Chapter 7
Chapter 7
"Now, for the third question." said the person behind the speaker.
All of the students are gathered in the field area wherein they're up to their 3rd task. A lot of students are already are dead and two of them are missing.
"Listen carefully. It will only state once."
Tahimik na nakinig ang lahat. Naghihintay at nakikiramdam sa susunod na sasabihin ng tao sa likod nito.
Napa-takip ang lahat sa kanilang mga tainga dahil sa ingay na naririnig nila at sa isang iglap ay palahaw na ng isang babae ang naririnig nila.
"Ah! Stop.... please, stop...." iyak ng babae.
Napa-awang ang kanilang mga bibig at sinubukang kilalanin ang boses ngunit hindi nila mapag-tanto kung sino ito.
Naka-rinig pa sila ng pag-basag ng kung ano at ang pag-iyak nitong muli. Maraming nahahabag para sa babae at ang iba naman ay hindi maka-paniwala sa nangyari.
"Kilala mo ba kung sino ka?" tanong ng kung sino.
Tanging pag-hikbi lamang ang nagagawa ng babae. At muli na naman silang nakarinig ng hikbi. Mukhang sa tunog pa lang ng boses nito ay talagang pinahihirapan siya.
"Ah! Tama na po... please... hindi ko na kaya..." pagma-makaawa niya.
"Tatanungin kitang muli. Kilala mo ba ang sarili mo?"
Marami sa mga estudyante ang sinusubukang pakinggan ang boses ng babae. Ang iba nama'y mukhang nakikilala na kung kaninong boses 'yon ngunit hindi magawang isawika.
Nagkakagulo ang lahat. Mayro'ng nakikisabay na rin sa pag-iyak ng babae. Mayro'n ding sinusubukang lumapit pa sa speaker at sirain ito.
At sa isang banda, kung saan madilim at walang nakakakita. Nando'n sila, tumatawa. Pinapanood kung paano mag-hirap ang mga estudyante ngayon sa harap nila.
"Anong kasalanan mo? Bakit mo ginawa 'yon? Tama ba ang ginawa mo?"
Nangangatal na ang babae sa takot at iyak. Hindi na rin maintindihan pa ang boses niya dahil sa sunod sunod na pagpapa-hirap sa kaniya. Naka-tali ng mahigpit ang kaniyang kamay at walang kahit anong makita maliban sa nararamdaman niyang pamamanhid ng kaniyang katawan dahil sa kutsilyo na paulit - ulit na itinutusok sa kaniya.
"H-hindi po... P-pinagkatuwaan l-lang n-namin siya... Pero k-kaibigan ang turing namin s-sakaniya, p-lease... tama na..."
Malakas na kalabog ang narinig nila na agad na nagpa-tahimik sa kanilang lahat. Maging ang mga tao sa madilim na bahagi ay nanahimik. Mukhang naghi-hintay sa susunod na mangyayari.
"Sinungaling! Mag-sinungaling ka pa at sisiguraduhin kong mamatay ka!" punong -puno ng galit niyang sinabi.
Nagulat na lang ang mga estudyante ng may biglang lumitaw na palabas sa wall tv ng gymnasium at nakita ang babaeng halos balutan ng bob wire. Marami ang napa-singhap kasama na ro'n ang mga guro.
"Sasabihin mo o hindi?!" muling dinig nila sa nag-salita.
"I...we bullied her for three years j-just because I-i want to... I– we make fun of her, we u-sually locked her up in the attic... And, I'm– m-my name's—"
Hindi na natuloy ng babae ang sasabihin niya ng mawala ito sa linya. Nahahalata mong napapa-isip ang mga tao sa loob ng gymnasium. Lahat sila'y kumilos at nagsi-takbuhan papunta sa kung saan. Samantalang, ang mga taong nasa madilim na bahagi ay siyang siya sa mga nangyayari.
Dahil alam nilang nakaka-ganti na sila. At sa paraang mas madali kung saan pare-parehas silang nagpapa-gamit.
"Find her. Find her before she die. Don't let her die like what you did to others. Your timer starts now."
"No!"
Nagulat ang lahat at napa-tingin sa isang lalaking mukhang nawawala na naman sa kaniyang sarili. Paikot niyang tinignan lahat ng taong nasa loob ng gym na 'yon at isa - isang tinignan.
"You! You! You all deserves to die!" he shouted. Bigla na lang siyang may hinila sa kaniyang gilid at gano'n na lang ang gulat nito na ang hawak nito ay ang freshman student naman na si Decey Kate.
Kitang - kita ang takot at kaba sa mukha ng dalaga sa naka-tusok sa kaniyang ice pick sa gilid niya.
Habang nagkaka-gulo ang iba, ang iba nama'y inaantay na ang sasabihing riddle ng nagsasalita.
"At the morning, she is rising and at the evening she is setting. It's where she usually goes to make fun with her classmates."
Inilibot na nila ang tingin kung saang daan sila lalabas para hanapin ang babae.
Isa sa mga estudyante'y nagtipon - tipon na upang sabay sabay na lumabas at mag-hanap. Samantalang, ang iba nama'y nanatili sa tabi ng kanilang guro. Dahil para sa kanila'y mas magiging ligtas sila pag-kasama ang mga ito.
Habang tinatahak ng mga estudyante ang pasilyo ay hindi lingid sa kanila na mayro'n din silang kapwa estudyante na nagba-bantay sa susunod nilang gagawin.
"She's rising... she's rising..." bulong ng isang estudyante sa kaniyang sarili habang nagha-hanap ng pwedeng maging clue ng sinasabing riddle.
"Don't come near me or I will kill her!" sigaw ng lalaking si Jeickov habang patuloy na pinagdudul-dulan ang ice pick na hawak sa babae.
Nagpa-panic na ang iba sa nangyayari. Hindi na nila alam ang pwedeng gawin nila upang iligtas ang kanilang kaibigan.
"H-help me..." iyak ng babaeng si Decey Kate. Hindi rin siya maka-gawa ng paraan sapagkat hindi niya alam kung anong pwedeng mangyari sa kaniya.
Itinatapat ng lalaking si Jeickov ang kaniyang kutsilyo sa kung sino habang patuloy na umaatras dala dala ang babae.
"'Wag kayong lalapit!" muling sigaw niya.
Hindi pa man sila nakaka-labas ng gymnasium ng mayro'ng humablot kay Jeickov at sinubukang agawin ang hawak nito ng biglang may sumaksak sa kaniya mula sa likod.
Muli na namang namayani ang katahimikan sa kanilang lahat. Walang kahit sinong gumalaw. Walang kahit sinong nag-salita.
Hanggang sa bumagsak ang katawan ng lalaki'y walang kahit sino ang nakapag-bigay ng reaksyon.
Ngunit nawala ang katahimikang 'yon nang bumalot sa buong gymnasium ang sigaw ng isang guro.
"Arthur!" sigaw ng isang guro habang naka-hawak sa kaniyang bibig.
Mr. Arthur Salvador. 07:34 pm. Dead.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top