CHAPTER 26
Chapter 26: She's awake
"SON, what if umuwi ka muna?" Inilingan ko si mommy nang mag-suggest siya na umuwi na muna ako sa bahay.
I knew she just wanted me to get some rest, as I've had sleepless nights for a while now. I only get two hours of sleep in the morning. I also filed a leave from work. Kailangan ko na nga raw bumalik pero ayokong iwan dito si Dainara.
"Mom, ayos lang po ako," sabi ko at hindi ko pinansin ang suhestiyon niya. Simula nga nang mangyari ang trahedyang iyon ay ni minsan hindi na ako nakauwi pa sa bahay namin.
Ang aking ina na lang ang nagdadala sa akin ng bagong damit ko, tapos iyong marurumi ay inuuwi na rin niya. Gusto ko kasi na kung magising din si Dainara ay nasa tabi niya rin ako.
Mahaba pa ang pasensiya ko, hihintayin ko siya ano man ang mangyari at dito lang ako. I don't want to leave her.
"Ikaw ang bahala, son. Sige uuwi na muna ako, ha?" paalam niya. Humalik pa siya sa pisngi ko. Ihahatid ko pa lang sana siya nang bumukas ang pinto at iniluwa roon si Dad. "Umuwi na muna tayo, hon."
Tumayo ako. Nilapitan ni mommy ang aking ama. Hinalikan niya rin ito sa pisngi.
"Magpakatatag ka lang, anak," ani dad. Bahagya lang along tumango.
"Mag-ingat po kayo."
"Maligo ka, son. Nandiyan ang bagong damit mo. Para naman fresh ka. Nang sa gayong ay hindi maamoy ni Dainara iyong kilikili mong nangangasim na."
"Mom, wala naman po akong putok at kahit wala pa akong ligo ng isang linggo ay mabango pa rin ako," biro ko at napailing siya. Ngunit may ngiti na sa labi niya.
"Nagbibiro lang ang mommy mo, Leon. Kahit noong bata ka pa ay paborito niyang amuyin ang kilikili mo. Pawisan ka pa at mahilig magbabad sa araw," singit ni dad na ikinatawa ko.
"Bye, son. See you tomorrow. Magluluto ako ng dinner mo, ipapadala ko mamaya." I nodded.
Naiwan na naman ulit ako. Ngumiti pa ako sa natutulog kong prinsesa. Hinalikan ko ang noo niya saka ako kumuha ng tuwalya para makaligo na ako sa banyo.
Noong pumasok na ako ay nakarinig pa ako nang mahinang ungol, pero hindi ko nabigyan nang pansin iyon. Dahil tuloy-tuloy lang ako sa pagpasok sa loob ng banyo.
Ilang minuto ang itinagal ko ay natapos din ako. Tinapis ko sa baywang ko ang aking tuwalya saka ako lumabas. Magtutungo sana ako sa sofa dahil nandoon ang isang bag ko na dala ni mommy, pero napasulyap ako sa kama.
Lumakas ang kabog sa dibdib ko na parang masisira pa ang eardrums ko. Dahil kaliligo ko lang ay mas lalo akong nanlamig. Nag-iinit ang sulok ng mga mata ko.
The hospital bed is empty now; the woman who was there is gone. I can't hear her heartbeat on the monitor anymore.
When I turned my gaze to the left side of the private room, I saw the woman I was looking for, who was lying on the bed just a while ago. She was standing in front of the wall mirror with the curtain open, as I had intentionally left it. She still had an IV line attached to her wrist and was holding onto it.
Dahil naka-side view lang siya ay ang matangos na ilong niya ang una ko ring nakita. Nanginginig ang mga kamay at binti ko. Gusto kong lumapit sa kaniya pero nag-aalangan ako, kasi ayokong maabala kung ano man ang tinitingnan niya ngayon.
But I can't help uttering her name. "Dainara." Dahan-dahan siyang bumaling sa direksyon ko nang marinig ang boses ko.
Ang mga luha ko na kanina pa nagbabadyang tumulo ay hindi ko na napigilan pa.
Her face may be pale, her lips devoid of color, and her frame slender, she remains the same. She's still beautiful, unchanged. She's still the woman who makes my heart skip a beat, the one who caused my abnormal heartbeat from the very first glance.
Mas lalo akong nahulog nang ngumiti siya sa akin. Sa wakas, nakita ko ulit ang magandang ngiti na iyon. Na gustong-gusto kong makita pagkatapos nang trahedyang iyon. Hindi pa rin ako nabigo.
"Leon," malamyos ang boses na sambit niya sa pangalan ko. Mahina man na halos hindi na marinig ay hindi pa rin iyon nakatakas sa aking pandinig.
Kahit hindi pa ako nakapagbihis, na tanging tuwalya lang ang saplot ko sa katawan ay binalewala ko iyon. Malalaki ang bawat hakbang ko para lang makalapit sa kaniya.
Maingat na ikunulong ng mga palad ko ang magkabilang pisngi niya. Siniil ko nang mariin na halik ang mga labi niya bago ko siya niyakap. Iyong klaseng yakap na punong-puno ng pananabik, may kahigpitan man ngunit sa paraan na hindi ko siya masasaktan. Umaalog ang balikat ko at kumawala sa bibig ko ang hikbi.
"Dainara," sambit ko sa pangalan niya. Yakap-yakap ko na siya, ramdam na ramdam ko ang mainit niyang katawan. Ang banayad na paghinga niya.
Gising na ang babaeng mahal ko.
DAINARA's POV
Titig na titig sa akin si Leon. Ayaw niyang ilipat sa ibang direksyon ang kaniyang tingin. Ang paraan niyon ay parang mawawala ako at ayaw niyang mangyari iyon.
Hinaplos ko ang panga niya at nginitian ko siya. Tumulo lang ang mga luha niya. Ito ang pangalawang beses na nakita ko siyang ganito. Umiiyak nang dahil lang sa nagkamalay na ako.
Tandang-tanda ko pa ang unang araw na tumapak ako sa Manila at doon nagsimula ang trahedya sa buhay ko. Iyak nang iyak si Leon.
Ngayo nga ay nagising na ako, unang bumungad din sa akin ay Manila. Nagawa kong tumayo dahil gusto kong makita.
Tapos na akong sinuri ng doktor. Dumating din ang mga magulang niya. Sinabi niyang nagkamalay na nga ako.
"I love you but Dainara, I'm hurt and frustrated. You've been cruel to me. Pinag-alala mo rin ako. You've been asleep for almost four months, and now you're awake. Dapat bumawi ka," sabi pa niya. Umaalog pa rin ang balikat niya. Hindi siya titigil kung hindi lang dumating ang mag-asawa-ang mga magulang niya.
"Mom, gising na po si Dainara." Lumapit pa siya sa kaniyang ina at yumakap. Nakangiti lang ako kahit nahihiya ako sa mga magulang niya. Ngayon ko lang kasi sila nakita. Kinakabahan ako sa presensiya nila.
"Hi. I'm Charlendia Corteza. Leon's mother, and this is her father. Leorando," nakangiting pagpapakilala ng ginang. Napakaganda niya, mukha naman siyang mabait. Tapos ang tatay ni Leon ay kamukhang-kamukha niya. Nakuha siguro niya ang pagiging seryosong nito, ngunit wala akong nababasa na pagkaisktrikto.
"Hello po. Kumusta?" bati ko sa kaniya. Ngumiti rin ako. Mas lumapit pa sa 'kin ang ginang. Umupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ko. Ang lambot at napakainit.
"Mas maganda ka pala kapag nakabukas ang mga mata mo. Na hindi ka tulog. Alam mo ba, hija? Alalang-alala sa iyo ang unico hijo ko." Tiningnan ko pa ang anak niya. Nagpupunas na ito ng luha niya. Nang maghinang ang paningin namin ay sumilay na naman ang matamis niyang ngiti. Punong-puno na ng saya ang kaniyang mga mata.
"Alam ko po, Ma'am. Dahil nararamdaman ko po at naririnig ko ang bulong ng pag-ibig niya," malumanay na sambit ko. Sukat niyon ay nag-iwas siya nang tingin. Nakita ko ang pagpula ng pisngi at leeg niya.
"Tawagin mo na lang ako tita, hija. Tito naman sa asawa ko," aniya.
"Napakabuti niyo po. Wala pong duda na sa inyo nagmana ang anak niyo," sabi ko na ikinatango niya.
"Hija, huwag ka nang matulog ulit. Halos maging pasyente na rin dito ang aming anak," sabi naman ng ama ni Leon. Magkasing tangkad lang sila. Malaki rin ang pangangatawan nito.
"Hindi na po. Hindi ko na po siya hahayaan na masaktan at umiyak nang dahil lang sa akin." Napamura ito kaya mabilis siyang nasita ng kaniyang ina.
"How are you feeling, hija?" Hinawakan ko ang dibdib ko, kung saan naalala ko na rito ako tinamaan ng baril. Tama, bala ang naramdaman kong bumaon noon sa aking dibdib. Ngayon ay wala na akong nararamdaman na sakit.
"Magaling na po ang sugat ko, Tita," sagot ko.
"Naalala mo bang..." Nag-angat ako nang tingin nang magsalita siya. Tila alam ko na ang sasabihin niya. Kasi noong binalingan ko ang anak niya ay muli itong napaiwas nang tingin.
Dahan-dahan na akong tumango. "Siguro po, hindi siya para sa amin kaya agad siyang binawi," malungkot na sabi ko at bumaba naman ang isang kamay ko sa bandang tiyan ko. Na parang nandoon pa ang magiging anak namin sana ni Leon.
"I'm sorry for your loss, Dainara. But the important is, hindi ka sumuko. Lumaban ka pa rin at hindi mo hinayaan na habang-buhay malulugmok sa kalungkutan ang anak ko. Mahal na mahal ka talaga niya," wika niya.
Tumango ako. "Iyon po ang mahalaga, Tita."
Nanatili ang mag-asawa. Bumili pa si Tito Learando ng pagkain. Puwede naman daw ako kumain, e. Inaasikaso ako ni Tita Charlendia. Samantalang si Leon ay nanonood lang sa amin.
Nangingitian kami kapag napapatingin kami sa isa't isa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top