CHAPTER 19
"HI---"
Natigilan si Julene sa pagbati nang makita kami ni Yluj. Hindi niya yata in-expect na makakaharap kami roon. Napayuko ako nang maramdaman ang pagsimula ng tensyon sa buong silid. In her floral pink sweetheart top and mini skirt, I think Julene prepared for this.
"Y-you're already here, Juls." Dumiretso siya sa kay Yluj at tangkang hahalik sa pisngi pero agad din siyang hinarangan ng palad nito. Napakurap siya at napatayo nang diretso. Inipit niya ang mga tumakas na buhok sa kanyang tainga saka alinlangan na naupo sa tabi ni Madam Yumi. "You're also here, Ate Kath..."
Nginitian ko pa rin siya kahit halos pangiwi niyang sinabi iyon. "Napasama lang," tipid kong sagot.
"So, I think you knew all each other already," halata sa boses ni Madam Yumi ang pagkailang.
Julene smiled as she nodded kindly to her. "Yes. Actually... we're schoolmates, Tita---"
"Don't call my mom in that way." Mariin na tiningnan ni Yluj si Julene dahilan para matigilan siya at kumurap-kurap na tumitig sa amin. "In the first place, why are you here? Why are you with my mom?"
"A-aksidente lang kaming nagkita---"
Yluj hissed and gritted his teeth. "Is that true?"
"Hijo! Don't treat your girlfriend that way---"
"Honto, okāsan?" nanlulumong tanong ni Yluj at bahid ang pagkadismaya sa mababa niyang boses. "Kanojo ga watashi no gārufurendodearu ka... dō ka watashi ni tazuneru koto sae ki ni shimasendeshita ka?"
"I-I am sorry. This is all my fault---"
"Shut up!" Firmly, Yluj stood up. Nagliliyab ang mga mata niyang tinitigan ang kaharap. "I am not talking to you."
Napalunok ako at yumuko, naiipit sa tensyon sa mesa. Ngayon ko lamang nakita ang pagdilim at pagliyab ng mga mata ni Yluj. Para bang nasagad na siya at kailangan nang ilabas ang usok na kumukulo sa kanyang katawan.
Tulad ko, hindi rin magawang mag-angat ng tingin si Julene. Nakayuko lamang siya at halos maghabol sa pagtaas-baba ng kanyang mga balikat.
Bahagya akong sumulyap kay Madam Yumi. Halata ang pagkadismaya niya nang magtama ang mga mata namin. Na para bang hindi siya maniniwala kung sakaling ipapakilala ako bilang girlfriend ng kanyang anak.
"Hijo," she called sweetly and stood up. The way her body moved in a soft way, intimidates me. "Julene telling the truth. This is all an accident. I was walking through the entrance when I saw her. And I easily remember her, so I asked her to join me here."
"Don't defend her, mom." Dismayado, umiling si Yluj at inabot ang kamay kong naglalaro sa kandungan dahilan para biglaan akong mapatayo. "Of all people, you're the only one who knew what she did to me many years ago. And if you expect that I will forgive her, then I won't."
Napakurap si Madam Yumi. She tried to reach his son but the glass table was too big for her to do that. "Yluj, Hijo..."
"Sorry but, lets talk when you got home."
Wala akong nagawa kundi ang ngitian na lang si Madam Yumi nang hatakin ako palabas ni Yluj. Malungkot nga lang niya akong tiningnan, dismayadong-dismayado.
Ang paraan ng pagbaon ng mga titig niya sa akin, alam kong nahusgahan na ako ng mama ni Yluj. Hindi niya ako gusto para sa kanyang anak. Well, hindi ko siya masisisi. Sino ba naman kasi ang magkakagusto sa akin?
Some sees me like a freak. Tulad nang nangyari sa akin ng ako'y limang taong gulang pa lamang. At paano kung malaman din nila ang sikretong matagal ko ng tinatago? E di, mas lalo lamang silang madidismaya sa akin.
"Okay ka lang ba?" tanong ko kaagad nang makaupo na si Yluj sa driver's seat.
Matapos akong pagbuksan ng pintuan, matagal bago siya pumasok ng kotse niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at malalim na huminga. Nagsilabasan ang mga ugat sa kanyang braso sa higpit ng pagkakahawak niya sa manibela. Parang binubuhos ang lahat ng kaniyang sama ng loob doon.
Nag-aalala, bumuntong-hininga ako saka siya marahan na niyapos sa braso. "Alam mo... okay lang iyon. Malay mo, nagsasabi rin sila ng totoo. Baka nga nagkita lang sila sa may entrance ng restaurant kaya sinama na ng mama mo."
He opened his eyes and shook his head. Agad na kumunot ang noo ko nang lamunin ng malakas niyang halakhak ang buong kotse. Para bang nagbalik siya sa Yluj na una kong nakilala, arogante at mapanuya.
Agad kong hinampas ang braso niya. Bagaman nakangiwi, hindi pa rin maalis ang multo ng mapanuyang ngisi sa kanyang labi.
"W-what?"
I rolled my eyes at him. Hindi niya ako sineseryoso. "Alam mo, para kang tanga! Galit ka kanina at halos sumabog pero heto ka ngayon... tatawa-tawa," sabay halukipkip ko.
"Cute mo kasing mag-aalala. It seems that you really care for me. For I know..."
"Ano?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Nothing." He sighed and looked away. "But I didn't believe in their reason. That they met accidentally? I doubted it..."
Biglang sumeryoso ang boses ni Yluj kaya hindi ko maiwasang hindi bumaling sa kanya.
"I knew Julene that much." Umigting ang mga panga niya na para bang kasuklam-suklam na banggitin ang pangalan na iyon.
Napaiwas ako ng tingin nang bumaling siya sa akin.
"Alam kong may plano siya. I don't know what is it, but I can feel her bad intentions."
Naniniwala ako sa kanya, lalo na noong maalala ko ang pag-uusap namin ni Julene kanina. She will do anything just to get back Yluj to her. Well, maybe she's right. My love for him was futile. Pero hindi ako tanga para pakawalan siya. Ako ang mahal niya. And I feel the same, too!
"I-Imouto!" Agad pinamulahan ng mukha si Yluj nang bigla kong idinampi ang aking mga labi sa pisngi niya.
I smirked. "Ano?" hamon ko.
"Can you... can you repeat it, please?"
"Hindi na puwede," sabay halakhak ko at naiiling na inayos ang seatbelt sa katawan. "Tara na. Baka kanina pa naghihintay sa atin 'yong tatlo."
He pouted his lips. "P-please? Kahit isa na lang."
Nag-puppy eyes pa ang loko. Psh! Pero dahil sa mabait ako ngayon, pinagbigyan ko ang kagustuhan niya. I kissed his cheek again. I let out a sigh after doing that. Pilit kong kinakalma ang naghuhurumentado ko nang puso.
Mabuti't hindi na siya humirit pa. Masiglang pinaandar niya ang kotse at nakaplaster ang malapad na ngisi sa kanyang labi hanggang sa makarating kami sa Sunny's Ville at makapasok sa bahay nila.
"Why the two of you took so long?" bungad sa amin ni Joan. Nakasalampak siya sa couch at parang nabo-bored na.
Kumibit-balikat ako at naupo sa tabi niya. "Ano 'yang pinapanood niyo?"
Well, isang anime movie ang naka-play sa TV. Klase ng mga palabas na kailanman ay hindi ko nanaising panoorin.
"Anime."
Sabi ko nga. Hays. "Eh, nasaan si Yiel?"
Napatingin ako kay Sophia nang dumaan siya sa harap ng TV para sundan si Yluj paakyat sa hagdan.
"She went home."
"Ha? Bakit daw? May problema raw ba?"
"Nothing. Personal issue lang. You know, may visitor. Kaya pala ang sungit-sungit niya this day."
Napatingin ako sa kanya. "May bisita? May bisita siya sa bahay nila?"
Humagalpak sa pagtawa si Joan. Kumunot ang noo ko at nagtaka. May nasabi ba akong mali?
"What I mean is... mayro'n siya. As in menstruation. Get it?"
Menstruation?
"Don't tell me until now hindi ka pa rin binibisita ni mens?"
Napalunok ako at para bang may bumara sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Nakakahiya ba kapag hanggang ngayon ay hindi ka pa dinudugo? I'm turning fifteen this November. But, is it natural?
"Grabe, Kath! Magsi-Senior High ka na, hindi ka pa rin vini-visit?"
Marahan akong napailing, hindi makasagot nang diretso. "M-masama ba?"
"Well, not actually. Maybe, delay lang 'yong visitor mo. Baka na-traffic."
Nakisabay na lang ako sa paghalakhak niya.
"Joan and Kath, come on. Sa guest room daw tayo," anunsyo ni Sophia nang makabalik.
Bumangon na si Joan at ako ay nanatiling nakaupo pa rin. "Si Yluj?"
"Magluluto raw ng cookies ninyo. I am jealous at you, Kath."
Kibit-balikat na lang akong tumayo. Nakita ko ang pagdaan ni Yluj patungo sa kusina. He stopped a little bit and smiled at me. I smiled, too.
"Naku ha! One minute lang naman kayo nagkahiwalay ni Yluj, you missed him already?" panunukso ni Joan.
Napailing na lang ako nang magsipagtawanan silang dalawa. Napatingin ako sa kinatatayuan kanina ni Yluj. Well, maybe love is indeed crazy. Nakakahiya mang aminin... nami-miss ko nga siya kaagad.
"Uy! Kath is hoity-toity," Sophia teased.
"Hali na nga kayo. Isukat na natin iyong pinamili ninyo," sabay lagpas ko sa kanilang dalawa.
"Well, I am too excited to see you wearing my top picks!"
"Definitely, ikaw lang naman kasi ang pumili."
They giggled.
Hinayaan ko na lang silang dalawa. Nauna na ako sa pagkahaba-habang hagdanan nina Yluj. And I was right, puro mga kuwarto nga ang nasa second floor. Maybe, there are six rooms. At hula ko, kay Yluj ang pinakamalaki na nasa kaliwa.
The good thing is... well-ventilated ang pangalawang palapag. Open wall ang gitna at nasisiguro kong terasa ang bandang unahan.
"Come on, Kath," aya ni Sophia nang maugat ako sa kinatatayuan.
I can't help it but mesmerized at the beauty of the floor. Kahit ang mga muebles ay makabago at may kaunting touch ng Japanese culture.
"Ah... o-oo."
Dali-dali akong pumasok. At mas lalo akong humanga nang tuluyang bumungad sa akin ang loob ng guest room. Simple lang pero sobrang ganda. Maaliwalas din dahil sa white and gold theme ng kuwarto.
May mga Japanese words na nakaukit sa mga pader at sa gilid ay may isang kasuotan na makikita sa Japan. Kimono ba iyon? Sa gitna, ang malaking kama at naroroon na nakahilera ang mga dress na susukatin.
"Maybe, lets starts with your makeup?"
Sumang-ayon kaming dalawa ni Sophia sa suhestyon ni Joan. Inayusan niya ako. Simple pero napalitaw ni Joan ang natural kong ganda. Halos hindi ko nga makilala ang sarili. Kahit ang medyo nagbago lang ay ang buhok na p-in-onytailed niya nang mataas.
"Gosh! You're so very beautiful, Kath!" sabay palakpak ni Joan.
"Dahil sa makeup mo." I smiled at myself on the mirror.
Inayos ni Joan ang kinulot niyang buhok ko. "Let's start?"
"Here," sabay abot ni Sophia sa kulay gintong dress.
Nagbagay sa akin ang gown. May slit siya sa kaliwang hita pero hindi naman masagwang tingnan. I looked elegant specially when I woar the creamy stilettos. Bumagay din ang makeup at hairstyle na ginawa ni Joan sa akin.
Joan clapped her hands. "You're so beautiful, Kath! Gosh, I am confident to say that you'll bring home the bacon na!"
Naiiling na lang ako sa sinabi niya. Pero hindi ko maiwasang hindi mangiti. Hindi naman siguro masamang i-claim na ang pagkapanalo ko, hindi ba? Kahit si Madam Ashneka ay iyon ang sinasabi. Mas lalo lang tuloy tumataas ang kompyansa ko para sa sarili.
"Hm... We have a problem, though," nakangusong puna ni Sophia.
"What is it, Sophia? She looks perfect na kaya. She's tall, beautiful and brainy. Ano pang kulang?"
Agad akong napaimpit nang ilapat ni Sophia ang kanyang palad sa ibabaw ng aking dibdib.
"She's flat. No, I think she doesn't have boobs. Wala akong makapa, eh."
Napahawak ako sa dibdib ko nang alisin niya ang pagkakahawak niya roon. Agad akong napalunok at may napagtatanto na. Hindi kaya, tama silang mga nanghusga sa akin noon?
"I think Kath's a late bloomer, Sophia." Joan crossed her arms on her chest. "Aside from that, hindi pa siya vini-visit ni mens."
"Really? How sad. Mangangailangan siguro tayo ng silicon bra."
Hindi ko na napansin ang pag-uusap nilang dalawa at nilamon na nang hinuha ang buo kong isip. Maaari kayang mangyari iyon? Well, maybe Joan has a point. Late bloomer kaya ako? Kailangan ko sigurong kausapin sina mama at papa tungkol dito.
Nagpatuloy kami sa pagsusukat. Pinilit na maging masigla ang mukha kahit unti-unti na akong pinapatay ng pag-iisip sa totoong kondisyon ko. Kung ano ba talaga ako? At kung natural ang mga napapansin kong pagkakalayo sa mga babaeng kaibigan?
Natigil lang kami nang pumasok si Yluj na dala-dala ang isang mangkok ng cookies. Well, magdidilim na nang matapos kami. Nag-practice pa kasi kami ni Yluj ng talent namin.
Nasa salas na kami nang dumating ang mama ni Yluj. Elegantly walking toward us. She greeted us and complimented me. Medyo nahiya rin ako sa pagkakapuna niya sa ganda ko. Umakyat din siya agad matapos noon.
I decided to go to their washroom to clean up myself. Nang makalabas sa banyo, agad kong nakita ang mga ginamit ni Yluj sa pagbi-bake sa lababo. Dahil sa sinipag, napagdesisyunan kong hugasan na rin.
"Marunong ka rin palang maghugas," a Japanese accented voice of a woman boomed at my back.
Agad akong napalingon at marahan na napahalakhak nang bumungad sa akin ang isang maputing babae. With her white bestida, Madam Yumi, Yluj's mother-classy stood up near the table.
"A-ah. Nakita ko lang po kaya hinugasan ko na..."
She smiled and came near me. "Do you really love my son, Hija?"
Napalunok ako sa tanong niyang iyon. Hindi ko alam kung sasagot ba ako o itatanggi na lang? Well, she's the mother. Baka kapag nagsinungaling ako, mas lalo lang siyang madidismaya sa akin.
"O-opo, Madam..." sabay yuko dahil ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi.
"Call me 'tita', Hija."
Sa sobrang lakas ng pagkalabog ng puso ko, hindi ko yata narinig nang maayos ang kaniyang sinabi. "A-ano po?"
She chuckled. "Call me 'tita', Hija. I can feel that Yluj loves you, too. Hindi ako hahadlang sa kasiyahan ng anak ko."
"S-salamat po, t-tita..."
"Don't be, Hija. I am trusting my son with his decisions. Ayokong magaya siya sa amin ng papa niya. Hindi naging masaya dahil mas sinunod ko ang mga magulang."
Napakurap ako ng mga mata habang pinanood siyang lumapit sa fridge at uminom ng tubig.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top