Chapter 16: Scary Night

Eunice's POV

Hindi ko nagets ang plano ni Mace pero may pagkabaduy ito. Sadyang mga honest kasi kami.

"Alas otso na ng gabi Eunice umuwi kana, ihahatid na kita." sabi ni Mace.

"H-hindi na Mace." nakangising tugon ko.

"Sigurado ka ba? Oh sige, mag-ingat ka."

Lumabas ako sa gate at nakakakilabot ang paligid. Nag-iingayan ang mga aso na parang lobo.

Bakit ba kase hindi nalang ako nagpahatid?

Huwag kang matakot, magtiwala sa trus— este magtiwala kay God! 

Nagpatuloy ako sa paglakad at may  naramdaman akong sumusunod sakin.

Nakakakilabot! Maitim! Ano 'yun black lady?!

Tulong Lord!

...

...

...

...

Anino ko lang pala.

Phew 

Kaya binilisan ko nalang ang paglalakad ko pero kakaiba na 'tong sumusunod sakin. Rinig ko ang mga bakas na sumusunod sakin.

Please, huwag kang lumingon self.

"Paglumingon ka..."

Napahinto ako sa paglalakad ko dahil sa narinig ko sa likod.

"Pa..."

Papalingon na ako...

"Papakita ko ito sayo!"

Ensakto sa paglingon ko may tumakip sa mata ko.

"Huwag na huwag kang umuwi mag-isa Eunice." boses ni Jay at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Ano kaya 'yon?

"Umalis kana dahil kung makasalubong pa ulit kita sa kulungan na ang punta mo." seryosong sabi ni Jay pero hindi ko parin nakita ang nangyare dahil nakatakip parin ang kamay ni Jay sa mata ko.

"Pwede mo nang imulat ang mata mo." sabi niya tsaka inimulat ko narin yung mga mata ko.

"Ano ba yung ipapakita ng lalake?" tanong ko agad sa kanya.

"Hindi mo ba alam? Hindi mo ba halata?!" tanong niyang surpresang-surpresa.

Eh?

"Pano ko ba malalaman tinakpan mo ang mga mata ko." nakangusong sabi ko.

"Basta bagay na dapat di mo pwede makita sa mga lalake." sagot ni Jay.

"Ano nga yun?" pigil inis kong tanong

"Diba sabi ko sayo hindi pwede sa yo?!" sagot niya.

"Sinong may sabe?" ganti ko.

"Ewan ko sayo!"

"Ewan ko rin sayo!"

"Bahala ka diyan! Sabing hindi nga pwede. Tsh." inis niyang sabi.

"Bakit nga hindi pwede?"

"Basta hindi pwede!"

"Argh!" nakapamewang at nakanguso kong tugon.

"Bakit pa nga hindi pwede? Ano nga kasi yun? Bakit hindi mo pa sabihin?! Ah itatanong ko nalang yun sa lala—"

Naputol ang pagrereklamo ko nang inilapit niya yung mukha niya sakin. Isang maling galaw ko ay mahahalikan ko na siya.

Parang na-ice yung buong katawan ko sa ginagawa niya. Hindi ako makagalaw dahil kung gagalaw ako mahahalikan ko siya at ayokong mangyari iyon. Pinikit ko nalang yung mata ko.

"Arf! Arf!"

Dahil sa gulat ko napayakap ako sa kanya at agad akong humiwalay sa pagkayakap ko sa kanya.

"B-bakit mo inilapit yung mukha m-mo saken?"

"May nakita kasi akong kulay itim na insekto malapit sa ilong at labi mo." sabi niya at kinuha ito.

"H-huh?"

"Eto oh." at isang ink lang pala ng ballpen.

"Ikaw bakit ka pumikit sa oras na 'yon? Para kang tanga." sabi niya na may halong asar.

Kainis.

"Eh? K-kasi...ayokong makita mukha mo!" ganti ko

"Bakit ang iingay nyo, kanina pa kayo sa gate ah. Dali pumasok na kayo dahil gabing-gabi na."

"Mama?" biglang usal namin.

Hindi ko namalayan nakarating  na pala kami sa bahay.

~~~

Next Chapter:

Chapter 17: Please, no!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top