Whom You Love

The light of the stars and the moon are glowing against the dark night. It seems the starry night could feel her emotions.

And he's really glowing against the night.

Ang galing at medyo madaya. How can he manage to be a drummer and guitarist at the same time? Na para bang pag-aari nito ang lahat ng ritmo sa daigdig.

Even the rhythm of her heart.

Puwedeng titigan pero hindi puwedeng makuha. This idea is already mark in her mind. Even watching him is a sin but she can help it. She always watching him from a far – secretly. Hoping for a little moment. Iyon lang naman ang kailangan niya. Ang mapagbigyan ng ilang minuto ang puso niya. But how can it be? Kahit nga ang espada ng orasan ay hindi siya mapagbigyan.

And it's funny how she act like there's nothing wrong inside of her. Na para bang wala siyang ibang nararamdaman kapag malapit siya.

Kasi naman he's too near yet so far. Ang cliché pero totoo.

One last glance and she decided to go out.

Pero palaging pasaway ang tadhana. Kapag gusto manatili, binibigyan siya ng dahilan para bumitaw, para kumalimot. Pero kapag gusto niyang bumitaw, hinihila naman siya papalapit.

Hindi pa man siya nagtatagal sa pagkakaupo, may tumabi na sa kanya.

Magrereklamo sana siya pero nang makita niya kung sino ito, automatic na nalunok niya ang lahat ng salita na puwedeng sabihin.

She can't breathe. Hindi siya puwedeng malapit sa kanya. Nakukuha nito ang oxygen na dapat sa kanya. Kinakabahan siya at nag-uunahan ang tibok ng puso niya. Parang gusto niya tuloy tumakbo.

Akmang papasok na siya nang bigla siya nitong tawagin.

"Hindi ka nilalamig?" Tumigil nang kusa ang paa niya sa paghakbang. Nanlalaki ang mga mata. Shemay. Hindi niya alam kung nagsalita ba ito o assumera na rin pati tainga niya.

Pero wala, lumingon ito sa kanya.

Sandali! Ang puso ko.

"Hindi. Sanay na ako sa kanya. Talo pa nun ang north pole sa lamig ng pakikitungo sa akin." Parang gusto niyang kagatin ang sarili dila. Automatic talaga ang punch line na lumalabas sa bibig niya.

Tumawa ito. Malakas. Nakakapanghina.

Oh gosh. This is the first time he laughed. Sa harap niya. Dahil sa kanya.

Parang gusto niyang kuhain ang cellphone sa bulsa niya at i-record ang tawa nito. Remembrance lang. O kaya puwedeng alarm clock sa umaga.

"Hilig mo talagang humugot."

"Oo, beh. Kailangan sa buhay 'yon."

And when he smiled again, she realized something. He's really a cliff, and he's the cliff she's willing to fall. Kahit hindi na siya makaahon at tuluyang mahulog. Kahit hindi maintindihan ng iba kung bakit siya kung puwede namang iba na lang.

Topic.

Topic. Kailangan niya ng topic. Para may dahilan pa na makausap siya. Para may dahilan pa na makasama siya. Kaunting sandali pa. Kaunti na lang. Sana naman sa pagkakataon na 'to ay mapagbigyan siya.

Think, Ae. Think. Hindi puwedeng matapos agad ang nakaw niyang sandali.

"Uy, may shooting star!" Wala sa sariling niyugyog niya ito. "Mag-wish ka!"

"Naniniwala ka do'n?" Sandali siyang napaisip. Dapat ba siyang hindi maniwala?

"Naman! Kahit bata nga naniniwala do'n. Saka paniwalain ako. Bakit ba."

Tumawa siya – para alisin ang kaba na nagsusumigaw sa loob niya.. "Ano ba ang hiling mo?" She wanted to congratulate herself for not stammering o kaya magpa-party.

"To be the star." Wow. Lalim.

But... wish granted. She's his star, from a long time ago.

"E, ikaw?" Mahina lang ang pagkakatanong nito – pero dama niya ang lamyos sa tinig nito. Na para bang gusto niyang tanungin kung tinatanong ba talaga siya nito.

Lumunok siya. Pambihira. Kinakabahan talaga siya. "Ang maka-survive." Isa pang lunok. Hindi nagpapatalo sa lakas ng pintig ng puso. "Kasi 'di ba ang hirap mabuhay? Every day is a war that you need to endure. Hindi naman kasi puwedeng humihinga ka lang. Dapat masaya ka rin. Parang ganito kasi 'yan, beat, breath, and stay alive."

Umangat ang labi nito, maliit na ngumiti. Muli na naman tuloy sumisigaw ang dimple nito.

Pambihira talaga. Hindi talaga nito alam na isa ito sa kahinaan niya. Ang malalim na dimple niya, ang bihirang ngiti niya – lahat ng tungkol sa kanya.

Oh, wait. Pati na rin pala ang nagsusumigaw na adams apple nito.

Pumikit siya at tumingala. She wanted to feel this little moment. She wanted to hold his hand. She wanted to remember this little moment and mark her for a long time.

Ibang-iba kasi talaga. Imbis kasi na romantic music ang nasa background, Christian music.

Pero gano'n pa rin ang effect. Mas dama. Mas matimbang. Mas nakakakaba.

She sighed – trying to calm the beat of her heart. "Ang tahimik." Pero ang ingay ng puso niya. Nakakatakot tuloy dahil baka narinig na nito.

Naramdaman niya ang pagsulyap nito sa kanya. Huwag, please. Don't look at me like that.

"Ano bang hindi maganda sa katahimikan? Mas kalmado nga kapag tahimik. Mas nakakapag-isip ka." Pumalatak siya. Sobrang opposite talaga nila. Kaya ang hirap abutin.

"Iyon nga ang problema. Nasanay ako sa maingay. Kasi kung hindi ako maingay, kung hindi ako corny, may makakapansin kaya sa 'kin? May kaibigan kaya ako? Wala siguro."

Maliit ulit itong napangiti. Ngiting nakakasugat ng puso. Ngiting nakakasakit. Kasi hindi puwedeng angkinin.

"Good point," maikling sagot nito. Para gusto niya tuloy mag-demand ng mahabang sagot pero hindi naman puwede.

"Uy, pasok na kayo." Tumigil ang oras. Madaling nawasak ang invisible bubble na gawa niya.

Times up. Tapos na talaga. Wala ng topic. Wala ng corny na punch lines. Wala ng mga tanong.

"Pasok na ako." Huwag muna, please.

Pero humakbang na ito patalikod. Palayo sa kanya. Wala na.

She sighed – hoping that he will remember the little moment of them.

Kulang ang isang sandali. Sana may kasunod pa. Kulang ang isang gabi. Sana habang buhay na.


-End

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top