman po, Madam Yumi. Nakita ko lang talaga kaya hinugasan ko na---"

"I said call me 'tita', Hija." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga balikat ko. "My son loves you. At sa pagkakakilala ko sa batang ito... it will last. Minsan lang 'yan ma-in love, pero malala."

"Okasan!" may bahid nang pagkakapahiyang sinabi ni Yluj, lumapit siya sa amin at saglit na niyakap ang ina. "You should rest. Kakagaling mo lang sa flight at dumiretso ka pa sa restaurant natin."

Restaurant nila? It means... sa kanila iyong magarang gusali na iyon? Pakshet! Mayaman nga silang tunay.

"But I am not tired, Hijo." May ngisi sa labing bumaling sa akin si Tita Yumi, naniningkit ang mga mata. "Jissai, watashi wa kanojo ni tsuite motto shiritaidesu. Kanojo wa totemo kireide shinsetsudesu. Watashi wa anata no haigūsha to kizuna o kizuku koto ga dekiru yō ni naritaidesu."

"Mom!"

Pinamulahan ng mga pisngi si Yluj. Medyo nagtaka ako kung bakit? Marahan niyang itinulak palabas ng kusina ang ina, naiiskandalo sa malakas at mapanuksong halakhak nito.

I sighed in relief when they have gone. Pero saglit lang iyon nang agad na bumalik si Yluj. My heart skipped a beat at his sudden move. Taas-baba ang kanyang mga kilay na lumapit sa akin at may mapaglarong ngisi na nagtungo sa may fridge para kuhanin ang susi ng kanyang kotse.

Namilog nang husto ang mga mata ko nang bahagya niya akong ma-corner. Nakataas ang kanyang kaliwang kamay para abutin sa itaas ng fridge ang susi at habang ang kaliwa, nakahawak sa gilid na humaharang sa katawan ko.

"It is already six, I will drive you home."

Napakurap ako at napalunok. "H-hala. Paano si Joan at Sophia?"

"Nakauwi na sila kanina pa."

He crouched and leaned forward on me. "Why are you so pale, Imouto? Are you nervous?" he whispered huskily.

"H-hindi!" kasabay ng malakas na pagpintig ng puso ko saka marahan na inalis ang braso niyang nakaharang. "T-tara na. Baka hinahanap na ako sa bahay."

Nagtipauna na ako at habang siya, nakasunod kasama ng mapanuya niyang mga halakhak. Sandaling tumigil ako nang makuha ang bag sa couch. I took a deep breath, calming the fast and loud thuds of my beating heart.

"Let's go?" may halong panunuksong sabi niya.

"Ta-tara na..."

Tahimik ako buong biyahe. Ang daldal ni Yluj, pero kahit ni isa ay walang akong maintindihan. Iniisip ko kasi ang mga sinabi ni... T-Tita Yumi kanina. She wishes for Yluj's happiness. Siguro kung sasagutin ko siya ngayon, magiging masaya kaya siya?

Pero naiisip ko rin kung sapat na ba ang pag-ibig ko para kalabanin ang tradisyon ng pamilya nila? Sobrang minahal ni Tita Yumi ang ama ni Yluj, pero hindi pa rin naging sapat iyon para ipaglaban nila ang kanilang pagmamahalan.

Kung sakaling magiging kami ni Yluj, kaya ko kayang harapin ang pamilya nila?

Yluj coughed.

Naputol ang pag-iisip ko at napabaling sa kanya. "Bakit?"

Inalis niya ang pagkakabit ng seatbelt niya. "We're here..."

Kumunot ang noo ko at dali-daling pinasadahan ang buong paligid. Nasa tapat na nga kami ng bahay namin. Ni hindi ko man lamang naramdaman ang paghinto ng sasakyan kanina. "Ahm... pasensiya. Narito na pala tayo," sabay tanggal ko sa seatbelt.

"What are your thinking of, Imouto?"

"Ahm..." Bumuntong-hininga ako. "W-wala naman."

Tumango siya at akmang bubuksan na ang pinto ng kotse nang pigilan ko siya. "Y-Yluj!"

"Hm?"

Ngayon, may pagtataka nang nakaukit sa kanyang mukha. Napalunok ako. Nagdadalawang isip kung tama pa ba ang gagawin. Well, this is the right time. Kung hindi ko ito gagawin... baka lumipas pa ang pagkakataon na ito.

"What?"

Pinilig ko ang ulo ko at nilunok ang kung anong nakabara sa lalamunan dahil sa lakas at bilis ng pagtibok ng aking puso. "I... I... I..."

Nagtaas siya ng mga kilay at buong ibinaling ang atensyon sa akin.

For the last time, I closed my eyes and let out a long sigh. "I think... I... I am-"

Biglang umugong ang busina. Agad kong natanaw ang kotse ni papa sa harap. Kung sinuswerte ka nga naman. Good timing! Naiiling, napapikit ako nang bumaba si papa at lumapit sa kotse ni Yluj.

"Kararating niyo lang na dalawa?" tanong niya.

"Hai, Tito!" I heard Yluj's answered confidently.

"Hello," boses iyon ni Kuya.

Napamulat ako nang humagalpak sa pagtawa si Yluj. Mariin na tiningnan siya ni Kuya, kaya tinapik ko na at baka kung ano pa ang magawa nito sa kanya.

"Naze, Imouto?" may bahid pa rin ng pagtawa niyang sinabi.

Inirapan ko siya. "Kakauwi niyo rin lang, Papa?"

"Oo, medyo na-traffic. Pasok na kayo. May hinanda raw na masarap na hapunan ang mama ninyo."

"Hai, Papa!" si Yluj iyon.

Naiiskandalo, nagkukumaripas akong bumaba ng kotse. Sumunod kaagad si Yluj at nagmano pa kay Papa nang makababa.

Kuya Chris looked at me with menacing eyes and disgust on his face. I raised my brows and muttered, "Problema mo?"

Pinaningkitan niya lang ako ng mga mata saka inirapan nang lagpasan at nagtipauna na. Problema noon? Psh!

Our supper on our small wooden dining table ran softly. Masaya si mama sa pagbisita ni Yluj sa bahay. Aniya, sakto lang na nakapagluto siya ng mga paborito namin: Afritada, Adobo at Chapsoy. She even buy avocado ice cream for our dessert. Pero naba-bothered at napapangiwi ako sa tuwing tinatawag niyang 'son-in-law' si Yluj. Not that I don't like him. Pero masiyadong maaga pa para doon.

Ang isipin kasi na magki-kinse pa lamang ako ngayong darating na Marso, napag-uusapan na nila ang kasal at kung ilan ang magiging anak namin. Pakshet! Napapainom na lang ako ng lemon juice sa tuwing sinasama iyon ni mama sa usapan at sinasagot naman ng inosenteng si Yluj!

Kuya Chris hissed silently. Hindi iyon nakatakas sa pandinig ko. Mariin ko siyang tiningnan. Nevertheless, the jerk did the same. Kaya nasipa ko na siya sa ilalim ng mesa.

"Okay ka lang ba, Anak?" tanong ni mama sa pag-impit niya.

He nodded. Palihim akong napangiti dahil hindi maitago ang sakit sa mukha niya mula sa sipa ko. Buti nga sa kanya. Tss!

Natapos ang mumunting salu-salo namin ng alas nuwebe. Medyo napasarap ang usapan nila Mama, Papa at Yluj. Kahit iritado na si Kuya, nanatili pa rin siya kahit labag na yata sa kanyang kalooban. Pinalaki rin kasi kami ng mga magulang namin na may respeto. Hindi ko nga lang alam kung nagagawa ko ba iyon o hindi?

"Bye, Imouto. See you tomorrow?" Nagpa-cute pa siya. Psh!

Humalukipkip ako't sumandal sa poste ng gate namin. "Tomorrow?"

Namula ang mga pisngi niya at napakamot sa kanyang batok. I glared at him and he looked away. Na para bang hiyang-hiya siyang sabihin kung anuman ang nasa isip niya.

Nagtaas ako ng kilay. "Bakit?"

"Be... cause I will fetch you tomorrow." He sighed.

Bahagya akong natawa sa kanya. Para iyon lang? Tumango ako. Bigla kong naisip iyong nais ko sanang sasabihin sa kanya kanina sa kotse. I gulped and practiced the words on my mind. "Kasi, Y-Yluj... I-"

"Hindi ka pa rin pala nakakaalis?" Biglang sumulpot si Kuya Chris sa pagitan namin.

Yluj chuckled. Hindi pa naman gustong umalis, napilitan na siyang magpaalam.

"Ahm... I need to go, Imouto. Tomorrow?"

Tumango ako, iniisip na bukas ay puwede pa naman yatang sabihin sa kanya ang nais ko. Oo, bukas na lang. Sa kotse niya. Para wala nang mang-iistorbo sakali.

I smiled and he stared at me.

"Oh? Anong kaartehan pa 'yan?" singit ni Kuya Chris. Napakagat na lang ako ng labi para pigilan ang pagngatngat sa kanya. "Sakay na. Naghihintay pa ng kiss? Walang gano'n kaya alis na. Tsupi!"

Pinagtulakan pa ng walang hiya si Yluj papasok sa kotse. Naiiling na lang talaga ako sa kabaliwan nitong Kuya ko. Yluj started the engine. Pero nilingon niya pa rin ako at nginitian.

Hindi ko alam pero para yatang natunaw ang puso ko sa matamis niyang ngiti at nahulog na sa kanal. Slowly, I waved my hand at him. At inipit sa tainga ang invisible na buhok na tumakas. Napaimpit ako nang mag-heart finger si Yluj sa akin.

Someone coughed at my side. Sa sobrang lakas, inis na binalingan ko si Kuya Chris at pinaningkitan ng mga mata. Problema ba nito? Kanina pa siya ha? Akala niya ba ay hindi ko napapansin ang pagpapapampam niya? Tsk!

"Alis na!" mando niya kay Yluj.

Yluj waved his hand at me. I smiled and watched his car ran. Nakaukit pa rin ang ngiti ko sa labi hanggang sa maglaho na ang asul na kotse ni Yluj.

Someone poked me and teased. "Yieee! Kayo na?"

I sighed and nodded my head involuntarily. "Aray!" Kinurot ako ni Kuya Chris. "Bakit ba?!"

"Anong bakit ba?" singhal niya. "Kayo na ba ng Hapon na 'yon?"

"Hindi! Saka Half-Japanese at Half-Filipino iyon!"

"Kahit na! Hapon pa rin ang lalaking iyon!"

"Bakit nagtatalo kayong dalawa? Dis oras na pero nagbubulyawan pa rin kayo riyan?" si mama, nasa likod niya si papa.

"Itong si Kuya kasi, eh! Kanina pa nang-iinis!" reklamo ko.

"Eh kasi paano, kilig na kilig 'to sa Hapon na iyon!"

"Half nga," katwiran ko.

"Tigilan ninyo 'yan. Gabi na at nakakaistorbo kayo ng mga kapitbahay," sabay akbay ni papa sa nakahalukipkip na si mama. "Ikaw, Chris... pumasok ka na at kakausapin lang namin itong kapatid mo."

Masama akong tiningnan ni Kuya Chris. Binelatan ko siya. Pinanlakihan niya pa ako ng mga mata bago tuluyan nang pumasok sa bahay.

I closed my eyes and sighed in relief. Ligtas na ako sa pang-iintriga ng kapatid ko. Or so I thought. Dahil dalawang pares ng mga mata ang nakatitig sa akin nang magmulat, pare-parehong may kislap ng pang-iintriga at mas pinalala pa ng liwanag mula sa bilog na buwan.

"Katherine, baby, isang tanong... isang sagot," seryoso ang boses ni papa.

Napalunok ako. Kumurap-kurap na nag-iwas ng mga mata sa kanila.

"Napansin namin ang pagbabago mo this past few days," si mama naman. Pero hindi tulad ng kay papa, may lambing sa kanyang boses. "Hindi sa hindi namin iyon gusto, pero kayo na ba ni Yluj?"

I shook my head, nanatiling nakayuko. Hindi ko alam kung bakit biglang nag-init ang mga mata ko at namasa. Kung bakit nakaramdam ako ng lungkot sa tanong na iyon ni mama. Na para bang... hindi kami magiging kami ni Yluj.

Suminghap ako. Ano ka ba, Katherine! Hindi mo lang nasabi kanina, nawawalan ka na kaagad ng pag-asa? Sabi mo nga kanina ay may bukas pa? Huwag mo nang isipin kung hindi ka man nakapagsalita kanina! Psh.

Marahan akong hinila ni mama at niyakap. "Gusto ko si Yluj para sa iyo, 'Nak. Kaya ayos lang sa amin ng papa mo, kung magiging kayo. Hindi ba, 'Pa?"

"Oo naman. Ramdam kong mabait na bata si Yluj. Alam kong maalagaan ka niya, Anak... at mabibigyan ng magagandang lahi."

"Papa naman!" Nag-iinit man ang mga pisngi dahil sa hiya, umukit pa rin ang matamis na ngiti sa aking labi.

"Iyan," mama hold my cheeks. "Ang ganda mo kapag ganyan katamis ang mga ngiti mo, 'Nak."

Tears fell down on my mama's cheeks. Biglang naglaho ang ngiti ko sa labi at lumandas muli ang mga panibagong luha.

"Pero... kung siya rin ang magiging dahilan para... masaktan kang muli... hinding-hindi ko siya mapapatawad, Katherine."

"Mama naman! Hindi pa nga ho kami, eh."

Mama smiled. "Sinasabi ko lang, Anak. Bata ka pa. Bata rin si Yluj. Kung magiging kayo man, tiyak na marami pa kayong pagdadaanan."

Mama looked serious now. Kahit si papa ay nag-iwas ng tingin, hindi makatingin sa akin o kay mama man nang maayos.

Like my mother's voice, the cold breeze of August blew. "At kung mangyari man na saktan ka niya... tandaan mo... gagawin ko ang lahat, ang lahat-lahat, 'wag ka lang niya masaktan muli."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top