004.

present day. after they found out alex died.


━━━━━━━━━━━━━━


ye2sari2s2re

Glenn Lapid: may nagpalit ba ng password?

Ayesha Amazon: hindi magandang joke guys burahin niyo yun

Alina Bandilo: sino ba yun ah alisin niyo na umamin na kayo

Lorraine Orlando: basta di ako yan ah

Celestine Sea: sino naman gagawa nun? parang ewan naman

Gabrielle Beltran: bakit naman magpo-post ng ganun? pinatay ba raw siya?

Celestine Sea: hindi pa alam yung reason

Gabrielle Beltran: kaya pala wala siya kanina, akala ko absent lang

Gabrielle Beltran: masaya pa naman siya seatmate

Glenn Lapid: totoo ba talaga??

Ayesha Amazon: usap-usapan na

Ayesha Amazon: nakita raw walang buhay kagabi sa tinutuluyan niya

Lorraine Orlando: kagabi pa??


━━━━━━━━━━━━━━


Kagabi pa? Biglang naalala ni Lorraine ang account ni Alex. May nag-chat kay Alex kagabi. Hindi niya pa nala-log out yung account ni Alex pero hindi niya pa rin nababasa chats niya. Pakiramdam niya kasi may malalaman siyang hindi niya dapat malaman kapag nagbasa siya.


━━━━━━━━━━━━━━


Lorraine Orlando: saan ba siya nakatira?

Alina Bandilo: apartment malapit sa uni

Lorraine Orlando: ahh

Alina Bandilo: hindi ko talaga mabuksan yung account natin

Gabrielle Beltran: report na lang natin

Gabrielle Beltran: mabubura naman yung account kapag ni-report, dba?

Ayesha Amazon: kapag maraming nag-report

Celestine Sea: sayang naman yung account natin

Alina Bandilo: eh ayaw niyo tanggalin yung post eh

Glenn Lapid: grabe ka naman mambintang

Alina Bandilo: natamaan ka ba? tayo-tayo lang naman may alam ng password nun sino gagawa nun

Glenn Lapid: ikaw yung ex...

Alina Bandilo: so? ako gagawa nun?

Lorraine Orlando: hoy wag na kayo mag-away alam kong mahirap ito para satin yung pagkawala niya lalo na kay alina

Lorraine Orlando: i-report na lang natin yung account


━━━━━━━━━━━━━━


Hindi lang naman kay Alina mahirap 'to. Agad niyang chinat ang isa niya pang kaibigan.



━━━━━━━━━━━━━━


Lorraine Orlando: okay ka lang ba? alam kong mahirap din sayo yung nangyari

???: hindi ako makapaniwala

Lorraine Orlando: lahat naman siguro tayo hindi makapaniwala

???: nakita ko pa rin siya kahapon

Lorraine Orlando: oh? saan?

???: dba sabi ko kahapon din ako nagpa-enroll

???: alam ko kasing kahapon din siya magpapa-enroll.

Lorraine Orlando: paano mo nalaman?

???: tinweet niya

???: alam mo ba? nag-confess ako sakanya kahapon

Lorraine Orlando: halaa?? ano sabi???

???: ni-reject ako :(

???: binigyan ko pa siya ng cupcakes na ako nag-bake tas ayun :')

Lorraine Orlando: halaaa

???: tas lalo pa akong nalungkot nung nalaman kong naging sila pala ni alina

???:  chinat ko pa nga siya kung nakain niya na ba yung cupcakes tas sabi niya wag ko na siya guluhin

Lorraine Orlando: ahh kaya pala ganon yung reply mo sakanya

???: ha? anong reply ko? bakit alam mo yung reply ko sakanya?

Lorraine Orlando: ha?

???: ???

Lorraine Orlando: de i mean yung reply mo sa gc natin nung nalaman mong naging sila ni ali malungkot

???: sabi mo reply ko sakanya?

Lorraine Orlando: oo, kay alex

???: okay...?


━━━━━━━━━━━━━━

Napahilamos ng mukha si Lorraine dahil sa pag-uusapn nila. Muntik na siya. Halatang may tinatago.

"May tinatago rin naman sila," sabi niya sa sarili. "Malaman ko lang kung ano 'yon..."

Subukan niya kayang magbasa ng mga chat nila kahit isang chat box lang.

Binalikan niya yung account ni Alex at pikit matang pumili ng isa sa mga kaibigan niya.

Unti-unti niyang binuksan ang mga mata na agad na nanlaki nang bumungad sakaniya ang mga litrato na sinesend nila sa isa't isa. Bakit nagpapalitan ng nudes si Alex at isa sa mga kaibigan niya?

Dali-dali siyang nag-switch account at ni-lock ang cellphone niya. "Ayoko na magbasa ng chats."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top