Chapter 8

Chapter 8

"She's rising and setting..."

Ilang oras na ang naka-lipas simula no'ng namatay si ginoong Arthur sa kadahilanang may sumaksak sa kaniya. At simula rin no'n ay hindi pa rin nahahanap ng mga estudyanteng humiwalay ang clue para sa kalayaan ng kapwa nila babae.

Habang tahimik nilang tinatahak ang pasilyo ay may nasilayan silang isang silid na bukas kahit pa wala silang nakitang pumasok do'n.

Nagka-tinginan sila't agad na narinig sa buong pasilyo ang tunog ng kanilang sapatos na patuloy na naririnig ang kanilang mga yapak.

Unti - unti nilang nilakihan ang siwang at agad na narinig ang langit - ngit ng pinto. Mukha ng lulumain ang itsura ng silid dahil sa mga laman nito. Itinapat nila ang kanilang mga flashlight sa mga dinadaanan nila upang mag-hanap ng sagot sa bawat mesang madaraanan.

"Guys, wala rito." sambit ng isa nilang kasamahan.

Nagka-tinginan ang bawat isa bago unti - unting nanlaki ang mga mata sa realisasyon ng riddle na ibinigay sa kanila.

Ang isa nilang kasama ay pinalapit sila upang gumawa ng bilog. Kung saan ay nagpa-plano sila ng maaaring gawin upang malaman na nila ang sagot.

"Ella, kuha ka nga ng papel at ballpen." Utos sa kaniya ng isa nilang kasamahan sa grupo.

Agad namang tumalima si Ella at naghanap ng mga gagamitin nila upang buuin ang ibinigay sa kanilang tanong.

Ang babaeng si Ella ay isang exchange student mula sa last section na E. Tumaas ang grado nito sa pangalawang semester at gaya ng ibang estudyanteng minamaliit at kinukutya, gano'n din ang nararanasan ni Ella.

"Ito na, Yleika," sabi ni Ella at ibinigay sa kaniya ang papel at ballpen.

Yleika Magbanua is the cheer squad leader of their school. Kilalang kilala ito lalo na dahil palagi itong madalas makita sa mga bar at kilala bilang isang pala-kaibigang babae. Isa rin siya sa top honor student ng skwelahan at maganda. Kaya kung makikita mo'y masasabi mong wala kang mai-pipintas sa kaniya.

Yumuko silang lahat at tinignan ang isinulat ni Yleika. Yleika built a diagram wherein maaari mong mabuo ang conspiracy theory kung saan mapagko-konekta mo lahat ng impormasyon.

Naka-lagay sa pinaka-itaas na papel ang salitang: KILLER. Na mayro'ng malaking question mark dito. Kasi para kay Yleika, hindi lahat ng gumagawa nito'y walang dahilan. Walang kahit anong makaka-lagpas sa mga ganitong kalokohan.

Muling nag-sulat si Yleika kung saan nakalagay naman ang pangalan ng mga namatay na estudyante pati na rin ang oras nito.

Zkyla Madrigal - Anne Andrade
09:30 am. 12:30 pm.

Jasmine Suriao
1:30 pm.

Muli silang napa-isip sa mga pangalan at sa mga oras na nabanggit. Samantalang, nanatili pa rin silang binabantayan ng isang taong hindi nila inaasahan.

Walang umiimik sa grupo hanggang sa nag-salita ang isa sa kanila. Si Myn.

Myn Columna is an introvert ngunit matalino. Siya ang tipo ng estudyante na walang pakialam sa mundo. Kahit pa nga sa nangyayari ngayo'y wala siyang kamuwang-muwang ngunit ramdam mo sa kaniya ang tensyon.

Napa-tingin sa kaniya lahat ng kanilang kasamahan habang itinuturo niya ang mga pangalan.

"Look closely at their names at isipin niyo kung anong meron," wika niya sa mababang tono.

Agad naman nila itong sinunod atsaka nila napag-tanto ang lahat.

"Zkyla, Anne and Jasmine came from the group 'The Bitches'. At mukhang sinu-sunod sunod sila."

Muli silang nagka-tinginan at sa puntong ito'y alam na nila ang nilalaman ng riddle.

"She's rising... and she's setting... it's where she usually make fun of her classmates..." bulong ng isa sa kanila.

"She's rising... the sun? At the morning? She's setting... ang pag-lubog ng araw. It's where she usually make fun of her classmates..."

Napa-isip si Yleika at sa isang iglap... "The attic!"

"Let's save Dayzinne!"

-

"Looks like, wala nang darating para sagipin ka," ngiting aniya habang pinagmamasdan ang babaeng patuloy na umaagos ang dugo dahil sa bob wire na naka-kabit sa kaniya.

She held the tip of her knife and caressed it on her face. "What does it feel? To be treated like this? Do you like it? Katulad nang pagka-gusto mo sa mga ginagawa mo sa amin?"

"Damn you, bitch!" she spit on her blood while uttering those words.

But it seems like she doesn't care even a bit. She faced the windows and opened it. Gabi na. At katulad ng buhay niya ay napaka-dilim nito.

"Marunong ka pa ring lumaban, huh? Eh, kung patayin na lang kaya kita kahit hindi pa nila nasasagot 'yong riddle na 'yon?!"

Muli siyang humarap sa kaniya at nakita kung paano nito sinubukang idilat ang mga mata ngunit mas lalo lang bumaon ang wire sa mata nito. Mas lalong umagos ang dugo mula sa kaniyang mata na siyang ikinasaya niya.

"Ah!" the girl keeps on shouting and she's liking it.

"Damn. What a sight."

Napa-lingon siya sa dumating at nakita ang taong kanina niya pa inaantay. Tumabi ito sa kaniya at pinanood ang magandang tanawin sa harapan nila.

She's at her weakest state at kung patatagalin pa'y hindi mo na masisigurado ang kaniyang kaligtasan.

"Kamusta? Nagawa mo na ba?" kalmadong tanong niya habang pinapanood pa rin ang babaeng mag-hirap sa kaniyang sitwasyon.

Katulad sa ibinigay nilang riddle ay gano'n din ang lokasyon kung saan nila matatagpuan ang babae. Hindi naman sila sinungaling. Talagang sinusunod nila ang instruction.

Nilingon nila ang mga tv na naka-sabit sa wall ng abandonadong building na ito. At nakikita kung paano hirap na hirap na nag-hahanap ang mga estudyante para sa sagot na kinakailangan nila.

"Yeah," she heard him answered from behind kaya humarap siya. "How's it?"

Nag-kibit balikat lang ang binata at pinunasan ang serrated knife na ginamit nito kanina. He killed the student katulad din ng pag-kamatay ng guro.

"Sphinx did the work for me, Pyrene."

Kumunot ang noo ng dalaga. "Ano? I clearly gave that mission to you, Jeickov. How did that happen?"

Tumayo ang binata at ibinulsa ang dalawang kamay niya. "Sabit 'yong estudyante, e. Kaya hati na lang kami."

Napa-iling na lang ang dalaga at hinarap ang may mga ekis na mga litrato at pangalan ng mga estudyante at gurong napatay nila.

Mr. Arthur is one of those teachers na nag-pahiya at nag-neglect sa isang student issue. Kinampihan niya kasi ang mali dahil lang sa binabayaran siya ng mga mayayamang magulang sa West Hill.

At kilala ang dalaga sa walang pinalalampas na mga taong nagka-sala sa kaniya.

Nagka-tinginan sila nang bumukas ang pinto at pumasok si Sphinx. Nando'n pa rin ang seryosong mukha nito at sinabi ang pinaka-hinihintay nila.

"It's time."

Binaling niya ang tingin niya sa isang scoop kung saan makikita mong nagmamadali ang mga estudyante. Ngunit pasensyahan na lang...

Hinarap nila ang babaeng si Dayzinne na halata mong hirap na hirap at halos maubusan na ng dugo.

Kinalabit ng dalaga ang gatilyo na tuluyang nakapag-pahinga rito.

Dayzinne Valdemor, 8:30 pm. Dead.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top