CHAPTER 18
"WHY DID you lie to me?"
Napalunok ako sa tanong niyang iyon. Naiiskandalo kahit kaming dalawa lang ang narito sa roof top, kung saan ko unang nakilala si Yluj. Yes, I was at fault. Sinisisi ko rin ang sarili kung bakit hindi ako naging matapang para aminin ang kung anong tunay kong nararamdaman para kay Yluj.
When she asked me if I have feelings for Yluj... that time I already had. Hindi lang maamin kasi napakahina ko at nag-aalala ako para sa kanya.
She loves Yluj that much. On the contrary, Yluj has feelings for me. I know that she will confront me about this issue. Ngayon pa na kalat na ito sa buong campus at halos pinag-uusapan na ng lahat.
Tears escaped on her puffy eyes. "S-sabi mo, hindi mo siya m-mahal..."
I shook my head and tried to reach her but she brushed off my hand. "Julene, sorry. H-hindi ko lang alam kung paano ko aaminin gayong---"
"Gayong kaka-break ninyo pa lang ni Justine? Is it?” putol niya sa akin. “Then, your love for Yluj is futile!"
Maybe that time, yes. Pero nakapagdesisyon na ako na ipaglalaban ko ang karapatan. If this makes me feel happy and be loved, I will do anything to fight for it. Kahit ang ibig sabihin noon ay ang kalabanin siya. Yluj made me feel the enjoyment and thrills of being in in-love. Ngayon ko lang naranasan ang ganito kagaan na pakiramdam kahit na umabot kami ng isang taon noon ni Justine.
And yes, Yluj was right. Iba siya, iba si Justine. In fact, iba-iba ang mga lalaki. Hindi tulad ng pinapaniwalaan ko noon. And Yluj made me realized that.
"Pero mahal ko siya, Julene---"
"Mahal?" putol niya ulit sa akin na para bang nandidiri na siyang makarinig pa ulit ng sasabihin ko. "Did you know what really love is? Tell me."
Napalunok ako.
"See. Hindi mo alam. Dahil una pa lang, hindi mo naranasan ang mahalin ng totoo," tuluyan nang nabahiran ng pandidiri at panunuya ang kanyang basag na boses.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Alam mo na alam ko kung anong sikreto mo. Reasons why Justine broke up with you."
The cold from her soft whisper sent shivers down my spine. Nanlalaki ang mga mata kong napaatras dahil sa sinabi niya. Ano bang alam niya? At hanggang saan?
My body trembled as she took a step forward, eaten up our small distance. Sumasabay ang mataas niyang kumpiyansa sa lakas ng pag-ihip ng hangin.
"Takot?" tanong niya, nanunudyo.
Umiling ako at hindi makapaniwala sa ipinapakita ni Julene ngayon. Like she was a little devil with a pitchfork. Taas-noo niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa at pabalik.
Napalundag ako nang bigla niyang sinunggaban ang magkabilaang braso ko. Dahil wala nang maatrasan, napasandal ako sa malamig na sementadong pader ng roof top. Na corner niya na.
"I warn you, Ate Kath." Ngumisi siya, at bigla akong kinilabutan. "Stay away from my Juls. Or else..."
I hissed and shook my head, na ikinatigil niya. "Or else ano? Sasaktan mo ako? Ibu-bully? Katulad ng ginawa ni Cassandra nang hiwalayan siya ni Justine?"
Kumunot ang noo niya at matalim akong tiningnan.
"Hindi ako natatakot, Julene. Ano nga bang magagawa ng isang grade seven laban sa akin?"
She laughed insultingly that made me gritted my teeth. "Try me, Ate Kath. You'll see what Julene Reyes, a grade seven student, can do."
May malapad na ngisi niyang binitiwan ang mga braso ko at pinalis ang luha niya sa mga pisngi. Taas-noo siyang tumalikod sa akin na para bang hindi siya nanggaling sa kakaiyak kanina. Her knee-length black dress and long black hair danced as she strutted towards the doorway where the stairs was.
She stopped and turned around to look at me. Now, with wide and friendly smile on her pink lips. "By the way... I still like how your eyes glow inexpressively. Dark brown with nothing much special..." Inirapan niya ako saka tinalikuran. "Tulad mo, walang ka-special-special."
Mariin kong ikinuyom ang mga kamao, kinakalma ang sarili. Sino ba siya sa inaakala niya? Yes, we just met a few weeks ago. Pero sa kararampot na impormasiyon tungkol sa akin, tingin ba niya ay kilala niya na ang buong pagkatao ko? Well, she's wrong. She never knew me since the day we first met. Hindi.
Nang kumalma na, saka lamang ako bumalik sa kiosk kung nasaan ang mga kaibigan. I was totally surprised when Yluj's frown face welcomed me. Malapit na ako sa kiosk at nginingitian ang mga kasalubong nang matanaw siya palapit sa akin, may mabibigat na mga hakbang.
"Are you okay, Imouto?" sabay hawak niya sa magkabilaang balikat ko at may pag-aalala sa kaniyang mga matang sinuri ang katawan ko.
Kumunot ang noo ko dahil sa sobrang pag-aalala niya. "B-bakit?"
Bumuntong-hininga siya at tumitig bago pinakawalan ang mga balikat ko. He looked away as he inserted his hands on the pocket of his jeans, pair with mine.
"Yiel told me that you and Julene talked. What happened? Inaway ka ba niya? S-sinaktan?"
Napangiti ako. Sobrang cute niyang mag-alala. Namumula ang mga tainga niya at halos lumabas na ang usok sa lumalaking butas ng kanyang ilong.
"H-hindi. Nagpaturo lang siya kung paano mag-pose. Medyo nahirapan siya," I lied.
"Are you really sure?" he asked, doubting.
Ngumiti ako saka tumango. Pero agad din naglaho nang bumaba ang mga mata niya sa braso ko. Mabilis akong humalukipkip para takpan kung ano man ang nakita niya roon. Naka V-neck T-shirt lang ako at maikli lang ang manggas kaya madaling makita ang parte na hinawakan ni Julene kanina.
"Eh, bakit namumula ang mga braso mo---"
Bigla ko siyang niyakap na ikinatigil niya. I smiled as I heard the loud thud of his heart. Pakshet. Bakit yata ako nakikiliti?
"Wala. Nasabit lang sa kung saan dahil sa sobra kong pagmamadali."
"I-Imouto..." he stammered. His muscles tensed as my hug tightened.
I love you.
Iyon ang gusto kong sabihin sa kanya. Pero hindi pa ito iyong tamang araw para doon. I let out a long sigh. I know and I believed that if he's my soulmate... then, the time comes and everything will be settled.
"'Wag naman kayong PDA, Kath at Yluj!" impit ni Yiel.
Natawa ako nang marinig ang nandidiri niyang boses nang isigaw iyon. Even Joan and Sophia giggled because of that. Napahiwalay tuloy ako sa pagkakayakap kay Yluj at binalingan sila.
"Here comes the bitter," pairap na sabi ni Joan at humalukipkip.
"Hoy! Hindi kaya. Nakakaumay din 'pag laging ganiyan."
"Hey couz! What's that? Kailan ka pa natutong umakbay?" puna ni Sophia at halos hindi mapigilan ang manukso.
Yluj giggled and our eyes met. Nagkaisa ang iniisip. Napaakap ako sa bewang niya bago tuluyang hinarap ang tatlo.
"Practice?"
Umirap si Yiel. "Buti naman naisipan mo pa iyan! Akala ko, mabuburo na ako sa ka-sweet-an ninyong dalawa!"
"Bitter!" Joan spat and chuckled. "Come on! I am excited to see you wear the dresses we shopped."
Kumunot ang noo ko. "Shopped?"
"We shopped you, Kath. We know that you don't have time so we bought your pageant attire."
Napabuntong-hininga na lang ako. Ano pa nga bang magagawa ko? Nabili na nila. As if na puwede pang isuli iyon. Psh.
Walang dalang kotse si Yluj. Pero dahil napagkaisahan na naman kami ng tatlo, pinahiram ni Sophia ang kotse niya. So ang resulta, kaming dalawa ni Yluj ang magkasama.
"Yes, I will be there. Just a minute," sabi ni Yluj sa kausap niya sa kabilang linya. "I am already here. So don't worry, alright? Okay."
"Saan tayo?" puna ko nang mag-park si Yluj sa loob ng isang gusali matapos maibaba ang cell phone.
Ngumiti lang si Yluj saka bumaba ng kotse. Nagtataka, lumabas na rin ako at hindi hinintay na pagbuksan niya. Unang bumungad sa akin ang karangyaan ng gusali kahit nasa parking pa lang kami.
"Anong gagawin natin dito?"
"Basuta. Matte mite kudasai," may kakaibang ngisi ang umukit sa kanyang labi sabay higit sa akin.
"H-ha? Anong sinabi mo?"
He shrugged. "Nothing."
"Anong wala? Mayro'n kaya. Ikaw ha, saan mo ba ako dadalhin?"
"To my heart." He winked.
Napailing na lang ako at nanahimik, lalo na dahil marami kaming nakasabayan sa elevator. Tahimik din si Yluj at nakaplaster pa rin ang ngisi. Napayuko na lang ako at napatingin sa magkahawak naming mga kamay. My heart skipped a beat. At bigla akong pinagpawisan kahit airconditioned ang loob ng elevator.
Iba talaga ang epekto sa akin ni Yluj. Sa tuwing nagkakasalubong ang mga mata namin, his brown eyes tell its all. Na para bang sinasabi sa akin kung gaano niya ako kamahal at handang ipaglaban, na kahit hindi niya man sabihin nang diretso ay nanunuot naman ito sa buo kong katawan.
Sa tuwing nagkakalapat ang mga balat namin, tulad ngayon na naka-intertwine ang mga daliri, nagbibigay ng bolta-boltaheng kuryente sa buong sistema ko. And I can't help myself but to savour the cloud nine in every moment that he is at my side.
Someone hemmed at our back. "Mga kabataan talaga ngayon."
Dali-dali kong binitiwan ang kamay ni Yluj. Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin pero hinayaan ko na lang at nanatiling nakayuko. Mabuti, tumunog na ang alarm ng elevator at agad akong lumabas nang bumakas na ang double slide door.
"Hey! What's wrong, Imouto?"
Nahuli ni Yluj ang kamay ko dahilan para matigil ako. Napasulyap ako sa mga taong nagsisilabasan ng elevator. Medyo nakalayo na kami pero ramdam ko pa rin ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Pakshet! Kahihiyan, Katherine. Ano bang mayroon at laging naandiyan ang kahihiyan para sa iyo? Tsk!
"W-wala," sabay iling ko.
But Yluj didn't buy my alibi. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko at inangat para magpantay ang mga mata namin.
"Imouto, look... if you're affected on what the lady said... please, don't. Mahal lang natin ang isa't isa kaya natural na lalabas 'yon sa mga kilos natin." He smiled, crouched and whispered the words that cut my breath out. "We are in the modern world already. In fact, I can kiss you in front of them."
Nahampas ko tuloy siya. "Ano ba 'yang pinagsasabi mo, Yluj!"
He chuckled, but his raspy voice ignited my body. Malalim akong huminga at tumalikod. God, why I am feeling this? Napapaypay ako sa sarili gamit ang sling bag saka nauna na, wala sa sariling naglakad. I can see through the glass wall that my face was totally in red.
"Hey! Imouto, wait for me."
Nakahabol agad si Yluj. Umakbay siya sa akin at aaminin kong hindi iyon nakatulong sa nararamdaman. Para akong papel na unti-unting nauupos dahil sa apoy na kumakain sa buong sistema ko.
"Ang init," bulong ko.
"What did you say?"
I bit my lower lips. "W-wala."
Mas lalo yata akong nawala sa sariling wisyo nang malaman kung ano nga ba talagang sadya namin sa lugar na iyon. Well, kaya pala pamilyar iyong karangyaan ng buong gusali dahil iyon lang naman ang pinakasikat ng restaurant sa buong isla.
At lalo pa nang makita ang isang eleganteng babaeng na mag-isa sa malaking pabilog at salamin na mesa. Nakatalikod siya sa amin pero dahil sa mala-ginto niyang dress, aakalain mong sadyang pinasara ang buong gusali para sa kanya.
"Okaasan," Yluj called softly.
Napalunok ako. Bagama't hindi alam kung anong sinabi niya, alam kong kilala niya ang babae.
"Watashi no musuko!" Nakangiting bumaling sa amin ang babae at ang rahan ng paraan ng pagtayo niya.
Mabilis na lumapit sa kanya si Yluj at agad niyakap. Tulad ng kay Yluj, sobrang puti rin ng kanyang balat at singkit ang mga mata.
"Okāsan, koreha Kyasarindesu," sabay lahad niya sa akin sa babae.
Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan kung anong ginawa ni Yluj. He introduced me to the woman. Well, hindi ko man talaga alam iyong totoong translation ng sinabi niya. Pero dahil marahan niya akong itinulak, iyon ang alam kong ibig sabihin noon.
I smiled and bowed a bit. "K-kumusta po kayo?” Umiling ako, biglang naalala na baka hindi niya maintindihan ang sinabi ko. "I mean. How are you, Madam?"
The woman chuckled elegantly. "I know how to speak Filipino, Hija. Yluj's father is a Pilipino. I am Yumi Ichizikan... Yluj's mother."
Nabigla man, marahan pa rin akong nakipagkamayan sa kanya. She is Yluj's mother. So it means...
Yluj smirked and shook his head. Parang sinasabing wala siyang kinalaman sa lahat na nangyayari.
"Are you Yluj's friend?"
Natigilan ako. Medyo kumurap-kurap ang mga mata ko bago ako tumango. As if naman na naipakilala ka na niya ako agad-agad sa kanya ni Yluj. Huwag assuming, Kath. Kakasimula pa lang naman niyang manligaw sa iyo.
"Yes po."
"Well. It's good that you're here." She smiled at me before turning to her chair. "Come on. Have a seat."
Nagpakawala ako ng isang mababaw na buntonghininga nang igiya ako ni Yluj sa upuan. Sa paglapat ng kamay niya sa balat ko, saka ko lamang naramdaman ang pangangatog ng aking mga tuhod.
Pakshet, Katherine! Ayusin mo iyang galaw mo. This is the first time. And first impression last. Ayaw mo naman sigurong mabahiran ng pagkadismaya ang tingin niya sa iyo, hindi ba? No, I won't.
Sighed.
"Well I am glad that finally... I met your girlfriend, Hijo."
My heart skipped a beat. Agad akong natigilan sa pag-iinit ng mga pisngi ko. God! Ito na ba iyon? Shit!
"Girlfriend?" may bahid ng pagtatakang tanong ni Yluj.
Napatingin ako sa kanya. Kunot ang noo niyang bumaling sa akin bago mapainom ng tubig. Huminga siya nang malalim at hinarap ang ina.
Her mother smiled. "Yes. Julene is a good woman. In fact, she's in the wash room. And... well, here she is."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top