Chapter 31: Seperate Ways
Umupo ako katabi nila mama at papa at niyakap ko sila ng mahigpit. Hindi naman ako nakaramdam ng galit kahit ilang taon na nila ako iniwan.
Hindi naman nila talaga ako iniwan dahil binalikan nila ako at higit na kasiyahan ang naramdaman ko sa dahioang hindi ko mapailiwanag ito.
"Anak upang makabawi kami sa'yo pupunta tayo ng beach bukas." sabi ni papa at tumingin ako kay mama Hana at ningitian niya ako.
"Sigo po papa." naiiyak na sagot ko.
"Isama na natin si Jay." sabi ni Mama at tumango ako.
"Iimbitahan ko rin ang mga kaibigan ko mama." sagot ko kay mama.
"Sige anak." napangiting sabi ni mama sakin.
Ngayong araw naramdaman ko kung gaano kasaya ang mayakap ka ng mga taong mahal ka.
Kinabukasan pumunta kami sa beach gamit ang van nila Mama at Papa. Excited narin ako lumangoy sa dagat kasi matagal na akong hindi nakabisita sa beach.
Nang makarating na kami agad naming inayos ang mga dala naming gamit. Natapos na kaming mag-ayos at pumunta na ako sa dagat upang ilusob ang mga paa ko.
Nagulat nalang ako at bigla akong nabasa ng tubig sa buhok at lumingon ako at nalamang si Khian iyon kaya ginantihan ko rin siya.
Napalingon ako sa direksiyon nila Mama at nakitang tumitingin sila sa amin kaya kumaway ako sa kanila.
"Nakakainis ka talaga, Nicho!" high pitch na sigaw ni Phiona kaya napatawa kaming lahat sa kabaliwan nilang dalawa.
"Aray!" usal ni Kichim nang natamaan ito ng bola nang dahil ni Khian.
Pfft.
Dumating narin ang gabi at nagform kami ng circle at nagkwentuhan kami kung ano ang mga gusto namin paglaki.
Si Kichim ang nauna dahil sa kanya naturo ang tip ng bottle.
"Gusto ko lang ipagpatuloy ang career ko bilang artista." aniya at napakamot ito sa ulo.
"I shout out mo kami ah." biro ni Nicho.
"May rehearsal sana ako ngayon pero pinare-schedule ko ito dahil gustong sumama sa inyo." patuloy ni Kichim.
"Napaka- thoughtful mo naman." rinig kong sabi ni Phiona at inikot namin ulit ang bote at napunta ito kay Mace.
"Mmm." usal niya habang nag-iisip. "Gusto ko maging basketball player."
"Magiging napakangandang basketball player ka Mace!" sabi ni Khian.
"Gusto kong makapuntang nationals." patuloy ni Mace at uminom agad ito ng cola.
"Kaya mo 'yan!" cheer ko kay Mace.
"Ako, I like to be a fashion designer." sabi ni Phiona nang tumigil ang bote sa kanya at inasar na naman siya ni Nicho.
Napatawa nalang ako sa kanilang dalawa at hindi ko namalayan ako na pala ang susunod nang makita kong nakaturo ang bote sakin.
"Ako gusto kong maging nurse." sabi ko.
"Ako maging doctor kaya magkikita parin tayo Eunice!" biglang sumulpot itong si Khian. Pfft.
"Ako gusto kong maging police." sabi ni Nicho.
"Tche." usal ni Phiona para gantihan si Nicho.
Sa huli si Jay nalang ang naiwang magkwento pero hindi siya makapagsalita.
"Pag-iisipan ko pa." sagot niya.
"Kung malaki na tayo at may kanya-kanya na tayong trabaho sana huwag nating kakalimutan ang isa't isa." sabi ko.
"Uuwi na tayo dahil gabi na baka hinahanap na kayo ng mga magulang niyo." sabi ni Mama nang datibg siya sa pwesto namin.
"Huwag kayong mag-alala kasi ihahatid ko kayo sa mga bahay niyo." sabi ni Papa at ningitian ko siya.
"Salamat po!" sagot ng mga kaibigan ko kay papa.
...
Nang makauwi na ang lahat at sa wakas nakarating narin kami sa bahay.
Napakasaya ko ngayon kaya hindi ko napigilang mapangiti bawat oras.
"Napakalaki mo na aba Jay." sabi ni mama habang ginugulo ang buhok nito.
"Salamat at hindi mo binitawan ang pangako mo samin." sabi ni Papa at umupo sa tabi ko.
Pangako?
"Hindi mo pinabayaan ang makulit kong anak na'to." sabi ni papa at tinarayan ko si papa nang marinig ko ang salitang makulit ngunit tinawanan lang ako ni Papa at hinalikan sa noo.
"Opo." pormal na sagot ni Jay.
Nagulat nalang ako ng nakita kong bitbit ni Mama Hana ang mga gamit ko loob sa isang luggage.
Anong ibig sabihin nito?
"Hija." sabi ni Mama Hana at may inipit na hairclip sa bangs ko.
"Mama?" usal ko.
"Makakasama mo na talaga ang totoo mong mga magulang." at napansin kong tumutulo na ang mga luha ko.
Ibig sabihin maiiwan nalang si Mama Hana na mag-isa dito?
"Mama..." naiiyak na usal ko at niyakap siya ng mahigpit.
"M-mama Hana." rinig kong usal ni Jay na pilit pinigilan ang sarioi niyang umiyak.
"Napakalaki niyo na." sabi ni Mama Hana habang pinaghimas ang mga ulo namin.
"Huwag kayong mag-alala hindi ako maiiwang mag-isa dito dahil babalik na ako sa probinsya ko."
Mama Hana...
Niyakap namin ni Jay si Mama Hana kasi ilang taon ang lumipas pero tinuring niya kaming mga totoong anak.
"Salamat po." naiiyak kong sabi at pinunasan ang mga luha ko.
"Tara na anak." tawag sakin ni Papa nang pasakyain na ako sa van. Ningitian ko si Mama Hana bago ko sinara ang pintuan ng van.
Nakita kong nag-usap sila ni Mama sa loob pero hindi ko marinig ang usapan nila.
Mamimiss talaga kita Mama Hana.
Kumatok sa glass si Jay kaya pinagbuksan ko ito.
"B-bye." sabi niya at agad itong nagpedal ng bisekleta palayo.
Tsh.
Hindi man lang ako hinintay makasagot. Dumating narin si mama nang matapos na ang usapan nila Mama Hana.
"Anak, makakasama narin kita sa wakas." sabi ni mama sakin at napaluhang nihalikan ako sa noo.
Kumaway ako kay Mama Hana habang umaandar na ang van at umabante na palayo.
Huli ko na itong makikita ang tahanan ko noon.
Salamat sa lahat, Mama Hana.
~~~
Next Chapter:
Last Chapter: A Promise
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top