Special Chapter 1
Keira's POV
Seven years ago
Wala ng klase sa mga oras na ito kaya balak kong i-check ang mga naka-assigned na task sa akin bilang presidente ng campus.
Nakakapagod rin itong tinatrabaho ko at may mga bagay na pumapasok sa isip ko kagaya ng mga gossip tungkol sakin. Palagi nalang ako sinasabihan na ang 'Kj niya naman.' 'Napaka perfectionist naman niya.' Napabuntong hininga na lamang ako. Wala na akong pakealam sa mga bagay na 'yon. Hindi ko na 'yon pagpoproblemahin dahil sinusunod ko lang ang mga batas dito sa skwelahan at tungkulin ko rin ito bilang campus president.
May napansin akong weird na lalake. Nakablack shades, black hoodie l, black mask at lahat nalang black kaya simulang kinakabahan ako pero pilit ko paring sumilip. Hindi dapat makapasok ang mga intruder dito kaya naglakas ako ng loob na lumapit para malaman ang binabalak nito.
Dahan dahan akong lumapit at biglang tumigil ang mundo ko nang lumingon ang lalaki sakin at biglang nangitim ang paligid ko at hindi ko na alam ang sunod na nangyare.
---
Ngayong class 1A na si Jay ay napakasaya ko. Habang nagleleksyon ang guro hindi ko mapigilan na tumitig sa kanya bawat oras.
Natapos na lamang ang klase at nanatiling nakatitig parin ako kay Jay. Nagulat ako ng biglang tumayo siya nilapitan ako. Dahan dahan akong umatras nang hindi ko mapansin nabangga na ako sa dingding.
Ito ba 'yon nakakakilig na wall slam? 'Yong kinorner ka sa dingding at magcoconfess yung lalake sa 'yo?
Inilagay ni Jay ang kamay niya sa balikat ko at isa niyang kamay ay nakalagay sa dingding. Hindi ako makapaniwalang hahalikan niya ako.
Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko at—
"K-keira."
Biglang bumalik ako sa realidad nang may gumising sakin. Nairita ako nang malaman na panaginip lang 'yon.
"I-ikaw si..." mga salitang biglang lumabas sa bibig ko ng makita ang pinakamahal kong idol.
Mich Kim!
Halos hindi ako makahinga ng narealize nasa kwarto ako ng idol ko. Ano nga bang nangyare?
"Nahimatay ka kasi kanina kaya pinatuloy na lamang kita sa bahay pansamantala."
Hindi ako nanaginip! Kinurot ko ang mga pisngi para ikonpirma 'yon at totoo na nga ito at hindi nga ito panaginip.
Napatingin ako sa relo ko at nakitang gabi na. Patay! Ngayon lang ako nakabreak ng rules ni Mommy. Matagal akong makauwi ngayon!
"I have to go! T-thank you!" nagmamadali sabi ko pero gusto ko paring manatili dito!
Kasama ko si Mich Kim ngayon! Oh gosh!
"Ihahatid na namin ka Keira."
Huh? Kilala ako ng idol ko? Hindi ko naiintindihan ang mga nangyare sa paligid ko.
Bumaba kami at nakita ko si Eunice at mga kaklase niya. Anong ginagawa nila dito?
"Ikaw?" sabay naming tanong ni Eunice.
"Uuwi na ako!" naiiritang paririnig ko kay Eunice at inerapan siya at tinarayan ako pabalik.
"Malapit ng exam at wala tayong alam." rinig usap nila.
"Patulong na lang tayo ni Keira." rinig kong bulong ng kaklase ni Eunice.
"Sige na boss."
Napatawa nalang ako.
"Tutulungan ko kaya sa pag-aaral." sabi ko at nakita sa mata nila ang pananabik maliban ni Eunice na masamang tinitigan ako.
"Sa isang kondisyon. I want Eunice magmakaawa sakin" sabi ko at mas lalong nairita si Eunice sakin.
Tama 'yan Eunice 'yan ang itsura na gusto kong makita sa 'yo.
"Sige na boss."
"Wala na tayong ibang pag-asa Eunice."
"S-sige na nga." nauutal na sagot ni Eunice sa mga kaklase niya at inerapan ako.
"H-hoy!" padabog na sigaw niya sakin. "T-tulungan mo kami mag-aral!"
"Ano? Hindi ko marinig." asar ko sa kanya.
"S-sabi ko—"
"I'm just joking." putol ko sa kanya.
"Tutulungan mo na kami Keira?"
Naiirita parin ako sa Class F pero lahat ng mga gossip na narinig ko sa mga guro tungkol sa Class F ay mali pala. Hindi pala sila 'yung walang pakialam sa mundo, mga rule breakers o mga walang modo. I was wrong about what I thought of them.
"I'll help you study, it's the least that I can do." sabi ko at nahihiyang tumingin sa mga mata nila.
"Thank you Keira."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig 'yon sa idol ko.
"T-teka bakit nandito kayo sa bahay ni Mich Kim?" gulat na tanong ko.
"Hindi 'yan big deal. Classmate kasi namin siya."
What?
"Hey, meet the star of section Icecream Kichim Go!"
Kichim Go?
"Stage niya lang naman niya ang Mich Kim."
What?
"K-kaklase niyo ang i-idol ko?" nauutal na tanong ko sa kanila.
"Okay ka lang Keira?" rinig kong tanong nila pero itim lamang ang nakikita ko ngayon. Anong nangyare sakin?
"Tulong si Keira hihimatayin na naman!"
Waaaah! Parang gusto ko narin lumipat ng Class F!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top