Chapter 11: Operation: Cooking
Eunice'S POV
Napakasaya ko ngayong araw dahil walang pasok. Biglang nauntog ang ulo ko sa dingding na gumising sakin sa realidad na ang kalat kalat ng kwarto ko.
Sus.
Wala akong balak magligpit. I-off ko na nga 'tong alarmclock ko. Nakahiga ako sa kama habang nakatutok sa kisame.
Hahaha!
Biglang sumulpot sa isipan ko ang inis na inis na mukha ni Jay.
Nainis. Nairita. Umuusok yung ilong niya. Nag-aapoy ang mga mata niya at 'yan naman ang papel ko sa buhay niya.
Iniikot-ikot ko ang paningin ko nang nakita ko ang nakabukas kong notebook.
Tsk.
Ang homework kong walang balak kong simulan. Pwera nalang. Hindi naman magagalit ang mga teachers namin dahil mga first week pa ng school.
Pinatugtog ko ang music at pinataas ang volume patungo 100.
Bultaoreune!
Fire. Fire. Fire. Fire.
Walang kupas na kasiyahan ng buhay ko. Ang kumanta, sumayaw at magpatugtog. Nabigla ako ng may bumukas sa pintuan. Hindi ko ba nalock ng maayos ang pinto?
"Eunice. Eunice." aniya.
"Bakit?" sagot ko habang inalapit-lapit ang tengga sa mukha para maasar siya at sinuway niya ako.
Grr!
"Huwag!" pigil ko sa kanya kasi balak niyang patayin niya ang kasiyahan ko!
"Mag-ar-
"Shh!" pigil sa salita niya habang nakapangmewang ako.
Palaging linya niya.
'Mag-aral ka.'
"Linisin mo narin yang kwarto mo." sabi niya at in-erapan ko siya.
"Kwarto ko ito at meron sakin ang desisyon kung magkakalat o 'maglilinis' ako." sagot ko..
"Tss." usal niya tsaka umalis.
"Stop." pigil niya sakin nang muli kong i-on ang speaker. "Huwag kang magpatugtog dahil nag-aaral ako."
"Hindi ako makapag-aral kapag walang music." palusot ko.
"Edi mag-earphones ka." sagot niya.
"Ayoko. Gusto ko ipatugtog ito sa speaker." sabi ko.
Hindi naman talaga ako mag-aaral kahit magpapa-music pa ako. Gusto ko lang disturbuhin si Jay sa pag-aaral niya.
"Huh? Makakapag-aral ka ba niyan?" nagtatakang tanong niya.
"Oo, dahil maiba ako sayo." bulong ko sa kanya at tinalikuran siya.
"Bakit ka ba kasi nag-aaral na sobrang tahimik? Malay mo may biglang sumulpot na multo kaya nag-aaral ako habang nagpapatugtog ng malakas. Tsaka—"
Nilayasan na pala ng baliw! Kanina pa ako dito na parang tangang kinakausap ang hangin.
Argh!
Jay's POV
Tapos na akong mag-aral. Bandang mag-alas siete na kaya bumaba ako at pumunta sa hapagkainan.
Nakita kong natulog si Mama Hana sa sofa sa sala. Namumutla ang mukha kaya inilapag ko ang kamay ko sa noo niya at nalamang may lagnat si Mrs. Hana.
"Mama.." gising ko.
Kaya wala sa sarili akong kumatok sa kwarto ni Eunice at nakitang napakakalat ng kwarto niya.
Mga kumot na papel sa paligid. Mga nakakalat na unan. Mga sinabit na kumot. Nakita kong may mga crackers na nahulog sa sahig at nakita kong tulog si Eunice habang ang ulo niya nasa sahig at ang paa niya nasa kama.
Hays.
Humahagolhul pa ito habang natutulog.
"Eunice!"
Nabigla ako nang biglang siyang tumalon.
"DARTH VADER!?"
Darth Vader? Ano namang panaginip na naman 'yan?
"Eunice may lagnat si Mama Hana."
"Ano?!" taning niya at para siyang si The Flash patungo sa sala.
"Mama..." parang bata iyak ni Eunice habang ginigising si Mama Hana.
"Kukuha muna ako ng tuwalya tsaka isang baldeng may tubig." tumango si Eunice habang umiiyak kaya nagkuha ako tsaka bumalik sa sala pagkatapos.
Binasa ko ang tuwalya tsaka pinasa ni Eunice at inilagay naman ni Eunice ang tuwalya sa noo ni Mama Hana.
Naisipan kong magluto ng ulam na may sabaw para kay Mama Hana.
"N-nasan k-ka p-punta J-jay?" naiiyak niyang tanong.
"Gusto kong ipagluto si Mama Hana." sabi ko.
"Gusto ko rin magluto. Sama na ako." sabi niya kaya pumunta kaming dalawa sa kusina.
Ano kaya lulutuin namin?
"Tinola kaya ang iluluto natin?" tanong ko.
"Bakit? Sisig! Sisig! Tsaka bigyan natin ng icecream si Mama." nagulat naman ako sa sinabi niya.
"B-bakit icecream? Hindi pwede." sagot ko.
"Dahil mainit yung ulo ni Mama kaya dapat bigyan natin siya ng icecream para lalamig din."
"Hindi nga pwede."
"Pwede nga." ganti niya.
"Hindi nga pwede."
"P-pwede nga!!" inis niyang sagot.
"Nilalagnat si Mama Hana kaya hindi pwede ang icecream sa kanya." pigil inis kong sabi.
"Kaya nga icecream para lalamig ang ulo niya." mataray niyang sabi.
"Bahala ka magluluto ako ng tinola."
"Bahala karin magluluto rin ako ng maanghang na sisig!"
"B-bakit maanghang?" nagtatakang tanong ko.
"Para magising si Mama Hana at humiwalay sa kanya ang sakit!" sabi niya at tinarayan pa ako.
Naghanda na ako ng mga ingredients. Tinolang manok ang naisip ko. Habang naghihiwa akong ng manok kanina ko pang nakita si Eunice na naglalakad atras-abante habang kinukumot-kumot ang ulo at ginulo ang buhok.
Nakakadisturbo.
"Paano nga ba lulutoin ang sisig?" rinig kong bulong niya at bigla siyang lumapit sakin.
"Tutulungan nalang kita hehe." ngumiti siya tsaka pagtalikod niya nakita ko parin na nakasimangot siya.
"Hays! Ang galing ko talaga maghiwa. Hindi kagaya ng katabi ko ngayon. Haha." sabi niya tsaka bahagyang tumawa na nakakainsulto. Pang-aasar talaga ang papel niya sa buhay ko.
Tsh.
"Aray!" sigaw niya at nakita kong nasugatan ang kamay niya.
"Ang galing mo talagang maghiwa." sarkastikong sabi ko sa kanya at kumuha ako ng first-aid tsaka ginamot ang sugat niya sa daliri.
"Tabihan mo nalang si Mama Hana ako nalang magluluto." sabi tsaka padabog siyang umalis. Nakasimangot niyang nilayasan ako.
Nang maluto ko na ang tinola ginising naming dalawa si Mama Hana.
"Mama gising na." gising namin pareho ni Eunice.
"Jusko, mga bata. Aba, bakit? Anong oras na ba?"
"Mama tikman mo ang luto ko." sabi ni Eunice sa dahilang napalingon ako sa kanya at tiningnan siya ng masama.
Hindi naman ikaw ang nagluto.
"Aba, marunong ka bang magluto kang bata ka?" tanong ni Mama Hana habang inaayos ang buhok ni Eunice.
"Jay, ikaw ba nagluto nito?"
"Opo." sabi ko habang tumango.
"Mama! Balak ko po kayong lutuan! P-pero..." sabi ni Eunice pagkatapos ginulo niya ang sarili niyang buhok.
"Tuturuan din kita Eunice kaya huwag kang mag-alala."
Pagkatapos naming kumain nagpahinga kami ng ilang minuto.
"Mama pupunta na ako sa kwarto ko. Goodnight po." parang batang sabi niya.
"Matutulog na po ako Mama." sabi ko.
"Sige mga bata..Matulog na kayo."
Pumasok na ako sa kwarto ko nang narinig ko naman ang sobrang ingay mula sa kwarto ni Eunice kaya kumatok ako sa kanya.
"Ano na naman?" aniya.
"Gabi na at bakit ang ingay mo?"
"Alam mo namang ito ang makakapagpatulog sakin?" sagot niya kaya pinahiram ko sa kanya ang headphones ko.
"Pakinggan mo." sabi ko tsaka isinuot sa kanya ang headphones. Pinalakas ko ito ng volume dahil immune na ang eardrums ng pasaway na bata ito.
"Hahaha ang ingay! Didisturbohin parin kita, Jay. Hindi ka talaga makakatulog dahil sa ingay ng kwarto ko!" pinagbagsakan pa ako ng pinto.
Pfft.
Hindi moko madidisturbo Eunice dahil nakaheadphones ka.l. Akala niya na ang ingay ng kwarto niya pero sa katunayan dahil naman doon sa earphones na suot niya.
Tsk kahit kelan...
Napakumot na lang ako sa ulo ko tsaka bumalik sa kwarto at nagdasal bago matulog.
~~~
Next Chapter:
Chapter 12: Meet Hope
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top