CHAPTER 5

Chapter 5: Misyon

"BILANG isang alagad ng batas at ikaw na sibilyan lamang ay labas ka na usaping iyon. Ang plano ko ay plano ko lamang at hindi ko maaaring sabihin sa 'yo ang lahat," malamig na paliwanag niya.

"Balak mo bang isuplong si Mamu? Sisirain mo ang kanilang organisasyon dahil trabaho mo 'yon?" tanong ko. Umaasa ako na makakuha ako nang matinong sagot subalit nagkibit-balikat lamang siya. Napahinga na lamang ako nang malalim.

"Masarap ang bibingka mo," sabi niya. Tinitigan ko lamang siya habang kumakain pero bigla siyang nabilaukan. Tinapik-tapik niya lamang ang dibdib niya. "Ang ibig kong sabihin ay masarap ang luto mo sa bibingka," pagpapaliwanag pa niya.

"Wala naman akong sinabi," aniko at saka ko siya tinalikuran.

Pinuntahan ko na si Richie pero sumunod pa rin ang lalaki. Bagamat ay hindi ko na lamang siya pinansin pa.

"Si Ate Nana ko ang kumuha nito! Pinakain niya ako ng cake!" narinig kong umiiyak na sigaw ni Richie kaya nagmamadali na akong makapasok sa kusina.

"Ang sabihin mo ay hiniling mo 'yan! Ginagamit mo lang naman ang Ate Nana mo at pagamit naman talaga ang babaeng 'yon!"

"Isusumbong kita kay Mamu dahil pinagsasalitaan mo ng ganyan ang Ate Nana ko!" sigaw rin ni Richie pero malakas pa rin ang kaniyang pag-iyak. Si Marceda ang kasama niya sa kusina.

Nang makita ko ang ginagawa ng babae sa bata ay sa paglapit ko pa lamang sa kinaroroonan nila ay itinulak ko si Marceda. Namimilog ang mga mata niya sa gulat.

"A-Ate Nana!"

"Isa lamang siyang bata pero pinagbubuhatan mo na siya ng kamay. Marceda, isip bata ka rin, eh 'no?" kalmadong tanong ko sa babae at hinila ko palapit sa akin si Richie. Yumakap siya sa binti ko na nasa aking likuran. Iyak nang iyak ang bata.

"A-Ano. . ." Hindi matapos-tapos ang salitang bibigkasin niya dahil napatingin din siya sa likuran ko dahil alam kong nahiya siya kay Leon.

"Ako ang kumuha ng cake para sa bata at wala kang pakialam kung ginagamit niya lamang ako para makakain siya ng cake. Gusto ko rin naman na ipatikim iyon sa kaniya kaysa naman kayo na ibinibigay ninyo lamang sa mga lalaki niyo sa tuwing aalis kayo ng bahay ni Mamu," malamig na sumbat ko at bayolenteng napalunok siya.

"D-Dainara, hindi naman-"

"Hindi ko na kailangan pa ang opinyon mo," turan ko. Alam kong labis-labis na siyang nahihiya. Ngunit wala akong pakialam.

"Maaari ba akong makainom ng tubig?" singit ng lalaki.

"O-Oo naman!"

Umikot lang ang mga mata ko at lumapit kami ni Richie sa ref. Sinundan pa niya ako nang tingin dahil kumuha ako ng isang cake. Naghanap ako ng maaaring paglagyan nito saka kami lumabas.

Ibinigay ko ito kay Richie na dinig na rinig pa rin ang paghikbi niya. "Tumahan ka na, Richie. Huwag mo na lamang pansinin pa ang babaeng iyon," pag-aalo ko sa bata at pinunasan ko ang mga luha niya. Tumango-tango pa siya.

"Salamat po rito, Ate Nana," nakangiting usal niya. Ginulo ko lamang ang buhok niya at nagpasya kaming umuwi na rin.

Ngunit bago roon ay dumaan na muna kami sa palengke. Bumili kami ng maiinom. Pag-uwi namin sa bahay ay isa-isa hinatian ni Richie ng cake ang kasamahan pa naming mga bata.

"Si Nanay Malia ay nasaan?" tanong ko kay Mixie na siyang batang babae ang kasama kong matulog sa kuwarto ko.

"Baka po nandoon na naman sa lalaki niya, Ate Nana. Dala-dala po niya ang isang sako ng bigas at iilan na dala ninyo kanina," sagot niya at mariin akong napapikit.

Totoo ang sinabi niya kaya madalas ay nasasabi ko talaga sa sarili ko na hindi na namin pa kailangang makasama pa sa iisang bubong si Nanay Malia. Ang tanda-tanda na niya para gumawa ng kabalbalan. Kaya madalas ay nauubos talaga ang bigas namin dahil ibinibigay niya lamang sa lalaki niya.

Pero kasi kailangan din naman na mabantayan ang aming munting tahanan at para na rin alagaan ang mga bata.

"Hayaan mo na si Nanay Malia. Matanda na siya at nais niya lamang maging masaya sa kaunting oras na mayroon pa siya sa mundong ito," wika ko at napanguso si Mixie. "Ang aga ninyo yata umuwi lahat?" tanong ko dahil napansin kong nandito nga sila sa bahay.

"Dahil po yata naramdaman namin na may masarap na pagkain sa bahay," nakangiting kasagutan niya at hindi ko napigilan ang matawa.

"Sige na. Ubusin ninyo na rin 'yan. Hugasan ninyo ang pinagkainan ninyo, ha?" paalala ko at isa-isa silang sumagot.

KINABUKASAN ay nagsuot ako ng maong na pantalon at simpleng puting t-shirt na nakapaloob ang dulo nito sa aking pantalon. Sapatos din ang suot kong panyapak. Ang lagpas balikat na buhok ko ay nakatali ito nang mataas. Iba ang hitsura ko sa mga oras na ito dahil sa inuutos ni Mamu.

"May lakad po kayo, Nanay Malia?" tanong ko sa matanda nang makita kong nag-aayos siya ng mga damit na isinisilid niya sa malaking bag.

"Oo. Utos ni Cynthia. May pupuntahan daw kami kasama ang mga bata. Ayoko sanang sumama pero nagbigay ng malaking pera kaya heto ako at nag-aayos na ng dadalhin namin," paliwanag niya. Tumango lamang ako sa isinagot niya.

"Sige po. Papanhik na ako," pagpapaalam ko. Ang akala ko ay pupunta pa ako sa bahay ni Mamu nang may humintong truct sa tapat ng bahay namin at pagmamay-ari 'yon ni Mamu.

Bumaba mula roon ang drayber nito at si Leon lang pala ang nagmamaneho.

Pinasadahan pa niya ako nang tingin mula ulo hanggang paa ko at bumalik iyon sa mukha ko. Hayan na naman ang malakas na tibok ng puso ko.

Suot niya ang itim na hoodie at pantalon niya. Ang buhok niya na sinadya niya marahil na huwag na lamang iyong suklayin pa.

"Handa ka na ba?" kaswal niyang tanong. May sukbit din ako na itim na napsak. (Backpack)

"Oo," tipid kong sagot ko at binuksan naman niya ang pinto sa kabila. Naglahad pa siya ng kamay subalit hindi ko iyon tinanggap dahil sa halip ay sumakay ako sa truck ng walang kahirap-hirap.

Napatikhim pa siya nang makaupo na ako roon. Ang kamay niyang nakalahad ay isinuksok na lamang niya iyon sa bulsa ng pantalon niya.

"Ate Nana!" Napatingin ako kay Richie nang tinawag pa niya ako. Nakahanda na rin ang bata para sa pag-alis nila mamaya.

"Bakit, Rixie? May kailangan ka pa ba?" tanong ko.

"Mag-iingat po kayo, Ate Nana! Mahal po kita!" sigaw pa niya at umasta siya na hinipan ang nakabukas niyang palad na tila nagpapalipad din siya ng hugis puso.

"Mahal din kita. Sige, mag-ingat din kayo, Rixie," nakangiting saad ko at kinawayan ko pa ang bata.

Hindi ko na namalayan na nakasakay na rin pala si Leon sa tabi ko at pinaandar na niya ang sasakyan. Sa puntong iyon ay nakaramdam ako nang hindi ko maipaliwanag na kaba. Matagal ko pang tiningnan ang bahay namin at sa tuwing napapalayo kami ay sumisikip ang dibdib ko sa hindi ko malaman na kadahilanan.

"Okay ka lamang ba?" narinig kong tanong ng katabi ko. Umupo na ako nang tuwid at sinulyapan siya.

"Ayos lang. Ano ba ang pinapagawa ni Mamu? Hindi kasi kami nakapag-usap. Papunta pa lamang ako sana sa bahay niya," wika ko.

"Alam ko naman ang gagawin natin," sagot niya at kumiling ang ulo ko.

"Duda ako riyan. Pulis ka at kung mayroon mang ilegal na gawain si Mamu ay alam kong isa ka sa magiging hadlang," akusasyon ko sa lalaki. Sapagkat may katotohanan naman ang aking sinabi.

Lihim nilang iniimbestigahan si Mamu. Nasaan naman kaya ang pasaway na dalawang lalaking kasama niya? Nagpaiwan kaya sila roon?

Hindi na nagsalita pa si Leon at naghari na ang katahimikan sa pagitan namin. Kunot na kunot naman ang noo ko dahil sa daang tinatahak namin at patungo ito sa direksyon kung saan ang malaking daungan.

Gusto ko nang magtanong kung saan ba talaga kami pupunta ngunit hinintay ko lamang na magsasabi siya hanggang sa huminto na nga rin ito.

Tinanggal ko ang seatbelt ko at binuksan ko ang pinto. Umibis din ako at tiningnan ko si Leon.

May isang lalaki ang lumapit sa kaniya at ibinigay niya ang susi. Mula sa sasakyan ding iyon ay kinuha niya ang isa pang tampipi. Tiningnan niya ako at sinenyasan. Pero hindi ako kumilos.

"Tara na, maiiwanan tayo ng barko," sabi niya sabay hawak sa braso ko pero tinampal ko iyon. Nagsalubong lang ang kilay niya. "Ano ba'ng problema mo?" malamig niyang tanong.

"Saan ba talaga tayo pupunta? Saang lugar natin kikitain ang kliyente ni Mamu? Bakit wala kang sinasabi? Parte ako ng misyon na ibinigay niya sa atin. Kaya bakit pinagmumukha mo akong tanga?" walang emosyon na tanong ko kay Leon.

Tumaas ang sulok ng mga labi niya at tumingin sa barko. Maingay sa daungan dahil maraming tao. Ang ibang pasahero ay nagkaniya-kaniya na sila sa pagsakay at bitbit ang kanilang mga bagahe.

Iilan na mga tao ay nagbebenta ng kung ano-ano nilang produkto at ang iba ay humihinto pa dahil may nagugustuhan sila roon.

"Sumakay na muna tayo ng barko at roon ko ipaliliwanag sa 'yo ang lahat," sabi niya at hinawakan ang pulso ko pero binawi ko iyon saka ako dumistansya.

"Ayoko. Sabihin mo muna sa 'kin ang lahat dahil kanina pa talaga nauubos ang pasensiya ko," mariin na saad ko pa. Napabuntong-hininga na lamang siya.

"Hindi halatang nauubos na ang pasensya mo pero mag-usap na lamang tayo roon sa barko. Tara." Tinampal ko lang ulit ang kamay niya at tinalikuran siya. Uuwi na la.anh ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top