CHAPTER 10

DUMATING ANG SABADO. Mabuti na lang, hindi nakaabot sa mga teacher at admin ang gulong nangyari sa may corridor. Dahil kung hindi, dagdag kahihiyan iyon para sa akin. Ano na lang ang sasabihin nila? Na matapos ng breakup namin ni Justine ay nagiging basagulera na ako? Hindi maaari.

Pagkatapos din ng eksenang iyon, iniwasan na ako ni Yluj. Hindi ko rin alam kung bakit? Iyan tuloy, mag-isa akong pumupunta ng gymnasium. At pakiramdam ko, parang may kulang. Sanay naman akong mag-isa. Pero sa oras na naglalakad ako sa hallway, bigla akong nalulungkot.

“Katherine? Baby? Nariyan na ang mga kaibigan mo,” sigaw ni Mama sa labas ng silid ko matapos marahan na kinatok ang pinto.

Actually, kanina pa ako nakapagbihis at nakapag-ayos nang kaunti. Naghihintay na lang talaga na may umakyat para katukin. Sabado kasi. At kapag ganitong araw, nasa bahay pa ang buong pamilya ko. And I didn’t want to be with them at this early.

Hindi ko sinagot si Mama. Tumahimik na rin naman, kaya nasisiguro kong nasa baba na iyon kaagad para asikasuhin ang mga kaibigan ko. Knowing her, todo asikaso iyon lalo pa na mi-minsan lang kami magkaroon ng bisita sa bahay at madalas ay si Yiel lang naman.

Bumuntong-hininga ako habang sinusuri ko ang sarili sa harap ng salamin. I am fine, though. Hindi ko nga lang alam kung bakit parang hindi yata ako komportableng labasin ang mga kaibigan dahil sa suot ko.

Well, oo nga naman. Ano bang pakialam nila kung makita nilang nakasimpleng T-shirt at jeans lang ako? As if na hindi sila sanay na laging ganito ang pormahan ko kapag may labas kami nina Joan at Yiel?

Matapos isukbit ang backpack sa balikat at isuot ang itim na cap, bumaba na ako sa salas. At sa hagdanan pa lamang, parang gusto ko nang bumalik ulit sa silid ko at magpalit ng damit. Pakshet! Bakit nandito siya?

Ni hindi man lang sinabi sa akin ni Yiel na sasama pala ang seksing butiking iyon sa lakad namin! Well, pinsan nga naman siya ni Sophia. Pero hindi ko siya inaasahan na makitang sitting-pretty na nakaupo sa sofa ng bahay namin.

Take note.

Sa.

Bahay.

Namin.

Tsk!

“Kath!” Tumayo si Yiel at dali-daling lumapit sa akin. Na para bang naramdaman niya na kailangan niyang magpaliwanag sa akin.

“Oh, nariyan na pala ang anak ko. Paano? Ililigpit ko na ang mga cookies, Hijo?”

“W-wait lang po, Mother-in-law.”

Tumawa si Mama, giliw na giliw sa butiki.

Kunot ang noo, napatingin ako kay mama na sinusubuan pa si Yluj kahit na punong-puno pa ang bibig nito ng pagkain. Naiiling ako’t dumiretso nang lumakad palabas ng bahay. “Tara na.”

Maasikaso si Mama pagdating sa mga bisita. Magiliw din lalo na kay Yiel. Pero sa lalaki, tulad ni Yluj? Hindi ako makapaniwala! Paano niya hinahayaang tawagin siyang “mother-in-law” ng lalaking iyon?

As if na may papakasalan si Yluj na anak niya. Sino? Si Kuya Chris? How gross. Duh!

“Kath, hintay lang,” sabay sunod sa akin ni Yiel.

“That’s enough, Couz.” Sophia sweetly said, “Thank you for the delicious cookies, Tita Dy. Sana makabisita pa kami rito.”

“Oo naman. Welcome na welcome kayo rito sa bahay. Lalo ka na, Hijo.” Humagikhik si Mama.

Naiiling na lang ako lalo pa nang maramdaman ang sobrang tuwa ni Mama. Ewan ko lang kung ayos kay Papa na laging may bisita sa bahay. Iyon kasi ang pinakaayaw ni Papa.

Tanda ko noong mga panahon na homeschooled pa ako. Halos teacher ko lang ang bisita sa bahay namin noon. Hindi ko alam kung bakit kailangan maging ilag at itago ako sa mga tao. Pero ngayon na may sariling isip na ako, naiintindihan ko na ang lahat.

“Why so hurry, Kath? Hindi man lang tayo nakapagpaalam nang maayos kay Tita,” dismayadong sabi ni Joan na nakasunod na sa amin.

Umirap ako. “Magtatanghali na. May gagawin pa ako mamayang hapon.”

“Eh, Linggo naman bukas—”

Sinamaan ko siya ng tingin para matigilan siya.

She sighed. “Oo nga. Sabi ko nga.”

“Imouto!”

Inis, mas lalo kong binilisan ang mga hakbang ko nang marinig ang nakakairita niyang boses. “Saan tayo sasakay? Dala mo ang kotse mo, Joan?”

“Yeah.”

After avoiding me for several days, tapos narito siya? Tatawagin ako ng alien niyang endearment? Well, sa ngayon hindi na dahil alam ko na kung anong ibig sabihin noon. At ang kapal ng mukha niya para tawagin niya ako nang ganoon!

Anong akala niya? Wala lang para sa akin ang lahat? Then, hell no! Masakit kaya na kahit magka-partner kayo ay hindi ka niya magawang pansinin kahit sa rehearsal. Ni tingnan man lang o sulyapan, hindi niya ginawa. And now, he’s here? Acting like there’s nothing happened. Like we are okay.  Psh!

“Are you mad—”

Sinaraduhan ko na ng pinto. Akala ba niya gusto ko siyang kausapin? Well, no! Bahala siya riyan!

Sumakay na sina Yiel at Joan sa kotse. Tipid nila akong nginitian, pero inirapan ko lang sila. Alam ko kung anong tumatakbo sa mga kukute nila at hindi ko iyon gusto.

Hindi ko alam pero damang-dama ko ang init ng usok na lumalabas sa dalawang butas ng ilong ko. And I can’t helped myself but to glare at them… kahit wala naman silang ginagawang masama.

“K-Kath? Si Yluj kasi… saan sasakay?” Yiel asked hesitantly.

“Yeah. Kawawa naman siya,” gatong ni Joan, nangongonsensya.

Mapait akong humalakhak, nang iinsulto. “May kotse naman si Sophia, hindi ba?”

“Oo.”

“Yeah.”

Sabay silang tumango.

“Eh di, doon siya sumakay. Problema ko pa ba iyon?” sabay irap ko sa lalaking nasa tapat ng bintana ng front seat.

Diretsong nakatingin sa akin si Yluj at humahaba ang labi, na parang nagpapaawa sa akin.

I glared at him. “Let’s go.”

“Sabi ko nga,” napilitang saad ni Joan sabay paandar ng kotse niya.

Yiel chuckled slowly at my back, teasing me.

Napahalukipkip na lang ako at hindi na sila pinansin pa. Tahimik lang ako buong biyahe at diretso lamang ang mga mata sa daan. Kahit pa nag-iingay si Yiel at kinukonsensya ako sa pag-iwan kay Yluj, na hindi dapat kasi naroon nga si Sophia at may kotse naman.

“Where here!” anunsiyo ni Joan, excited na tinanggal ang seatbelt.

Kumunot ang noo ko at nagtataka kung anong ginagawa namin sa lugar na iyon. Nag-park si Joan sa tapat ng isang mall. At anong gagawin namin dito? Ang alam ko ba ay i-pa-pratice nila akong rumampa sa bahay nina Sophia.

“Bibili tayo ng gamit mo,” nasagot ni Yiel ang tanong sa aking isipan.

“Yeah. Sophia suggested that you need to fix your fashion taste. Kahit wala pa ‘yong pageant para masanay ka na raw.”

“Hindi naman kailangan iyon, Joan—”

Pinutol niya ang sasabihin ko sabay irap. “’Wag ka nang makipagtalo, Kath. This is all for you. And Sophia is right. Ngayon ko lang na-realize kung anong dahilan bakit hindi ka nakakapasok sa mga screening na sinasalihan natin.”

Tiningnan ko si Yiel para umalma pero nagkibit-balikat lamang siya at sumunod kaagad nang bumaba na si Joan. Wala akong ibang nagawa kundi ang sumunod na lang sa kanila. As if na hahantayin ko sila rito sa kotse nang mag-isa. Hindi ko iyon kakayanin! Tsk!

Saktong pagbaba ko ay kakarating din lang ng kotse ni Sophia. Unang bumaba si Yluj kaya halos umikot ang mga mata ko sa inis at humalukipkip na lang. At ang mokong? Kung makangiti, akala mo ay isang model ng mga underwear. Tsk! Punitin ko kaya iyang bibig niya, eh, ‘no?

“So we’re here,” si Sophia na manghang pinasadahan ng buong tingin ang malaki at mataas na gusali sa harap namin.

Napalunok ako at hinarap si Sophia. “Actually, hindi naman talaga kailangan ito—”

“Kath!”

Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin nang sabay na umangal sina Yiel at Joan. Pinanlisikan nila akong ng mga mata at halos ibaon sa kinatatayuan. Hindi mainit ngayong araw pero malagkit akong pinagpawisan dahil sa nag-aalab na mga matang ipinukol sa akin ng mga kaibigan ko.

Sophia laughed softly. “’Wag naman kayong ganiyan kay Kath.”

Nginitian ko siya. Mabuti pa siya naiintidihan niya ako. Hindi tulad ng mga kaibigan ko. Tsk! Hindi nga talaga sukatan kung gaano mo na katagal na kilala ang mga kaibigan mo. The worst is… kung sino iyong kakakilala mo lang, sila pa iyong may pakialam sa nararamdaman mo.

“I have a plan actually.” She grinned.

Napalunok ako. Hindi ko alam pero masama ang pakiramdam ko sa plano niya.

Napatingin ako sa mga kaibigan ko. Nagkatinginan sila at umukit ang mapaglarong ngisi sa kanilang mga labi.

“What is it?” Joan interrogated excitedly.

Umiling ako.

“Dore?” naniningkit ang mga matang tanong ni Yluj.

Pero makahulugan lang siyang tiningnan ni Sophia at kinindatan.

Bumuntong-hininga ako at mariin na pumikit. Hindi ko alam kung bakit pumayag pa ako sa set-up na ito. Well, alam kong sinadya nila itong lahat. Pinagduduldulan nila sa akin itong butiking ito na hindi naman dapat!

Nagdilat ako at natuon kaagad ang mga mata sa isang bagay na naka-display sa istante. Umukit ang mapaglarong ngisi sa aking labi nang may naisip akong isang magandang ideya. Well, hindi nga naman masama na iniwan nila ako kasama itong si Yluj. At least, makakaganti na rin ako sa wakas.

Tumawa ako na mala-isang demonyo sa isip ko. And in an instant, my target popped out in my front.

“Imouto, bagay sa ‘yo ‘tong dress na ito.”

He smiled from ear to ear. I grinned. Na ikinalunok niya at maibaba ang hawak na asul na cocktail dress.

“Don’t tell me,” naniningkit ang mga matang tanong niya.

Brilliant!

Humalukipkip ako at saka nagtaas ng kilay. Umiling siya pero tinuro ko ang bagay na inosenteng nang-iinganyo sa pansin ko.

Bumagsak ang mga balikat ni Yluj at napanguso. Tumango ako at hindi maitago ang ngisi na kinuha ang pares na maaaring maigamit ko laban sa kaniya.

“Sukatin mo.”

Naiiling niyang tinignan nang masama ang inabot ko. “No freaking way, Imouto!”

Ibinagsak ko sa dibdib niya ang hawak at saka siya tinalikuran. “Isukat mo iyan o ipupukpok ko sa ‘yo ang mga sandal na iyan sa ulo mo!”

Walang nagawa si Yluj. Hirap man, sinubukan niya pa ring tumayo suot ang five inches na killer high-heeled shoes. Tawang-tawa ako sa kinauupuan ko at halos hindi na makahinga nang muntikang tumumba si Yluj. Sinubukan niya kasing lumakad kahit pa gumegewang-gewang siya dahil sa taas ng takong ng sandals.

“Help me, Imouto!”

Umiling ako saka siya nginusuan. Kahit ang mga sales lady na naroon ay humahagikhik dahil sa hitsura ni Yluj. Well, aminado naman ako na gwapo nga siya kahit pa mukha siyang timang ngayon.

“Hahaha. Good for you,” bulong ko sa sarili ko.

“Damn, Imouto!” he screamed painfully.

Nanlalaki ang mga mata ko nang bumagsak siya sa sahig matapos ang ilang hakbang. My heart skipped a beat as I saw how his face struggled in pain. Dali-dali ko siyang dinaluhan at nag-aalalang sinuri ang binti niyang namilipit sa sakit.

“Okay ka lang?”

Binalingan ko ang mga sales lady pero wala na sila sa kinatatayuan nila kanina. Nasaan na ang mga iyon? Pakshet! Anong gagawin ko?

“Imouto, mashaket…”

Tiningnan ko sa mukha si Yluj. Namumula na ang kaniyang mga pisngi kaya siguradong hindi niya ako g-in-o-goodtime.

“Anong gagawin ko?”

Napangiwi siya. “Dalhin… Dalhin mo ako sa hospital. I think my leg broke.”

“Hala! Paano? Hindi kita kaya. Teka. Tatawag ako ng tulong.”

Pero hinawakan niya ang kamay ko kaya natigilan ako sa pagtayo.

“Just help me to stand up here. Alalayan mo akong lumakad.”

Problemadong bumuntong-hininga ako. Makakaya ko ba siya? Pakshet naman kasi, Katherine! Puro ka kasi kalokohan. Paano kung tuluyan siyang mapilay?

Taranta akong tumayo at naglahad ng kamay sa kaniya. But I frowned when I saw the ghost of smile on his lips. “Pinaglalaruan mo ba ako?”

Ngumiwi siya at parang namilipit sa sakit. “My leg got broke! Do you think I am playing with you this time?” he yelled.

“Okay, okay. Hindi mo nga ako pinaglalaruan---”

Natigilan ako. Inabot ni Yluj ang kamay ko kahit hindi pa ako handa. Dahil sa lakas ng pagkakahila niya sa kamay ko, bumagsak siya uli sa sahig… at… at… nadala niya ako.

Lumakas ang pagkalabog ng puso ko. Iyong labi niya kasi---I mean iyong labi ko dumikit sa labi niya!

Pakshet!

My first kiss.

He.

Stole.

My.

First Kiss.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top