Chapter 1: Terrible School Day

Eunice's POV

Papasok na naman ako sa school. Nakakapagod naman. Hays.

"Eunice bilisan mo diyan dahil kanina ka pa hinihintay ni Jay." sabi ni mama Hana

Nah.

Nagpaalam na ako ni mama Hana at nakita ko si Jay na nakatayo sa labas ng gate habang inaayos ang bisekleta niya. Nang nakita niya ako tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Dapat kang mag-ayos ng mabuti." sabi niya.

Huh?

"Huh? Bakit dahil hindi ako mabuting mag-ayos? Kung makapagsalita ka naman parang napakaperfect. Hmp."

Nagulat ako nang yumuko siya para ayusin ang shoelace ko at hindi pantay na medyas.

Hindi nga pala ako ayos na ayos.

Tinarayan ko siya at umuna sa paglalakas. Hmp. Gusto ko pang magbakasyon!


"Hija?"

Lumingon ako sa likod at nakita ang isang matandang babae na nagtutulak ng isang napakalaking kariton.

"Ano po 'yun ale?" sagot ko.

"Pwede ba ako humingi ng tulong? Papatulong lang sana ako sa pagtutulak nito."

Naawa naman ako sa matanda kaya tutulungan ko siya.

"Sige p-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sinuway ni Jay ang kamay ko palayo sa kariton.

"Ako na po ang magtutulak nito." sabi niya sa matanda.

Mabuti at tumulong siya dahil hindi ko naman talaga kaya mag-isang itulak iyun. Ilang minuto na ang lumipas nakarating na kami sa lugar na ip-pwesto ng matanda ang kariton niya.

"Salamat Hija at Hijo at napakabuti niyo naman kayo lamang ang naglakas loob na tulungan ako."

"Walang anuman po." sabay nasagot namin

Anong oras na nga ba?

"Anong oras na Jay?" tanong ko habang nakapamewang. Tumingin siya sa relo niya at ngumanga siya ng malaman niya anong oras na.

"NAKU! Late na tayo Eunice!" napapanic na sigaw niya.

Ano? Late huh?

Ayoko kong pumasok at pinabayaan ko siyang mag-isang tumakbo palayo.

"Eunice!" sigaw niya habang nasa malayo siya at sinabihan akong sumunod sa lakad niya.

Walang ako pakialam dahil hindi ko naman binibig deal ang malate or aabsent pa kaya.

"Bleeh!" asar ko.

"Eunice!" sigaw niya habang papalapit saken.

"An-" nahinto ako sa pagreklamo nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko ng mahigpit at hinila.

Ano 'to parang nasa drama na pinanuod ko? 'yong kilig scene.

"Bitawan mo nga ako!" sigaw ko habang tinanggal ang pagkahawak niya sa kamay ko.

"Hindi ka ba papasok?" Alalaang-alala tanong niya sakin.

Pinabagal ko ang usapan. Kunwaring may mahabang iniisip.

"Hindi!" maikling sagot ko.

Lumakad ako palayo ngunit hinawakan niya ng mas mahigpit ang kamay ko. Sumunod nalang ako sa kanya kahit labag sa kalooban ko.

Nakapasok na kami sa aming classroom around 7:36.

Maswerte kami dahil wala pang maayos na klase basta first day sa school.

Ayokong tumabi sa kanya palaging corrections ang mapakinggan ko mula sa kanya. Mabilis akong naghanap ng upuan na malayo sa kanya at in the end...

Magkatabi na naman kami!

Hays.

Umupo narin ako sabay bitaw sa kanyang kamay. Basta first day ginagawa niya 'to dahil tatakas ako.

"Uhm..ikaw ba si Eunice Nam?"

"Oo." sagot ko.

"Hi, I'm Phiona." pakilala niya at tinuro niya si Jay sa kanyang mga mata at wala akong sinabi.

"Uhm.. Eunice." tinuro niya ulit si Jay gamit kanyang mga mata at nagwink sakin.

Eh?

"Ah? Si Jay ba ang tinutukoy mo?" malakas na sigaw ko na may halong pagkagulat.

Tumango siya at nagsalita ang kanyang mga bibig na walang boses ang lumabas pero alam ko anong sinasabi niya.

Pakilala mo naman ako.

Humahalakhak ako ng malakas. Sino ba naman ang magkakagusto nito. Super strikto niya ang kill joy pa!

Alam ko naman na may halong pagkainteresado yung pagkasabi niya.
Tumawa ako at inaasar si Jay. Tumawa ako malapit sa tengga niya para disturbuhin siya!

"Hey, section Icecream I'm going to be your adviser this school year. My name is Javier. Well I'm new to this school kaya let's introduce ourselves." sabi ni Sir. In fairness napakagwapo ni Sir Javier.

"I'm Phiona Lorey."

"I'm Khian Jasper."

"Hey, I'm Nicho Mavelas."

"Macy Morghan."

"Kichim Go, call me Chim for short."

"Good morning everyone, I'm Jay Kyle Stoen."

"H-hello My name is N-nam, Eunice."

After sa pag-iintroduce ay biglang nagpatest si Sir Javier! Sabi niya test daw yun kung ano ang natutunan namin last school year.

Hmm.. Ano nga ulit ang mga natutunan ko?

"Thank you so much class! I want you to enjoy your first day! You may now take your break."

Sobrang gutom ko na talaga! Gusto ko ng kumain. Tumutunog na ang tiyan ko.

"Sabay na tayo!" ma-awtoridad na sabi niya sakin at tinarayan ko siya.

Hmp!

"Ayoko!" sigaw tsaka tumakbo pero pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak ng kwelyo ko sa likod.

"Alam kong tatakas ka na naman kaya babantayan kita." sabi niya.

"Oo na nga pero dapat ililibre moko." sagot ko.

Tiningnan niya ako ng masama. Ang mga mata niya parang pinagsasaksak ako ng mga kutsilyo.

"Tch." usal niya at tumango siya.

Nang nakarating kami sa canteen. Naghanap ako ng pwesto namin habang mag-oorder siya.

Hays.

Gusto ko pa naman manood ng drama ngayon.

"Kumain na tayo." sabi ni Jay at hinanda ang pagkain.

"Thank you Lord for the food." sabay na sabi namin.

Kumain agad ako dahil napakagutom ko niya kanina pa 'to umuugong ang tiyan ko.

"Huwag mo akong papunasin sa mukha mo." sabi niya at tinarayan ko siya.

"Bakit naman magpapapunas sa 'yo?" taray na sagot ko.

Nang matapos na si Jay kumain agad niya inayos ang plato niya.

"Eunice nilibre na kita kaya kung malaman kong tatakas ka sa klase, ipapaalam ko ito ni Mrs. Hana."

"Hindi na nga." padabog na sagot ko.

At binuksan niya ang advance na mga aklat niya at nagsimulang nag-aral

Hays. Aral na naman.

~~~

Next Chapter:

Backstory 2

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top