Chapter 28: Farewell

Nang mabagsak si Jay sa mga balikat ko agad akong nagpatulong kay Khian at Mace.

"Anong nangyare kay Jay?" tanong ni Mace.

"Naku, ang init ni Jay." rinig kong sabi ni Khian pumunta narin si Nicho patungo sa amin.

Naku, lagot. Wala akong alam tungkol sa pagbake ng cake.

"Ihahatid ko na—" hindi ko napatuloy ang sinabi ko.

"Eunice manatili ka dito dahil kailangan ka ng section natin." sabi ni Khian habang inilagay niya ang mga kamay niya sa balikat na para bang nagtitiwala talaga siya sakin.

Tumango nalang ako.

"Matalik na magkakaibigan kami ni Jay kaya leave this to us, Boss."

Napangiti na lamang ako. Hindi ko akalain may nabuong friendship si Jay dito.

"Mace." usal ko at napatingin siya sakin.

"Let's do this."

Nang matapos ang very long long long speech in-anounce narin na official nang magsisimula ang baking contest.

Ang iba ay abala sa pag-aarange ng mga gamit, paghahanda at paglilinis.

Habang kami ni Mace, Phiona at Kichim abala dito sa pagluluto at hinanda na agad namin ang mga ingredients.

"Oh gosh." may pagka-arteng sabi ni Phiona nang mabangga siya ni Keira at tinarayan rin siya ni Keira.

"Hays. Napakaclumsy niyo talaga."

"At napakatanga mo naman. Hindi mo ba nabasa, this is Section Icecream's station so bakit nandito ka?"

Naku, malditang maldito ito si Phiona.

"Phiona, tama na yan." sabi ko.

"Total hindi naman tayo pumapatol sa mga tanga diba, Eunice?" paririnig niya kay Keira.

Mapansin kong itutulak niya si Phiona kaya agad akong dumepensa.

Hays. Napakawar freak naman talagang Keira na ito. Hindi ko maiintindihan.

"Nagsisimula na ang time kaya umalis ka na dito, Keira." sabi habang napataas ang kilay ko.

"Tsh. Ewan ko bakit umiinit ang ulo sa inyo section Icecream!" at sasampalin niya sana ako ngunit pinigilan ni Jay.

"J-jay." nauutal na sabi ni Keira.

"Magsimula na kayo, Eunice." sabi niya sakin.

"May lagnat ka Ja—" ngunit naputol ko ang salita ko mang makita ko nang palakad sila sa kalayuan. Matinong nag-uusap sila at kitang kita ko ang malalaking ngiti ni Keira.

Tsh.

Ano bang meron nila ni Jay? May relasyon na ba sila? Bakit mas close na sila ngayon? Diba sabi ni Jay na hindi siya comfortable kay Keira kaya nagpatulong siya sakin?

"Hoy Eunice!"

Eh? Agad na bumalik ako sa realidad.

"Bakit ba na napakalutang mo ngayon? Hindi ka ba nakikinig sa mga sinasabi ko?" sabi ni Mace.

"P-pasensya na. Magc-cr lang muna ako. Ikaw muna bahala dito Mace." sabi ko pumatungo sa comfort room.

Nang hindi pa ako umabot roon. Nakita kong nag-uusap si Jay at Keira at hindi ko maiwasang makinig sa usapan nila.

"Jay, the principal would like you to promote sa class A." sabi ni Keira kay Jay.

"I see." maikling sagot ni Jay.

"Starting tomorrow, we'll be classmates na Jay and it's such a waste lang na sa katalinuhan mo, diyan ka pa nabagsak sa class F."

...

Sa wakas  natapos na ang pagluluto. Pinatikim namin sa mga judges. Pumunta kami dalawa ni Jay sa mga judges na dala ko ang cake.

Nagsimula na siyang magsalita para i-advertise ito sa judges.

Hays.

Totoo bang lilipat na siya sa class A bukas? Hindi man lang niya ako kinausap dito?

Hindi ko alam pero naramdaman ko na para bang natraydor ako.

Bakit ito tinago sa akin ni Jay?

Tinapik niya ako sa balikat para ibigay ko na ang cake sa judges at pagkatapos bumalik agad kami sa Class F station

Bakit ba nagkakaganito ako? Diba ayoko sa kanya?

Diba sa buong buhay ko ayoko na meron siya palagi sa tabi ko? Hays.

"Hahaha." nagulat ako nang lumabas iyon sa bibig ko.

"Boss?" nagtatakang usal ni Khian at tinarayan ko lamang siya.

Nandito na ang oras para ianunsyo ang mga nanalo nag hawak kamay kaming section Icecream na naghihintay na marinig ang pangalan namin sa anouncer.

"Third Place goes to Class D! Congratulations."

May pag-asa pa!

"Let give it all to the second placer..." pinathrilling pa ito. "Class B!"

Please last chance na namin ito! Please Class F!

"Mostly, the section who won the first place is..."

Pumikit ako... please kami sana.

.
.
.
.
.
.
.
.

.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Class A!"

Bumutong hininga ako at nasa amin ang mukha ng pagkadismaya.

Nang matapos na ang activity pumunta narin kami sa classroom namin.

"Okay lang ito, Boss Eunice! Sa susunod babawi na talaga tayo." chinicheer up ako ni Khian napangiti naman ako.

"That's okay section Icecream. I appreciate all your efforts. Still, a job well done!" sabi ni Sir samin. "Class Dismissed."

Kasabay ko sa pag-uwi sila Mace, Khian at Jay. Umuna na kasi si Nicho.

Nakita kami ni Zech kaya pumunta sa direksyon namin.

"Hi!" bati nito samin.

"Mauna na kami Eunice." sabi ni Mace.

Eh? Kayo na ba?

"Kung nag-iisip kang may namamagitan kami sa isat isa, nagkakamali ka Eunice." ngiting sabi niya sakin.

"Saan ba kayo pupunta?" tanong ko.

"Magbabasketball lang." sagot niya.

Napakacool talaga ni Mace.

"Sali niyo naman ako!" sabi ni Khian. at agad namang nagkaclose itong si Zech at Khian.

"Jay sasali ka ba?" tanong ni Khian kay Jay.

"Hindi." deretsong sagot nito.

"Mahirap talagang kausapin itong King of Study." biro ni Khian.

Nang matapos ang usapan umalis na sila at naiwan kaming dalawa ni Jay.

Napakatahimik ng atmosphere.

Naglakad ako sa likod ni Jay na sinusunod ang mga bakas niya. Nabangga yung ulo ko sa likod niya nang huminto siya.

"Aray." usal ko.

"Eunice." seryosong tugon niya sakin.

"B-bakit?" taray na sagot ko.

"Eunice lilipat na ako sa condominium na nilaan sakin kay tito kaya hindi na tayo magiging housemates."

"Tapos?" taray parin na sagot ko.

Wait... Lilipat na siya?!

"Salamat at wala ng didisturbo sakin sa pag-aaral ko kung ganoon." masayang sabi niya.

"Hmp." usal ko.

"Alagaan mo si Mama Hana at ang sarili mo. Huwag kang magpalate ulit. At sa classroom, be a good president dahil inaasahan ka ng mga kaklase mo."

kaklase mo...

kaklase mo...

kaklase mo...

Napansin kong napaluha na pala ako pero agad ko itong pinunasan para hindi niya makita.

"Hahaha. Sa wakas wala ng mag-papaaral sakin!" kahit pilit kong tumawa naiiyak parin ang tono ko.

"I see. Magiging masaya ka nga kung ganoon." sagot niya at pumatuloy sa paglalakad.

Iiwan na niya talaga ako. Lilipat na siya ng bahay at lalo lilipat narin siya sa class A.

Parang naramdaman ko ulit ang pagka-ulila pero sa tingin ko parang wala lang sa kanya ang lahat ng itong naramdaman ko.

"Jay!" napasigaw ako habang naiiyak.

"B-bakit?"

Hindi ako makapagsalita kaya nasuntok ko siya.

"Aray. Para saan yun Eunice?" hindi ko na siya sinagot at tumakbo ako palayo.

Bakit ako nagkakaganito?

~~~

Next Chapter:

Chapter 29: Semestral Break




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top