Chapter 27: School Cooking Festival
"Eunice! Gising!" nakakairitang ingay na rinig ko.
Kahit pilit kong gumising hindi ko parin kaya labanan ang puyat ko dahil tinapos ko pa ang isang teleserye. Nabiktima na naman ako sa isang 'one last episode na ito, promise' syndrome.
"Eunice!"
dahil sa pagkalakas ng sigaw niya napatalon ako sa higaan ko.
"Aray." usal ko nang mabagsakan ako ng alarm clock ko sa ulo. Walang silbing alarm clock kasi iba pa ang gumising sakin.
"Eunice! Magsisimula ang cooking festival ngayon kaya kumilos ka na! Dadalhin pa natin ang ingredients!" seryosong sabi ni Jay saken.
...
...
...
"WAAAHH!! JAY ANONG ORAS NA?!"
"Nakakainis ka! Narumihan na yung attendance ko, may isang late na ako. Tsaka nasa iyo ang susi kaya kumilos kana!"
Mabilis akong naligo at nagbihis. Isang instant breakfast nalang ang kinain ko.
"Jay, paunahan tayo sa school!"
"I don't want to join your childish games." sagot niya tsaka umuna na.
Tsh!
Nang makarating na kami hinanda na agad namin ang mga kagamitan at pumunta sa quadrangle kung saan gaganapin ang mga activities.
"Are all sections ready for the preparations? In order to know that whenever you hear your section shout your cheer!" sabi ng announcer
"Class A - Einstein!"
"Einsteinians are always ready! We all compete with everybody! We have nothing to worry! Einsteinians are always ready!"
"Class B - Krypton!"
Hindi na ako nagfocus sa ibang cheer dahil wala pa kaming naisip na cheer kaya dapat makagawa kami ng cheer ngayon.
"Section Icecream! Ano ang ichecheer natin?" tanong ko.
"Naku, hindi tayo nakagawa ng cheer."
"Paano na ito? Kasali ba ito sa criteria?"
Agad kong tiningnan ang criteria.
Display - 25%
Cake Flavor - 50%
Advertisement -15 %
Cheer - 10%
"Naku, kasali ito sa criteria!" napapanic na sigaw ko.
"Class F - Icecream!"
Nang marinig namin na tinawag ang section namen napatingin kami sa isat isa na para bang nagtatanong na 'ano ang sasabihin naten?'
"Hays." napabuntong hininga si Jay.
"Hey!! Hey!!" sigaw ni Khian at Nicho habang sumasayaw.
"Eh?" usal ko.
"Hey!! Hey!! Hey!!" sumunod nalang kami sa ritmo.
Ano ba ang balak nila? Siguro we should go on the flow nalang.
"Hey!! Hey!! Hey!!" kanta namin.
Hanggang hey hey nalang ba kami?
"Hey we're section Icecream!" una nila Khian at Nicho.
"Hey we're section Icecream!" sunod namin.
"Section Icecream is the best! Goodbye losers time to rest! We are! We are! Section Icecream!"
...
...
...
Ayan na nga ba! Anytime makakagawa at makakaisip paren kami ng paraan!
Yoho!
Natuwa ako habang hinintay na official na magsisimula ang cooking or baking contest. Mahaba kasi ang speech sa principal at sa ibang mga school staffs.
Nagulat ako ng may naramdaman ako sa balikat ko at bumilis ng tibok ang puso ko at nang tiningnan ko ay si Jay na pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Napataas naman ang kilay ko.
"Hoy Jay!" sabi ko at nang mahawakan ko ang ulo niya nagulat ako dahil napakainit niya.
May lagnat si Jay!
"Jay, okay ka lang? Dadalhin na kita sa clinic ngayon!" sabi ko.
"Huwag mo na akong alalahanin kailangan ka dito kaya manatili ka dit—" hindi na niya natapos ang sasabihin niya at sabay nahulog siya sa mga balikat ko.
Jay...
~~~
Next Chapter:
Chapter 28: Farewell
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top