Chapter 4
Chapter 4
"Kasalanan niyo 'to!"
Napalingon ako banda sa harap kung saan nando'n ang mga estudyanteng nagtipon-tipon. Naka-tayo ro'n ang cheerleader na si Ella at kasalukuyang nakikipag-sigawan sa isang kasamahan niyang si Czarina.
"Ano?! Anong kasalanan?! Wala akong ginagawa!" sigaw pa ng isa.
Sumandal lang ako sa bench at tahimik silang pinapanood. Are they seriously going to fight over some petty things? Ngayon pang nanganganib na kaming lahat?
Nalipat ang tingin ko kay Pyrene na hingal na hingal na umupo sa tabi ko. Oh? Umalis pala siya? Tatanungin ko pa sana siya kung saan siya nanggaling ng magkaro'n muli ng ingay sa loob ng gymnasium.
"Good morning, students!" greeted by the person who's behind the speaker.
Lahat ay napa-lingon sa sound system na naka-sabit sa apat na dingding ng gymnasium. Lahat ay ibinigay ang atensyon. Ang kaninang nag-aaway ay napatigil at ang mga nanahimik ay napa-tunghay at nakinig. It looks like nagugustuhan ng taong 'yon ang atensyon naming lahat na nandito.
Walang nag-salita ngunit lahat ay nag-aabang sa susunod na sasabihin ng taong nasa likod ng malalaking speaker.
"The game has now started. One wrong answer, one will die."
My hands went cold. Hindi ako mapa-kali. Inikot ko ang tingin ko sa mga estudyante at nakita silang naghi-hysteria sa mga nangyari. Maraming mga estudyante ang nagbibigay ng kani-kanilang suhestyon sa pwedeng mangyari. Samantalang, ang mga guro naman ay pilit silang pinata-tahimik at pinaka-kalma.
Kalma? Sino bang kakalma kung ganitong nagkaka-gulo na? At sinong mata-tahimik kung alam mong ang buhay mo na ang kasunod at kapalit dahil lang sa isang laro?
Nagulat na lang ako ng may bumagsak na estudyante sa unahang bahagi ng gymnasium. Mukhang hinimatay pa yata.
"Help!" one of the students shouted. Nagkaka-gulo na sila. Nagtu-tulakan.
"Let's get out of this campus!"
"Call the police!"
"An ambulance!"
Lahat ay may suggestion. Ngunit ng muling nag-salita ang tao sa speaker, lahat ay namatayan ng pag-asa.
"Once you get out, you'll die." the person said heartlessly.
Nakarinig kami ng pagbagsak at pag-tili ng kung sino.
"Aaaaah!" Pag-lingon namin ay may pana ng naka-tusok sa kaniyang dibdib.
My mouth parted.
Hindi ko na malaman ang gagawin ko ng bigla akong hinila patayo ni Pyrene. Nilingon ko pa si Aladdin na nanatili lang sa kaniyang upuan.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko, naguguluhan.
"Basta, trust me." sabi niya at hinila ako palabas ng gymnasium. Hindi ko alam pero mas lalo akong kinabahan ng maka-labas kami ng gymnasium na walang anumang bagay ang dumaan sa harapan namin.
Ako lang ba? O, talagang meron kakaiba rito kay Pyrene?
Hinila niya ako kung saan hanggang sa maka-akyat kami ng rooftop. Pagdating namin do'n ay nakita ko ang babaeng kanina lang ay tinulungan ko ngunit agad naman akong inayawan.
"Sphinx." tawag ko. Humarap naman ito kaagad sa'kin at agad na ngumiti. Nagulat na lang ako sa hawak niya. 'Yon ang pusa ni Aladdin diba? Kaya ba nanatili ro'n si Aladdin? Hindi dahil sa ayaw niyang sumama kundi dahil sa kaniyang pusa.
Tinignan ko si Pyrene na ngayon ay naka-tabi na kay Sphinx. "Alam mo ba kung anong alam namin?" It's Sphinx who said those words.
Naguluhan ako lalo. May alam sila? Iminuwestra nila ang baba ng rooftop kung saan nando'n ang iba't ibang ginagamit na paraphernalia sa lab room at sa mga sports.
May lumitaw na video sa tv na ginagamit namin sa isang subject. Do'n ay makikita ang isang estudyante na ngayon ay puro paltak na ng galing sa kandila. Halos hindi na siya maka-dilat pa sa dami ng tinuluan ng kandila sa kaniyang mata.
Lumingon sa'kin si Sphinx at seryosong naka-tingin. "They've been a sinners for almost 3 years that's why they're are doing this."
Kumunot ang noo ko. "They?" Ibig sabihin dalawa o tatlong tao ang gumagawa nito? Pero sa anong rason?
Si Pyrene naman ang nag-paliwanag. "Yes, they. Ginagawa nito sa mga taong nambu-bully at nangangawawa ng mga estudyante pati na rin ang mga gurong pilit na pinababayaan ang kanilang estudyante. 'Yong mga humingi ng tulong at mga pinahiya. Lahat ay iginaganti nila."
Muli na naman akong naguluhan. "Bakit alam niyo?"
Nagka-tinginan silang dalawa at tumingin sa'kin. "We just know."
"Teka," pigil ko sa kanila ng akmang lalabas na sila ng rooftop. Tumingin na ulit sila sa'kin at seryoso akong pinag-masdan.
"Bakit?"
Huminga ako ng malalim upang sabihin ang gumugulo sa'kin. "Bakit niyo sinasabi sa'kin 'to?"
Tama naman. Alam nila ang nangyayari sa likod ng lahat ng 'to at may gana pa silang sabihin sa'kin ang lahat? Eh, wala naman akong magagawa. Ayaw nilang lahat sa'kin kaya nag-tataka ako kung bakit ako pa ang nasabihan ng ganito?
They both gave me a wicked smiled and it sent shiver down my spine. Hindi ko alam ngunit sa mga ngiting 'yan ay nagpapahiwatig na may gusto silang gawin na dapat gawin ko.
"Save them."
Nanlaki ang mga mata ko. Save them? Eh, sarili ko nga hindi ko ma-iligtas sa lahat ng pambubully sa'kin tapos sasagip pa 'ko ng taong nasa binggit ng kamatayan?
"What?!"
Pyrene smiled. "Yes, Hiraya. You heard me. Save them." Bumaba ang tingin niya sa kaniyang relos at ipinakita ito sa'kin. Hindi ko naman agad 'yon nakuha kaya ipinaliwanag niya.
"When the clock strikes at 30, one of them will die." seryoso muling sambit nito.
Nakita kong 12:20 na ng tanghali. Ibig sabihin, mayro'n lang akong sampung minuto upang sagipin ang kung sino mang mamatay. Pero hindi ko alam kung sino.
"Bakit ako?"
Sphinx crossed her arms. "Simple. Cause you're the one who's capable of saving them. Now, go. Save them, Hiraya. Save, Dayzinne."
Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko ng makarinig kami ng bell. Nilipad ko ang tingin ko sa kanilang dalawa na ngayon ay nagpa-panic na.
"They're now starting, Hiraya. Go, bago ka pa mahuli!"
Hindi ko na sila muling nilingon pa at tinakbo ang daan palabas ng rooftop. Halos madulas-dulas ako sa pag-baba sa hagdan ng may naka-bangga ako. Parehas kaming natumba at naramdaman ko pa ang pag-tama ng likod ko sa hagdan. "Shit!"
Nakita ko ang lalaki na tumayo't lumapit sa'kin. Pag-angat ko ng tingin ay narealize kong siya rin 'yong lalaki kaninang sumigaw at nasa classroom. "Okay ka lang?"
Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng takot ng hawakan niya ang braso ko. Tinulungan naman niya akong maka-tayo.
"Salamat—" hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko ng maalala ko ang gagawin ko. Agad ko naman siyang ipinatabi at tumakbo palayo.
Ngunit habang tumatakbo ako ay narinig ko pa rin ang sinabi niya.
"Save them, Hiraya. Save them."
May alam ba siya?
Halos hingalin na ako sa pag-takbo ng umabot ako sa gymnasium at itinulak iyon papasok. Nakita kong napa-tingin silang lahat sa'kin, naguguluhan sa inaakto ko. Nakita ko pa si Aladdin na tulala pa rin habang may hawak ng bond paper.
Inilibot ko ang tingin ko at hinanap si Dayzinne at nang makita ko siyang buhay na buhay ay gumaan ang loob ko ngunit hindi pa man ako nakakahinga ng maluwag ng may narinig kami ng pagbagsak.
Gulat na gulat kaming lahat ng umaagos ang dugo ni Anne habang naka-dilat ang mga mata. At sa likod ng speaker ay muli naming narinig ang boses na 'yon.
"One down. Who's Next?"
Hindi si Dayzinne ang target kundi si Anne.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top