CHAPTER 17

THE COOKIES were great. Halos ako nga lang ang makaubos ng gawa namin. Well, siya lang kasi ang naitulong ko ay ang tumitig sa kanyang mukha habang ginagawa iyong cookies. His cuteness was irresistible. Oo, aaminin ko na. Kilig na kilig ako sa tuwing ngingiti, kikindat at magpapa-cute siya sa akin. At sobrang saya ko dahil sa wakas ay binigyan ko iyong sarili ko ng pagkakataon para sumaya, magmahal at magtiwalang muli.

Magtitiwala at aasa ako na baka si Yluj na nga iyong lalaking tinadhana at tatanggap sa buong ako.

Sana...

Tears fell down my cheeks. At agad kong pinalis iyon pero nakita rin naman agad ni Yluj.

"Why are you crying, Imouto?" he asked worriedly as he put down the bowl of cookies in the glass table and tried to touch my cheeks.

Napangiti ako saka umiling. "W-wala. Ang sarap lang kasi nitong cookies mo. Hindi nagbago iyong lasa. Tulad pa rin noong Sabado," sabay singhap ko.

"Are you really sure?"

Tumango ako at saka inubos ang cookies na hawak. "Oo. Practice?"

He smiled and nodded. Kinuha ni Yluj ang gitara matapos iabot sa akin ang orange juice kahit may pagdududa sa kaniyang mukha.

I smiled to reassure him.

Isang pagkanta pa ang ginawa namin ni Yluj. And as the sun goes down, I wish I could stop the time from fastly passing by. Dahil sa mga oras na iyon ay kakaibang sigla ang naidulot sa akin ni Yluj. Siglang matagal ko nang kinalimutan simula noong araw na iyon... ang araw kung saan hinusgahan ako ng sanlibutan.

"Can I go inside and greet mother-in-law?"

"M-mother-in-law?!"

Nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin. Well, kaya ko namang umuwi at mag-commute mag-isa tulad ng sabi ko sa kanya kanina. Pero sobrang kulit! Kesyo raw gabi na, eh mag-a-alas sais pa lang naman. Yes, medyo madilim na sa daan pero sa aga ba naman na ito, as if na may tatangka sa buhay ko?

Wala pa akong nababalitaan na may tinangkang patayin sa ganito kaaga sa probinsiya. Oo, hindi perpekto ang isla pagdating sa mga krimen pero at least hindi naman ganoon kalala, hindi tulad sa Manila.

"Anata no okāsan."

Kumunot ang noo ko. "Anata no okasalan?"

He laughed. “It's okāsan. Your mother. And... will be my mother too soon."

I rolled my eyes.

He smirked and then winked.

Agad akong pinag-initan ng mga pisngi. "Pakshet!"

Naiwasan niya ang paghampas ko kaya tumama ang kamay ko sa headboard ng upuan niya.

He giggled.

"Aray!"

Agad siyang sumeryoso at nag-aalalang tiningnan ang kamay kong nasaktan. Well, hindi naman talaga masakit. Sinadya ko lang na umimpit para ilapit niya sa akin ang kanyang mukha, na ginawa niya nga.

"Are you all right---ouch!"

Binatukan ko. Ako naman ang tumawa dahil sa sobrang pagkalukot ng mukha niya sa ginawa ko. Well, 'buti nga sa iyo! Tsk!

"Why did you do that?"

Humalukipkip ako at sabay irap sa kanya. "Wala lang. Trip ko lang. Bakit? May reklamo ka?"

Napakamot siya sa kanyang batok at nakangusong umiling.

"Good." I smiled triumphantly and pushed the door of his car. "Well, thank you for the ride, Otouto."

"Otouto?" Nanlalaki ang kanyang mga mata na para bang hindi siya makapaniwala sa narinig.

"Uh-uhm."

"Can you say it again, Imouto?"

I rolled my eyes and dropped of the car but he called me. Tumayo ako sa may pintuan niya at yumuko para tingnan siya sa driver's seat. "Yes, baby?"

Bigla siyang pinamulahan sa malambing na tawag ko sa kanya. "Ahm... t-the... c-cookies..."

Arajusko! Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan. Kinuha ko ang asul na kahon sa upuan na may ribbon pang nakalagay. Itong si Yluj talaga... medyo pa-sweet! Tsk!

"Sige na. Ba-bye na," sabay pabagsak kong sarado sa pinto para magising siya.

Kumurap-kurap siya at natauhan. He smiled and waved his hand. Ganoon din ang ginawa ko hanggang sa umandar na ang kotse at mawala ito sa mga mata ko.

Bigla tumunog ang phone ko, napaigtad ako at kunot-noong kinuha sa bulsa ng jeans at binasa ang message.

Unregistered Number:

Go inside! Thank you for this day, Imouto. Aishteru. ♡

Sino---well, sino pa ba ang may alam ng alien na words na Imouto at Aishteru? Si Yluj lang naman! Paano ba niya nakuha ang number ko? Saka anong ibig sabihin ng "aishteru"? Imouto means baby. At anong ibig sabihin ng isang iyon?

Naiiling, hindi ako nagtipa ng reply para kay Yluj. I just saved his number with the name "Otouto ♡". Well, that's better. At least, hindi niya mapaghalataan na in-love na in-love ako sa kanya. Hindi ko yata kakayanin ang kahihiyan kapag nalaman niya iyon.

With wide smiles crept on my lips, pumasok ako sa bahay namin. Wala pa sina kuya Chris at papa. Wala pa kasi iyong kotse sa parking. Siguradong nasa opisina na ni papa si kuya sa ganitong oras. Ang alam ko ay alas singko ang labasan nila tuwing Martes at Huwebes. Alas siyete naman kapag Lunes at Biyernes. Pero minsan ay nauuna na siya sa bahay at hindi na sumasabay pa kay papa.

"Nandiyan ka na pala, baby," si mama, nasa salas at nanonood ng balita.

Ngumiti ako saka lumapit sa kanya at nagmano. Inilahad ko sa kanya ang hawak na kahon at humigpit bigla ang kapit ko sa strap ng bag ko nang abutin niya iyon, may malawak na ngiti sa labi niya.

"Ano ito, baby?"

"Cookies. Gawa namin ni Yluj kanina."

Nanlaki ang mga mata niya, hindi makapaniwala na sinagot ko siya sa hindi malamig na paraan. I didn't know but it just happened. Siguro dahil sa gaan ng damdamin ko sa araw na ito, na para bang nililipad ako sa alipaap kaya pati paraan ng pananalita ko ay magaan din.

Bago pa man makapagsalita si mama ay inunuhan ko na siya.

"Sige po. Akyat na po ako. Pahangin lang ako nang kaunti bago kakain."

Mama smiled, still can't believe what is really happening. "S-sige lang. I will call you upstairs if your papa and kuya had arrived."

Ngumiti ako at tinalikuran na siya. The following hours was easy for me. Masigla kaming naghapunan sa hapag at masayang pinag-usapan ang mga nangyari sa araw na iyon. Papa got promoted to higher position in their engineering firm company and while kuya, got higher score in their exams.

Pasulyap-sulyap si mama sa akin buong usapan. Alam kong gusto niyang iungkat iyong napuna niyang kaunting pagbabago sa akin, pero nanatili siyang nanahimik. Even papa and kuya Chris felt it too, gusto rin magtanong, inignora na lang at mas piniling maglahad ng mga nakakatuwang balita.

Wednesday morning. Nagulantang ang buong SAVS sa pagiging bukal ni Yluj tungkol sa panliligaw niya sa akin. Nabalutan man ng kahihiyan ang katawan, but eventually, natuwa pa rin ako sa tuwing kino-congratulate kami ng mga nadadaanan namin sa hallway at nakakarinig sa sinasabi ni Yluj.

"Grabe 'yong usap-usapan kahapon, Katherine. Nakakarindi na sa tainga!" Yiel spat dramatically on Thursday one fine afternoon.

Nasa kiosk kami at nananghalian. Wala si Yluj dahil may gagawin pa raw kaya hindi makakasabay sa pananghalian namin. Well, kung anuman iyon... walang problema sa akin. I trusted him. Yes, I am trying myself to trust again. Mahirap pero kinakaya naman kahit kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ko.

"It's not kaya, Yiel. I am so kinikilig every time I hear them talking about hashtag Kenzo," si Joan, umikot ang mga mata na sumipsip sa canned orange juice niya.

"Kenzo?" I spat.

"Where does your brain go, Kath? Kenzo... Kate and Renzo."

Sophia giggled. "By the way, kalat na ang ships na 'yan, Kath. So if you hear them talking about that... just smile."

Bumuntong-hininga ako. Ano na naman ang kabaliwan na ito? Tsk!

"Sinong nagpauso?" I asked, holding my bottled water tightly on the table. "Sabihin ninyo, sino?"

Joan looked away, guiltily. Sophia laughed. While Yiel, hissed. Napabaling ako sa kanya.

"See? Kahit si Kath, eh naririndi riyan sa mga kabaliwan mo, Joan."

"Why me? They're just asked me, you know? Then, I confirmed it. Kenzo."

Suminghal ako. "Pag-uusapan na naman ako niyan, Joan. Alam mong ayaw kong ganoon, 'di ba?"

Napayuko si Joan at bumuntong-hininga. Well, alam nila iyon sa simula pa lang. At si Joan ang mas may alam ng tungkol doon. I've met her during the acquaintance party. Maraming tao kaya nasa gilid lang ako nakaupo, hindi nakikipaghalu-bilo sa dami ng mga estudyante sa school ground na nagsasayawan at nagso-socialized.

As a higher year student than me, a freshman, she came near me and asked why I am not joining the crowd. Sinagot ko siya, ayaw ko nang maingay, magulo at siksik. Kaya sinamahan niya ako sa open space hanggang sa matapos ang party. And from there, naging magkaibigan na kami at nagkakasama sa iba pang party na nagaganap sa SAVS kasama si Yiel.

"I know. Sorry. But I can't help it, Kath. Ang cute kaya ng 'Kenzo'. Infact, we have a fanclub na nga already," she said, smiling a bit.

Sophia laughed. "And she's the president---"

"You're the Vice-president, Sophia. So shut up!" She rolled her eyes.

Sophia just giggled at her exploit.

"'Di ba---"

"Shut up you too, Mariel. Remember, ikaw ang secretary!"

Naiiling na lang ako sa kabaliwan nilang tatlo. Hays, mga kaibigan ko ba talaga sila? Well, I guess so.

Nanahimik sila pagkaraan ng ilang minuto, kumain na lang at nalimutan ang pinag-uusapan. Na aaminin kung ginusto ko ang pananahimik nila. Sa tuwing nababanggit kasi nila ang "Kenzo", hindi ko maiwasan kundi ang kagatin ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang kilig na nadarama.

That was the first time that someone shipped me with the person I loved. Boyfriend ko man noon si Justine, walang ibang naging bukam-bibig ang lahat kundi ang 'flavor of the month', niloloko, pinustahan at ginagamit. Yes, I admitted it that all of that was true. Ni hindi ko man lang sila pinakinggan.

And now that everyone supported me and create a fanclub, nakikiliti ako at maraming beses na sumasagi ang pakpak ng mga paruparong nagpa-party sa loob ng tiyan ko.

"Julene?" si Joan, dahilan ng pag-angat ko ng tingin sa kanya.

"Yes, ikaw nga. Come here. Sabay ka na sa amin."

And as usual, I heard Yiel's hiss. My heart skipped a beat. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng konsensiya, lalo na kapag naaalala ko na may pagtingin si Julene kay Yluj.

I composed a welcoming smile before I turned to her. "Halik ka! Sabay ka na sa amin."

Pero ni hindi man lang ngumiti si Julene pabalik sa akin. Kanina ko pa napapansin sa rehearsal ang pag-iwas niya sa akin. Hindi ko naman binigyan ng kahulugan dahil dumating kami sa gymnasium na nagsisimula na si Madam Ashneka. Hinanap ko siya sa pagtatapos kanina ng rehearsal pero wala na siya.

Lumapit siya sa amin, bitbit niya ang tray na may pagkain. "It's okay that I will seat-in here?"

"Yes, of course. Kanina ka pa ba? Tapos na kami sa pagkain. But we are willing to join you," masiglang sabi ni Joan.

Sophia smiled. "Yeah. Don't be shy on us."

Malalim akong huminga para humugot ng lakas ng loob, iwinawaksi ang maling kutob. "Oo nga. Saka may drinks kami rito na hindi pa nabubuksan, sa 'yo na lang."

But Julene rolled her eyes at me and grimaced. "No, thanks. But I am fine with my lemon juice."

"Ah, okay."

Tipid akong napatingin sa mga kaibigan. Tulad ko, may tipid na ngiti rin si Sophia at si Yiel, eh halos mag-usok na ang mga tainga sa pamumula ng kaniyang mukha. While Joan, seems didn't notice the mockery on Julene's cold voice.

"Actually, I know that you all are here. Pumunta lang ako rito para..." sabay tingin ni Julene sa akin. "...makausap ka sana."

Her eyes were full of hatred as they meet mine. Napalunok ako at ako na mismo ang umiwas.

"At bakit naman?!" si Yiel iyon.

"Yiel!" sina Sophia at Joan.

"Para saan ba?" I asked and smiled at my friends, assuring them that everything will be fine.

"I want us to talk about it privately. Will you?"

I nodded and followed her as she stood up and trudged away from the kiosk.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top