Chapter 5

Chapter 5

Hindi ko na maipaliwanag pa ang nararamdaman ko. Paanong si Anne ang namatay? Eh, ang sabi nilang dalawa si Dayzinne? Hindi ko na alam! Pati ako ay mababaliw!

Kagat-kagat ko pa rin ang isang daliri ko habang pinapanood kung paano pinag-tulungang buhatin ng mga estudyante ang katawan ni Anne na ngayon ay wala ng buhay. Hawak hawak ito ng dalawang lalaki na hula ko'y kakilala niya pa sapagkat halata sa mga tingin nito sa kaniya at ang pula ng kanilang mga mata.

Nanatili ang mga mata ko sa mata niyang naka-titig sa'kin. Para itong buhay na buhay ngunit alam mong malayo na sa katotohanan. Hindi ko na malaman ang gagawin. Hindi ko siya nasagip.

Napa-hawak lang ako sa dalawang ulo ko at napalupaypay sa semento. Hindi... hindi ko matanggap na hindi ko siya nasagip.

"Oh, poor little kitty. Bakit ka nagluluksa para sa mga taong paulit-ulit kang sinasaktan?"

Napa-angat ang tingin ko at nakitang si Pyrene ang nasa harapan. Tumayo ako't umatras paharap sa kaniya. Kasalanan niya ito! Kung hindi sana si Dayzinne ang sinabi niyang mamatay edi sana nasagip ko pa si Anne.

"Bakit mo ginawa 'yon?" tanong ko sa kaniya, nanginginig. Naramdaman ko na lang na umaagos na ang luha ko dahil sa sobrang panginginig sa galit.

"Simple. Because she deserves—"


Pinutol ko ang sinabi niya at agad na sumigaw. "No one deserve to die!"

Naramdaman ko ang titig sa'min ng mga estudyante. Simula no'ng kay Anne ay hindi na muli pang tao sa likod ng speaker. Lahat ng nasa loob ng gymnasium ay nagluluksa dahil sa nangyari. Even her best of friends are grieving for what happened to Anne.

At hindi ko maintindihan kung bakit maski ako'y nagluluksa rin. Siguro dahil sa katotohanang kahit gaano kasama ang isang tao'y hindi pa rin nila deserve ang gano'ng pangyayari? Hindi ko alam pero 'yon ang paniniwala ko.

Napa-tingin sa'kin si Pyrene, nando'n na naman ang tingin niyang blangko. Hindi ko alam kung anong iniisip niya sa mga oras na ito. Ako na rin ba ang sunod dahil lang sa pag-sagot ko sa kaniya kanina? Pero tama ako!

"Everyone deserves to die, Hiraya. Lalo na 'yong mga taong ma-kasalanan." Lumapit siya sa'kin at itinapat ang bibig sa'king tainga. Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng takot sa ibinulong niya.

Humiwalay siya sa'kin at tinapik ang balikat ko bago tumalikod.

"Remember, the next will be at 1:30 pm. Good luck, Hiraya."

With that, she walk away from me.

Hindi pa man ako nakakapag-isip ng maayos ng maramdaman kong may tumapik sa balikat ko. Nilingon ko iyon at nakitang si Aladdin 'yon na may hawak pa ring bond paper.

Naalala ko ang sinabi ni Pyrene sa'kin. Kaya naman kaagad kong niyakap si Aladdin na nasa tabi ko.

Hindi ko naman alam ang lahat pero bakit ako ang kailangan sumalo ng lahat? Sasabihin ko na sana kay Aladdin ang mga nangyayari ng biglang may humawak sa balikat ko at malakasang puwersa ang pag-tulak sa'kin palayo kay Aladdin. Hindi ko na siya nakita pa ng humarang sa harap ko sina Jasmine.

Sakanila ako napa-tingin ng biglang dinakma ni Dayzinne ang panga ko. She looked at me with full fiery. Nanginginig pa ang kaniyang kamay.

"Anong alam mo? Ha?!" punong - puno ng galit ang kaniyang mga mata.

I almost cringe when I felt my blood dropping from her nails. Iniwas ko ng sapilitan ang mukha ko sa kaniya ng naramdaman ko ang panguyapit niya sa'king buhok. Sobrang higpit nito at nararamdaman ko ang hapdi sa anit ko.

"Anong alam mo, Hiraya?! Ano?!" sigaw niya pa.

I closed my eyes and in one swift move, I pinned her down for her to scream. Habang ginagawa ko 'yon at pinariringgan ko ang kaniyang iyak ay naalala ko lahat ng ginawa niya sa'kin at ng kaniyang mga kaibigan.

"Day!" I cried. Patuloy kong hinahampas ang pintuan para lang marinig nila ang tawag ko.

Brown out ngayon sa dorm. Dapat kukuha ako ng kandila ng pag-bukas ko ng pintuan ay hindi ko na ito mabuksan pa.

"Dayz! Jasmine! Anne!"

Tulog na ba sila? Naiiyak na ako rito. Ipinalibot ko ang tingin ko sa buong attique. Hindi na ako maka-baba. Paunti-unti akong dumausdos at tahimik na humikbi.

I'm scared of darkness...

I came back to my reverie when someone pulled me off from her. It was Jasmine. Nakaramdam ako ng malaking palad na dumapo sa pisngi ko at halos malasahan ko ang metal na sumakop sa'king labi. Dugo.

Napa-harap ako kay Jasmine at mabilis ang kaniyang pag-hinga. Jasmine Aldana is the third female of their group. Kung si Zkyla at Anne ang mag-close, gano'n din naman si Jasmine at si Dayzinne. They've been together since they were kids kaya gano'n na lang nila protektahan ang isa't isa.

"You almost killed her, you dumb bitch!" she shouted at me.

Inilibot ko ang tingin ko at nakitang naka-tingin lang silang sa'min lahat. Maski, ang mga gurong inaasahan kong tutulong sa'min dahil nakikita naman na ang totoong nangyari ngunit wala pa rin silang ginawa at nanatiling nanonood sa'min.

I stared blankly at Jasmine at hindi naka-ligtas sa mga mata ko ang takot sa kaniyang mga mata. "You killed my soul." at saktong pag-sambit ko niyan ay muli na naman naming narinig ang maingay na bell.

Muli na naman silang nag-kagulo at nag-takbuhan. May iilang nadapa at sumubsob sa semento ng gymnasium. Samantalang, tumayo laman ako upang punasan ang labi ko na may dugo.

Hinila ko si Aladdin palayo. I still need to save her. I still need to take her away from here.

Hindi pa man kami nakaka-layo ay narinig ko ang pag-sigaw nila Luallane sa'kin.

"Where are you going?!" galit at kaba ang kanilang boses.

Hindi ko na sila hinarap pa at sinabi na lang ang pakay. "I need to save Aladdin."

With that, we walk away.

Pag-labas namin ng hallway ay mahabang daan ang tinahak namin papumta sa rooftop. Mula rito ay naririnig na namin ang announcement ng taong 'yon.


"A tiger. A bottle. The 5th princess. Your timer starts now."

Iniba ko ang daan para hindi kami maka-salubong ng kung sino dahil mahirap na. Naririnig ko pa ang reklamo ni Aladdin dahil sa layo ng pinupuntahan namin. Kailangan naming mahanap ang sagot!

Hindi pa man ako nakaka-akyat ng hagdan at muli ko na naman siyang nakita. This time, kasama na sila. Bakit sila magkakasama? Hindi ko pa man nakikita kung anong ginagawa nila ay bigla na lamang kaming nakarinig ng sigaw.

Nanlaki ang mga mata ko at agad na bumaba at tinahak ang daan pabalik sa gymnasium ng makita kong naka-hilata si Jasmine sa gitna ng hallway. Putol ang kamay at ulo. Umaagos na rin ang dugo sa buong hallway.

Napa-tingin ako kay Aladdin na naka-tingin na rin sakin. At sa likod ko'y nakita ko sila.

Nagsisinungaling ba sila sa'kin? Napa-tingin ako sa wall clock ng eskwelahan at nakitang 1:30 pm na ng hapon.

"Who's Next?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top