Chapter 2: Game on!

Eunice's POV

Nakakaupset na naman basta may nakikita akong seryosong nag-aral sa harap ko. Dapat dito sa canteen, walang mag-aaral kundi ang canteen ay lugar na dapat ang lahat ay kumakain at hind nag-aaral!

"Hoy, Jay! Hindi mo ba alam na hindi ito lugar kung saan ka mag-aaral?!" sabi ko at ningiwian ko siya.

"Sige na bahala ka. Pupunta nalang ako sa library. Sa totoo naman mas gusto kong mag-aaral doon. Gagamitin ko ang oras ko para mag-aral at hindi para hintayin kang matapos kumain." Tsh. Umalis agad siya dala-dala mga aklat niya.

Woah! Gumaan ulit yung loob kong kumain.

Tapos kong kumain lumabas agad ako para magtour dito. Nakita kong saya-saya sa mga lalaking naglalaro ng skateboard.

Ang galing nila as in. Paano nila gumawang bumalanse sa skateboard habang gumagalaw at tumatalontalon pa ito? May naglalaro rin ng basketball. Ang galing nilang magshoot ng bola!

Hindi yata, parang patungo ang bola sa aki—

"Mag-ingat ka!"  At nakita ko ang bola ay tumama sa ulo ni Jay.

*Class Rings*

Naku! Babalik agad ang klase!

Ang boring naman ng mga teachers dito! First day nagleleksyon agad! Tumingin nalang ako sa labas ng bintana.

"Hello Grade 10 class! I'm Mr. Jun I'm your MAPEH Teacher!"

Hindi ko namalayan—

"YE....YESSSSSS!!!!!"

Tumingin agad ang lahat sa akin, hindi ko namalayan na napasigaw pala ako at tumalon. Sinara ko ang aking mga bibig at bumalik sa upuan.

Favorite kong subject ito!

"So class! Sa unang araw ng pasukan sa MAPEH subject tayo ay maglalaro ng Amazing Race. Ang panuto ay pinaparamihan kayo ng makuha na colorful tags at sa whole sports field ito nakatago! Masyadong mahihirapan kayo dito!" excited na sabi ni Sir Jun sa amin.

Ang excited ko!

"Magdrawlots tayo! 3 members per group!"

Tumingin agad ako si Jay na nakatingin sakin.

Please hindi sana kita teammate!

"First group, Jay Kyle Stoen followed by —.".

Tinakpan ko muna tengga ko.

Please huwag sana ako.

"Khian Jasper and lastly..."

Hindi ako!

"Eunice Nam."

At nagkatinginan kami ni Jay sa isa't isa. Sinabihan ko siyang bakit pa naging teammate pa kita. At tiningnan niya ako ng masama at sumagot Alam mo rin ba na ayoko ko ring mateammate kita.

Nang matapos na ang pag-aanounce ng members. Pumunta agad ako sa maging teammate ko.

"Hi! Nahihiya ako sa inyo dahil ang close niyong dalawa." sabi ng isang teammate ko. Nakalimutan ko ang pangalan niya.

"Ikaw s-si—"

"Khian Jasper." nakangiting sagot niya.

"Eunice." pakilala ko rin at nagkamay kaming dalawa at nagulat ako nang biglang sumulpot si Jay.

"Maghanda na kayo dahil ang laki ng sports field." sabi niya samin ni Khian.

Jay's POV

Alam kong nainis si Eunice sa akin. Habang papunta kami sa sports field hindi niya ako pinapansin. Palagi niyang kinakausap si Khian at kung magtinginan man kami saglit tatarayan niya agad ako.

Pfft.

Alam kong every color tags ay mayroong questions at dapat mong masagot bago hanapin yung iba at hindi niya pa naisip na kailangan nila ako.

Eunice's POV

"Magaling ka ba sa sports?" tanong ni Khian.

"Oo naman ako nga yung tinanghal na pinakamabilis na tumakbo sa lahat ng kababaihan last year. Alam mo, na paborito ko ang racing game at kami yung nanalo last year at—" naputol 'yung balak kong sabihin dahil naalala ko na may questions every color tags para. Random subject questions pa naman 'yung mga tanong!

Hindi! Alam ko na tila makatulong si Khian sa amin at hindi ko na kailangan si Jay. Dumating na kami sa sports field. Napakalayo naman.

"Class magbihis na kayo ng sport uniform niyo."

~~~

Next Chapter:

Backstory 3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top