White Roses for Summer (One Shot)

WHITE ROSES FOR SUMMER

 

“Ayyyyyyyyiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiieeeeeeeeeeeeeh! Andyan na naman si Crush!!” kinikilig na sabi ni Emma sa akin.

Napatingin ako sa paligid ko at halos lahat ng girls na naroroon kung saan kami ni Emma nakatambay ay nakatingin din sa gawing iyon. Halata rin sa kilos nila na kinikilig sila.

Napatingin ako sa gawi ng tinitingnan nila at nakita ko siya.

Si Yash Yael Perez.

Fourth year high school tulad namin ni Emma. Hindi kami magkaklase kasi nasa section 2 kami ni Emma samantalang nasa section 1 naman si Yash. Dapat magkaklase kami hanggang ngayon niyan kundi lang naging sakitin ako last school year at bumaba ang grades ko dahil sa palagi akong absent, siguro nasa section 1 pa rin ako at classmate ko pa rin siya.

Si Yash ang tinuturing na school heartthrob. Matalino din siya at running for valedictorian. He is also a member of different clubs at ilang beses na siyang nanalo sa iba’t ibang school competition mapa-regional or national man yan. Vocalist din siya ng official school band namin. Marami din siyang sports na alam pero mas nakilala siyang lalo sa larong basketball.

Yash is my ultimate crush since I entered this school.Scratch that. He’s my one and only love.  Pero ako lang ang nakakaalam nun. Kahit si Emma ay walang kaalam alam doon. Magaling kasi akong magtago at hindi rin kasi ako yung tipo ng tao ni binobroadcast kapag merong nagugustuhan.

Tahimik lang kasi ako sa klase. Hindi naman ako matalinong matalino. Sapat lang para mapasali dati sa Section 1.

“Gaaaaaaaaaaaaaaaaaahd! Ang gwapo niya talaga!” Kinikilig na sabi ng isang babae.

Haaaaaayy..Ang gwapo niya nga. Lalo na ngayon na nakangiti siya habang kausap niya yung ibang member ng basketball team.

Kahit na pawisan siya (dahil halatang kagagaling lang nila sa practice), parang ang bango bango niya pa rin at mukha pa rin masarap yakapin. Pero siyempre imposible ko naman magawa yun sa kanya diba? Pakiramdam ko nga, hindi niya na ako kilala kahit ilang beses na kaming naging magkaklase, feeling ko hindi ako nag-eexist sa mundo niya.

Isa pang ‘Haaaaaaaaaaaaaayy..’

“Para saan naman yang buntong hininga mo? Lalim ng pinaghugutan mo Summer ha?” Di ko napansin na sa akin na pala nakatingin si Emma.

“W-wala to. May naisip lang.” Iwas kong sagot sa kanya. Syempre di ko naman pwedeng sabihin na dahil yun kay Yash.

“Weeh? Di nga?” Sabi ni Emma at mataman pa akong tiningnan na parang ayaw pang maniwala sa sinabi ko.

“Oo nga. Kulit mo! Lika na nga. Balik na tayo sa room. Malapit naman na rin matapos yung break.” Sabi ko na lang sabay iwas tingin.

Nakita ko pang tumaas yung isa niyang kilay pero di na siya umimik.

Isang huling sulyap muna ang ginawa ko kay Yash bago tuluyang hinatak si Emma pabalik sa classroom.

***

 “Sinong magiging partner mo sa graduation ball?” Tanong sa akin ni Emma habang nakapangalumbaba siya sa desk niya. Uwian na pero di pa rin kami kumikilos ni Emma para mag-asikasong umuwi.

“Wala.” Matipid kong sagot. Kasi wala naman talaga akong magiging escort sa ball. Malapit na ang graduation namin at halos lahat ng classmate ko ay iyan ang pinag-uusapan.

“Ano ba yan, Summer! Wala ka na ngang escort nung JS Prom pati ba naman sa Graduation Ball wala pa rin?”  di makapaniwalang sabi ni Emma sa akin.

Totoo. Kahit nung JS, wala din akong partner. Mabuti na nga lang at kahit merong partner si Emma nun ay hindi niya ako iniwan. Nakakahiya nga dun sa partner niya kasi instead na masolo niya si Emma ay di niya nagawa kasi andoon ako.

Don’t get me wrong, hindi naman sa panget ako kaya wala akong partner nun. Sabi nga nila, maganda naman daw ako. Kahit di daw ako palaayos eh lumalabas pa rin yung natural beauty ko. Pero hindi ko rin maintindihan kung bakit wala man lang magtangkang manligaw sa akin or mag-ayang magingpartner ko noon sa JS or kahit ngayon sa Ball namin.

Sabi ni Emma, suplada daw ako kaya naiintimidate sila sa akin pero ang sabi ko naman sa kanya. Hindi ako suplada. Hindi lang kasi ako yung tipo ng tao na unang babati kapag merong nakasalubong na kakilala. At hindi rin ako  yung tipo ng tao na palakibo.

“Eh anong magagawa ko? Wala namang malakas ang loob na mag-aya sa akin.” Sagot ko sa kanya. “Tsaka baka hindi na rin ako umattend.”

 

“Yan ang huwag na huwag mong gagawin! Kundi masasakal kita! Last party na natin yun as a high school student at hindi pwedeng mamiss mo yun!.” Naiinis na sabi niya sa akin.

 

“Okay. Fine. Pupunta na! Wag ka nang mainis sa akin.” Sabi ko na lang. Ayoko rin kasing nag-aaway kami ni Emma. Nag-iisang bestfriend ko kasi yan at ayoko naman na magkatampuhan pa kami dahil lang sa maliit na bagay.

“Good.” Sabi niya at tumayo na siya. “Lika na! Uwi na tayo.”

 

“Okay.” Sagot ko at tumayo na rin ako.

Papalabas na kami ng gate ng merong humarang sa amin na bata. Tantya ko mga 6 to 7 years old lang siya. Tinitigan niya muna akong mabuti bago nagsalita.

“Kayo po ba si Ms. Summer?” Tanong nung bata. Napakunot naman yung noo ko. Anong kelangan sa akin ng batang to?

“Ako nga. Bakit bata?” Balik tanong ko sa bata.

 

“Ms. Summer, may nagpapabigay po.” Sabi niya at inilabas niya sa likod niya ang isang white rose na merong red ribbon sa stem nun.

Mas lalong kumunot yung noo ko nang iabot sa akin nung bata yung rose.

“Uuuuyyy..si Summer, meron nang admirer!” Pag-aasar sa akin ni Emma pero di ko siya pinansin.

“Kanino to galing?” Tanong ko ulit sa bata.

“Sabi po nung nagpaabot po niyan, malalaman niyo raw po kung sino siya sa graduation ball niyo po.” Sabi niya sabay takbo.

Siguro kaya siya tumakbo para di ko na siya magisa kung sino yung nag-utos sa kanya na ibigay itong rose sa akin.

“Naks! Kung kelan gagraduate na tayo tsaka lang may magpaparamdam sa’yo ha! Ayyyieeeeeehh..”

“Tse! Tigilan mo nga ako Emma! Baka meron lang nantitrip sa akin kaya ganun!” Sabi ko na lang pero sa loob loob ko di ko maiwasan pero parang kinilig ako. Kahit wala akong ideya kung sino yung nagbigay, iba pa rin yung feeling. Nakakatuwa na nakakakilig para sa isang tulad ko na hindi naman lapitin ng mga lalaki.

Tinititigan ko pa rin yung rose na hawak ko nang makita ko sa peripheral vision ko na dumaan si Yash kasama yung mga classmates niya na dati ko na rin na naging classmates.

Feeling ko huminto sa pagkabog yung puso ko ng magsalubong yung tingin namin ni Yash. Hindi ko alam kung namalik mata lang ako o kung ano pero parang nakita ko siyang ngumiti sa akin. For the first time.

Dubdub. Dubdub. Dubdub.

“Ui..Summer! Musta?” Parang bumalik ako sa reyalidad ng marinig kong magsalita yung isang classmate ko dati. Si Andrew.

“O-okay naman.” Sagot ko at umiwas ng tingin kay Yash. Ewan ko ba. Pakiramdam ko merong kakaiba sa tingin niya sa akin na hindi ko mawari.

“Uiiiiii..May hawak na rose si Summer! Kanino galing yan? Naks! May manliligaw. Witweew!” Sabi naman ni Vince. Dati ko pang classmate.

 

“W-wala ah...A-ano lang to, may nagpabigay lang. Di ko lang alam kung kanino galing.” Sagot ko at tumingin ako kay Emma. Yung tinging nagpapatulong para makaiwas sa pang-uusisa sa akin nila Vince. Pero ang bruha, deadma. Kulang na lang tumulo ang laway habang nakatitig kay Yash.

Ramdam ko na naiilang na si Yash kay Emma dahil sa paraan ng pagkakatitig nito kaya hinatak ko yung kamay ni Emma at sinabing mauuna na kami.

“U-ui…S-sensya na. Mauna na kami. Meron pa kasi kaming pupuntahan ni Emma eh. Sige. Babye!” At hindi ko na sila hinintay na makasagot pa at hinatak ko na si Emma palabas ng gate.

“Kyaaaaaaaaaaaaaaah~~ Ang gwapo talaga ni Yash sa malapitan!” kinikilig na sabi ni Emma ng makalabas kami ng gate.

“Nakakahiya ka Emma! Kulang na lang tumulo laway mo habang nakatitig ka kanina kay Yash!” Natatawa kong sabi ko sa kanya.

“Eh sa ang gwapo niya eh. Nakakapanglaway eh..” Naughty na sagot niya sa akin.

“Baliw! Lika na nga.” Sabi ko sa kanya at nag-umpisa na ulit akong maglakad.

“Hoy, bru! Nakita ko yung kanina!” Sabi niya with matching taas pa ng isang kilay at halukipkip ng braso niya habang naglalakad.

“Ang alin?” Tanong ko.

“Nakita kong nginitian ka niya kanina. Close lang ang peg niyo te?”

“P-para nginitian lang eh. S-syepre, d-dati kaming classmate. S-siguro nakilala niya ako kaya n-nginitian niya ako.” So hindi nga imahinasyon ko lang yun. Totoong nginitian nga ako ni Yash.

Tae. Kinilig naman ako doon.

“Naku te! Wag mo nga akong chinachar char! Iba eh. Merong iba sa ngiti niya sa’yo. Umamin ka, anong meron sa inyong dalawa?”  Sabi niya pa sabay lapit sa akin at tinitigan ako.

“Hay naku, Emma. Tigilan mo nga ako. Wala lang yun. Ikaw. Masyado ka talaga. Liit liit na bagay, binibigyan mo ng kulay. Umuwi na lang  tayo.” Sabi ko.

“Pero—“

“Ooops. Tama na.” Pagcut ko sa sinabi niya.

“Okay. Fine. Wateber! Lika na nga!” Sabi niya sabay hatak sa akin papunta sa sakayan ng jeep.

***

Bukas, graduation na namin. At bukas ng gabi ay graduation ball na rin.

Hindi ko alam pero hindi ko maiwasan ang hindi kabahan. Ewan ko ba. Ilang gabi din kasi ang hindi pinatatahimik nang kung sino man ang nagbigay sa akin ng white rose na yun. Pilit kong iniisip kung sino yung nagbigay nun pero wala talagang pumapasok sa utak ko kung sino ang posibleng nagbigay nun.

Tapos ngayong araw na to, nagulat pa ako ng meron akong makitang maliit na bear sa upuan ko na meron white rose ulit. Pero ngayon, apat na white rose na at may card na.

Ang nakasulat ay:

From:

                P.Y

Effort lang diba? Kakaloka.

Isip isip kung sinong kakilala ang merong initials na P.Y

Si Paolo? Mali mali. Cruz pala surname nun, so hindi siya yung nagbigay nito.

Patrick? Ano nga ba ulit apelyido nun? Pero imposible din eh. Merong girlfriend yun.

Si Prince?

Si Perry?

Si Piolo?

Waaaaaahh..Naguguluhan na ako. Andami kong classmate at kialala na nagsisimula sa P ang pangalan. Linsyak na nagbigay nito! Sakit sa bangs mag-isip!

 

“Oh, bakit nakabusangot yang mukha mo?” Sabi ni Emma na kakarating lang.

Pinakita ko yung hawak ko sa kanya at parang kinilig ang loka.

“Bru! Excited na ako makita kung sino yan! Ayiieeeeeeeeeh! Baka siya na yung man of your dreams!” Dreamy na pagkakasabi niya.

“Sira! Nakakatakot nga eh. Paano kung pangit pala to?” Sabi ko. Sorry. Sadyang honest lang ako.

“Eh paano kung hindi? Tsaka bru kung saka-sakaling ganun nga, okay lang yan! At least, merong naglakas ng loob na umamin sa nararamdaman niya!”

“Adik! Porque nagbigay ng rose at bear, amin na agad? Di ba pwedeng trip lang niya?” Pamimilosopo ko sa kanya.

“Ewan ko sa’yo! Maghanap ka ng kausap mo! Ikaw na nga binibigyan ng pag-asa, nagpapakanega ka pa!”

“Hehehe. Oo na nga po. Sabi ko nga po magpapakapositive si ako eh.”

“Pero, seriously bru, wala ka talagang idea kung sino yung posibleng nagbigay niyan?”

 

“Wala talaga. Ang alam ko lang, fourth year high school din siya din siya tulad natin kasi makakaattend siya ng graduation ball eh at ang initials niya ay P and Y.”

 

“Hmmm…Napakahiwaga naman niyang admirer mo! Excited na akong malaman kung sino yan! Aabangan ko talaga yan bukas. Hehehe” Sabi niya na humahagikhik pa.

“Same here.” Sabi ko na lang.

***

I’m wearing a pink tube dress na above the knee. Simple lang yung cut pero it makes me look elegant. Madaming bumati sa akin pagkapasok na pagkapasok ko dito sa hotel kung saan gaganapin yung graduation ball namin. Sabi nga nila lalo daw akong gumanda sa suot at ayos ko ngayon.

Nahiya naman ako kaya ang  higpit ng hawak ko kay Emma.

Kinakabahan din ako. Kasi ngayong gabi magpapakilala sa akin si P.Y.

“Nervous?” Nakangiting tanong sa akin ni Emma matapos naming makaupo. Umalis saglit yung partner niya na si Tyler (manliligaw niya) para kumuha ng maiinom.

“Slight.” Sabi ko pero sa totoo lang, bonggang bonggang kaba ang meron ako ngayon.

“Relax lang. For sure, maya-maya lang, lalapit na sa’yo kung sino man ang nagbigay sa’yo ng white roses na yun.” Sabi niya sabay kindat pa.

“Yeah, right.” Sabi ko na lang.

Isang oras na ang dumaan pero wala pa rin. Di pa rin nagpaparamdam kung sino mang poncio pilatong nantitrip sa akin.

At isang oras na akong mukhang eng-eng dito na nakaupo at wala man lang nagtangkang makipagsayaw sa akin.

Nakakainis na! Aaaaaaaaaaaaargggggh!

Mabuti pa si Emma, mukhang nag-eenjoy sa company ni Tyler. Eh ako? Mukhang tanga kakapanood sa mga nagsasayaw sa dance floor.

Nagsisisi talaga ako na pumunta pa ako—

Napatigil ako sa pagrarant ko sa isip ko ng may makita akong lalaking papalapit sa akin.

At may hawak siyang puting rosas.

Don’t tell me—Siya yun?

Isang matabang lalaki na pwedeng pwedeng sumali sa the biggest loser ang papalapit sa akin.

Nakatingin na siya sa direksyon ko.

‘Syete! Don’t tell me siya yun?’

Parang di matanggap ng utak ko na siya yung lalaking yun.

Nakikilala ko siya. Galing siya sa section 3.

Lumapit siya sa akin at inabot yung isang white rose habang nakangiti.

Di ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi yung bulaklak.

Pero as a sign of respect eh tinanggap ko yun.

Lumunok muna ako bago ako nagsalita. “Ikaw yun?”

Hindi siya sumagot pero inilahad niya yung kamay niya sa akin na parang inaaya niya akong sumayaw.

Tatanggi pa sana ako kaso nakahiyaan ko na. Sabi nga ni Emma, kahit ano pa ang maging itsura ng admirer ko, atleast meron nagkalakas ng loob na harapin ako at ipakita sa akin ang nararamdaman niya.

Nang makarating kami sa gitna ng dulo ng dance floor ay iniwan ako ng lalaking iyon.

So, ang lagay pagmumukhain niya akong tanga dito?

Nakasalubong ko ng tingin si Emma na noon ay nakakunot na ang noo at nakatingin sa akin.

Napakibit balikat na lang ako.

Babalik na sana ako sa upuan ko ng biglang merong humawak sa braso ko.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

Si Vince. May hawak na white rose.

So totoo na ba to? Si Vince na nga ba yung totoong nagbigay sa akin ng white roses?

Sabagay, mas okay naman si Vince kesa dun sa lalaki kanina. Gwapo ito at matalino rin tulad ni..Yash.

Pero bakit binigyan din ako ng lalaki yun kanina ng rose?

Shemay lang!

Naloloka na ako sa pag-iisip.

“I-ikaw na ba yun?” Alanganin kong tanong sa kanya matapos kong abutin yung rose na hawak niya.

“Ang alin?” Tanong niya habang merong malapad na ngiti sa akin.

Dinala niya ako sa gitna ng dance floor at napansin kong nagsigilid lahat ng estudyante at pinalibutan kami.

Hala. Naguguluhan na ako. Anong nangyayari? Nawiwindang na yung utak ko.

“Now, it’s time for you to know who HE IS.” Sabi ni Vince at iniwan nya ako sa gitna ng dance floor.

Feeling ko mukha na akong tanga dito sa gitna.

Lahat sila ay sa akin nakatingin.

Napahigpit yung hawak ko sa dalawang rose sa kanang kamay ko. Mabuti na lang at wala na yung thorns kundi for sure, sugatan ang kamay ko sa paraan ng pagkakahawak ko.

Naramdaman ko na lang na merong tumamang spotlight sa akin.

Napatingin ako sa harap at mas lalong nanlaki yung mata ko.

Ang school band namin ay nasa make shift stage at parang ready na para tumugtog.

Biglang merong nagsalita sa harap. Hindi ko siya makita ng maayos dahil sa spotlight na nakatutok sa akin. Pero familiar ako sa boses na yun. At sure na sure akong siya iyon. Natahimik ako bigla at parang di makakilos sa mga sumunod na narinig ko mula sa kanya.

“This song is for the girl whom I have loved for years now. It took me this long to have the guts to finally tell her how much she means to me. Madalas, hindi kita nakakausap or baka iniisip na snob lang ako but your wrong. Natotorpe talaga ako pagdating sa’yo.”

 

Narinig kong nagtawanan yung ibang boys sa sinabi ni Yash after niyang magpakita sa harapan habang yung mga girls naman ay kilig na kilig.

At ako? Hindi ko mainitindihan kung anong mararamdaman ko. Titig na titig sa akin si Yash habang nagsasalita siya sa harap.

Parang feeling ko huminto sa pagtibok yung puso ko habang nagsasalita siya.

“I’ve been watching you from afar. Madalas, hanggang tingin na lang ako sa’yo at sa tuwing nararamdaman kong titingin ka sa akin, saka ako iiwas ng tingin para hindi mo mapansin. Hindi ko alam kung bakit pagdating sa’yo, natotorpe talaga ako. Pero ngayon, inipon ko na lahat ng lakas ng loob ko para aminin sa’yo yung nararamdaman ko. Summer, mahal kita..And this song is for you..”

Narinig kong naghiyawan yung mga kabatch mate ko at pati si Emma na noon ay nasa malapit na sa akin at kulang na lang eh tumalon sa sobrang kilig.

“Summer, mahal kita..And this song is for you..”

 

“Summer, mahal kita..And this song is for you..”

 

“Summer, mahal kita..And this song is for you..”

Hindi naman ako nagkamali sa narinig diba? A-ako t-talaga yung binanggit ni Yash?

Alam ko, ako lang naman yung nag-iisa sa school namin na merong pangalang Summer eh.

♪Didn't mean to take you for granted
Didn't mean to show I don't care
Didn't mean to throw away this once in a lifetime of chance
Being with you

 

Parang naiiyak ako sa sobrang tuwa. Hindi ko akalain na yung taong matagal ko ng gusto eh may gusto rin pala ako.

Mali. Mahal rin pala ako.

 

And I'll drive for 2 hours
To bring Butterfingers
I don't mind the distance
This kismet's a dance

This time I surrender
My everything forever
Life doesn't matter
Just our souls together

Lumapit siya sa akin. As in sobrang lapit niya sa akin habang hawak hawak pa rin yung mic at kumakanta.

May kinuha siya mula sa likuran niya at inabot yun sa akin.

Isang white rose.

Napatingin ako sa kanya at nagsalubong yung tingin namin.

Napakasaya ng feeling ko.

Pride no longer has room in me
On bended knees in public I cry
Your name for everyone to know that I love you, I love you
Please hear me now

Napaiyak ako ng tuluyan ng sabihin niya ang magic word na yun.

“I love you, Summer. Please be my girlfriend?”

Wala ng pakipot pa. Mahal ko ito eh.

“I love you too, Yash. And yes. I would love to be your girlfriend.”

 

And he ends our conversation with a kiss.

And I'll drive for 2 hours
To bring Butterfingers
I don't mind the distance
This kismet's a dance

This time I surrender
My everything forever
Life doesn't matter
Just our souls together♪

 

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top