Last Chapter : A Promise

Ito na ang pinakahihintay kong event sa buhay ko ang makalakad sa stage at makagraduate.

Mahaharap ko na ang realidad at ang mga pagsubok ng buhay. Mag-cocollege na ako at ipapatuloy ko ang nursing.

Nagspeech ang principal at nakita kong napakaraming studyante dito. Napansin ko ang mga ngiti ng lahat.

Nang nagsimula na ang programa pinagpalakpakan lahat dito si Jay dahil sa buong campus siya ang nangunguna.

Naalala ko Class A pala siya kaya namiss ko tuloy ang mga ioang araw na naging Class F siya.

"I want to show my deepest gratitude to the people who never abandoned me in my journey. Having this awards and medals isn't that easy because it takes a lot of hardwork and efforts in order to earn this award."

Naalala ko tuloy ang kabaliwan ko noon na palagi ko siyang dinidisturbo sa mga pag-aaral niya. Naguiguilty tuloy ako.

"I give my earnest gratitude to God who always helped me and to those people who supported me. Thanks to Mama Hana a woman who treated me as her son even though I'm not, biologically and also to my friends."

"I want you all to inspire to reach your dreams and do whatever it takes to get it because there's no shortcut to success. Thank you." saysay niya at nagpalakpakan ang mga tao dito.

Ilang oras narin ang lumipas at Class F na talaga ang lalakad sa stage.

"Boss Eunice!" rinig kong sigaw ng kaklase ko nang lalakad na ako sa stage.

Tinanggap ko na rin ang diploma at sinabit ni Papa at medalya sakin.

Ilang oras narin ang lumipas at natapos na ang lahat.

"Dali kukuhanan ko kayo ng picture." sabi ni mama kaya nag-ayos kaming lahat.

Katabi ko si Khian at nasa likuran ko Mace. Magkatabi naman sina Phiona, Nicho at Kichim.

"Hindi niyo man lang ako hinintay." nagulat kami nang biglang dumating si Jay kasama si Keira at Zero.

"Tche. Bakit nakita ko pa ang pagmumukha ng lalakeng ito?" paririnig ni Phiona kay Zero.

"Don't be such a stupid, I don't want to see your face, too." ganti nito.

Napatawa kami ng lihim nang nakitang nag-aaway na naman sila pero alam ko na biruan lamang iyon.

"Sige pumwesto na kayo. Sa bilang ng tatlo, ngumiti kayo." sabi ni mama.

"Isa."

"Dalawa."

"Tatlo. Smile!"

At sa huli sinamahan ko si Jay dahil bibisitahin niya ang mga magulang niya sa sementeryo at nagdala lami ng mga bulaklak.

"Ma at pa. Sa wakas natanggap ko po ang mga medalya na gustong-gusto niyo sana isabit sakin." naiiyak na tugon ni Jay.

"Mama...Papa..." humahagulhol na iyak ni Jay kaya tumabi ako sa kanya at inakbayan.

"N-nakikita niyo pong nag-aaral ako ng mabuti." at nakita ko na nilabas ni Jay ang lahat ng naramdaman niya kaya binigyan ko siya ng panyo para punasan ang mga luha niya.

Nagulat ako nang bigla siyang yumakap sakin tsaka nilabas lahat ng sakit na nararamdaman niya.

"Jay..."

Pinabayaan ko na lamang siyang umiyak sakin. Bigla kong naisip si Mama Hana, siguro nakapagpahinga na siya ng maayos sa probinsya.

Mama Hana...

"Jay..." usal ko at pinunasan lahat ng luha niya at humarap siya sakin.

"Eunice, mag-aaral ako sa ibang bansa." rinig kong sabi niya.

Ibang bansa?

May parte ng puso ko ang kumirot nang marinig iyon. Mas lumalayo na si Jay sakin at alam kong focus siya sa mga pangarap niya kaya naiintindihan ko siya.

"Pero hindi ibig sabihin non ay iiwanan na kita." sabi niya at may isinuot na kwintas sakin sa leeg.

"I don't know how to say this but will you be my girlfriend?" tanong niya sakin na ikinagugulat ko.

"I can wait for your answer kahit matagal pa 'yan. Let's reach our dreams first kasi alam kong 'yan ang importante. I understand." sabi niya at naging speechless ako. Walang isang salita ang lumalabas sa bibig ko.

"I promise that I will comeback for you after everything. Please wait for me, will you?"

Agad napatulo ang mga luha ko habang tumango sa kanya.

~~~

Next Chapter:

Epilogue

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top