Backstory 3

Mrs. Hana's POV

(Jay and Eunice were 8 years old)

Iba talaga yung pakiramdam na nakikita mo silang nagbabati na.
Palagi ko na kasi silang makikitang nag-aaway at nag-aasaran.

Sigaw dito.

Sigaw doon.

Napakaingay nilang dalawa pero iba ang araw na 'to nakita ko silang nagbabati.

Jay's POV

"Ano ka ba naman Eunice, mag-ingat ka nga!"

"Nag-ingat naman ako eh! Sila yung hindi magaling magshoot ng bola kaya tumama sakin." naiiyak na sabi niya.

Natatakot ako dahil nag nosebleed siya kaya pinahiran ko ng tissue yung ilong niya at dinala ko siya sa clinic.

"Kaya Eunice huwag kanang mag-alala at umiyak."

"Dapat mo kasi sinalo yung bola eh." ngumusong sabi niya.

"Sasaluin ko na sa susunod." At naglakad kami pauwi.

Nang makarati na kami sa bahay sinalubong agad kami ni Mama Hana.

Napakabait ni Mama Hana sa amin kahit hindi niya kami totoong anak. Inalagaan niya kami ng mabuti nang binilin kami ng mga magulang namin dito.

"Oh nandiyan na pala kayo Eunice at Jay, oh anong nangyari?" sabi ni Mama Hana.

"Natamaan ng bola si Eunice at nag duruga yung ilong niya." sagot ko.

"Mama." niyakap ni Eunice si Mama Hana habang umiiyak.

Napaisip ako na nasaan kaya ngayon ang mga magulang ni Eunice.

"Huwag mo sanang pabayaan si Eunice, Jay. Alam kong hindi mo kami bibiguin." 'Yun ang mga salita bago sila umalis at hindi ko alam anong ang dahilan kung bakit sila aalis.

Pumunta ako sa kwarto ko at magsimulang mag-aral. Nang buksan ko ang mga aklat ko at notebook. Naalala ko ang mga habilin nila mama at papa bago sila nadisgrasya.

"Anak mqg-aral ka ng mabuti."

'Yan ang mga salita palagi kong naririnig sa kanila kaya kahit na aasarin akong nerd, study monster o ano pa, binabalewala ko na lamang ito.

~~~

Next Chapter:

Chapter 3: Day Ahead

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top