Chapter 3

Chapter 3

"Tara, recess tayo?" naka-ngiting aya ni Pyrene at nilahad pa ang kaniyang kamay sa'kin.

Akala ko kung para saan ang bell na 'yon pero dahil lang pala sa recess na. Tumayo naman ako agad at dinala ang bag ko. Gano'n ako palagi. Hindi ko hinahayaan na maiwan ang mga personal kong gamit dahil ayokong mangyari ulit 'yon.

Dati kasi, palagi kong iniiwan ang mga gamit ko sa classroom kapag nagri-recess ako. Tapos, kapag babalik ako'y palagi 'yong may bato. May sulat sulat. Itinatali pa sa upuan. Maski ang upuan ko ay hindi pinalagpas, binaboy rin nila ito. Sinubukan ko namang sabihin 'yon sa counselor ngunit wala silang aksyon na ginawa. Anila'y, away bata lang 'yon. Dati, gusto kong matawa. Away bata? Ang lalaki na namin para sa away bata na 'yan. Atsaka, wala naman akong ginagawa sa kanila.

Kaya simula no'n ay dinadala ko na ang mga gamit ko. Hindi ko na rin sinubukan pang mag-sumbong sa kanila dahil alam kong sa'kin parin naman nila isisisi 'yon. Matagal ko ng gustong umalis dito pero ang alam ng magulang ko'y masaya ako. Pero kabaliktaran 'yon lahat ng iniisip nila. Hindi ako kailanman naging masaya rito.

"Lalim ng iniisip mo, ha? Nakaabot ka na ba sa kaharian ni Ariel?" Tumawa si Pyrene. Hindi naman nakakatawa.

Maraming katulad naming sumasabay sa agos ng mga estudyante na akala mo'y walang nangyari kanina. Hindi pa man kami nakakababa ng hagdan ay may napansin akong lalaking naka-tayo sa puno ng narra. Mukha siyang nagma-masid sa mga estudyante gamit ang mga blangko niyang mata. Nakita ko rin siya kanina sa CR ng mga lalaki at pati na rin sa loob ng aming classroom. Siya 'yon.

Ang bilis naman niya? Sabagay, huli na rin kaming naka-labas ni Pyrene ng classroom, e. Tahimik naming tinahak ni Pyrene ang daan papuntang cafeteria. Maraming estudyante ang nakakalat at lahat sila'y napapa-gilid kapag nakikita nila kaming dumaraan. Hindi ko alam kung para saan 'yon. Dahil ba sa'kin? O, dahil kay Pyrene na punong-puno ng ka-elegantehan ang paglalakad?

"Mukha bang ngayon lang sila nakakita ng maganda? Wagas kung maka-tingin, e." Natatawa niya pang sabi.

Tahimik lang ako sa gilid niya dahil pakiramdam ko'y wala akong karapatang mag-salita. Pyrene screams power and confidence. While me on the other hand, screams nothing. Just nothing.

Hindi ko alam kung mahaba lang ang hallway o kung talagang finifeel namin ang paglalakad sa gitna ng cafeteria? Agad namang binuksan ni Pyrene ang pinto at tuluyan na kaming naka-pasok.

Marami sa mga estudyante ang nanatiling nginig dahil sa mga nangyari kanina ngunit mayro'n ding agad na naka-recover sa takot. Pumila naman agad kami ni Pyrene sa kahabaan ng pila.

"Anong gusto mo? Hanap ka na lang upuan natin. Mukhang maraming tao ngayon, e." sabi niya. Tumango lang ako sa kaniya at sinabi ang order ko. Nang maka-alis siya ay sinimulan ko na ang paghahanap ng upuan na para sa'min ng may tumapik sa likod ko.

Halos mapa-talon ako dahil do'n. Nakita ko sa likod ko si Aladdin. As usual, she's with her cat. She's smiling at me habang hawak ang kaniyang tray na puno ng order.

"Eat with me?" she asked politely.

Hi-hindi na sana ako ng mapansin ko na naman siya. Naka-tingin na siya sa'kin ngayon kaya agad kong ibinalik ang tingin ko kay Aladdin. Nando'n pa rin ang ngiti niyang naghi-hintay sa'king pag-payag. Aayain ko na sana siya ng maingay na tumunog ang mikropono na nag-mumula pa yata sa controller room ng campus.

"Good day, students!" that creepy voice boomed around the corners of the cafeteria.

-

"Good day, students!"

Nilingon ko ang speaker na naka-sabit sa pader na nasa loob ng canteen. Hindi lang ako ang napa-tingin do'n kundi pati na rin ang mga nasa loob ng cafeteria.

We can hear whispers and screeches. It looks like that someone behind the speaker is up to something.

Walang maski isang nag-salita hanggang sa naka-rinig kami ng palahaw na halata mong sobra talagang pinahihirapan. Nakaririnig pa 'ko ng tawa mula sa speaker kasabay nito ang iyak ng babae.

Agad akong nanginig sa takot. What is she or he up to? Why is he doing this? What does he want from us?

"Now, now. I want you to do something or else," muli naming narinig ang pag-galaw ng kung ano at ang pag-iyak ng babae.

"Stop... stop please... it's-i't's not our fault..." the girl cried.

Nanlaki ang mga mata ko ng mapag-tanto ko kung sino ito. Hindi ko pa man naisa-sabanggit ang ang kaniyang pangalan ng may sumigaw na mula sa likod ko.

"Zkyla!" Anne cried.

Nag-kagulo na ang mga estudyante sa likod ko dahil sa nangyari. Agad naman nilang dinaluhan si Anne na patuloy sa pag-iyak. Zkyla is Anne's best of friend. Kahit pa may grupo silang lima ay si Zkyla at Anne pa rin ang mas dikit. Gano'n din naman ang iba pa.

I heard someone 'tsk'. And when I turned my head to see who it was, I saw Pyrene. Hindi siya mukhang naawa dahil sa nangyari. Mas nagmu-mukha pa siyang natutuwang may umiiyak sa harap niya.

"Karma is real, isn't it, Hiraya?" tanong niya sabay ngiti sa'kin.

Hindi ko alam ngunit base sa tono niya'y may alam siya. Kinilabutan ako ng ngumisi siya sabay baling sa speaker na ngayon ay muling nag-iingay.

"Proceed to the gymnasium. I repeat, proceed to the gymnasium." sambit muli ng kung sino.

Lahat sila'y nagku-kumahog na tumakbo palabas ng cafeteria. Ang iba'y madapa dapa naman kaya tinutulungan ko ngunit kahit pa gano'n na ang ginagawa ko ay inaalis pa rin nila ang kamay ko sa kanila na para bang hindi nila gustong mahawakan.

I heard Pyrene's laughter. Maski si Aladdin na narito pa rin pala'y napa-tingin sa kaniya.

"Bakit ka tumatawa? Hindi ka ba natatakot?" tanong ni Aladdin.

Napa-tigil siya at sumeryoso ang mukha. "Siyempre, natatakot..." sambit niya sa tonong hindi seryoso. "Sadyang deserve lang talaga nila 'yon. Tara na?"

Sumama na lang kami ni Aladdin sa kaniya hanggang sa nakita namin ang dagat ng mga tao na papasok sa gymnasium. Maski ang mga guro'y nando'n din. Halata namang narinig nila ang announcement.

Nang maka-pasok kami'y pinili na lang naming tumahimik sa isang gilid kung saan nakikita namin lahat ng pangyayari. Katulad ko'y mayro'n ding mga estudyante na pinakikiramdaman ang paligid.

Lahat sila'y nagkakagulo. Nag-aantay at kinakabahan.

Isang malaking tanong din sa'kin ang salitang: sino nga ba ang susunod?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top