Chapter 14 : I'm Hungry
Eunice's POV
Bumalik ako sa seat ko at hindi ako makapaniwala. Nakalimutan ko na pinagtripan ko pala siya. Nakanguso akong tumalikod sa kanya.
Dagdag rin sa pagod list ko ang pinagawa ni Sir Wenver at hindi ko nga rin napakinggan ang nileksyon niya.
Hays.
Napakamot ako sa ulo.
Inihiga ko nalang ang ulo ko sa table. Malapit na lunch time at 'yun ang hinihintay ko dahil gutom na gutom na ako.
Nangleleksyon ang guro hindi naunawaan mga sinasabi nila kasi wala ako sa sarili ko ngayon at ioabg oras na ang lumipas at break time narin namin.
Yey!
Kasama ko sina Mace, Hope, Nicho, Kichim, Khian at Jay. Nag-oorder na sila habang kami ni Mace naghahanap ng table. Medyo natagalan kami pero at least makakain narin kami at nagdasal kami bago kumain.
Kumain nga ako dahil sobrang gutom ko na ang kulang parin sakin ang isang plato lang.
Balak kong kunin ang pagkain ni Khian pero inasar niya bago niya nilayo ang pagkain niya.
Nilingon ko si Nicho at Hobi at balak ko sanang manghingi pero mas binilisan nilang nguyain ang pagkain nila.
Si Mace naman ay ubos na ang pagkain niya at ningisihan niya ako. Bibigyan sana ako ni Kichim ng sandwich ngunit napakamalas ko talaga at hindi ko ito makain dahil nahulog ito.
Ubos narin ang pagkain ni Jay.
"J-jay sa 'yo nato. Niluto ko para sayo, tanggapin mo s-sana." nauutal na sabi sa isa sa mga admirers ni Jay.
"Salamat." sagot ni Jay at tumingin ako sa kanya ngunit kinain niya parin ito kaya pinatong ko ang ulo ko sa balikat ni Khian at hinampas ito.
"Aray." usal ni Khian.
"Ililibre nalang kit-
"Sa 'yo nalang yan." singit ni Jay kay Nicho tapos iniwan agad kami.
Eh?
~~~
Next Chapter:
Chapter 15: Ace Mace
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top