Chapter 6: Spicy
Hinintay ko naman ang sagot ni Jay sa first serious advice ko.
Please...
"Sige na nga." sabi niya na walang halong emosyon.
Nagulat ako nang um-oo siya. Pumunta na kami sa canteen at naghanap agad si Khian at Nicho sa maging pwesto namin.
Pumila narin kami ni Jay at ipinagbilin nila yung mga orders nila Khian at Nicho para kami nalang rin ang bibili.
Kami na ang kasunod sa pila at hindi ko alam anong ang kakainin ko.
Hindi ako mahilig sa mga pasta. Kung beaf steak kaya?
Ano yun? Parang masarap. May mga shell siya, parang nakakatakot yung kamay niya medyo may pagka-orange, yun nalang parang gusto ko yun!
"Anong ioorder niyo?"
"Yun po!" tinuro ko yun sabay ngiti kasi hindi ko alam ano ang tawag dun. Nakakahiya.
"Huwag 'yan Eunice." Napataas naman yung kilay ko.
"Bakit?" tanong ko.
"Allergic ka sa crabs." sabi niya.
Crab pala tawag nun.
"Yun nalang ate." sabi ko sabay turo.
Napatingin naman sakin si Jay parang nagtataka.
"Ano, allergic na naman ako dun?" tanong ko.
"Sigurado ka ba diyan? Napaka anghang niyan." sabi niya.
Natawa naman ako.
"Ako pa ba!"
Kaya pumunta narin kami ni Jay sa pwestong nireserved nila Nicho at Khian. Bago kami kumain nagthank you kami sa mga blessings.
At sinimulan ko naring kumain.
Jay's POV
"Waah!" iyak at sigaw ni Eunice.
Tumingin siya sakin at parang sobrang naiiyak na talaga. Nakita ko yung pagred ng mukha niya at pinapawisan narin siya. Pinaypayan niya yung bibig niya gamit ang kamay.
"Diba sabi k—
Hindi na ako nakatapos ng pagsalita dahil sumingit siya.
"K-kakayanin k-ko i-ito!"
Kumain parin siya kahit nakita ko na yung mukha niyang ayaw na.
"Waah!" sigaw naman niya at hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit na mahigpit. Parang nanggigil na siya dahil sa ka anghang na kinain niya.
"Jay! Tubig!" Umiyak siya sa harapan ko na parang bata at silang Nicho naman at Khian ay natatawa sa reaksyon ni Eunice.
Binigyan ko naman siya ng malaming na tubig. Nang matapos ko na ang pagkain ko niligpit ko agad ito.
"Pupunta muna ako sa library, mag-aaral na ako." sabi ko at kita ko ang dismaya sa mukha ni Eunice.
Pumunta narin ako sa library kung nasan tahimik ang lahat.
Bigla naman akong napatawa sa isip dahil sa nangyari kanina. Naalala ko ang mukha ni Eunice na umiiyak dahil sa anghang.
~~~
Next Chapter:
Chapter 7: Like A Heartbeat
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top