Kabanata 9

"Tao! Tao!" Sigaw ng tao sa labas ng bahay.

Agad napatayo si Tao ng marinig niya ang tinig nito. Pamilyar na pamilyar para sa kaniya.

Lumbas sya agad at nanlaki ang kaniyang mata ng makita niya kung sino ito. Hindi sya naniniwala na ang kaniyang Asawa ay umuwi na rin sa kaniya sa wakas! Dali dali niyang pinagbuksan agad ng gate ang kaniyang Asawa.

"Naaalala mo na ba ako? Ha? Hindi na si Luhan ang nasa isip mo?" Tanong nya rito. Nagtataka naman ang kaniyang Asawa. Sinong Luhan? Naguguluhan ang Asawa niyang ito. Hindi naman niya kilala ang taong yun at Isa pa, paanong naaalala? Eh ilang buwan lang siya nawala Kaya natural ay kilala niya ito.

"Tao, ano ba pinagsasabi mo dyan? Nawala ako ng matagal pero hindi ako nawalan ng alaala. Nasaan si Jin?"

Agad niyang hinanap ang kaniyang Anak ngunit nasa paaralan pa ito sa oras na ito.

Pumasok na lamang ito sa kanilang bahay upang makapagpahinga. Ilang araw rin siyang pagod dahil sa sunud-sunod nitong schedule. Lalo na't may company silang inaasikason.

"Hon, hindi mo ba naaalala? Naaksidente ka at na-coma ka ng one week! Sabi mo pa nga, Mahal mo si Luhan at hindi mo ako naaalala." Naguguluhan niyang sinabi ito ni Tao.

Nagtataka naman siya. Hinding hindi sya pwedeng magkamali sapagkat alam niyang Asawa nya iyon. Ang hubog ng pangangatawan, kilos nito, at ang kanitang maamong mukha ay asawang-asawa nya ito.

"Hindi Kita naiintindihan, paano ako maaaksidente kung nasa company lang ako? Nawalan tayo ng communication—oo, pero nawalan ng alaala? Imposible! Sinong lalaki yan? Pinagsasabi mo tao!" Giit ng kaniyang asawa. Gulung gulong na din sa pangangatwiran nito.

"Sehun ang pangalan mo di ba? May anak ka si Ren. Sabi mo si Luhan Mahal mo. Nagkita tayo sa school ni Jin pero tinatanggi mo na kilala mo ako. Nalilito ako sayo." Wika Ni Tao. Ilang Gabi siyang hindi makatulog dahil dito. Oo, nawalan nga ng communication ang asawa niya Kaya pala dahil may iba pa pala itong pamilya.

Agad kinabahan si Sae Hun sa sinabi ng kaniyang asawa, ibig sabihin, nung araw na nagmilk tea sya ay asawa ng kakambal nya pala ito. Naaalala niya napahiya sya dun at sinampal sya nito. Ibig sabihin, akala Ni Tao ay sya si Sehun. Ang kakambal niyang Hindi niya pa nakikita dahil sa sobrang lawak ng kanilang negosyo ay nawalan na din sila ng communication.

"Tao, nung nakaraang araw, nasa mall ako. Bigla-bigla na lamang may yumakap sa akin na misis pero sinampal nya ako dahil ikaw ang Mahal ko." Sambit ng kaniyang asawa.

Tulala lang si Tao sa sinabi ni Sae Hun.

Hindi nga pala Alam Ni Tao na may kakambal si Sae Hun. Ngunit papaanong natawagan sya ng Ospital? Tulad ng sinabi ni Sehun, pina-investigate nya ang kaniyang nawawalang kakambal.

Nalilito na ang isipan ni Tao ngayon. Ano paniniwalaan niya? Ang mismong nakita nya at narinig o sa sinasabi ng kaniyang asawa?

"Tao, may aaminin ako sayo." Dadgdag pa nito. Lalo syang kinabahan.

"Ang lalaking tinutukoy mo ang aking Kakambal. Oh Sehun, ang pangalan nya. Di ba? Halos magkapareho lang kami?"

Doon lamang napagtanto ni Tao ang lahat. Bakit hindi nya napansin agad na walang "a" ang Sehun nito sa pangalan nung lalaking nakilala nya? Ibig sabihin, hindi kabit ng kaniyang asawa si Luhan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top