CHAPTER 15
MY EYES widened in fraction when I saw them talking. Paanong hindi? Eh, si Cassandra iyon! Cassandra Alvarez, the meanest of them all. Sariwa pa rin hanggang ngayon iyong ginawa niya sa akin na halos ikamatay ko na. Paanong nakakapasok pa rin siya sa SAVS? Sa pagkakaalam ko, na-expelled na sila sa school. Well, hindi ko na nakikita iyong mga alipores niya. Pero bakit narito pa rin siya?
“Ate Kath,” sabay lapit sa akin ni Julene. “She was just talking to me. Gusto niya raw kasing makipagkasundo na sa ‘yo. Kaso hindi niya alam kung saan ka hahanapin. ‘Di ba, Ate Cassy?”
Umikot si Cassandra matapos i-flipped ang mahaba niyang buhok at may ngising humarap sa akin. “Yeah. Ayaw ko nang gulo sa buong campus. That’s what I promised to mom and dad. So can we be friends?”
Napatingin ako sa braso niyang mahaba na nakalahad sa harap ko. Peking mga ngiti ang nakaukit sa pula niyang labi, sigurado ako roon. I once saw it when she helped me out with Mark. At dahil oto-oto, naloko niya ako. At ngayon, ginagawa niya ulit sa akin ang drama niya? Pakshet! Should I believe her now? No way.
Ngumiti ako, hinayaan lang ang kamay niya sa ere. “Sa pagkakaalam ko, expelled ka na. Kaya anong ginagawa mo rito?”
“Ow, sorry for that. But I am still with my uniform,” sabay ikot niya para ipakita sa akin ang pinaiksing palda ng uniform ng SAVS at blusa niyang sobrang sikip.
“Alam ko, hindi ako bulag.” Napangisi ako at humalukipkip.
“Ow, I didn’t say something…”
“Tapatin mo nga ako. Ano bang pinaplano mo at pati itong si Julene, eh, dinadamay mo?”
“Dinadamay?” She winced at the aggressiveness in my voice. “Wala akong dinadamay, Katherine. Well, I am here like what Julene said… gusto kong makipagbati na sa ‘yo—”
“Hindi ako naniniwala sa ‘yo.”
Tumaas ang kilay niya at matalim akong tiningnan. I did the same. As if na papatalo ako sa kaniya, hindi ba? Hindi maaari. Psh!
Julene cleared her throat. “Ahm… Narito talaga siya, Ate Kath, para makipagbati. ‘Di ba, Ate Cassy?”
Naagaw ni Julene ang tingin ni Cassandra. And to my surprise, biglang umamo ang mukha niya. Ilang saglit siyang natigilan at pilit na inukit ang ngiti sa kaniyang labi bago ako harapin.
“Yeah,” sabay lahad niya ulit ng kaniyang kamay sa akin. “I want world peace. So please? Tanggapin mo na ang kamay ko before I’ll change my mind na?”
Marahang siniko ako ni Julene at nginitian. “Sige na, Ate Kath. Accept her hand. Para wala nang gulo, ‘di ba? Ayos na kayo.”
Napakurap ako kay Julene, mas lalo niya lamang nilalaparan ang kaniyang ngiti. Well, hindi naman masamang makipag-ayos sa kaniya, hindi ba? Pero hindi ibig sabihin nito ay magiging magkaibigan na kami. Hell no!
“S-sige-sige…” sabay tanggap ko ng kamay niya.
“Napipilitan?” Cassandra asked, raising her brow at me.
I smiled. Iyong peking ngiti. Oo, magkaayos na kami. But it didn’t mean that I will forgive her already. Ano siya, hello? Halos ikamatay ko kaya iyong ginawa niya nitong nakaraan sa akin.
“I am glad that we are now officially… okay,” may arte sa kaniyang boses, halatang peki. “Nadagdagan na naman ang boring sa buhay ko—I mean friends. I’ve got to go. See you again, Julene! Katherine…” She eyed me after kissing Julene’s cheeks. “Good luck.”
Napalunok ako. Parang may pagbabanta sa kaniyang huling salita. Well, kung anuman iyon? I am ready. Expected ko naman iyon. Siya kaya si Cassandra. Cassandra Alvarez, the fake! Psh! I know that she’s not true to her words. Kaya itong pakikipag-ayos niya, alam kong may darating na malaking sakuna.
Sabay na kaming pumunta ni Julene sa gymnasium matapos magpaalam ni Cassandra. Naikuwento niya rin na kanina pa raw nagsimula ang rehearsal. Nagpaalam lang siya kay Madam Ashneka para magbanyo at doon niya nakita ang babaeng plastik.
I asked her if Madam Ashneka was angry at me but she just shrugged. Sana naman hindi galit si Madam Ashneka. I know I was at fault and I am ready to face my consequences.
Nag-fo-formation na ulit sa backstage ang mga candidate nang makapasok na kami sa gymnasium. Dali-dali akong lumapit kay Madam Ashneka at humingi ng paumanhin sa pagiging late ko.
“Approved! Kung dehins ka lang talaga magaling, Garcia… ipapa-squat kita hanggang sa ma-finish na sila.” Patunog na ibinuka ni Madam Ashneka ang makulay niyang pamaypay na kasing kulay din ng kaniyang suot ngayon.
“Salamat, Madam.”
Dali-dali kong hinubad ang backpack ko at maingat na inilagay ito sa gilid ng stage. Patakbo kaming umakyat ng stage ni Julene at naghiwalay din papasok ng backstage dahil odd number siya, samantalang ako ay nasa even.
Yluj winked at me and then smiled playfully. Napansin iyon ng nasa likuran ko kaya marahan niyang sinundot ang tagiliran ko at umimpit.
“Lalanggamin kayo ni Delos Santos, Garcia! Pakiramdam ko, magshota talaga kayo. Ayaw mo lang aminin.”
“Bakit naman?” I spat, shocked with what Shane have said.
“Magkapareho na naman kayo ng suot. Pinagplanuhan ninyo ba ‘yan?” sabay hagikhik niya.
Mariin kong ipinikit ang mga mata at bumuga ng hangin, napagtanto na tama nga siya. Naka-pink V-neck T-shirt ako at puting jeans. At si Yluj? Naka-pink V-neck T-shirt din at white jeans. Pati sneakers namin ay magkapareho.
Naiiling, itinuon ko na lamang ang mga tainga ko sa beat ng tugtog ng production kaysa sa panunukso niya. Well, my heart fluttered. At hindi mapigilan ang pag-ukit ng ngiti sa labi ko. May kung anong insekto sa loob ng tiyan ko na nakakakiliti. I know he’s handsome. Kota na siya riyan. Hindi niya na kailangang magpa-cute pa. Tsk!
“Hoy Garcia!” Shane whispered as she pushed me softly. Napamulat tuloy ako ng mga mata. “Kinikilig? Ikaw na.”
Napailing na lang ako na rumampa palabas ng backstage, suot ang ngiting hindi makikita sa akin sa natural na araw lang.
THE TIME passed by like whirlwind. Isang masigabong palakpakan ang nakuha ko sa pagtatapos ng rehearsal.
“Good job, Garcia! You standout again, bruha ka! Ang galing mo talaga!” papuri ni Madam Ashneka.
“It means, she will be the new Miss SAVS, Madam?” Rhea queried.
“Hundred percent. Pero galingan ninyo, para beautiful ang laban.”
“Magaling talaga siya, Madam. ‘Tapos matalino at maganda pa,” si Joshua na sinang-ayunan naman ng lahat.
Nagsipalakpakan sila at inulan ako ng mga papuri. Nag-iinit ang mga pisngi ko at hindi makangiti nang maayos. O madaling sabihin… hindi ko alam kung anong ire-react ko?
Ito iyong unang beses na ulanin ako ng papuri. At ang gaan sa pakiramdam na para bang lumilipad ako sa alapaap tulad sa maliliit na papuri ni Madam Ashneka sa magandang lakad ko.
Yluj stretched his lips with his fingers, forming a big smile. Na malawak ko ngang ikinangiti.
“Salamat.”
Napatingin ako kay Julene. Nakasimangot siya pero nang magtama ang mga mata namin, agad siyang ngumiti nang matamis at nag-thumbs up sa akin. I smiled and murmured, “Thank you.”
Tapos na ang rehearsal. After Madam Ashneka commended me again, kaniya-kaniya nang nagsipaglabasan ang lahat. Isang mahabang braso ang pumulupot sa balikat ko habang nag-aayos ako ng gamit. At sinong nagmamay-ari noon? Well, ang seksing butiki lang naman.
“Practice tayo, Imouto?” his voice boomed at my ears. Medyo nainis man, nakiliti pa rin ako at parang nagsiliparan ang mga paruparo sa loob ng tiyan ko.
Nagkibit-balikat ako, hindi umimik. Baka lang kasi pumiyok ako at mahalata niya pa na kinakabahan ako na nariyan siya sa malapit. As if na hindi niya pa nararamdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Nagkadikit ba naman ang katawan niya sa akin. Psh!
“Juls!” Julene called. “Magpa-practice kayo?”
Napangiti ako at palihim na iniyugyog ang mga balikat para maalis ang braso ni Yluj, na nangyari naman.
“Yes. Why?” biglang lumamig ang boses ni Yluj.
Napailing ako at sinarado ang backpack saka isinukbit sa balikat ko. Napangiti ako nang magtama ang mga mata namin ni Julene. Mabilis din siyang nag-iwas ng tingin at agad bumaling kay Yluj.
“S-saan? Sa bahay ninyo?” Nanlaki ang mga mata ni Julene nang ngumisi si Yluj at tumango.
“C-can I join?”
Yluj chuckled. Napalunok ako, gusto na sanang iwan sila para makapag-usap sila privately, pero agad hinuli ni Yluj ang kamay ko sa pag-akmang pag-alis.
“Ate Kath? Puwede naman akong sumama, ‘di ba?”
Napakurap ako. Pakshet! Why the pressure was on me now?
Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Julene. Kahit ngitian niya ako nang sobrang pagkatamis, nasa kay Yluj pa rin ang desisyon. Hindi sa ayaw ko siyang naroon pero bahay kasi iyon ni Yluj at wala akong magagawa sa kung anuman ang magiging desisyon niya.
Well, mas maganda nga na marami kami. At least, hindi lang si Yluj ang makakasama ko, hindi ba?
“Puwede naman siguro…” sabay tingin ko kay Yluj na hindi na maipinta ang mukha sa pagkakasalubong ng makakapal niyang kilay. “Sina Joan, Yiel at Sophia ay naroon—”
“Wala sila, Imouto.” Yluj smirked as he looked at me. Biglang tumamis ang boses niya at umamo ang mukha. “They will be busy reviewing for the periodical exam.”
Natigilan ako. Malakas na kumalabog ang puso ko. Ibig sabihin… kami lang ang magkakasama sa bahay nila? Malamang. Alam ko na may past silang dalawa at hindi papayag ang butiking ito na makasama si Julene.
“Hey partner! Practice na tayo?”
Lumapad ang ngisi sa labi ni Yluj sa pagsulpot ng humahangos na si Alex sa usapan. “Oh? Alex is here. So can we go now? Marami kaming pag-uusapan ni Kath… tungkol sa talent namin.”
Simangot, wala nang nagawa pa si Julene kundi ang sumama kay Alex. Ako? Lutang at parang walang pakialam sa kung ano na ang nangyayari sa paligid. Naka-focus lang ako sa binitiwan na mga salita ni Yluj.
They will be busy reviewing for the periodical exam…
Ibig sabihin kaming dalawa lang ang magkakasama sa bahay niya.
Kami lang.
As in me and Yluj.
Pakshet! What should I do now?
Tahimik ako nang higitin ako ni Yluj palabas at iginiya sa kotseng naka-park sa gilid ng gymnasium. Ni hindi ko nga napansin ang pagsakay at ang twenty-minutes na biyahe. Tulala ako hanggang sa magpilantik siya ng mga daliri sa harap ng mukha ko.
Agad akong napakurap at wala sa sariling napabaling sa kaniya. “H-ha? Bakit?”
He grinned as his right brow rose. “Are you with me, Imouto? Kanina pa ako nagsasalita rito, seems you didn’t listening to me.”
“May kotse ka pala. Ngayon ko lang nakita. Hindi mo masiyadong ginagamit?” naitanong ko na lang.
Naglaho ang ngisi ni Yluj sa labi at umawang. Kumunot ang noo niya habang mariing tumitig sa akin. “You okay, Imouto?” sabay lapat ng kaniyang palad sa aking noo.
Biglang umatake ang boltahe ng kuryente mula sa kaniyang kamay patungo sa katawan ko at nagkalat sa buong sistema ko. Agad kong tinampal ang kamay niya at nag iwas ng mukha. Heat ignited on my cheeks and my heart beats fastened suddenly. Ramdam ko rin ang pamumuo ng pawis sa noo ko kahit nakasagad yata ang air-con.
“Your body temperature is okay.”
“A-ayos nga lang ako…”
Yluj stared at my eyes, I looked at his eyes too. His Adam’s apple moved rise and fall as he gazed at my lips.
I bit my lower lips. Nalulunod sa mga titig niya na puno ng paghanga. Iyon iyong klase ng mga titig na hindi ko kailanman nakita sa iba… kahit kay Justine.
Tinagilid ni Yluj ang kaniyang ulo, lasing ang mga mata. Napapikit ako, hindi alam kung anong dahilan pero parang alam na yata ng katawan ang i-re-react sa paghagod ng mainit at amoy mint na hininga niya sa mukha ko.
“Y-Yluj…” I called weakly. Gusto sana siyang pigilan pero iba ang naging tunog ng pagkakasabi ko, na parang naghahangad ako.
“Surprise!” women’s jolly voice boomed at the window.
Mabilis kong naiilag ang mukha at maraming beses na napabuga ng hangin. Pakshet! Anong nangyayari sa iyo, Katherine? Bukas iyong bintana. Ni hindi mo man lang napansin? This isn’t you. Psh!
The car’s lock clicked. Agad akong bumaba ng kotse at mabilis na dinaluhan nina Joan, Sophia at Yiel. Inakbayan ako ni Yiel kaya hindi ako makagalaw nang maayos.
“P-paanong… paanong narito kayo? Sabi ni Yluj nagre-review daw kayo?”
“H-ha?” Pare-pareho silang naguluhan at nagkatinginan.
Yluj giggled and scratched his nape. “G-gomenasai? I just told that because I don’t want her to be here.”
“Who? Julene?” taas-kilay na tanong ni Sophia, may multo ng ngisi sa kaniyang labi.
“Julene? Bakit hindi ninyo sinama? It would be fun if she’s here.”
Yiel hissed at Joan’s statement.
Yluj just shrugged his shoulders as he pouted his lips and left us.
Ako naman ang tiningnan ni Joan, humihingi ng kasagutan pero tulad ni Yluj, nagkibit-balikat lang ako. “Mahabang kuwento. Tara na?”
Tumango na lang si Joan at sumama kay Sophia sa pagpasok sa bahay, humahagikhik.
“Puwedeng mag-usap tayo, Kath?” halos pabulong na sinabi ni Yiel.
“H-ha? Tungkol saan?”
“Tungkol sa nararamdaman mo para kay Yluj.”
Napalunok ako sa tanong niyang iyon. Hindi rin ako makagalaw dahil nakapulupot ang braso niya sa balikat ko.
“H-ha?” napamaang ako.
“Best friend mo ako. Kilala kita noon pa man. At nakikita ko ang kakaibang kislap ng mga mata mo sa t’wing nandiyan si Yluj. Oo, galit-galitan ka sa kaniya pero iba ‘yong nararamdaman mo rito, Kath.”
Napakurap ako nang duruin niya ang dibdib ko, ang parte kung nasaan ang puso ko. “Anong aaminin k-ko?”
“Mahal mo ba siya?”
Kumunot ang noo ko. I sighed and avoided her deadly glares. “P-paano… paano kung oo? Anong gagawin ko?”
She laughed and poked my flank. “Leche ka! Eh di sundin mo kung anong tinitibok ng puso mo. Kung mahal mo siya… sige lang. Ramdam ko na may gusto rin sa ‘yo ang kalahating hapon na iyon.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top