007.
flashback. the night of alex's death. creepy stalker's pov.
━━━━━━━━━━━━━━
Dumaan ako sa maliit na bahay na tinutuluyan ni Alex kagaya ng lagi kong ginagawa. Lumipat ako malapit sa tinutuluyan niya para lagi ko siyang makita. Kung meron nga lang bakante sa apartment ni Alex ay doon na rin sana ako.
Maliit lang ito, hindi gaanong kaganda. Nasa looban ito ng masikip na eskinita. Tatlong palapag lang ang apartment. Isang kwarto kada palapag.Hindi ako makapaniwala na naging sila ni Alina. Kung hindi lang sana ako nagbakasyon nitong break edi sana nasusubaybayan ko pa rin si Alex. Edi sana ako yung nasa posisyon ni Alina.
Nasa tapat na ako ng apartment nang mapansing may dalawang silhouette ng tao sa bintana ni Alex sa pangalawang palapag. Halos 11PM na rin at sakanya na lang ang may nakabukas na ilaw. Bakit gising pa siya at sino ang mga kasama niya?
Hindi gaano kataas ang security dito dahil semi-squatter area ang lugar. Konti na lang din ang mga tao sa labas dahil hatinggabi na kaya madali akong nakapasok sa loob.
Nang makapanik na ako sa pangalawang palapag, napansin kong nakaawang ang pinto ni Alex. Sumilip ako. Hindi pala isa si Alexsa dalawang silhouette na nakita ko, sina Glenn at Alina ito. Anong ginagawa nila? Bakit sila nandito?
Nagtago lang ako sa gilid ng pintuan habang nakasilip sa awang at nakinig sa kanilang usapan.
"Anong ginawa mo?" gulat na tanong ni Glenn kay Alina.
"Hindi ko sinasadya!" depensa ni Alina.Nakatalikod sila sa akin. Hindi ko masyado makita kung ano ang tinitingnan nila. Nasaan si Alex?
"Kasalanan mo 'to!" sabi ni Alina kay Glenn.
"Bakit ako? Ikaw yung tumulak sakanya?" tanong pabalik ni Glenn.
Si Alex ba tinutukoy nila? Hindi ko makita kung nasaan siya.
"Hindi ko magagawa 'yon kung hindi ko nalaman na kabit ni Alex." sambit ni Alina.
Kabit si Glenn? Akala ko ba break na sina Alina at Alex.
"Hindi nga ako kabit!" depensa naman ni Glenn.
"Tumahimik ka baka may makarinig satin." saway ni Alina.
Nag-usap pa sila pero hindi ko na marinig ang sinasabi nila. Maya-maya ay humarap dito si Alina at naglakad papunta sa direksyon ko. Agad naman akong nagtago.
Pumunta ako sa hagdanan papanik at doon nagtago.
"Teka, sandali!" sigaw ni Glenn at hinabol si Alina na bumababa na ngayon sa hagdan.
Nang tuluyan na silang makababa, umalis na rin ako sa pinagtataguan ko. Naiwan nilang nakabukas ang pinto ng apartment ni Alex kaya pumasok ako sa loob.
Nakita ko si Alex nakahiga sa sahig, bumubula ang bibig. Papungay-pungay ang kaniyang mga mata at tila ba mawawalan siya malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top