Epilogue

Bambi's POV

Kahit na naiinis ako nang sobra kay Julienne, pinilit ko pa ring tiisin 'yon at sinikap na makarating sa bahay nila nang hindi nagwawala. Habang naglalakad ako papalapit sa bahay nila ay nakayukom ang mga kamao ko, pero hindi ko alam kung bakit ba may luhang gustong kumawala sa mga mata ko.

Nang makarating ako sa harap ng pintuan nila'y napapikit ako't huminga nang malalim bago sana kumatok, kaya lang nanatili nalang ang kamay kong nakataas nang bigla niya nalang buksan ito.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko palang ang mukha niya kaya naman iniwas ko ang tingin ko sa mga mata niya.

"Bambi," bigkas niya sa pangalan ko na mas nagpadoble pa ng bilis ng tibok ng puso ko. Sa tingin ko nga ay mas kinakabahan pa ako sa kanya kaysa ang magkaroon ng oral recitation sa Math. "Pasok ka."

Bago ako pumasok ay sinulyapan ko muna ang mukha niya. Bwisit talaga. Bakit ba ang kalmado niya samantalang ako parang mahihimatay na rito sa sobrang kaba kahit anong oras. Ugh.

Umupo na ako sa sofa at tumabi naman siya sa'kin, kaya lumayo ako nang konti, tapos umusod na naman siya kaya umusod din ako, hanggang sa ulitin niya na naman at nabwisit na ako.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano ba?" Hindi na ako masyadong kinakabahan ngayon dahil iniinis na naman niya ako.

Bumungisngis siya. Ngayon ko lang din nakita na maputla ang labi niya. Mukhang... may sakit siya? "'Wag ka munang magtaray ngayon,"

"Umayos ka kasi," napabuntong hininga nalang ako. "Ano ba kasi 'yung totoo?"

Napakamot siya sa kilay niya at bahagyang kinunot ang noo. "Ang totoo niyan, may sakit ako," tumaas naman ang kaliwang kilay ko at inilapat ang palad ko sa noo niya, pero hindi naman siya mainit. Normal naman ata ang body temperature niya, ah? Tiningnan ko lang siya at kinunutan ng noo. "At... mamamatay na ako." Napatitig nalang ako sa kanya dahil pakiramdam ko'y tumigil ang oras. Fudge, baka naman talaga may sakit siya kaya wala siya sa tamang wisyo at 'di alam ang mga pinagsasabi niya. "Mamamatay na talaga ako kapag hindi ako nakatae."

At kung kani-kanina lang ay parang tumigil ang mundo ko sa mga pinagsasabi niya, ngayon naman parang nabingi na ako at ang alam ko lang ay gusto ko siyang tadyakan. Kainis talaga. "Leche ka!" Kinuha ko ang pagkakataong magkalapit kami para hilahin ang buhok niya at buong lakas siyang sinabunutan habang sumisigaw.

"AAAAH—AHHRAY! Bambi! La–l–labas na! Mamaya mo na ako s–sabunutan—aray!" Nang makawala siya sa pananabunot ko ay dali-dali na siyang tumakbo sa CR.

Napa-face palm nalang ako. Kahit kailan talaga hindi siya tumitino.

Kahit naiinis ako ay pumunta pa rin ako sa kusina nila at nagtanong sa isa sa mga katulong nila ng gamot sa LBM. Kumuha na rin ako ng isang basong tubig at bumalik agad sa living room. Maya-maya pa'y bumalik na siya at mukhang mas maayos na ang pakiramdam niya kaysa kanina.

Tumayo ako agad at inilahad sa kanya ang gamot at tubig na siyang ininom naman niya agad. Nag-cross arms ako habang nilalagok niya pa ang tubig at nagsalita. "Siguro naman hindi na sasakit ang tiyan mo at masasabi mo na sa'kin kung ano ba talaga 'yung totoo?" Nilapag niya na ang baso sa mini table at umiwas ng tingin, kaya naman hinawakan ko ang baba niya at pinilit na tingnan ako. "Deretsahan na, Julienne."

Tumango siya't binigyan ako ng tipid na ngiti. Umupo siya sa sa sofa at hinawakan ang braso ko't hinila rin ako paupo.

"Ang totoo niyan," nginitian na naman niya ako. "Matagal na kitang mahal."

Nagpeke ako ng tawa. "Ang corny mo." Gusto ko nalang talagang magpanggap kasi hindi ko na alam ang mararamdaman ko ngayon. Baka isa na naman 'to sa malalaki niyang kasinungalingan.

Nagulat nalang ako nang hawakan niya ang dalawa kong kamay. "Iyon ang totoo, Bambi. Matagal ko nang tinatago 'to... kaya ko nagagawang magsinungaling sa'yo kasi hindi ko naman alam kung parehas ba tayo ng nararamdaman," napangiti na naman siya, pero isa iyong malungkot na ngiti. "Ngayong nasabi ko na, kasi ikaw na mismo ang humiling, wala na akong kawala. Kailangan ko nang harapin kung ano man ang totoo galing sa'yo."

Umiwas nalang ako ng tingin. Mas nakadagdag pa 'yung malungkot at pahinang-pahinang boses niya ang pagbabadyang paglabas ng mga luha ko, hanggang sa hindi ko na talaga napigilan. Napatakip nalang ako sa mukha ko gamit ang dalawa kong kamay at tumayo.

"Bwisit ka talaga," sambit ko habang umiiyak.

"Bambi?" Hinawakan niya ang braso ko.

Inalis ko ang dalawa kong kamay sa mukha ko at nagpamaywang nalang. "Kung alam mo lang na noon ko pa gustong marinig yan,"

"Ano?"

Napailing nalang ako at napakagat sa ibaba kong labi para pigilan ang mga luhang gusto pang kumawala sa mata ko.

Hinarap ko siya't ngumiti.

Kahit na lagi niya akong pinagti-trip-an, kahit na lagi siyang nagsisinungaling, kahit na bwisit na bwisit na ako sa kanya minsan, hindi 'yon hadlang para magkaroon ako ng feelings para sa kanya. At ngayon, napaluha nalang ako sa sobrang saya kasi parehas pala kami ng nararamdaman sa para isa't isa.

"Sabi ko bwisit ka talaga," sambit ko nalang ulit.

"Sorry na," aniya at agad akong niyakap. Niyakap ko rin agad siya pabalik, nang mahigpit. Fudge, matagal ko nang gustong gawin 'to. "Oh my Gee."

Pabiro kong hinampas ang braso niya. "Bading."

"Pero shet, teka lang... mahal mo rin ba ako?" Isinubsob ko nalang ang mukha ko sa dibdib niya at mas hinigpitan ang yakap ko sa kanya. "Shet." Aniya ulit kaya natawa nalang ako.

Inalis niya ang mga kamay ko sa bewang niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Tinignan ko lang ang mga mata niya't ganun din siya sa'kin. Ipinagdikit niya ang mga noo namin at pumikit nalang ako. Napangiti ako nang maramdaman ko ang tuhod niya sa ibabaw ng tuhod ko—kailangan niya pang yumuko para pantayan ako dahil sa katangkaran niya. Nararamdaman ko na rin ang paghahalo ng hininga naming dalawa pero—

"Mamaya na kayo maglandian diyan, kain muna tayo!" Sigaw ni Tita mula sa kusina.

Napadilat kaming dalawa at sabay na natawa. "Hindi po kami naglaland—" pero naputol ang sinasabi ko nang mabilis niya akong halikan at hindi na ako nakapalag. Leche. Para siyang si Naruto kung makapag-ninja moves.

Ngiting tagumpay ang walanghiya. "'Wag na, Ma! Busog na po ako!" Humagikhik siya. "Busog na rin daw po si Bambi!" Kinurot ko ang tagiliran niya kaya napangiwi nalang siya at tumawa na naman. "Joke lang, Ma! Penge pang dalawang pinggan!"

Natawa nalang kaming dalawa at naghawak kamay papunta sa kusina. Habang nag-aayos pa ang mga maids ng mga pagkain ay nakatayo lang kami sa likod ng mga uupuan namin.

"Mahal mo ba ako?" Tanong niya.

Pero imbes na sagutin ko ang tanong niyang iyon ay tumingkayad ako't pinilit siyang akbayan at hinalikan siya sa pisngi.

ㅆㅆㅆ

Hello hi annyeong haseye mga bes!!!! Tapos na!!! HAHAHAHA. So, maiksi lang talaga 'to kasi baka mailagay ko rito 'yung mga ideas ko sa iba kong story, lagot na hahaha.

Sana kinilig kayo kahit konti kahit na sa tingin ko eh napakacorny at nakaka-cringe lol. 

Salamat sa mga nagbasa, nagbabasa, at magbabasa pa! Mahar ko kayo!!

pero pasensiya na po at walang special chapter. hehe sorry :(

Thank you ulit!!1!1!1

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top