Chapter 15: Ace Mace
Mace's POV
I sense something about them, tapos iniwan kami ng mala-grande ni Jay. Agad naman itong kinain ni Eunice takot siyang maagaw ni Khian.
"Mauna na ako sa inyo." bati ko at ngumuso si Eunice sakin tsaka sila parang ayaw akong paalisin.
"Huwag kayong madrama, magkikita pa naman." sabi ko sabay ngisi tsaka umalis.
Dumeretso ako sa cr at tinanggal ang make-up ko. Sa totoo lang nadidirian ako sa mukha kong binalotan ko ng make-up.
Tinatakpan ko lang ang mga pasa sa mukha ko dahil may nakasuntukan ako. At para maipamukha ko ni Sir Wenver ang totoong dahilan sa paglagay ko ng make-up sa mukha ipapakita ko itong mga pasa ko.
Tsh. Kung makapagsalita parang alam ang lahat.
Pagkatapos, lumabas ako sa cr tsaka gumala dahil may ilang minuto pa naman.
"Argh!" usal ko ng matamaan ako ng bola sa likod kaya lumingon ako sa likuran pero pinagtawanan lang nila ako.
"Kayo ba ang mga representative basketball players sa school dito?" tanong ko.
"Hindi mo kami kilala? Ako nga pala si Zech, MVP dito." paghahambog niya.
"Ayan naman pala pero bakit ang bano mo? MVP ka niyan?" inis kong sabi sa dahilang nanlaki ang mata niya.
"Hindi ko sinadya." sagot niya at napakumot sa ulo.
"Bakit tumawa kayo?" naiinis kong tanong.
"S-sorry na." nauutal na sagot nila.
"Bigay mo nga sakin ang bola." utos ko sa kanya.
"S-sige." nagdadalawang isip na sagot niya.
"Dahil natamaan mo ako, pustahan tayo." sabi ko.
"Anong pustahan?"
"Basta kung mashoot ko ang bola sa ring, ililibre moko."
"Eh? Deal." sagot niyang may halong insulto.
"Dito mismo ako magshoot."
"Sure ka ba diyan? Ang layo naman yata." sabi niya habang nakataas ang kaliwa niyang kilay.
Kaya mas lumayo ako sa dahilang mapatahimik siya tsaka shinoot ko ang bola.
"Ililibre moko Zech." asar ko sa kanya.
"Wow! Ang galing mo Mace!" parang batang cheer sakin ni Eunice.
"Nakatsamba lang naman ako nun. Shh." bulong ko sa kanya.
Bumalik narin ang klase at Math ang subject namin ngayon. Hindi naman masyadong nagpa-activity si Sir kaya madali kaming nakauwi.
May tatapusin kaming assignment na pinagawa ni Sir Wenver.
"Ang tangkad mo naman Mace! Sana makapagshoot rin ako ng bola sa ring kagaya mo. Mas matangkad ka pa nga kesa kay Kichim." paririnig ni Eunice kay Kichim kaya ayun nagkaasaran ang dalawa.
"Gagawa pa tayo ng essay Mace." sabi ni Eunice.
"Oo nga pala. Sa bahay niyo kaya tayo gagawa." suggest ko at nagulat ako nang nanlaki bigla ang mata niya at bumaling saglit ito kay Jay.
"Huwag!" napasigaw niyang sagot.
"Eh?" usal ko.
"Huwag dun sa amin." sabi niya na bahagyang tumawa at pinagtutulak si Jay.
"Eunice." si Jay.
"H-huh?" nauutal na sagot ni Eunice.
Tumango lang naman si Jay tsaka naunang umalis. Mag-aaral na naman yun panigurado.
"Sige. Paalam sa inyo." bati ko.
Pumunta nga kami sa bahay namin. Hindi maganda, hindi malinis, hindi pangmayaman. Simple. Simple lang.
"Ano nga ba ang diniscuss ni Sir?" tanong ni Eunice.
Mmm...wala naman talaga.
"Anong isusulat natin?"
"Alam ko na." sagot ko.
Sir Wenver will be happy about this.
Haha...
~~~
Next Chapter:
Chapter 16: Scary Night
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top