Chapter 29: Semestral Break
Gumising ako ng maaga, thirty minutes bago pa tutunog ang alarm clock ko. Hindi ko alam kung bakit napaaga akong gumising. Naligo narin ako at nagbihis.
"Ang aga mong nagising Eunice." sabi ni Mama Hana nang nakita niya ako sa kusina.
"Ako na po ang magluluto ng almusal Mama." sagot ko at inihanda ang lulutuin.
Hinintay ako ni Mama sa lamesa at nang matapos na ako magluto ng scramble egg inilapag ko agad sa lamesa at sabay kaming kumain ni Mama.
"Nakakapanibago pala talaga, nak." sabi ni Mama Hana sakin. "Ngayong wala na si Jay-"
"Papasok na po ako Mama baka malate ako." putol ko kay Mama Hana.
Ayoko ng marinig ang tungkol sa pag-alis ni Jay dito. Nagtoothbrush agad ako at hinanda ang sarili ko papuntang skwelahan.
"Bye po." paalam ko kay Mama at nagsimulang magpedal ng bisekleta.
Kahit hindi ko totoong ina si Mama Hana tinuring parin niya ako na parang anak niya. Kailan kaya babalik ang totoo kong mga magulang?
Iniwan na ako ng mga magulang at ni Jay sana Mama Hana hindi mo rin ako iiwan.
Nang makarating ako sa paaralan pinark ko agad ang bisekleta ko at napansin ko ang bisekleta ni Jay pero hindi ko nalang ito ininda.
Naglakad ako papuntang classroom at nakita si Khian hinintay na mabuksan ang pintuan.
"Good morning, Boss!" bati niya sakin at tumango lamang ako at bulinuksan ang pintuan at dumeretso agad ako sa upuan ko at tiningnan ko ang upuan ni Jay pero hindi ko nalang pinansin ito.
"Okay ka lang Eunice? Napakatamlay mo, may lagnat ka ba?" tanong ni Khian at chineck ang temperatura ko sa noo.
"Okay lang ako." sagot at hiniga ang ulo ko sa desk at tinakpan ang mukha ko ng aklat.
Dumating narin ang iba kong kaklase. Nagsimula ng magdiscuss at nakinig ako sa leksyon. Nang matapos narin ito at break time na namin mag-isa akong pumunta sa canteen.
Natapos na akong mag-order kaya pumwesto ako at kumain. Nagulat ako nang biglang may umupo sa upuan sa harapan ko.
Nagulat ako nang malaman kong si Jay 'yon. Hindi siya nagsalita kaya napakatahimik naming dalawang kumain.
"Eunice-"
"Booosss!" prolong na tawag sakin ni Khian at naputol ni Jay ang sasabihin niya sakin nang biglang siyang umupo sa tabi ko.
Khian.
"Jay lumipat ka na pala sa Class A. Nakakalungkot naman pero para naman sa ikakabuti mo kasi matalino ka at mataas ang grades m-"
"So kung hindi matalino Class F kana ba agad?" naiinis kong sabi. Kaya napakagat ako sa mga labi ko ng masabi ko ang mga salitang 'yon at nakita kong nagulat sila sakin kaya agad akong umalis.
Natapos nalang ang klase at hindi ko parin pinansin lahat ng kaklase ko. Nang nalock ko na ang pintuan ng classroom kinuha ko na ang bike ko at napansing wala na ang bike ni Jay.
Papunta na agad ako sa gate at nakita si Khian. Nang magkatagpo ang mga mata namin agad niya akong ningitian.
"Boss." tawag niya sakin. "Pwede ba kitang maka-usap?"
At tumango lamang ako. Dinala niya ako sa isang restaurant at nakita ko sina Mace, Kichim, Nicho at Phiona.
"Eunice kung may problema ka you can tell us. We'll listen." sabi ni Mace sakin.
"Eunice kanina ka pang hindi pumapansin samin." lungkot na sabi ni Nicho sakin.
Bakit alalang-alala sila sakin?
"Alam ko kung bakit ka nagkaganyan Eunice." sabi ni Phiona sakin. "Noong lumipat si Jay sa Class A nagkakaganyan ka na."
"Oo nga, Eunice." patuloy ni Kichim.
Hays.
"Okay lang ako." sagot ko sa kanila.
Pinagaan nila ang aking loob at napangiti naman ako doon. Nang matapos na kaming kumain nagsi-uwian agad kami.
Ang saya talaga pag may mga kaibigan kang handang tulongan ka at pasayahin ka pagmay problema ka.
"Oh, Khian bakit moko sinundan?" tanong ko dahil nagtaka bakit sumabay siya sakin pag-uwi.l na hindi naman pareho ang dadaanan naming direksiyon.
Hindi niya ako sinagot at ngumiti lang siya sakin. Nang umabot na ako sa bahay ko nandito parin si Khian.
"Eunice." aniya.
"Bakit hindi ka pa umuwi?" tanong ko habang pinark ng maayos ang bisekleta ko.
"Iimbitahan sana kita na manood ng movie total semestral break naman ng school natin." sabi niya at may binigay siyang ticket sakin.
"At sorry nga pala sa mga nasabi ko."
Oo nga pala, semestral na nga pala at hindi ko na napansin ito. Ilang araw na pala ako nagkakaganito simula nung lumipat si Jay.
Hays.
"Oo, naman." nananabik na sagot ko at napasigaw siya ng Yes!
Eh?
"Sige, boss! See you tomorrow!" paalam niya.
Khian...
~~~
Next Chapter:
Chapter 30: Memories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top