CHAPTER 14

HIS WEIRD accent irritated me. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano kasagwa ang paraan ng pananalita niya. Iyong boses niya, hindi ganoon kababa at kataas pero naging katunog ng isang bata. Saka isa siyang Pinoy, kalahati nga lang pero hindi pa siya nakakain ng Adobo? Seriously?

Naiiskandalo sa sinabi niya, agad akong pinag-initan ng mga pisngi at maraming beses na kumurap.

“Ano?! Naghalikan na kayo?” gulantang na tanong ni Yiel na napatayo sa kaniyang kinauupuan.

Umiling ako. “H-hindi—”

“It was just an accident. Natumba ako, she trying to help me out but she’s so weak. Kaya bumagsak siya sa katawan ko… a-and our lips met unintentionally,” Yluj told them the truth but it seems that they didn’t bought his explanation, specially Sophia as she giggled silently on her seats.

Nanlalaki ang mga mata ko, hindi makapaniwalang nasabi niya iyon sa kanila. Well, even Sophia has a ghost of surprise at his statement. Bahagyang nakaawang ang mga labi kong bumaling sa kaniya at halos matuyuan ako ng lalamunan dahil sa matinding init na nararamdaman.

At the side of my eyes, I saw Sophia shrugged her shoulders. Medyo nagulat lang siya sa sinabi ni Yluj pero parang inasahan niya nang mangyari iyon sa amin. Nga lang, parang hindi niya inasahan na sasabihin iyon ng kaniyang pinsan ngayon. Like Yluj is a kind of torpe. However, I doubted it. Nagawa niya ngang mag-confess at sabihin sa mga co-candidate ang nararamdaman niya para sa akin nang ganoon kadali.

“Kath, tell us the truth. Kayo na ba ni Yluj?”

“Hindi,” agad kong tugon, hindi makatingin sa kanila nang diretso at lumunok.

“Lie. Hindi ‘yan ang gusto kong sabihin, Joan. As I’ve said, it was just pure an accident.”

“Hindi kaya…” Yiel trailed off. Wala sa sariling naupo siya ulit, malalim ang iniisip. “Nangyari ‘yong nabasa ko sa novels sa inyong dalawa sa mall? Ibig sabihin… soulmate kayong dalawa!”

“What happened at the mall ba kasi?” Joan interrogated, there’s a hint of curiosity in her soft and innocent voice.

Napailing si Sophia at napangisi. Ako? Ni hindi na makasabay sa pag-uusap. Gusto kong magpaliwanag pero hindi ko makuha ang tamang mga salita sa dila ko. And my chest hurts as the loud beat of my heart worsened. Ano ba kasi itong napasukan ko? Tsk!

Mapaglarong napangisi si Yiel sabay tingin sa akin. “Natumba kasi si Yluj…” kaswal niyang sinabi.

“And then—”

Pinutol ko agad ang sasabihin ni Joan at nagkukumahog na pinulot ang mga pinagkainan kahit halos wala namang bawas ang kanin ko. “Tapos na ako. Mauna na ako sa inyo, ha?”

“Nagmamadali ka, Kath? Anong oras ba ang rehearsal ninyo?” sabay tingin ni Yiel sa kay Yluj na nanahimik sa paglantak ng pagkain.

Tumayo ako at tinapon ang paper plates sa trashcan na nasa gilid ng kiosk. “Ala-una. Pero ngayong hapon, wala kaming rehearsal. Kailangan daw naming mag-practice para sa talent portion.”

“Talent portion?” Sophia asked, I nodded as an answer. “Hala! ‘Wag na lang kaya tayong pumasok? Let’s practice them with their talents? What can you say, Joan and Yiel?”

Napangisi si Joan at napahawak sa kaniyang baba, may planong hindi maganda. “That’s a good idea, Sophia! Tutal wala namang lessons. So paano? Saan tayo?”

“Sa bahay ninyo, couz? Puwede?”

“Oo, doon na lang tayo,” halos lumundag na sa saya si Yiel. “Kina Sophia kasi, halos mangain ang mga mata ng yaya niya.”

They laughed.

“Couz?”

Yluj just shrugged his shoulders. Na ikinatalon nga ng tatlo. Nailing na lang ako at wala nang nagawa pa. Magpa-practice lang naman, hindi ba? As if naman na kakatayin kaming dalawa roon, not literally but by their hot interrogations about what happened at the mall last Saturday. Well, I do really hope so.

SA KOTSE pa lamang, agad nang bumagsak ang mga panga ko sa paglitaw ng magandang bahay kung saan nag-park si Joan. Tulad ng bahay nina Sophia, malaki rin ang bahay nina Yluj at parehong three-story. Pero huwag niya ring sabihin na mag-isa siya rito?

“Mag-isa ka lang ba riyan sa bahay na iyan, Yluj?” natanong na ni Yiel ang una kong naisip, namangha rin siya tulad ko.

“Unfortunately, my parent’s in Japan—”

Napailing ako at bumaba na ng kotse, nilunok ang kagustuhan na malaman din ang sagot ni Yluj. Enough nang malaman na mag-isa nga lang siya at ang magulang ay nasa Japan. Pero nasaan kaya ang papa niya?

Sa pagkakaalaala ko, naikuwento rin ni Sophia na kasama ng parents niya ang mama ni Yluj. Wala siyang nabanggit tungkol sa ama ng seksing butiking iyon.

Napasinghap ako nang salubungin ako ng tindi ng sikat ng araw. Maulap naman at mapuno sa buong paligid saka hiwa-hiwalay din ang mga magagarbong bahay, pero sobrang maalinsangan pa rin! Siguro dahil air-conditioned ang kotse ni Joan kaya pinagpawisan ako agad sa paglabas.

A car’s horns beeped. Saktong kaka-park din ni Sophia sa likod ng kotse ni Joan. It took us twenty-minutes to reach the Sunny’s Ville. Malapit din ito sa Village nina Sophia. Bakit hindi na lang kaya sila nagsama sa iisang bahay? I wonder. Tutal parehong mag-isa lang naman sila, hindi ba? Well, Sophia is with her yaya though. Si Yluj, may kasambahay rin kaya?

“Come on! Wala akong yaya para asikasuhin tayo,” aburidong sabi ni Yluj, nasagot na naman ang tanong sa isip ko. Nang makababa sa kotse, agad siyang dumiretso papasok ng bahay at ni hindi man lang kami hinintay.

“What his problem?” Curiously, Sophia asked as she dropped off her pink car.

“He’s okay naman kanina,” sabat ni Joan sabay tingin kay Yiel na kasunod niyang bumaba. “After Yiel told him that Kath don’t like a guy which is makalat, agad na siyang lumabas ng car.”

Kumibit-balikat si Yiel, na para bang hindi niya alam ang rason kung bakit biglang naging aburido ang seksing butiking iyon. Nanahimik si Sophia, pero may multo ng ngisi sa kaniyang mala-rosas na labi.

“Let’s go. I can’t wait to see my cousin’s reactions.” Now, she couldn’t hide the grin on her lips as she trudged towards the door.

Natigilan kaming tatlo, pare-parehong may kunot ang noo dahil sa inakto ni Sophia.

“Hey! What are you all waiting for? Dali na!”

Nagkatinginan kaming tatlo, may panlalaki ang mga mata. Pero nagkibit-balikat ako saka sumunod na sa kay Sophia. Ganoon din ang ginawa nina Joan at Yiel. As if we have a choice, right? Well, what happened with that two? Walang kaduda-dudang magkadugo nga silang dalawa. Hays.

Tulad ng inaasahan, malaki nga ang loob ng bahay. Expected mo na sa labas pa lamang. But unlike Sophia’s house, black and white ang motif ng kina Yluj, nagsusumigaw ng kapangyarihan at karangyaan. Well, mayaman nga naman ang pamilya nila.

“Huli ka balbon!”

Umugong ang sigaw na iyon ni Sophia sa may entrada ng dining room yata. Gulat, napabaling ako kung saan sila naroroon. Well, maging sina Yiel at Joan din.

Pinagpapawisan, nanlalaki ang mga singkit na mata ni Yluj. Yakap-yakap niya ang mga libro at pilit ipinagkakasya sa maliit niyang mga braso.

Humalakhak si Sophia, na ikinakamot ni Yluj sa batok niya at dahilan para magkalat ang mga libro sa tiles na sahig. “Bilis magligpit, ha? Why? Because Kath is here?”

“Hanashi teru no?” sabay pulot niya sa mga libro.

“Because I was surprised when I entered your house, it was so clean. Kagagaling ko lang kaya rito kaninang umaga.” She shook her head as she laughed hard. “Parang binagyo rito pa lang sa sala!”

Yluj shook his head as his cheeks turned to red. “I didn’t know what are you talking about.”

“Didn’t know what I am talking about? Bakit hindi ka na lang kaya mag-confess kay Kath. Right now?” hamon ni Sophia.

Natigilan si Yluj na ikinangiwi ko. Oh? Bakit nadadawit na ako? Ano bang pakialam ko sa kanilang dalawa? Psh!

“What now? Hanggang ngayon torpe ka pa rin, Couz! God,” she mocked.

Nang maipon ang lahat na libro, tumayo na si Yluj at dire-diretsong tumungo sa maliit na bookshelf.

“I am not sheepish. I am just waiting for the right time. Rikai shita?” he almost whispered.

Pero nakarating iyon sa mga tainga namin para magsipaghagikhikan ang mga katabi ko. I glared at them, they stopped. Hindi ko gusto na nakikisabay sila kay Sophia.

“W-what?” Joan said through the air.

I just rolled my eyes at her and crossed my arms on my chest.

“Right time? Lokohin mo lelang mo, Renzo Yluj Delos Santos! Kaya hanggang ngayon, wala ka pang girlfriend, eh!”

A gasps escaped in Joan and Yiel’s mouth. Agad ko silang binalingan at mariin na tiningan. Mabilis nilang naitikom ang kanilang mga bibig at napamaang-maangan na naupo sa malaking couch.

“Ahm… Maupo na tayo. Panigurado, kanina pa kayo ngalay na ngalay.”

I rolled my eyes at Yiel. Anong akala niya, ligtas na siya sa akin? Well no! Maghanda siya sa pag-uwi namin.

“Right! Maupo muna kayo. I will just pitch your drinks.”

Mabilis na pumunta si Yluj sa kabilang side ng malaking pintuan, for sure, ay kusina nila. Sa kabila kasi, natatanaw ko ang malaking hagdanan. Siguro, paakyat sa second floor at sa mga kuwarto. Bigla kong naisip, gaano kaya kalungkot na mag-isa ka lang?

Yes, malaki ang bahay at maraming appliances na maaaring maging libangan, pero sobrang lungkot ng vibes ng bahay. Hindi tulad ng sa amin, sobrang ingay lalo na kapag nasa bahay na rin si Kuya Chris. Kaya minsan, nagkukulong na lang ako sa kuwarto ko. That way, my mind will be at peace.

May dala ngang meryenda si Yluj pagbalik niya sa salas. Strawberry juice at cookies. Well, kapapananghalian pa lang namin pero inatake na agad ni Yiel ang pagkain. Kaya hayun, napakuha na rin kaming lahat. Though, the cookies was tasted so very delicious. Gusto ko pa sanang kumuha kaso naunahan na ako ni Yiel. Marami pa naman, kaso lang, nakakahiya na.

“Imouto, you want more? I made that cookies,” Yluj said, smiling big and wide.

Nabilaukan ako ng ilahad niya sa akin ang mangko ng cookies at tinampal ang kamay ni Yiel. Dali-dali kong kinuha ang baso ko saka nilagok ang strawberry juice.

Yluj giggled. “Hinay-hinay lang. Papakasalanan pa kita.”

And everyone laughed so hard. Kahit ako ay muntik nang maibuga ang juice sa kaniya. What the fudge! Papakasalanan? Is he really a Pilipino? O full-blooded Japanese talaga siya?

“Couz, it should be ‘papakasalan’ not ‘papakasalanan’.” She laughed.

Naiiling na lang akong ibinalik sa glass table ang baso at tumayo. “Practice na tayo? Gusto kong umuwi nang maaga.”

“Uh, ne! Let’s practice now! Saan tayo, Sophia?”

Tumayo si Yluj sabay sukbit ng mga kamay niya sa mga bulsa ng kaniyang jeans. Taas-baba ang kilay niyang tinitigan si Sophia na para bang may pinaplano silang dalawa.

“No. I mean… kayo lang. We will wait you two here. Right, Joan and Yiel?” sabay tingin niya sa mga kaibigan.

Kumurap-kurap, napatango sina Joan at Yiel na parang napipilitan at hindi alam kung anong pinagsasabi ni Sophia. Well, I sensed it. At hindi iyon maganda.

I sighed.

Sophia explained that we need to decide as a partner, kung ano nga ba ang kakantahin namin. At ikinagulat ko, sa kuwarto mismo ni Yluj kami mag-uusap. My heart started to pump rapidly. Hindi ko alam kung bakit pero pinagpawisan ako lalo na noong nasa loob na kami ng kuwarto niya.

May air-con naman pero hindi sapat iyong buga ng lamig sa init na nararamdaman ko.

“Are you okay? Pinagpapawisan ka, Imouto,” aniya, may panunukso sa mga mata.

Inirapan ko siya. “Okay lang ako. Sira yata ‘yang air-con ninyo… walang lamig,” pasaring ko.

Mabango sa loob ng kuwarto ni Yluj, medyo magulo nga lang—no, scratch that. Magulo talaga sa loob. As in sobrang gulo. Nagkalat ang mga libro sa kung saan-saan at hindi nasa ayos ang kumot at mga unan sa king sized bed niya.

Inayos niya muna ang kumot at mga unan bago siya sumenyas na maupo ako matapos niyang pagpagan ang bed niya.

Naupo ako habang pinapasadahan ko ang buong silid. Well, not bad. Pansin ko rin na ang dami niyang libro. Sa salas may mini shelf siya, hanggang dito sa kuwarto niya ay mayroon din.

Kinuha ni Yluj ang isang kulay blue na gitara sa isa sa mga cabinet. Bigla ko tuloy naalala si Pink, ang gitara ko. Matagal ko nang hindi nagagamit iyon simula noong… Well, I don’t want to reminisce again. Kaya kibit-balikat ko na lang pinakinggan ang mga kantang suggestion ni Yluj at anong atake ang gagawin namin.

Tahimik lang ako, hindi na kailangang komontra pa. His ideas was so brilliant. Like me, mahilig din siya sa musika. Ano kaya ang itinutugtog niya noong marinig siya ni Rhea? I wonder. Gusto kong magtanong pero tumahimik na lang ako.

Kahit sina Yiel, Joan at Sophia, namangha rin sa plano ni Yluj. We performed in front of them. Hindi man perpekto iyong pagkakanta ko, kinilig pa rin sila at satisfied.

Tuesday morning. Medyo na-late ako sa pagpunta ng gymnasium kaya hindi ako magkaundagaga sa paglakad sa malinis na hallway, wala nang nagkalat na mga estudyante.

Pero natigilan ako nang madaanan ko ang isang madilim na sulok at marinig ang pag-uusap ng dalawang babae.

“J-Julene?” tawag ko nang mamukhaan ko ang babaeng nakaharap sa akin.

“A-Ate Kath…” she trembled.

“Anong pinag-uusapan ninyo nitong si Cassandra?”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top