015

02:13 pm

Bambi: Julienne!

Bambi: Siraulo ka talaga!

Julienne: Anong ginawa ko sayo aba

Bambi: Yung exchange gift, sabi ko kahit ano pero worth 300 lang diba

Bambi: Pero bakit tong kwintas ng saint laurent ang binigay mo sakin? 12,000 to diba?!

Julienne: E nakita ko kasi nung isang araw na tinitingnan mo yan tas parang ang saya saya mo pa

Julienne: Saka wala rin naman akong maisip na ibigay sayo haha

Bambi: Julienne, di ko matatanggap to.

Julienne: Malulungkot naman ako pag di mo tinanggap yan.

Bambi: Pero kasi masyadong mahal eh

Julienne: Hmmm ganito nalang

Julienne: Isipin mo nalang na part na ng 300 na exchange gift yang kwintas, tas yung 11,700 regalo ko na sayo

Julienne: Ahahaha shet ampangit naman kinukwenta ko regalo ko sayo!

Bambi: Sira ka talaga aish

Bambi: Anong gusto mong regalo?

Julienne: Di ako humihingi ng kapalit, Bambs :)

Bambi: Dali na ano ngang gusto mo????

Julienne: Mapilit ka ah

Julienne: Ayoko ng regalo

Bambi: Ano nga??

Julienne: Idate mo ako sa pasko ❤️

Julienne: Birthday and Christmas gift mo na sakin yon Bambs!!!

Bambi: Tungak! Minsan nalang kami magcelebrate ni daddy ng pasko tapos idedate pa kita!

Julienne: Edi sa new year nalang?

Bambi: Baliw wag kasi sa mga holidays

Julienne: Ohhhhhhhh... so ibig sabihin pumapayag ka nang idate ako basta wag lang yung mga araw na may dapat icelebrate??

Julienne: Game game! Pagbalik nalang ng school idate mo agad ako!

Bambi: Ililibre nalang kita pero please, wag mong gamitin yung salitang date!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top