1: Quit Playing Games
"Ces! Pahinging limang piso!" Nox shouted at me as we walked out of our streets to meet our friends this weekend.
"Bakit?" I asked, my forehead creased in confusion sabay abot ng sampung piso sa kanya. "Wala akong barya eh."
"Manong! Dalawa nga po!" And then, I saw it.
Taho!
Kagabi lang nasa isip ko ito.
Eksaktong-eksakto naman sa cravings ko ngayon.
"Oy, Nox! Ces!" Our friends, Janet Morada together with the Bartolome siblings, Krisha and Ruel, called us as soon as they saw us approaching them.
Sa kabilang banda ng kalsada naman ay mga batang naglalaro ng holen, ang ilan ay naglalaro ng chinese garter at ang iba naman ay nakatambay sa tindahan ni Aling Puring, may mga hawak na Royal, Coke o di kaya ay Sprite sa plastic na may straw habang sarap na sarap sa pagnguya ng mga tig-pipisong chichirya na Pritos Ring, PomPoms at Kropeck.
Buhay ang kalsada tuwing sasapit ang weekend dahil malaya ang mga kabataang katulad ko na magpahinga sa pag-aaral at masayang makipaglaro sa mga kaibigan.
"Uy! Ces!" Nabalik ng atensyon ko kay Nox na hawak ang tig-limang pisong taho sa isang maliit na plastic cup. "Natulala ka na naman dyan. Gusto mo maglaro no?" Bungisngis ang binigay nito sa akin pagkakuha ko ng taho mula sa kanya.
"Hoy! Hindi ah! Tara kila Aling Puring! Libre mo ako ng Kropeck atsaka Pritos Ring atsaka Choki Choki na rin!" Sabi ko at paunti-unting inubos ang taho. Nang wala na itong laman ay hinatak ko siya sa bakanteng pwesto sa tindahan nila.
"Lah! Lugi ako ah!" Yamot na komento niya at kagaya ng ginawa ko kanina ay inubos niya rin agad ang taho na hawak niya.
"Alam niyo, ang cute niyong tingnang dalawa!" Sambit ni Janet tila ba nang-aasar at nang umalis ang grupo ng kabataan kanina ay sila naman nila Krisha ang pumalit sa pwesto nila.
"Naman! Ako, cute! Si Ces, kata-cute!" Pagyayabang ni Nox at siyang napa-irap na lang ako.
"Akala mo naman, napakagwapo mo!" Bulong ko sa sarili at humagikgik naman sila Krisha.
"Eto na ang Pritos Ring at Choki-Choki mo. Miss Takaw." Sarkasmong pagkasabi ni Nox sabay abot ng mga ito sa akin.
Agad na kuminang ang mga mata ko nang natanggap ko ang limang pirasong pritos ring at choki-choki. Paborito ko ang mga ito at kahit na pinagbawalan ako nila mama sa sobrang matatamis ay hindi ko maiwasang bumili nito sa tuwing dadaan ako galing eskwelahan kung may praktis sa ilang mga subjects at hindi ako nakakasabay sa school service namin.
"Salamat, Noxie!" Tuwang-tuwa kong saad sa kanya. Sabik akong bumukas ng isang pritos ring at nilagay pa ang mga piraso nito sa mga daliri ko.
"Ang dugyot mo, Ces! Pwede mo namang idiretso sa bibig mo yang mga piraso ng Pritos Ring, dyan mo pa talaga nilalagay?" Hindi makapaniwalang komento ni Krisha sa akin habang tinawanan lang siya ni Nox.
"Isip-bata talaga yang si Ces!" Natatawang sabat ni Ruel sa usapan habang nakisali sa paglalaro ng holen ng mga bata.
"Eto na nga lang kaligayahan ko eh." Pagkukunwari kong pagtatampo sa kanila.
"Imbes na si Ces ang pagdiskitahan niyo, nakapaghanda na ba kayo para sa reporting sa HeKaSi?" Pag-iiba ni Nox sa usapan at binigyan ko siya ng ngiti ng pasasalamat.
Maaasahan ko talaga siya kahit kailan.
Matagal ko ng kaibigan si Nox. Bukod sa magkapitbahay kami ay magkaibigan pa ang mga magulang namin.
Kaming apat nila Krisha ay nasa 2nd Year HighSchool na at tanging si Ruel ang nasa 3rd Year. Kaming lahat ay magkababata dahil ninong ko ang mga magulang nila at ninang ko naman ang mommy nila Janet at Nox.
"Kay Miss Yap iyan no?" Tanong ni Ruel at napatango naman kami. "Madali lang yan. More on keywords naman siya kaya hanggat kabisado mo ang mga terms sa bawat topic, madali na lang ipaliwanag iyon sa klase."
"Kasi naman, Kuya! Nakakatakot kasi siya magturo!" Nagpout pa ang kapatid niya at tanging tawa lang ang sagot nito.
"Kung paiiralin mo ang takot, ano pa mangyayari sa'yo?" May punto siya. Buti na lang at kahit papaano ay nakapagsimula na ako na magbasa-basa.
Mabuti na nga lang at maayos ang mga ka-grupo ko at sila pa ang nagvovolunteer sa topic na gusto nilang i-report. Ganon naman ang kasalungat kay Nox kaya buntong-hininga na lang ang nagawa niya.
"Tutulungan kita, Noxie. Wag kang mag-alala." I said and smiled at him.
"Sabi mo yan ah!" I nodded and his smile widened.
For some unknown reason, my heart has quickened its pace.
Bakit parang kahawig niya si Nick Carter sa MTV nila na Quit Playing Games With My Heart?
I blinked and looked away.
"Oh, ayos ka lang?" Janet asked and I flashed her a tight smile.
"Oo. Napuwing lang." I rubbed my eyes for a moment and acted like it is. "Ayos na. Okay na ako."
Eksaktong nilakasan naman ni Estelle ang radio nila at umalingawngaw ang latest single ng isa sa mga kinagigiliwan kong boy band ngayon. Ang Backstreet Boys.
Baby, baby the love that we had was so strong
Don't leave me hangin' here forever
"Stop!" I shouted and my friends all looked at me in surprise. Even Nox.
"Ha? Ano?" Janet asked in confusion.
"Stop! U-umuwi na tayo. Uulan na!" I stammered and ran away from them, leaving them puzzled.
"Uy, yung choki choki mo!" I heard Nox called my name but I ignored them and ran to my safe place.
Together with my fast beating heart, I went home.
As soon as I reached my bed, rain began pouring too. I checked the clock and it says 11:00 AM.
It's still early.
But my heart says that I left them at the right time.
Ano ang ginawa mo sa akin, Nox?
Bakit ganoon na lang kabilis ang tibok ng puso ko?
Hindi naman ito ganito noon ah!
💞💞💞
A/N:
Please play the Youtube video for better reading experience. 😊
All photos credits to their respectful owners.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top