CHAPTER 29
Chapter 29: Pagbisita
“SIGE, sabi mo e,” kibit-balikat na sagot ko na lamang. Napatingin pa sa direksyon namin si K. Nagngitian pa kami bago kami kumain.
Ang daming inilalagay ni Leon sa platito ko at sinasabi niya na ubusin ko raw iyon lahat para bumalik ang dating sukat ng katawan ko. Malaki raw kasi ang pinayat ko at inaamin ko ’yon.
Maski nga ang pisngi ko ay nawala sa tambok nito. Mas humaba rin lalo ang buhok ko.
“Kumusta naman ang pagbisita niyo sa mama mo, hija?” Nag-angat ako nang tingin. Akala ko ay hindi ako ang kinakausap ni Tito Leorando.
“Maayos naman ho, Tito. Nagulat nga po si mamu—este si mama. Nang makita niya ako. Akala niya ay namalik-mata lang siya o nananaginip,” magalang na sagot ko, na may kasama pang pagngiti.
Hindi ko nakalimutan ang naging reaksyon ng aking ina nang makita ako roon. Na hindi lang si Leon ang bumibisita sa kaniya, kasi kasama na ako nito. Nandoon iyong saya, na kaunan ay umiiyak din si mama.
“I can’t blame her. Sa nangyari sa iyo ay ganoon talaga ang magiging reaksyon ng iyong ina, hija,” sabi niya at tinanguan ko naman.
“Kapag dumating ang araw nang pagkalaya niya ay iimbitahan ko ang mama mo sa bahay namin, Dainara. Ipagluluto ko siya ng masarap na putahe na alam ko,” sabi naman ni Tita Charlendia.
Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Kasi kahit ganoon ang si mama ay nakaya pa rin nilang tanggapin ito. Tunay na napakabuti ng mga magulang ng nobyo ko.
“Salamat po, Tita. Kapag nakabisita po uli kami ay sasabihin ko po kay mama. Tiyak pong matutuwa siya.”
“Sige na, ipagpatuloy mo na ang pagkain mo. Damihan mo, okay?” Muli akong napatango. Ang gaan din talaga nilang kausap.
Ang katabi ko namang guwapong lalaki ay nanatili ang braso niya sa baywang ko. Paminsan-minsan ay nararamdaman kong marahan niyang hinahagod ang likod ko.
Magtatagal pa sana ang magkapatid dito sa mansyon nila, ngunit nagpaalam agad sila. Kaya naman si Tita Charlendia ay pinahatid agad ako sa anak niya para daw makapagpahinga na ako.
Kumain na muna kami ng dessert bago ako iginiya ni Leon. Pinasyal na muna niya kami. Iilan din ang mga kasambahay na nakikita ko sa loob. Binabati nila kami. Pakiramdam ko nga ay parang prinsesa ako na naglalakad sa malawak at magandang palasyo. At siyempre kasama ko mismo ang prince charming ko.
“Kapag okay ka na ay saka kita yayayain na maligo sa pool,” sabi niya. Nasa balkonahe kami at kitang-kita mula rito ang malaking swimming pool nila. Kanina ay nandiyan pa kami.
“Okay naman na ako. Naka-recover na ako sabi ng doktor ko,” aniko. Gusto ko kasing subukan. Kahit may pool naman doon sa isla.
“Saka na kapag maayos na maayos ka na talaga. Huwag matigas ang ulo, ha?” Natawa ako nang mahina niyang pinitik ang noo ko.
Hinapit pa niya ako sa baywang at hinalikan ang sentido ko. Muli kaming naglakad.
“Nasaan ang kuwarto mo?” tanong ko. Maraming pinto ang makikita sa second floor ng bahay nila.
“Doon sana kita patutuluyin, pero baka pagalitan ako ni mommy. Kaya sa guestroom ka na muna. Katabi lang naman iyon ng kuwarto ko,” sagot niya.
“Sayang naman. Gusto ko pa namang Makita ang silid mo. Titingnan ko kung wala kang poster doon.” Kumunot ang noo niya.
“Poster?” nagtatakang tanong niya.
“Oo, sexy na poster. Mga babae?” Kinurot niya ang pisngi ko at pinugpog niya ako ng halik, kaya tinulak ko na ang ulo niya.
“Let’s see kung mayroon nga,” aniya saka niya ako hinila sa isang pinto.
Namangha rin ako pagkapasok namin. Malaki nga ang kuwarto niya. Organize ang mga gamit niya. Kulay asul, puti ang kulay ng estraktura nito.
Mayroon din naman na nakasabit na mga medalya sa pader nito. Nandoon ang litrato niya. Natutuwa ako, dahil may mga achievements siya. Pakiramdam ko ay parang kasama na rin ako sa mga narating niya ngayon.
“Come here, baby. Maupo ka rito,” pag-aaya niya sabay tapik sa malaki niyang kama. Naglahad pa siya ng kamay.
Nilapitan ko siya at tinanggap ang kamay niya. Inalalayan pa niya akong makaupo sa tabi niya. Yumakap agad siya sa baywang ko at isinubsob ang mukha niya sa leeg ko.
Napatili pa ako nang humiga siya at isinama pa niya ako. Dinala niya sa dibdib niya ang ulo ko, gusto niyang gawin kong unan iyon kaya hinayaan ko siya. Yumakap na rin ako sa kaniya at ipinikit ko ang mga mata ko.
Iniangat pa niya ang ulo niya para halikan ang noo ko. Dinig na rinig ko naman ang mabilis na tibok ng puso niya. Ganito rin naman iyong akin.
“Leon.”
“Hmm?”
“Puwede bang bumisita tayo sa Mindanao?”
“Bakit?” Itinukod ko ang baba ko sa dibdib niya. Titingnan ko ang reaksyon niya.
“Gusto ko kasing kumustahin ang mga bata roon. Si Nanay Malia at saka si Richie,” sagot ko sa kaniya. Sinapo niya ang pisngi ko. Naninimbang na tinitigan niya ang mukha ko.
“Iyong batang si Richie ang mas malapit sa iyo, ano?” tanong niya.
“Oo. Miss ko na rin kasi sila, e. Puwede ba natin silang makita? O kung may gagawin ka ay puwede naman sigurong mag-isa akong pupunta roon. Siya nga pala, nasaan ang mga kaibigan mo? Sina Drake at Cerco? Parang hindi nila ako bisita sa ospital. Nakatatampo naman, ah,” nakangusong sabi ko.
“Binisita ka, wala ka pong malay kaya hindi mo na iyon malalaman pa. At saka busy sila sa trabaho nila. Asa ka rin na hahayaan kitang bumiyahe roon sa Mindanao nang mag-isa. Kahit hindi mo hihilingin ’yan ay iyon naman ang gagawin ko.”
“Salamat na agad!” bulalas ko at hinagkan ko soya sa pisngi. Muli akong isinandal ang ulo ko sa matigas niyang dibdib.
Napaigtad pa ako nang may kumatok sa pinto. Napatingin ako roon. Hindi naman gumalaw si Leon.
“Leon, bakit wala sa guestroom si Dainara? Hindi siya puwede riyan sa kuwarto mo, son. O kung gusto mo ay ikaw ang lumabas diyan. Basta bawal kayong maiwan sa iisang silid.” Boses iyon ng mommy niya.
“Mom, nagpapahinga lang po kami ni Nana. Wala naman po kaming gagawin. Psh,” nagsusungit na sagot niya sa kaniyang ina.
Naiiling na napangiti na lamang ako, hanggang sa bumukas na nga ang pinto. Ipinikit ko lang ang mga mata ko.
“Leon Shadrick.”
“See, Mom? Tulog na po siya.”
“Basta, son. Lumabas ka na rin agad, okay?” seryosong saad nito, may pagbabanta pa.
“Yes, Mom.”
Nagtulog-tulugan lang naman ako, pero hindi ko namalayan na makaiidlip na rin pala ako. Naramdaman ko lang na inayos niya ang pagkakahiga ko.
Naalimpungatan lang ako na tila may dumadampi na malambot na bagay sa labi ko at nang dumilat ako ay nakita kong pinagmamasdan ako ni Leon.
“Good afternoon, Miss,” bati niya.
Nasa kuwarto niya pa rin ako. Hindi yata siya lumabas agad, kahit sinabihan na siya ng mommy niya kanina.
“Sorry, nakatulog ako.” Kinuha ko ang braso niya at idinantay ko iyon sa baywang ko.
“Baby, kailangan mong mag-ayos. Mayamaya ay tatawagin na tayo ni mommy para kumain,” wika niya. Napahikab pa ako.
“Mamaya na lang, please?”
“Aba, marunong ng mag-please.” Sinundot-sundot niya ang pisngi ko.
“Mauna ka nang bumaba kung ganoon,” aniko.
“Sabay na tayo. Five minutes, tapos kikilos ka na okay?” Parang bata na tumango lang ako.
“Opo.” Sumunod naman ako nang matapos ang pagbibilang niya.
Magkahawak-kamay na kaming bumaba. Kung nagkakatinginan kaming dalawa ay nginingitian namin ang isa’t isa. Kaya ang bagal namin pareho nang makarating kami sa kusina—mali, sa dining room pala. Dahil iba ang kusina nila.
Kasalo ko uli ang mga magulang ni Leon at ang kaniyang ina talaga ang nagluluto, sa tulong naman daw iyon ng mga kasambahay nila.
Tatlong araw lang kami roon sa mansyon nila, sa kuwarto niya ako natutulog at bago nga kami magpahinga ay tinitingnan pa niya kami. Saka lang lalabas si Leon, babalik naman siya kapag madaling araw. Malalaman ko iyon dahil minsan ay nagigising ako na akap-akap na niya.
Private chopper nila ang sasakyan namin, kasi uuwi rin daw agad kami. Iyon ang utos ni tita.
May kasama kaming bodyguards. Ang daddy naman niya ang may gusto no’n para masigurado rin daw ang kaligtasan namin.
Pagkarating namin sa bahay-ampunan na pinagdalhan sa mga batang kasama ko dati ay agad ko silang nakita. Pero hindi si Richie.
“Si Ate Dainara!” narinig kong bulalas nila. Pagkakita sa akin ay patakbo silang lumapit.
Isa-isa ko naman silang niyakap at kinusmusta ko sila. Si Nanay Malia ay mukhang maayos naman ang lagay niya.
“Akala ko ay hindi na tayo magkikita ulit, Nana,” naluluhang sabi niya.
“Kumusta naman ho kayo rito, Nanay Malia? Parang tumataba ho kayo, ah.” Masaya ako na mabuti ang lagay nila rito.
“Siyempre, maraming pagkain dito. Ikaw? Hindi mo ba inaalagaan ang sarili mo, Nana? Namamayat ka, ah. Ang pisngi mo ay wala na akong mapipisil diyan.”
Sinulyapan ko si Leon, tahimik lang siya habang pinagmamasdan ako. Ngumiti ako sa kaniya na ginantihan naman niya.
“Okay lang naman po ako, Nanay Malia. Siya nga po pala. Si Leon ho, boyfriend ko,” pakilala ko sa nobyo ko. Hinila ko pa ang kamay nito.
Nabigla si Nanay Malia at nanlalaki pa ang mga mata niya. “Good afternoon ho,” bati nito sa kaniya.
“Magandang hapon din sa iyo, hijo. Kilala kita, ikaw ang nagdala rito sa amin. Tama?”
“Oho,” sagot nito.
“Nanay Malia, nasaan ho pala si Richie? Hindi ko pa siya nakikita.” Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng lungkot, kasi ’di ko pa nakikita ang bibong batang iyon. Isa pa man iyon sa gusto kong makita.
“Ah! Si Richie, sinabihan ko na maligo siya at mag-ayos na ng mga gamit niya,” sagot niya. Nagtatakang tiningnan ko siya.
“Bakit ho? Saan siya pupunta?” tanong ko, may kuryusidad sa boses.
“May mag-aampon na kasi sa batang iyon.” Bumagsak ang balikat ko. Parang ayokong may mag-ampon kay Richie.
Kahit na alam kong magiging maganda ang kinabukasan niya, kung may tatayong mga magulang niya. Mabibigyan siya ng pangalawang pagkakataon upang magkaroon ng pamilya. Pamilyang magmamahal sa kaniya. Sana nga lang ay mabuting tao ang aampon sa kaniya.
“Ate Nana! Ate Nana!” Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Napangiti na ako nang makita ko na ang batang hinahanap ko.
“Richie!” Lumuhod ako sa damuhan upang yakapin siya.
Napangiwi lang ako nang humigpit ang yakap niya sa leeg ko. Bihis na bihis na rin siya at may backpack pang nakasukbit sa balikat niya. Ang pabango niya ay parang ibinuhos niya lang sa katawan niya.
“Na-miss po kita, Ate Nana!” masayang bulalas niya. Mayamaya lang ay narinig ko na ang paghikbi niya. Natawa ako.
“Ako rin naman, e,” sabi ko at hinagod ko ang likod niya. “May mga magulang ka na raw. May mag-aampon na sa Richie namin. Masaya ka ba, ha?”
.
Hinarap niya ako at sunod-sunod pa rin ang pagtulo ng mga luha niya. Pinunasan ko iyon. Ang tagal din kaming hindi nagkita at totoong si Richie lang talaga ang malapit ang loob sa akin.
“Opo, Ate Nana. Sobrang saya ko po, kasi makikita na kita palagi.” Natigilan ako sa sinabi niya. Tiningnan ko si Leon.
“Ano’ng ibig niyang Sabihin? Sino ang umampon sa kaniya, Leon?” nagtatakang tanong ko.
Lumuhod din siya sa tabi ko at marahan na hinaplos ang ulo nito. “Si mommy ang umampon sa kaniya,” sagot niya at namimilog ang mga mata ko sa gulat.
“Talaga?! Eh, ’di magiging kapatid mo na rin siya?” Tumango siya sa tanong ko. “Pero bakit naman siya aampunin ng mommy mo?”
“Mom likes him. Nakita ang litrato niya kasama na ang mga bata rito. She asked me kung puwedeng ampunin si Richie and as far as I remember, itong bata na ’to ang malapit ang loob sa iyo,” sabi niya.
“Tama, masaya ako na sa mommy mo siya mapupunta, Leon. Hindi na ako mag-aalala pa. Dahil alam kong nasa mabuting kalagayan siya mapupunta.”
“Sasama na po ako ngayon sa inyo para makita ko na rin po ang bago kong mga magulang?” sabik na sabik na tanong nito.
“Yes, buddy.” Tuwang-tuwang tuloy siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top