Chapter 23: Epic Treat

Natapos na ang klase ngunit hindi ko parin nalaman ang balak na sasabihin ni Jay dahil pinutol pa ni Keira ang usapan namin. Di bale nalang.

Hindi sumabay sa akin si Jay kaya sabay nalang kami ni Mace umuwi.

"Mace!" napalingon kami ni Mace sa likuran upang tingnan kung sino ang tumawag at si Zech pala 'yun.

"Kagaya ng pustahan natin sa nakalipas na araw, ililibre kita." zabi ni Zech at tumingin siga sa akin. "Ililibre ko kayo. Total nagugutom narin ako." patuloy niya.

Sa tingin ko rich kid yata 'to si Zech, dinala kami ni Mace sa mamahaling restaurant.

"Feel free to order anything." sabi ni Zech at nagcrossed legs pa ito.

"Talaga?" Tanong ni Mace sa kanya. Ito naman si Mace parang walang emosyon palagi magsalita.

"Yes, don't worry. Order na kayo." tugon ni Zech samin.

"Ito. Tsaka ito at ito Rin po. 'Yan lahat. Ay teka lang po, dagdagan nito ng drinks. 'Yan lang po." sabi ko at kita ko ang gulat sa mukha ni Mace at ni Zech.

Kulang pa nga 'yun sakin

"Same." sabi ni Mace. In-order rin ni Mace ang in-order ko.

"Ikaw, po sir?" tanong ng waiter kay Zech.

"Hehehe, busog pa po ako. Take their orders, I won't order something." sabi niya kaya nagtaka ako dahil sabi niya kanina na gutom siya.

Dumating ang mga basketball player na kaibigan din ni Zech. Ang tatangkad nila at ang cool

"Zech. Sino sila? Nice to meet you, two." tugon nito sa amin.

"Nice to meet you too." Sagot ko at hinintay nila ang sagot ni Mace pero itinaas niya lang ang kilay at nag-earphones.

Mace!

Ewan ko ba sayo.

"Ohh... " usal nila.

"Here's your order ma'am and sir." sabi ng waiter at inilapag ang pagkain sa lamesa.

"Ang dami mong in-order Zech, ah?"

"Nilibre ko lang sila Daren." sagot ni Zech.

"Ahhh." at nakita kong nagulat si Daren sa raming ng in-order namin.

Siguro napakarami yata ng in-order ko.

Nang matapos na kaming kumain nakahinga ako ng malalim.

"Thank you Zech." sabi ko habang patagong hinihimas-himas ang tiyan ko.

"Thanks." usal ni Mace at nakita ko ang kakaibang ngiti sa labi ni Zech.

Hmm...

Dumating narin ang waiter at inilapag sa lamesa ay babayarin.

"I'll go ahead, bro ah." sabi ni Daren kay Zech.

"Okay, bro." at dahan-dahan niyang kinuha ang wallet niya sa bulsa niya at nanlaki ang mga mata nito kaya nagtaka naman ako.

"Oh, damn. I left my wallet." sabi niya.

~~~

Next Chapter:

Chapter 24: Couple

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top