004

11:27 pm

Bambi: Alam mo sa totoo lang, oo sa totoo lang. Baka kasi madagdag sa bokabularyo mo ang salitang katotohanan at hindi purong kasinungalingan lang.

Bambi: Sa totoo lang, sayang ka e. Gwapo, matangkad, matalino, kaso lang sinungaling. Hindi kita pinupuri para lumaki yang ulo mo, sinasabi ko lang kung anong nakikita ko sayo.

Bambi: Kaya wag mo sanang tuluyang mabago ang tingin ko sayo. Siguro wala kang pake kung anong tingin ko sayo, pero para sa iba magbago ka.

Bambi: Sorry kung hiniling kong matapilok ka. Magpahinga ka nalang, tutal hindi ka nanaman talaga makakapaglaro sa game 3 bukas e.

Bambi: Pero last na. Sa totoo lang, kasi hindi ako nagsisinungaling, ang saya ko kanina nung makita kitang nasasaktan sa clinic. HAHAHAHA.

Bambi: Ge.

Julienne: Ayun na e, maganda na e, tapos biglang bagsak ng masakit 💔

Bambi: Truth hurts.

Julienne: Bakit mas gusto ng lahat na malaman yung totoo kahit na masakit?

Bambi: Psh. Kasi mas maganda nang masaktan kaysa mabuhay sa mundong puro naman kasinungalingan. Maikli lang buhay at siyempre, sino ba namang may gustong naglolokohan lang.

Julienne: Deep. Tulog na nga lang ako, Bambs.

Bambi: :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top