Chapter 3: Day Ahead

Eunice's POV

Pumasok na ako sa sports room for female at nauna na 'yung mga classmates ko. Nagsuot na sila ng mga sports uniform nila at tanging XL size nalang yung natira para sa 'kin. At wala naman akong pakialam basta may maisusuot lamang ako ay okay  na'yon.

"Eunice, sabay na tayo papunta labas. Ang swerte mo naman teammate kayo ni Jay!" sabi ni Phiona sakin.

Hmp. Kung pwede lang sana makipagpalitan.

"Hindi kaya." sagot ko agad.

"Eh?" nagtatakang  reaction ni Phiona.

Lumabas nadin ang lahat at pumunta kami sa mga ka teammate namin.

"Khian!" tawag ko at tinapik siya sa likod.

"Eunice!"

"Galingan natin ha?" nananabik na sabi ko at narinig kong umuubo si Jay para magparinig at tinarayan ko siya.

"The race begins!" sigaw ni Sir Jun.

Una naming pinuntahan ang basketball court. Napakalakk naman ng sports field tsaka hahanapin namin ang napakaliit na color tag! 

Naalala ko tuloy 'yung time na bati pa kami ni Jay at naglaro kami ng basketball kaya tinitigan ko ang basketball ring.

Hmm.

Iba na pala ang basketball ring ngayong may nakasabit na decoration.

Teka may kakaiba.

"Isang color tag!"  sigaw ko sabay turo sa basketball ring.

Nilapitan agad ako nila Khian at Jay. Pero paano ba namin kukunin yung color tag, na ang taas ng ring?

Makapagdunk ba sila? Pero maayos na tinali pa naman ito.

"Naku, kukuha pa tayo ng hagdanan para abutin 'yan. Hindi naman ako sobrang tangkad para abutin lang 'yan." tinatamad tamad na sabi Khian. Nilapitan ko siya at tinuro ko siya sa noo.

"Bakit tinatamad-tamad ka?" sabay lapit ko sa mata niya.

"Bubuhatin nalang kita." sabi ni Jay hinawakan yung kamay ko palayo kay Khian.

"Hindi ka ba takot sa matatas na lugar?"

Napa chin-up ako "Matapang ako. Hindi ako takot sa kahit ano. Tsh."

Cheerleader flyer's pose yung ginawa ko at tinanggal ko sa pagkatali ito. Binuksan namin at binasa namin ang nakasulat dito.

Go to the pool and you'll find a color tag there. (Questions are coming)

Niligpit ko ang color tag at agad kaming napatakbo sa pool. May naka lutang na color tag at inabot namin 'yun gamit ang stick. Mabuti at wala pang nakakuha nito.

5⁴/9(9³)=?
Look for Mr. Jun for next clue.

Napanganga agad ako nang malaman ang tanong. Tiningnan ko si Khian at agad akong ningitian at kinalot-kalot ang buhok nito.

Nagsimula ng nagsolve si Jay nakikita ko sa kanyang mata ang pananabik na masagot 'yung tanong.

"9³ is  729... 5 ⁴/9.....is 3645...multiply at reduce 1620!" rinig kong bulong sa sarili niya.

Napanganga kaming dalawa ni Khian at hinanap agad namin si Mr. Jun. Nang makita namin si Sir Jun agad kaming pumunta sa kinaroroonan niya.

"For the next clue, puntahan niyo ang  runner's field. May mga nakatago doon" sabi ni Sir Jun.

Napakalaki pa naman nito.

Binilang ko ang mga nakuha naming color tags. At sa ngayon dalawa pa lamang ang nakuha namin.

~~~

Next Chapter:

Chapter 4: Meet Handsome Weirdo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top