Chapter 21: Campus President
Bagong araw na naman!
Thank you Lord dahil ang ganda ng tulog ko!
Naligo ako at pagkatapos nagbihis. Kumain narin ako at nagtaka ako kung bakit ako nalang ang tao dito sa bahay.
Saan sila Mama Hana at si Jay?
Kumain nalang ako dahil hinandaan naman ako ng pagkain sa lamesa at pagkatapos kinuha ko na bag ko.
Napatingin naman ako sa orasan.
7:54.
Waaah! Ang late ko na!
Tumakbo ako patungong paaralan pagtapos kong ilock ang bahay at dahil na-assign ako sa susi dapat na maaga ako makarating sa classroom.
Nasira ang bike ko kaya tatakbo nalang ako. Malapit na ako kaya hinanap ko ang susi sa bag ko pero wala akong nakitang susi sa bag ko.
Patay.
Kaya bumalik ako sa bahay at tatakbuhin ko na naman.
Eunice bakit Ang iresponsable mo naman?
Hinanap ko sa kwarto ko at wala akong nakitang susi.
"Hija, Eunice! 8:09 na di ka pa pumunta sa eskwelahan." nagulat ako nang nakita ko si Mama Hana.
"Mama nawala ko ang susi sa classroom namin." sabi ko napayakap kay mama.
"Sabay na kayo ni Jay." sabi ni mama.
Late si Jay?
Sumakay ako sa bisekleta ni Jay na nakaangkas ako sa likod
"Jay nawala ko ang Susi." naiiyak na sabi ko.
"Mabuti at nakita ko Eunice. Naiwan mo sa lamesa mo kahapon." sabi niya.
Nawala ang kaba ko ng marinig ang sinabi niya. Nakahinga narin ako ng maluwag.
"Ang late na natin. Bakit nga ba late ka ngayon. Saan ka ba galing?" tanong ko.
"Sinamahan ko si Mama Hana magpacheck-up akala ko hindi kami matatagalan pero natagalan pala."
"Si Mama nagpacheck-up ?" tanong ko ulit.
"Kailangan niya kasi mag-take ng vitamins." sabi niya at pinark ng bisekleta at tumakbo kami papuntang classroom.
Nagulat kami sa nakita namin.
"W-wala pa sila?" gulat kong tanong at binuksan ni Jay ang classroom at kami pa nga ang nasa classroom. Pinatawag ako ni Sir Javier kaya agad akong oumunta sa office niya.
"Eunice, nasaan ba ang iba mong classmates?"
"H-hindi ko po alam, sir Javier." sagot ko at bumalik agad sa classroom at malapit na rin magsimula ang first subject at wala pa sila.
"Late Isa, late lahat! Section Icecream!" kanta nila papuntang classroom.
Grr!
Nagsi-upo na ang lahat at nagkwentuhan kami dahil kahit sa oras na ito first subject na namin pero hindi dumating ang teacher.
"Late pala rin kayo Boss Eunice!" natatawang sabi nila.
"Ewan ko sa inyo!" sagot ko.
Nagtatawanan kami dahil sa mga biro namin sa isa't isa at si Nicho napakacorny ng joke.
Napansin kong ang ingay na pala namin. Bakit nga ba walang dumarating na teacher sa amin?
Pumunta ako sa harapan.
"Napapansin niyo bang walang mga guro ang nagkaklase sa atin?" tanong ko.
"Oo nga!" Sabi ni Khian.
Nakita kong naka-earphones lang si Mace at tumango sa akin.
"Oo nga, boss Eunice!" sabi ng lahat.
"Mabuti na 'yun para masaya!" sabi nila Nicho at Hobi, mga baliw talaga.
"Yaay!" sigaw ng klase. Mabuti naman siguro walang mga teacher kaya nagkwentuhan kami ulit.
"Excuse me, Class F!" sigaw ng babaeng natapunan ng flour sa mukha kahapon kaya natahimik kami.
"Ano nga pala ang pangalan niya?" tanong ko kay Mace.
"Siya si Keira ang over all president sa campus. Matalino siya, nangunguna siya sa lahat ng subjects tsaka may beauty may brain." sagot sakin ni Mace.
"Lahat namang tao may brain, Mace." sagot ko at ngumuso siya sa pagkadismaya sakin.
"Bakit ang ingay nyo palagi? Wala naba kayong magawa kundi mag-ingay?" sigaw ni Keira samin.
"Sinong presidente nyo?" tanong niya kaya tumayo ako at sumagot "Ako."
"Ikaw?!" sigaw niya. "Kaya naman pala, birds of same feather, flock together! Kung ang namumuno sa inyo ay stupida kaya kayong lahat ay stupida at stupido!"
"Ikaw ang stupida! Huwag na huwag kang tatapak sa classroom namin!" sigaw ko habang susugudin siya pero pinaupo ako ni Jay.
"Eunice, huminahon ka." bulong sakin ni Jay.
Tsh.
"Oo nga!" sigaw ng klase.
"Tsh! Sino ba naman ang gustong magklase sa section na 'to?" sabi niya at in-erapan ako kaya sinugod ko siya at nagsibunutan kami ng buhok.
"Boss Eunice! Boss Eunice! Boss Eunice!" rinig kong sigawan ng kaklase ko.
"Tumigil kayo!" sigaw ni Jay pero hinding-hindi talaga ako inuurungan ni Keira at dahil hawak niya ang buhok ko mas nilakasan ko ang pwersa at ginulo ang buhok niya.
"Stop!" sigaw ng principal sa dahilang napatigil kami ni Keira.
"To my office, now!"
Napaupo kami at nagkatinginan ni Keira na napakagulo ng buhok naming dalawa.
"Anong kaguluhan iyon?"
"Kasi Sir ang ingay ng class F kaya pinagalitan ko pero sinugod ako ng presidente nila, at ikaw Yun!" sigaw niya at tinuro ako.
"Nanlalait kana kasi sa amin. Naguguluhan nga rin kami dahil walang mga guro ang nagkaklase sa amin."
"Principal Henry." tawag ni ni Sir Javier.
"Sir Javier, your students made a mess again!" sigaw ng principal.
"I'm sorry Sir." sagot ni Sir Javier at pinabalik na kami ng classroom ni Keira at naglakad kami papuntang classroom.
"Ikaw kasing babae ka!" sabi niya sakin.
"Huwag na huwag mong lalaitin Ang section namin ulit dahil kung ganun." ipinakita ko ang picture niya na nagulat na natapunan ng flour sa mukha.
"Huwag!" sabi niya at pilit inagaw ang cellphone ko.
"Ipiprint ko ito at ipipikit ko sa lahat ng campus." sabi ko.
"Sorry na! M-magka-ano kayo ni Jay, Eunice?" tanong niya at nagulat naman ako dahil nag-iba siya.
"Huh?" naging usal ko.
"B-basta! N-never mind!" sigaw niya at tumakbo palayo at nakita ko aung pagblush niya.
Anong bang nangyare kaniya? Bakit niya ako tinanong tungkol doon?
Hays. Nevermind.
~~~
Next Chapter:
Chapter 22: Sir Wenver's Discussion
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top