Chapter 2

Chapter 2

"TULONG!"

Akma na sana akong makiki-takbo sa mga estudyante nag-takbuhan papunta ro'n nang pigilin ako ni Pyrene.

Her face's serious. "Let them."

Tinignan ko pa ang daan papunta ro'n at ibinalik kay Pyrene. Naisip kong kapag ganitong ako rin ang humihingi ng tulong ay walang nag-tatangka kaya nanatili na lang ako.

Marami ring nanatili sa loob ng gymnasium dahil sa kaba at takot. Pinagma-masdan ko lang sila. Sa labas lang naman kasi 'yon ng gym kaya naririnig pa rin namin sila kung anong balita.

"She's dead!"

My body frozed at the news. Tinignan ko si Pyrene na nanatiling seryoso ang mukha at bumaling sa'kin. Nang makita niya akong naka-tingin sa kaniya ay ngumiti lang siya sa'kin.

"Excuse me for a while, Hiraya. I still need to do something." With that, she strut the way outside.

Hindi pa man nakaka-labas ng gymnasium si Pyrene ng muli kaming naka-rinig ng sigaw.

"May namatay sa quadrangle!" she screamed, completely horrified.

Nakita kong nagka-gulo na ang mga estudyante at ang mga guro na nasa stage ay nagkaka-gulo na rin. Hindi na nila maintindihan ang nangyayari. Maski ako'y ganon'n din. What the hell is happening?

Nilingon ko ulit ang daan papunta sa labasan ng gymnasium ngunit wala na roon si Pyrene. Where is she?!

Naramdaman ko na lang ang malakas na pwersa ng may humila sa'kin at natumba kami pareho sa lapag. Nanlaki ang mata ko ng makilalang si Sphinx ito. Taga-kabilang section. She's like me. Tahimik kasi ito at hindi mahilig makipag-kaibigan.

"Hiraya," bati niya, blangko ang kaniyang mga mata at tinulungan ako sa pag-tayo. Inayos ko naman ang sarili ko bago tumingin sa kaniya.

"Sphinx." Tumango ako sa kaniya. Tumalikod siya kaagad sa'kin ngunit agad ko siyang hinila pabalik ng may mabilis na panang dumaan sa gilid namin.

"Ano ba?!" iritado niyang sinabi. Nabitiwan ko siya agad dahil do'n at mabuti na lang ay walang kahit sinong natamaan sa panang iyon.

"Pasensya na," hingi ko ng tawad.

Hindi niya ako pinansin at inayos ang sarili niya. Naka-tingin lang ako sa kaniya hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Akala ko pwede ko na siyang maging kaibigan.

"Students, please proceed to your classrooms and as much as possible, stick to your friends or your co-students. Thank you," sabi ng isang guro.

Mag-mula no'n ay natahimik ang mga estudyante at nag-simulang mag-marcha palabas ng gymnasium. Pati ang mga guro ay kasama namin. Hangga't pu-pwede'y sinusubukan kong dumikit sa kanila dahil ayokong mawala sa landas.

Tumama sa pisngi ko ang init na dala ng araw. Tahimik kaming lahat na naglalakad papunta sa kani-kanilang building. Ang iba pa sakanila'y ayaw humiwalay sa mga kaibigan at guro dahil sa sobrang takot. Sobrang tahimik ng buong campus at tanging pag-tunog ng mga natapakang tuyo na dahon lamang ang maririnig at ang panaka-nakang pag-bulong ng mga estudyante sa kanilang mga kasama.

Naramdaman ko ang pag-tapik sa braso ko kaya agad kong sinulyapan ito. Kumunot ang noo ko dahil mukhang bagong estudyante lamang siya sa ayos niya.

"Hi," bati niya. Matangkad ang babae. Naka-salamin at mahaba ang buhok. May hawak siyang itim na pusa, do'n ako napa-tingin ngunit agad ko lamang na ibinalik ang tingin sa babae.

"Bago ka lang?" sagot ko sa kaniyang pag-bati.

Hinaplos niya muna ang itim niyang pusa bago tumingin sa'kin. "Oo. Ako nga pala si Aladdin," pagpapa-kilala niya.

Hindi pa man ako nakakasagot sa pag-bati niya'y agad na kaming nakarating sa building na aming papasukan.

"Students, once na pumasok kayo sa loob ng building at classroom niyo. Make sure that you won't be talking about what happened earlier, okay? Act normal."

Narinig ko pa ang pag-angal ng ilang estudyante sa sinabi ng guro. Maraming napagalitan at tinakot na mananatili sa detention room kapag hindi sila sumunod. Hindi na lang din sila nag-react pag'tapos no'n.

"Ganiyan ba talaga sila?" Napalingon ako kay Aladdin na tahimik na naka-masid sa paligid. Hindi ko mabasa ang kaniyang emosyon dahil blangko ang kaniyang mukha.

"Ganiyang ano?" tanong ko pa.

Ngumiti lang siya at nagkibit-balikat. "Wala."

Hindi ko na lang siya pinansin hanggang sa isa isa na kaming naka-pasok sa mga respective classrooms namin. Pag-pasok ko sa loob ng aming silid aralan ay tahimik na kapaligiran ang sumalubong sa'kin. Walang laman ang mga upuan at tanging hangin lamang ang aking nararamdaman. Ngunit hindi pa man ako nakaka-upo sa'king upuan ay may narinig akong nag-salita mula sa'king likuran.

"Hi, dito ba ang classroom ng 10-A?"

Hinarap ko 'yon at bumungad sa'kin ang lalaking matangkad at naka-hawak sa bag niyang naka-sukbit sa kaniyang kanang balikat.

Inikot ko ang tingin ko sa paligid at nag-kibit balikat. "Dito nga."

Hindi na niya ako pinansin at nagtuloy-tuloy hanggang sa ma-ilagay niya ang bag niya sa kaniyang upuan. Naka-sunod lamang ang aking tingin sa kaniya.

"Hindi ka ba uupo?" malamig niyang tanong habang naka-talikod.

Agad naman akong sumunod sa gusto niya at umupo sa upuan malapit sa may bintana. Ito ang puwesto na aking paborito noon pa man.

Tanging pag-tapik ng kaniyang mga daliri lang ang aking naririnig at wala ng iba. Mahangin kaya isinandal ko ang ulo ko sa bintana at pumikit. Narinig ko na ang sunod sunod na yapak ng mga pumasok sa loob ng classroom. Maingay na rin ang paligid kaya naman batid ko'y tama nga ang classroom na aking pinasukan.

"Is that Hiraya? The nerd?" I heard someone talking not so far away from my earshot.

Nanatili akong naka-pikit at nakikinig. Alam kong iisipin nilang hindi ko alam ang kanilang pinag-uusapan dahil nga naka-pikit ako. Patuloy lang sila sa kanilang pagchi-chismisan.

"Yeah, she's that girl. The one who used to be my bestfriend's maid after she was sent to Dayzinne's dorm."

Muntik na akong mapa-dilat dahil do'n. Hearing that from them makes my blood boil. Maid? Hindi ako katulong ng kahit sino. Hindi nila ako binabayaran para lang sundin ang utos nila. Nanatili akong nakinig.

"She's lucky because she got the chance to be with Lu's friend."

I almost puke because of what I heard. Lucky? To be with them? Really? Hindi kailanman naging swerte makasama ang mga taong halos i-suka ka dahil lang sa estadong meron ka. Lalo na sa mga taong tinatapak-tapakan ka dahil lang sa mahirap ka.

Hindi ko na narinig pa ang pinag-uusapan nila ng maramdaman kong may sumipa ng upuan sa harapan ko at na-upo sa tabi ko. Nagising ako ng tuluyan dahil do'n at nahuli ko pa ang pag-talikod sa'kin ng mga estudyanteng kanina lang ay ang lakas kung pag-usapan ako.

Nilingon ko ang nasa tabi ko at nakitang si Pyrene 'yon.

She gave me a lopsided grin. "I know that you're awake. Don't tell me, you're letting them do that to you?"

My face went poker faced and throw my head back at my chair. "It's better this way kasi wala naman akong magagawa."

Hindi ko man siya nakikita dahil naka-tingin ako sa itaas ay ramdam kong naka-ngisi siya.

"Meron. May magagawa ka," sambit niya.

Kunot noo akong bumaling sa kaniya. "Ano naman?"

She just smiled and peacefully closed her eyes. "Watch and learn."

Hindi ko siya maintindihan ngunit ilang sandali lang ay narinig ko na ang pag-bell ng buong skwelahan. Nanginig ako dahil do'n dahil hindi naman 'yon ang pang-karaniwang bell na meron ang aming skwelahan.

Nilingon ko si Pyrene dahil sa kaniyang sinabi.

"The game has started."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top